QUINN’S POV
“This is Salviejo Grand Hotel, we would like to inform you that you can start your job this Monday. You are hired as an EA of Mr. Charlton Salviejo,” the lady said formally on the phone.
Napatakip ako ng bibig gamit ang palad ko. Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o ano.
“You… you mean executive assistant?” paninigurado ko.
“Yes, ma’am.”
“I… I didn’t apply for EA position,” sambit ko na parang hindi pa nagustuhan ang balitang natanggap.
“But your profile is suited for EA position. That’s our boss wants,” she answered patiently.
“O-okay. Thank you,” wala sa sariling sagot ko at nawiwindang pa rin sa nangyari.
Dapat ba akong matuwa o matakot?
It’s okay, Quinn. Hindi naman si Denver ang boss mo diba? Hindi siya!
MONDAY WHEN I started working in the Grande Hotel of Salviejo, naging maayos naman ang takbo ng araw ko. Dapit hapon ang pagdating daw ng boss ko na si Charlton Salviejo. Ang sabi ay nasa flight pa ito at papunta pa lang ng Grande Hotel.
Ilang segundo lang ay pinatawag na rin ako at pinapasok sa opisina nito. Namangha ako sa ganda ng interior design pagpasok ko dahilan para hindi ko mapansin ang magiging boss ko.
“Good afternoon,” he greeted that made me look at him.
Nahihiya akong ngumiti at niyukuan siya.
“Good afternoon Mr. Salviejo,” I muttered.
Pinasadahan ko ng tingin ang boss ko, he looks young, malayo sa akala kong edad nito. Siya ang lalaking kasama ni Denver nung makita ko ito nung isang araw dito sa Grande Hotel. He must be one of the Salviejo, Denver’s cousin to be exact.
“So you will be my assistant. Nice meeting you, Miss Quinn Rodrigo. I’m Charlton Salviejo, your boss,” seryosong saad nito at inabot sa akin ang isang notebook. “That’s my schedule, I want to inform you that your job is temporary. Naka-leave ang secretary ko dahil naaksidenti ito kaya naghanap muna kami ng papalit,” he explained formally.
Tinanggap ko ang notebook at binuklat iyun. His schedule is full, no wonder, he must be a busy man. Sa laki ba naman ng Grande Hotel, ang alam ko hindi rito ang main branch ng hotel.
“Mga ilang months po akong magtatrabaho sa inyo?” tanong ko.
Pinagsiklop niya ang dalawang palad nito at napaisip.
“Let’s say half of the year? Maybe 6 months, kapag nagustuhan ko ang trabaho mo maaaring bigyan kita ng position dito sa hotel. You can be a front desk clerk or something that will suit your credentials.”
Namangha ako at napangiti sa offer niya. Tumango ako habang nanatiling nakatayo. His stares are intense, tila ba sinusuri akong mabuti.
“You may leave. Just check my schedule and inform me if I have a meeting or business activities,” he said ending our conversation.
Yumuko ako muli bago lumabas ng pinto.
Umupo ako sa tabi lang ng entrance ng office ni Mr. Charlton habang binabasa ang schedule niya for this week.
PAGKAUWI KO NG apartment ay naabutan ko si Alexa na nagluluto ng dinner. Pagod akong umupo habang pinapanuod siya sa kanyang ginagawa.
“Ano? Kumusta ang araw mo? Guwapo ni Mr. Charlton, diba?” she asked excitedly.
“Kilala mo siya?”
“Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala,” ngising sagot niya.
“Wow,” I giggled and shook my head.
“Anong tingin mo sa kanya?”
Saglit akong napaisip.
“He is attractive, mukha siyang bata at mukhang mabait,” paglalarawan ko.
“Yeah. He is young, ang alam ko mas matanda si Denver kaysa kay Mr. Charlton kaya siguradong hindi nalalayo ang edad mo sa kanya.”
Natahimik ako saglit nang marinig ang pangalan ng kababata ko.
