Agad akong napatalikod sa gawi ng lalaking kapapasok lang na kasalukuyang nag-oorder. Hindi rin naman agad nakakilos si Sab dahil sa biglaang pagdating ng lalaki.
"Kilala ka ba niya?" Bulong niyang tanong sakin.
"Hindi ko alam, malay ko bang tinitingnan niya ang mukha ko habang nag-sesex kami? All i know is we both drunk that time!"
"Paano kung nakilala ka niya Sef, what will you do?"
Praning niyang tanong. Wala naman talaga akong pakialam kung makilala niya ako o hindi. Ang pinoproblema ko lang ay baka malaman nina Daddy ang lahat! Hindi pwedeng mangyari iyon! Baka kung ano pa ang isipin nila kung bakit magkakilala kami niyan'g lalaking iyan! Hindi ko pwedeng sabihing may nangyari sa amin! Isang malaking kahihiyan yun!
"Basta! Bahala na!" kabadong sagot ko sa kanya.Nakita namin siyang omorder ng tatlong coffee, i guess ite-take out niya. Mukhang hindi naman siya magtatagal dito sa cafe'. Nang matapos ang pagbili niya ay nagpalinga-linga pa siya sandali sa buong paligid."Umalis ka na hangal!" bulong ko sa sarili ko. Masyadong tensyonado na ang pakiramdam ko. Dumagdag pa ang kaibigan ko na tumayo at nilapitan ito! Ano bang nasa isip ni Sabrina?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi man lang niya naisip ang magiging kapakanan ko!"Hi, Zadiel right?" pang bungad tanong niya. Hindi naman agad nakapagsalita ang lalaki dahil sa inasta ng kaibigan ko."Ahh, i know you, Oh! Syempre, you're a famous model in USA even here in Philippines! bakit mukhang takado ka pa?" dagdag niya."A-hh yeah! Im Zadiel, nice meeting you" pormal niyang pagpapakilala sa kaibigan ko. "Ow, I'm Sabrina, kailan ka pa dito sa Pilipinas?" "Just a week ago" simpleng sagot niya. Mukhang nababagot na siya sa set up nila ng kaibigan ko na ultimo parang gusto niya nalang umalis sa harapan ni Sabrina."Anyway, nice meeting you Zadiel, hope to see you soon. Let's bond sometimes! marami akong friends na girls, for sure magugustuhan mo ang isa sa mga yo'n." masayang saad niya. Hindi na rin naman nagsalita ang lalaki at agad na nagpaalam sa kaibigan ko."Oh my God! Sobrang gwapo naman pala talaga sa personal ng Zadiel na iyon! I think favorite ka ni Lord!" dere-deretso niyang saad habang inaayos ang upo."Tumigil ka nga! muntik mo na akong ipahamak kanina dahil sa paglapit mo don! Kung maaari nga lang sana ibaon ka na do'n sa kinatatayuan mo kanina, ginawa ko na!" inis kong sambit."Iniligtas pa nga kita kanina diyan, kaya dapat magpasalamat ka sakin!" "Wow, thankyou ah? kasi muntik na niya akong makita dito sa kinauupuan ko!" buti na lang nga talaga hindi siya lumingon sa pinanggalingan ng kaibigan ko."Ang sarap nga siguro no'n noh? Hayyyy sana maka experience din ako ng na-experience mo." she acts like she was daydreaming."Tumigil kana nga! sana nga sa ibang lalaki ko nalang nagawa iyon! Not with him! malay mo may girlfriend na yan o kaya fiance, eh di ako pa talaga ang mapapahamak?" "At least natikman mo naman. At isa pa, hindi ka na lugi do'n ah?" pagbibiro niya. Napailing na lang ako sa kanya. Even if i tasted him, hindi pa rin pwede. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan ng mga magulang namin ng dahil lang sa isang gabing katangahang nagawa namin'g dalawa.Hindi na rin naman ako nagtagal doon, nagpaalam na ako sa kaniya. Niyayaya ko siya para mag mall but she insist, may gagawin pa daw siyang mas importante, babawi naman daw siya sa sunod. Hindi na lang din ako nagpumilit pa. Palagi naman kami magkasama kaya okay lang, medyo nakakasawa na rin ang pagmumukha ng kaibigan ko."Hello Mom?" Sagot ko sa tawag ng Mommy ko. "Aalis kami ng daddy mo, we're going to Singapore. Naging biglaan lang ang lakad. Ikaw na muna ang bahala sa bahay dahil baka abutin kami ng ilang araw doon. Baka dumating ang kapatid mo galing probinsya, ikaw nalang muna ang umasikaso". "Mom, baka hindi na ako umuwi sa bahay, uuwi ako sa condo, linggo na bukas then the other day Monday na, ipagpapasok ko na sa opisina yun." pagdadahilan ko sa kaniya, which truth is ayaw ko lang talaga umuwi sa bahay dahil for sure pag nagkita kami ng kapatid ko ay iinisin lang ako no'n!"Okay, basta sabihin mo nalang kay Sevi na hindi ka makakauwi do'n, magsasabi naman sa'yo iyon. We also told him na wala kami sa bahay." wala na rin akong nagawa kundi ang sang-ayunan ang mga sinabi niya."Okay fine, mag-iingat kayo ni Daddy" nagpaalam na rin naman siya sa akin at pinatay na ang tawag. Dumeretso ako sa mall dahil may bibilhin ako. Hindi naman ako mahilig mag shopping pero kadalasan kasi pag may naiisipan akong bilhin ay napapadpad ako sa iba't ibang mall, kung saan ako dalhin ng mga paa ko.Nasa botique ako ng mga damit, hindi ko na maalala ang sinabi sakin ni Dad kung kailan gaganapin ang sinasabi niyang event. Maghahanap na lang ako ng formal para makasigurado na. Ayaw ko naman kumilos kung kailan kapanahunan na, masyadong gahol sa oras.Inabot ako ng ilang minuto bago makapili ng magugustuhan, but I choose a simple long dress na may slit sa hitaan, kulay maron siya na parang sinamahan ng red, i can't explain pero maganda siya sa paningin ko. I like the color though.Nagbayad na ako sa counter at kinuha ang mga pinamili ko. It's already 12 in the afternoon. Medyo nakaramdan na ako ng gutom kaya naghanap muna ako ng mga food chain na makakainan ko dito sa mall. Hindi naman ako maarte sa pagkakainan, but i prefer this than street foods. Sinasabi ng iba na masarap kumain sa ganoo'n pero i don't think na healthy yun. Hindi ko naman sa sinisiraan, ayaw ko lang talaga. But i salute all vendors there. Marangal na trabaho naman iyon at proud ako sa kanila dahil kahit hirap ang buhay, hindi pa rin sila tumitigil sa pagtatrabaho. Kahit simpleng hanap-buhay lang ito kung masasabi.Sa buddy's na ako nagtungo, sobrang gutom na rin talaga ako. I order some foods na. Nang maihain sa akin ay nilantakan ko kaagad ang mga ito. Nakikita ko ang iba na nakakamay, so I try. Maayos naman pala kung nakakamay, nakakakain ng maayos at tuloy-tuloy lang ang kain. Mas enjoy ang ganito. Gagawin ko rin to sa bahay para maiba naman. For sure kahit sina Mommy, mababaliwan sa ginagawa ko.Nangingiti at tahimik lang akong kumakain. Pero nakarinig ako ng mga nagbubulungan sa may tabi ko. I don't know kung ako ang pinag uusapan nila. Tiningnan ko sila at tataasan sana ng kilay nang makita ko na sa may pintuan sila nakatingin. Napatingin naman ako sa gawing tinitingnan nila. Kota na talaga ako sa ganito ah?Pero mukhang mapagbiro nga talaga ang tadhana at mundo, sobrang lawak naman ng Pilipinas pero bakit lagi nalang kaming nagkakatagpo ni Zadiel? Kung pinaparusahan man ako dahil sa isang gabing nangyari sa amin, napaka OA naman. Madami naman taong gumagawa no'n ah? Minsan nga inuulit pa nila! Bakit ba sa lahat na lang ng pagkakataon lagi kaming nagkakatagpo? Iisipin ko na talagang sinusundan niya ako!"Babe, sa restaurant nalang kase tayo kumain, hindi ba masyadong cheap dito? May mahihirap na kumakain dito, baka mamaya may bacteria pa silang dala at mahawaan nila tayo." maarteng sabi ng kasama niya. Hindi ko napansin ang babae, nalaman ko na lang na kasama niya iyon nang magsalita ito.