“Actually, I saw Denver in Grande Hotel with a woman, last last week,” pag-amin ko sa kanya.
Tinakpan niya ang kaldero at humarap sa akin.
“Anong bago doon? Lagi namang may babae yun. Alam mo, mas sasaya ako kung kay Charlton Salviejo ka nagkagusto. Mabait na, wala pang bisyo. Bisyo sa babae,” biro nito at tumawa.
Natawa na lang din ako.
“Pero walang balita na nagsasabing may girlfriend si Denver. Lagi lang may kasama,” pagtatama ko.
“Sige, depensahan mo pa. Halata namang babaero yan, biruin mo, kumukuha pa ng babae sa exclusive bar.”
Natahimik ako sa sinabi ni Alexa.
KINAUMAGAHAN ay naging maayos naman ang takbo ng trabaho ko kay Mr. Charlton, sa katunayan ay pakiramdam ko gusto ko ang trabahong ito. Kung pwedi lang sana na maging permanent job ko na ang pagiging EA ni Mr. Charlton.
Napaangat ako ng tingin dahil sa katok na narinig sa ibabaw ng desk ko.
“Nag-lunch kana?” Mr. Charlton asked with a smile on his lips.
“Hi-hindi pa po.”
“May pinaakyat akong pagkain dito, darating na yun in just a minute,” he said na glanced at his wristwatch. “Dalawa yun, sa iyo yung isa.”
I wonder if he is really like this to his employee. Ang bait niya namang boss.
Hindi ako agad nakapagpasalamat sa mangha, pumasok na ito sa kanyang opisina na hindi inantay ang tugon ko.
Napahilig ako sa upuan ko at sinulyapan sa salamin si Mr. Charlton na busy sa mga papel sa kanyang lamesa. He lifted his gaze and our eyes met, his lips formed into a mischevious smile after he caught me staring at him. Namilog ang mga mata ko at natarantang umiwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya!
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga papel na pipirmahan mamaya ni Mr. Charlton, yumuko ako para buksan ang drawer sa ibaba.
“Is your boss inside?” a cold baritone voice asked.
Napaangat ako ng tingin at namilog sa nakitang lalaki sa harapan ko. He is looking at his wristwatch kaya hindi niya ako napansin agad. I can’t see his eyes because he is wearing sunglasses, ngunit nang balingan niya ako ay ramdam kong natigilan din ito.
“He is inside, sir,” pormal kong saad at tumayo para pagbuksan siya ng pinto habang pinapanuod niya ang galaw ko sa likod ng mamahaling sunglasses nito.
Isang baling pa ang ginawa ni Denver sa akin bago pumasok sa loob na tila isang hari.
Bumuga ako ng hangin matapos maisara ang pinto. He stilled on his position, does he remember me the night in the bar? Of course, he did! Dalawang linggo pa lang ang lumipas, pero sa dami ng babae na nakakasalamuha niya ay baka makalimutan niya rin ako ng ganun kabilis.
Sumilip ako sa maliit na salamin at nakita kong prenting nakaupo si Denver habang kausap si Mr. Charlton.
“Miss Quinn, ito na ho yung pinapabiling lunch ni Mr. Charlton,” the woman said and put the box under my table.
Magsasalita pa sana ako pero agad na itong umalis. Ngayon ay naiwan akong tulala na nakatitig sa lunch na para kay Mr. Charlton ang isa at sa akin naman ang isa na inalok niya. Papasok ako sa loob at ilalagay ko lang naman ito sa lamesa, kaya mo yan, Quinn. Wag ka lang titingin sa kanila.
Napahilot ako ng nuo bago napagpasyahang tumayo dala ang dalawang supot ng plastic. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sabay silang napabaling sa akin. This time, Denver is not wearing his sunglasses anymore dahilan para mas lalong lumakas ang kaba ko.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Denver habang nakatitig sa akin.
“Yu-yung lunch niyo po, Sir Charlton,” marahan kong usal at tipid na ngumiti.
“Just put it under my table,” Mr. Charlton uttered while watching me carefully.