"Sheena, The food is okay here, one time na kumain ako dito sobrang nagustuhan ko kaagad. Lutong pinoy talaga lalo na iyong sisig na sinasabi nila!" sabi naman no'ng isa! So, nakapunta na pala siya dito? Hindi halata sa kaniya ah? Sa personality niya mukhang hindi siya makakahinga sa ganitong lugar dahil sa karangyaan niya, pero mukhang kabaliktaran ang lahat ng iyon. Napabuntong hininga naman ang kasama niya at wala na ring nagawa."Okay fine, basta kasama naman kita, ayos lang sa akin." malanding saad niya kay Zadiel. Napa irap naman ako sa sinabi niya. Mukhang higad. Eh di lumipat siya kung ayaw niya pala dito? Naghahanap na sila ng mapepwestuhan nang marealize kong sa may bandang kanan ko na lang walang naka upo. At hindi pa nga ako nakakaisip ng paraan kung paano ako makakaalis dito nang doon sila mismo dumeretso! Agad akong tumalikod para lang hindi nila ako mahalata! Ang hirap ng ganito, para akong isang kriminal na natatakot na mahuli ng mga pulis! Bakit kailangan pang maging ganito ang buhay ko? At bakit nga ba ako nagtatago? Kung hindi naman niya ako kilala? right? Dahan-dahan naman akong pumihit para ayusin ang upo ko ng gaya ng kanina. Tahimik lang akong kumakain at pinapakinggan ang ino-order nila sa waitres. Patuloy lang akong kumakain upang matapos at nang makaalis na rin ako sa lugar na ito! "That's all miss, thank you." rinig kong sabi ni Zadiel."Kailan ka uuwi ng USA babe?" malambing na tanong ng kasama niya. Girlfriend niya yata to'!
"Hindi ko pa alam Sheena, kababalik ko lang dito. At saka may event pa akong dadaluhan next week. Importante iyon, dahil nandoon ang Daddy ko."
"So mag-isa lang akong babalik ng America dahil magtatagal ka pa pala dito" tunog nagtatampo ng babae.
"Lagi naman tayo nagkikita, at pinuntahan mo pa nga ako dito sa Pilipinas oh, hindi pa ba sapat sa'yo yun?" masuyo namang saad ng lalaki. Nakakasuka ang usapan nila ah? "Zadiel gusto kitang laging kasama, ayaw mo ba non? Noong nandoon naman tayo pareho sa ibang bansa hindi ka ganyan." napasimangot na ang babae. "Gusto mo pa nga lagi tayong magkasama, tapos hindi ka pa makatiis at pinupuntahan mo rin ako sa condo ko.""Babawi nalang ako pag wala na akong kailangang asikasuhin dito sa Pilipinas, okay?" panunuyo niya."Basta babalik ka ah?" paninigurado naman no'ng babae."Sure" iyon lang ang tanging sagot ni Zadiel at saktong dumating na rin naman ang order nila.
Tapos na rin ako sa pagkain ko. Nagbigay narin agad ako ng bayad at dali-daling lumabas doon. Nang makalabas ako ay parang nakahinga ako ng maluwag. Sana ay ito na ang wakas! Hindi ko na talaga kakayanin ang mga nangyayari pa! Hindi pa man lang natatapos ang araw ay ang dami-dami na agad ang nangyari sa akin. Lord, magpapakabait na po ako basta wag lang ulit mag tagpo ang landas namin ni Zadiel! Kinuha ko ang susi ko at dali dali kong pinatunog ang sasakyan. Kailangan ko na rin magmadali dahil baka magkita pa ulit kami. Alam ko naman na mabait si Lord pero mas maganda na iyong nakakasigurado. Ngunit hindi pa manlang ako nakakapasok sa sasakyan ko ay may narinig na akong tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita kong hingal na hingal na lumapit sa akin si Zadiel! What the hell? Lord why? "Ahm, i'm sorry Miss, naiwan mo itong wallet mo sa may table. Pasensya na kung binuklat ko, I want to know kung sinong may may-ari. Buti kamukha mo ang nasa picture sa mga cards." namutla naman ako sa mga saad niya dahil hindi ko alam kung palusot niya lang iyon o talagang kilala niya ako. "A--hhh th-ank you. I h-ave to go." dali-dali kong hinablot sa kanya ang wallet ko at agad na sumakay ng kotse ko. Nakita ko pang nakatitig lang sakin ang lalaki. Pinaandar ko na ang sasakyan at napapikit na lang sa mga nangyari.May pakiramdam ako na kilala niya ako! Sana hindi! Parang hihimatayin na ako ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Kaya ko naman ayusin ang lahat pero parang ang hirap naman! It's just a f*cking sex Seferene Marien! Pinaharurot ko ang sasakyan ko para gumaan ang pakiramdam ko. Dumeretso ako sa condo at hindi sa bahay, bahala ang kapatid ko kung umuwi siya ngayon, may problema pa ako! Kung alam ko lang na magkakaganito ang lahat dapat nag-isip na muna ako sa kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap. Help me God! Please have mercy with me.Pagka uwi ko sa condo ay agad naman akong napasalampak sa sofa. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. I can't imagine why cupid always do this to me! Kung pinaglalapit man niya ang landas namin ni Zadiel, well, i will make sure na hindi siya magtatagumpay! At isa pa, may girlfriend na yung tao! Oh my God! Tapos nakipag sex ako sa lalaking iyon? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na ang isang sikat na modelo sa buong mundo ay may affair sa isang babae, at ako yun! Pareho lang kaming masisira! What a life! Naligo muna ako at nagpahinga lang. Wala akong ganang kumilos sa ngayon, magmumukmok nalang ako dito kaysa sabihin ito kay Sab at mag isip ng kung ano ano. Nahiga ako sa kama ng biglang tumunog naman ang cellphone ko. Nakita kong si Sevi ang tumatawag. "What?" "Ate I thought uuwi ka dito sa bahay? Sabi ni Mommy nandirito ka?" "Nakikita mo ba ako d
Hingal akong nakabalik sa private room na kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Napansin naman agad nila ang hitsura ko. "Oh anong nangyari sa iyo? Bakit parang tinira ka ng sampung kabayo diyan?" tanong ni Meg. Hindi ko man masakyan ang biro niya ay pinilit ko parin maging pormal sa kanya. Hindi pa rin talaga ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko anytime ay pwede akong masundan ni Zadiel dito. "Sef, ayos ka lang ba?" si Sab naman ang nagtanong. Kita ko rin ang pagtataka sa kanyang mukha. "A-hhh O-oo, okay lang ako, medyo may nagka rambulan lang sa labas kaya medyo natakot ako." pagdadahilan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo, pakiramdam ko ay nawala ang pagkahilo ko dahil sa nangyari. Naramdaman ko naman na kinublit ako ni Sabrina. "Ayos ka lang ba talaga? Parang hihimatayin ka na kanina
Hindi man komportable ay nagpatuloy pa rin ako sa pag- e'exercise. Mabilis ko naman nasusunod ang mga sinasabi ng instructor sa amin, ewan ko lang sa kasama ko na wala na yatang ginawa kung hindi tingnan ang mga kilos ko. Medyo ilang man ay hindi ko na lang pinansin. What did he want? "Okay Miss Dezaga and Mr. Remejo, dito na lang muna natin tapusin ang work out, mukhang nakuha niyo naman agad pareho ang mga pattern. Good job for today! baka next time kaya niyo nang gawin ito without my help." pagbibiro niya at ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. "Thank you for this Zaggie, madami akong natutunan today." pagpapasalamat ni Zadiel sa instructor namin. "Nako! As if naman ngayon ka lang nag-gym pero, thank you rin Mr. Remejo sa pagtitiwala, anytime! you can count on me, huwag lang Sunday!" sabay naman tumawa ang dalawa. Hindi naman na akong nag atubiling magsalita pa
Sevi texted me that they already in the venue. Samantalang ako ay papunta pa lang. Nag aalala na masyado si Mommy na baka hindi ako sumipot. Pagsisisihan ko pa nga daw kapag nangyari iyon. As if naman makaka urong pa ako sa event na ito! Minsan lang naman ito mangyari sa buhay ni Dad kaya pagbibigyan ko na."Yes, i'm on my way na. Masyado lang praning yan si Mommy, akala mo naman hindi talaga ako dadalo. Nag 'oo' na nga ako kagabi diba?" masyado kasing mga oa!"Oo nga Ate, alam ko. Pero syempre, can you make it fast naman? Parang hindi kasi mapakali si Mommy, ayaw sigurong mapahiya." napahalakhak naman siya sa sinabi."Ok fine. On the way na ako. Ibababa ko na, nagmamaneho ako." paalam ko naman sa kaniya."Okay, take care. We'll wait for you here." at pinatay niya na ang tawag.Wala naman problema sa akin kung a-attend ako sa event. Ang inaalala ko lang talaga a