Dahan-dahan ko iyung nilagay, nagtataka kung bakit hindi nila maalis ang tingin sa akin. Lalo na si Sir Charlton na mukhang hinihintay akong matapos sa ginagawa. Hindi ko na sila binalingan pa at tumalikod na.
“Quinn,” Mr. Charlton called me so I turned around to face him. “This is Denver Salviejo, my cousin… The CEO of Salviejo Grande Hotel,” pakilala nito dahilan para mapunta ang tingin ko kay Denver.
Mayabang na ngumisi ito at dinilaan ang pang-ibabang labi. Paano siya naging CEO? Mas mukhang CEO pa nga itong si Mr. Charlton sa kanya.
“Nice meeting you, Mr. Denver Salviejo,” marahan kong bulong sa kanya at yumuko.
He titled his head on the right side while his lips is puckered, naglalaro ang ngisi sa labi nito nang iangat ko ang tingin sa kanya.
“You are?” tanong nito.
“She is Quinn, my tempory EA. Nabalitaan mo naman ang nangyari kay Mrs. Nessi, hindi ba? Pansamantala lamang siya,” si Mr. Charlton na ang sumagot.
Kung CEO si Denver? Saang kompanya? Maraming negosya ang mga Salviejo, kaya anong kompanya ang pinapatakbo niya?
“Dapat lang. Tapat at mapagkakatiwalaan si Mrs. Nessi, hindi siya pweding tanggalin dito sa hotel. Siguraduhin mo lang na kapag maayos na siya ay may position pa itong mababalikan,” makahulugan at seryosong usal ni Denver.
Hindi na lamang umimik pa si Mr. Charlton at sinulyapan ang nilagay kong lunch niya sa ibabaw ng lamesa. Akmang aalis na sana ako muli nang tawagan na naman ako nito.
“Sayo yung isa, hindi ka pa nag-lunch, diba?” concerned nitong tanong.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Denver at pagak na natawa. He puckered his lips and looked at his cousin meaningfully. Habang ako ay hindi alam kung susunod ba sa sinabi ng boss ko.
“Kilala mo ba ang babaeng yan?” makahulugang tanong ni Denver at mabilis na tinapunan ako ng tingin.
Tila nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Si Mr. Charlton naman ay nagtatakang napatingin sa pinsan niya.
“Bakit, magkakilala ba kayo, Denver?” seryosong tanong nito.
“You’re offering her a lunch like you’ve known her for so long,” pagak itong tumawa at muli akong sinulyapan. “Hindi ko siya kilala, to answer your question.”
Mabilis kong kinuha ang isang plastic at agad na lumabas. Hindi na nais pang marinig ang sasabihin ni Denver sa akin.
He remembers me. Pagak akong natawa. Nakaya niyang maalala ako dahil sa isang gabing nangyari sa amin ngunit hindi niya makayang alalahanin ang sampung taon naming pagsasama sa shelter.
QUINN’S POVSa sobrang inis ko ay dumiretso ako sa restroom para kalmahin ang sarili. Lalabas pa lang ako nang pumasok sa loob si Denver na ikinagulat ko ng husto. Mapaglaro ang ngisi sa labi nito nang lapitan ako.Agad akong napaatras sa di malamang dahilan.“What are you doing here? At nakapasok dito?” iritado niyang tanong at mas lumapit sa akin.Tinapatan ko ang inis niyang mukha ng matalim kong titig sa kanya.“Because I’m qualified of the Hotel’s standard. Hindi ba isa kang businessman, dapat mo rin yan,” nang-uuyam kong saad dito. I was about to walk out but he automatically grab my wrist and made me faced him.“Resign,” madiin niyang utos na ikinamangha ko. “Ayoko ng dumi sa negosyo ko.”Mariin akong napapikit habang kinakalma ang sarili ko.