Hindi na siguro alam nina Daddy kung nasaan na ako naparoon. Basta iniwan ko lang si Zadiel doon ngunit alam ko naman'g nakasunod siya sakin. Dumeretso ako sa parking lot at huminga ng malalim ng makarating doon. Hindi pa ako humaharap sa gawi niya dahil alam kong anytime ay baka himatayin ako dito mismo sa kinatatayuan ko! Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay saka lamang ako lumingon sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "So what about that night?" tanong ko sa kaniya na hindi pinapahalata ang kaba. Nanantya naman ang tingin niya sa akin. Hindi alam ang sasabihin. This is what you want right Zadiel? Bakit parang ngayon hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? "Look, kung tungkol ito sa nangyari sa atin noong gabing iyon, wala na iyon sa akin. It's jus-t sex! Pareho lang naman nating kailangan yun?" nagkataon pang nautal ako sa salita ko! "K
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako makatanggap ng text. Agad ko naman binuksan ito at nangunot ang noo sa nabasa. Unknown number: It's me. Si Sabrina nga? Magrereply na ulit sana ako sa kaniya nang bigla ulit akong makatanggap galing din sa parehong numero. Unknown number: I'ts Zadiel, Sef. Para naman'g nabilaukan ako sa nabasa! Ano? Why did he text me? Paano niya nalaman na may sakit ako? And how did he know my fucking number? Wala naman sigurong magbibigay ng number ko sa kaniya diba? Or maybe Severino! Malalagot talaga sa akin ang lalakin'g yan! Nagreply na naman ako sa kanya! Me: Where did you get my number? Agad naman siyang nagreply! Kung kanina pinaghintay niya ako sa reply niya, ngayon naman ay parang naghihintayin na kami sa reply namin sa isa't isa!
Tuloy lang ang araw ko sa pagtatrabaho. Hindi na rin alintana ang pagod sa akin. Hindi ko naman nakalimutan kumain. Gaya ng dati ay nagpadala na lang ako ng makakain para sa tanghalian dahil madami pa akong tinatapos na trabaho. Natambakan kasi ako simula nu'ng umabsent ako kahapon. Wala naman'g ibang magaasikaso nito.Pahapon na rin ay agad na akong umalis sa opisina. Madali kong natapos ang trabaho sa ngayon. Nasalubong ko naman si Daddy sa elevator. Siguro ay pupunta na rin sa opisina niya."How are you feeling anak? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin."Okay naman na Dad, as you can see. Dahil kung hindi ay baka hindi naman ako pumasok ngayon sa opisina, di'ba?""Silly, I know it! I just want to make sure. Ayaw lang namin ng Mommy mo na mapaano ka." napangiti naman ako sa sinabi ni Dad. I know that he's concern and over protective with me. Kahit nama
"Dad, kahit 3 days lang." kausap ko si Daddy sa telepono habang kumakain ako ng umagahan."Okay, fine. Basta huwag kang magtatagal do'n. Bakit kasi hindi mo na lang patapusin ang buwan bago ka magbakasyon?""Oo nga noh?""Yes Seferene. Para hindi ka na rin mabitin sa bakasyon mo. I know you want to unwind. Hindi naman kita pinipigilan sa gusto mo.""Okay! Thank you Daddy! Tatapusin ko na lang muna ang trabaho ko.""Okay." iyo'n ang huling usapan namin ni Daddy. Nagpaalam ako sa kaniya kung pe'pwede ay magbakasyon ako ng ilang araw. Ito naman ang matagal ko nang binabalak. Masyado na akong lulong sa trabaho kaya naman I just want to give time to myself.Tinapos ko lang ang pagkain ko at umalis na ng condo. Ganoon pa rin ang takbo ng araw ko. Papasok ng opisina, magtatrabaho, kakain ng lunch, sasayangin ang
I was busy looking at my daughter while hard trying to tie her hair. Nandito kami ngayon sa kwarto habang hinihintay namin ang mag-aayos sa amin para sa gaganaping kasal namin ni Zadiel. This is the day that me and Zadiel will become as one. Hindi parin kami nagkikita simula kahapon dahil kasabihan na hindi raw maaari ang ganoon. Baka daw hindi pa matuloy ang kasal! As if naman marami pang naniniwala don'. Nasa tao narin naman iyon kung hindi nila itutuloy ang kasal. Basta kami ni Zadiel, mahal namin ang isa't-isa.Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas iyon. Masayang mukha ng babae ang pumasok dito sa aking silid."Hi Ma'am Seferene, ako po iyong make up artist na mag-aayos sa inyo ng anak niyo. Ako po ang pinadala dito ng mommy niyo." magalang niyang sabi sa akin habang inihahanda ang mga gagamitin para maayusan kami."Uhh right. Kanina ka parin namin hinihintay eh."