QUINN’S POV INIS NA INIS akong pumunta sa table ko at padabog na umupo roon. Ngunit napatayo rin agad nang namataan si Sir. Charlton na papalapit sa akin. He smiled after seeing my annoyed face and heavy movements. Niyukuan ko siya at nahihiyang ngumiti. Ano ba naman, Quinn. Wala kana bang ibang alam kundi kapalpakan at kahihiyan? “Naghihintay po sa inyo sa loob si Mr. Denver Salviejo,” paalam ko agad sa kanya at akmang bubuksan ang pintuan para sa pagpasok niya ngunit nagsalita ito. “Again?” he uttered like there is something unusual happening with his cousin. Tumikhim ako at hindi na umimik pa ‘tsaka binuksan na nga ang pintuan. Napangiwi ako nang madatnan doon si Denver na nanatiling nakaupo sa swivel chair ni Charlton maski nakita na niya ang may ari ng opisina na papasok. How rude and unrespectful. Napailing na lang ako, dismayado mga natutuklasan na pagbabago
QUINN’S POVPabalik-balik akong naglalakad sa loob ng sala namin ni Alexa habang siya ay pinapanuod ang ginagawa ko. Hanggang sa narinig ko ang iritado nitong buntong hininga. Agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang kamay nito.“Tingin mo totoong nawala ang alaala niya? Kaya ganun na lang ang turing niya sa akin?” I asked.“Malamang. Alangan namang nagsisinungaling si Sir Charlton, tsaka totoong na-ambush ang sinasakyan noon ng isang Salviejo, nabalita iyun pero hindi ko alam na si Denver pala ang tinutukoy sa balitang yun.”I calmed myself and get excited for unknown reason.“What if he remembers me, you think we still have a chance?” I asked excitedly.Napakamot si Alexa sa buhok niya at tila nag-aalangan sa isasagot.“Makinig ka, Quinn. Walang kasiguraduhan ang sagot sa tanong mo, kung t
QUINN’S POV Tumikhim ako bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina ng CEO. Pagkapasok ko pa lang ay agad ng napaangat ang tingin ni Denver sa akin, binaba nito ang papel na hawak at sinuri ang suot ko hanggang sa bumalik muli sa aking mukha ang kanyang mga mata. “Approved na ang pag-transfer mo dito?” may bahid na panunuya ang boses niya. “That fast? Akala ko matatagalan at magkakaproblema pa.” Nilapag ko ang isang document sa ibabaw ng lamesa niya. “Pirma niyo na lang ho ang kailangan… Sir Denver,” I mumbled and glanced at him. Tumaas ang isang kilay nito sa huling sinabi ko at tipid na napangiti. “Alright.” Nagsimula na siyang pumirma habang ako ay nanatiling nakatayo sa harap niya, hinihintay siya at naiilang sa sobrang tahimik. “Na-tour kana ba sa buong building?” biglang tanong nito sa kalmado at malalim na boses, malayo sa lagi ni
QUINN’S POVDAHAN-DAHAN kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Naabutan ko roon na abala si Denver at tila maraming inaayos na mga papel sa ibabaw ng kanyang lamesa. Napasulyap ako sa mga maleta na nasa gilid ng lamesa nito, dahilan ng pagguhit ng katanungan sa aking mukha.“Sir?” I uttered, pinaparamdam ang presensya ko.Umangat ang tingin niya sa akin ngunit agad ding binalik sa lamesa niya ang atensyon. He pointed the seat in front of him without taking a glance at me.Umupo ako habang hawak ang malapad na notebook na siyang nakapaloob lahat ng schedule niya.“Cancel all my plan this week, call them at ipalaam mo sa kanila na lahat ng concerns will be directly connected to Charlton Salviejo.”“Okay po.”