This will be the last chapter of this story. To all readers who reads the story of Zadiel and Seferene, I am very thankful to you all. Maraming salamat sa mga sumuporta at susuporta pa sa storyang ito. It might be this not your ideal story, but all along I am sincerely thankful to all of you. Sana basahin niyo parin ang kwentong ito hanggang sa katapusan!I love you Aleeeeys! ♥️ZADIEL JEREZON MERCADO REMEJOI want to fucking go home! I'm so tired being here! Being with her! Hindi ko alam kung bakit aabot kami sa ganito ni Sheena. Ni minsan hindi ko naramdaman na mararamdaman ko ito sa kanya. Wala na iyong saya, wala na iyong sigla, wala narin pati pagmamahal ko sa kanya. Alam kong isang kagaguhan ang lahat p
Maayos kaming nagpaalam sa mga magulang ko ganoon din kayna Lola Aurora at Lolo Mario. Hindi nila mapigilang mapaiyak dahil hindi manlang daw nila makakasama ng matagal ang kanilang apo. Pero nangako naman akong dadalawin sila sa probinsya para mabisita sila doon, dahil matagal narin na pahanon na hindi ako nakakapunta sa probinsya nila.Tahimik lang ako sa kotse at tanging pag-uusap lang ng mag-ama ang naririnig ko. Hinayaan ko nalang silang dalawang mag-usap, at ng mas makilala din naman ni Zadiel ang anak niya. Pero sa palagay ko naman ay madali silang magkakasundo."You're a model daddy?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lea sa ama niya, kahit si Zadiel hindi makayanan ang kakulitan at kadaldalan ng anak niya!Humaklahak muna siya bago sumagot. "Yes baby.""Wow! Mommy is also a model daddy! She'd always wear a different clothes everytime she has a fashion show!"Hindi ko alam kung alam ni Zadiel na pumasok ako
Maaga akong gumising upang tulungan sina Ate Ana at manang sa pagluluto. Sa loob ng pitong taon na pananatili ko sa London ay nakasanayan ko narin magluto dahil narin kay Lola Ellen at lolo na tinuturuan ako. Hindi man ako masasabing magaling talaga pagdating sa pagluluto ay pinag-bubutihan ko naman.Kahit sina Lola Aurora ay hindi ako pinapayagan na magluto kesyo kinakailangan daw ay ako ang pagsilbihan nila. Pero hindi ako pumayag na ganoon nga ang maging sistema. Hindi naman kami iba sa isa't-isa para magturingan kami ng ganoon.Alas-singko palang ng umaga ng madatnan ko sila Ate Ana na nag-aasikaso sa kusina kaya hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili. Tulog pa silang lahat at alam kong maya-maya lang ay gigising narin. Mamaya ko nalang pupuntahan ang anak ko sa kanyang silid."Naku naman Sefe sinabi na nga namin na kaya na namin tong' pagluluto, mabuti pa'y umakyat ka nalang muna sa taas at magpahinga pa." natawa naman ako sa inast
Hindi alam ni Zadiel kung makakaalis pa ba siya dahil pilit siyang hinahapit ng kanyang anak. Kung hindi ko pa sinabi na may kailangang ayusin ang daddy niya, hindi niya talaga paaalisin."It's your decision anak, malaki ka na. Wala na rin naman kaming magagawa kung ano ang magiging plano mo. Basta palagi kaming susuporta sa kung anong desisyon mo." si daddy habang nag-uusap usap kami tungkol sa sinabi ni Zadiel. Pinaliwanag ko sa kanila ang desisyon ni Zadiel at ito ang tanging sagot nila sa akin."Sef, matagal na namin alam ng daddy mo na walang pamilya si Zadiel, hindi na namin sinabi iyon sa'yo dahil wala kami sa lugar. Because in the first place, it's your problem. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ni Zadiel labas na kami doon, kahit minsan ay nagalit kami kay Zediel. At ngayon naman na maayos na ang lahat para sa inyong dalawa, hahayaan ka na namin ng daddy mo na magdesisyon. You deserve happiness anak, at piliin mo kung ano a