QUINN’S POVAFTER I GO out in the car, I roamed my eyes around the area. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit lang itong area sa shelter na kinalakihan namin ni Denver. Sa liit ng probinsya, there is no way that we won’t see familiar faces here.“I already reserved you a room in Rela Resort.” Napalingon ako sa likod ko, kakababa lang ni Denver suot ang mamahaling sunglasses nito.I gave him space para mas lalong mapagmasdan ang building na inaayos ng mga laborers. He is watching carefully, so perfect that I don’t have the courage to interrupt him.“Room? How about you po, sir?” Hindi ito umimik at nanatili ang pagmamasid sa building, lalo na sa mga tao na nagtatrabaho. “Trabaho ko po yun, hindi niyo trabaho—““I’ll be staying here. Sa r
QUINN’S POVBUMABA AKO sa Rela Resort na sinasabi ni Denver. Dala ko na ang mga gamit ko na dumiretso sa counter. They asked my details before giving me my room number. Matapos kong ayusin ang mga gamit ay lumabas ako para magpahangin at kumain.Hindi ko maiwasan na ikumpara ang Molino noon sa ngayon. Marami na ngang nabago, mas nag-improve ang estruktura. Hindi nga lang ganun katulad sa syudad, ngunit hindi rin ganito ang inaasahan ko. Marami na ang dayo, mukhang marami ring magagandang lugar na puntahan dito.Napunta ako sa open-area na restaurant. The ceiling and floor are made of woods, makintab na kulay ng kahoy. From the chair to the tables, all made of woods. Dumating ang order kong sandwich at juice sa gitna ng pagmamasid ko sa kalmadong dagat.“Here’s the bill, ma’am,” the waiter uttered.
QUINN’S POVNANG BUMABA ako ng sasakyan ay agad kong namataan si Engineer Chan na naghihintay sa amin ni Denver. I saw him automatically glanced at my legs, but this time I am wearing jeans. Agad akong napasimangot at napiling na lamang sa isip. Denver was right, itong intsek na ‘to ay may pagkamanyak!I stood on the side to give way for Denver na lumabas. He smilr proudly like victory is on his hands, makahulugan niya akong pinasadahan ng tingin at ngumisi.I was left annoyed. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinara ang pinto at sumunod sa kanilang dalawa. I’m still bothered by the thoughts of Mama Linda knows something about my family. Hindi ko alam kung tama pa bang ipagpatuloy ang paghahanap sa kanila at ang pagbabalik ng alaala ni Denver. Minsan iniisip ko, bakit hindi na lang ako manatili rito? Alagaan si Mama Linda.&l
QUINN’S POV “Totoo?” marahan niyang tanong at hinila ako papalapit sa kanya. I swallowed hard when our eyes met. Ang puso ko ay nagsisimula na namang magwala. Halos rinig na rinig ko dahil na rin sa tahimik na namuo sa pagitan naming dalawa. I wonder if he can hear my loud heartbeats for him. “Quinn… totoo ba ang sinasabi mo?” he asked seriously that it seems a big deal to him, that it affected him. “Sinabi ko naman sayo diba, ikaw lang ang paniniwalaan ko… and I believe your words.” Hinawakan ko ang kuwintas na suot ko at pinakita sa kanya. “It was just a promised, Denver. Don’t worry, hindi na rin naman iyun mahalaga sa akin. Halos ilang taon na ang lumipas. Marami nang nagbago sa mga nagdaang taong iyun.” His jaw moved, gayundin ang adam’s apple na gumagalaw sa bawat rahan ng paglunok nito. “And what about this necklace?” he touched the rose pendant that made me flinched when his fingertips touches my bare skin. “This is your proof of your promise.” Tinignan ko siya sa mga