Mabilis din akong umuwi matapos ang interaksyon namin ni Zadiel. Hindi siguro madali sa kanya na malaman na may anak kami, pero sana naman huwag niyang maisipan na itanggi ang anak niya. Alam ko naman na nagulat din siya sa mga nangyari kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya. Hahayaan ko nalang munang makapag isip-isip siya at saka ko nalang ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Ang dapat ko ngayong makausap ay ang aking anak."Mommy!" patakbo at pasigaw na salubong sa akin ng anak ko."Kanina ka pa talaga hinihintay ng bata na yan, hindi na mapakali. Nag-tanghalian ka na ba Seferene? At ipaghahanda kita.""Sige po La."Umibis narin naman si lola upang talikuran ako. Humarap ako sa aking anak na nakapulupot parin ang mga braso sa aking binti."Di'ba sabi ni mommy na mabilis lang ako? Dapat hindi ka umiiyak dahil kasama mo naman sina Lola at babalik din ako.""I'm sorry Mommy, I can't stop thi
Gulong-gulo ang isipan ko dahil sa mga nalaman at narinig mula kay Zadiel. Paano nangyari yun? Umalis ako dito na ang alam ko ay anak niya ang dinadala ni Sheena."W-what? I can't believe you Zadiel, kung ginagawa mo lang ito para magkabalikan tay----""Totoo lahat ang sinasabi ko! Sheenly is not my daughter. Kaya kong ipaliwanag sa'yo lahat basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon na pakinggan mo."Kitang-kita ang pagmamaka-awa sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya tungkol dito. O baka ginagawa niya lang ito dahil gusto niyang magkabalikan pa kami! Pero wala naman masama kung pakikinggan ko siya. Baka ngayon, kaya ko na siyang pakinggan sa mga eksplenasyon niya."Okay, I'll listen."Nakita kong gumaan ang paghinga niya at nagningning ang mga mata.Umupo ako sa mahabang sofa upang doon siya pakinggan sa kanyang pagpapaliwanag. Humarap ako sa kanya upang
Hinayaan ko lang na magpahinga si Zadiel sa aking condo. Hindi ko alam kung alam niya ang mga sinasabi at ginagawa niya kanina. At kung alam niyang nandirito siya sa condo ko. Mag-tatanghali palang at bakit naisipan niyang maglasing? Isa lang talaga ang naiisip ko, siguro nag-away sila ni Sheena. Hindi ako basta-basta maniniwala sa sinabi niya sa akin kanina. Kahit pakiramdam ko ay may kakaiba akong naramdaman sa sinabi niyang iyon."Hello lola? Ano pong ginagawa ni Zellea diyan?" tinawagan ko muna sina lola dahil hindi pa ako nakakauwi ng bahay."Okay lang naman siya dito apo, heto at naglalaro sila ng lolo mo dito. Anong oras ka ba uuwi? Ang mommy at daddy mo ay wala parin baka daw mahuli sila sa pag-uwi.""Ahm hindi ko pa po alam kung anong oras ako uuwi lola eh, pwede po bang pakibantayan nalang si Zellea hanggat wala pa po ako? At kung sakaling mauna sa akin sina Mommy at ang kapatid ko, paki-sabi po na nasa condo a
Nang kinaumagahan ay nagbalak akong bumisita sa kompanya. Matagal na panahon na hindi ko na napupuntahan iyon. Sa palagay ko naman ay karamihan sa mga empleyado noon ay nandoon parin."Mommy can I come with you please?" pamimilit sa akin ng anak ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi siya pwedeng sumama sa akin. Maraming makiki-intriga kung sakaling makita siya ng maraming tao. Paniguradong maraming haka-haka na naman ang lalabas kapag nakita nila ang anak ko."Ahm baby, I take you some time. Babalik din naman agad ako. Sina Lola Aurora muna ang magbabantay sa'yo dito okay? Just wait for me here. I'll be quick.""But I want to see Papa's company Mommy!""Zellea huwag nang makulit okay?""But Mom---""I'll be back promise. I love you baby! Huwag masyado magpapa saway kayna Lola ah?" hinalikan ko nalang siya sa pisngi at dali-daling lumabas ng bahay. Mas la