QUINN’S POVMAHIGPIT AKONG napakapit sa baton nang dumaan ang malaking alon. Namamasyal kami ni Kate sa burol, ngunit dahil ito ang pinakamalapit na daan ay ang daanan sa gilid ng dagat kung saan may mga bato na madadaanan kahit papaano ay dito kami nagdesisyon dumaan sa pag-uwi.“Humawak ka nang mahigpit, Kate.” Tinignan ko siya at nakita kong nahihirapan ito ngunit ang mukha niya ay matapang at walang takot binabaybay ang malalaking bato.“At sayo pa talaga manggagaling yan? Ikaw ang mag-ingat dahil ikaw ang hindi marunong lumangoy.” Tumawa ito at nakarating na sa itaas ng isang bato. Humakbang ako habang mahigpit ang kapit upang makarating sa kanya.Naabutan kami ng hapon, kaya ang kaninang tubig na mababaw ngayon ay lumalim na. Kayang kaya naman ni Kate languyin ito, ngunit dahil sa matataas at malakas na alon ay natatakot siya. Habang ako ay hindi marunong lumangoy.Inabot niya ang palad niya sa akin at tinanggap ko naman yun. Nang pareho na kaming nasa may kataasan ng kaonti na
QUINN’S POVAFTER WE arrived at the house, hindi rin nagtagal ay umalis kami ni Denver para puntahan ang kanyang private investigator. Pumasok kami sa isang maliit na café at namataan naman namin siya roon agad na nakaupo.Inayos nito ang Malaki niyang salamin sa mata nang makita kami.“Good afternoon. I’m Christian Servantez.” Agad itong tumayo at nilahad ang palad niya sa akin.“Hi. Quinn Rodrigo.” Nginitian ko siya. Humarap naman siya kay Denver at ito ang sunod na bumati bago kami umupo na tatlo.“Siya ang ina ninyo, siya si Aling Lisa Marasigan. Byuda at wala ng pamilya, nag-iisa lamang siya.”I glanced at each of her photos. She looks old, bakas din sa mukha ang paghihirap na nararanasan nito sa buhay. Probably why she abandoned me, because of poverty. Pero hindi pa rin sapat na dahilan yun. Lalo na kung mag-isa lang naman pala siya. We can have each other’s back. Help each other.“Wala siyang anak? Mga magulang?”“Nasa syudad at sarili rin buhay ang kanyang mga magulang. Sa sob
QUINN’S POVI WOKE UP from a deep sleep inside Denver’s room. Dahil naulit pa ng dalawang beses ang nangyari sa aming dalawa kagabi. I was too tired and sore between. Nang imulat ko ang mga mata ko ay isang hindi pamilyar na kuwarto ni Denver ang bumungad sa akin. Unang beses ko nakapasok dito at hindi ko inaasahan na mas doble ang laki nito sa kuwarto ko. How can he build this secret house of him? Sigurado ako na alam ng mga Salviejo ang lumalabas na pera sa kanila. I wonder if Denver has his own savings.Kung tutuusin ay dapat may makuha siyang share, sa ilang taon na pagtatrabaho niya bilang appointed CEO? That would be unfair if they will took everything to him. At walang ititira.Umupo ako at humilig sa headboard ng kama tsaka pinagmasdan ang silid nito. Mas maganda pa rin ang kuwarto niya sa mansion ng Salviejo. Ngunit hindi rin maipagkakaila na maaaring milyon milyon ang nagastos dito sa pagpapatayo.I accidentally glanced at the huge portrait on the wall. It was a family pictu
QUINN’S POVPABABA NA AKO nang hagdan at nakapag-ayos na nang maabutan ko si Denver sa kitchen at abala sa paghahanda ng pagkain. He glanced at me while he was wiping his hands using the towel. Umupo ako at napatitig sa niluto nito bago siya tinignan.“Hindi ka papasok sa trabaho?” takang tanong ko sa kanya. Dahil nakapagtataka at nandito siya ng ganitong oras. Maaga siya umaalis ng bahay, he doesn’t want to be late, that’s why I asked.Umupo siya sa harapan ko at nginitian ako ng tipid.“Hindi muna, may importante akong lakad. Nagpalaman din naman ako kay papa, pumayag naman siya.”Hindi na ako umimik pa at nagsimula nang kumain.“Aren’t you going to ask where I’m heading today?”Lihim ko siyang inirapan. Pakialam ko ba. Pero dahil nagtanong na siya ay tinaasan koi to ng kilay.“Bakit? Ano ba ang gagawin mo ngayon?”Naging seryoso ang mukha niya at pinagsiklop ang dalawang palad habang ako ay abala na sa breakfast.“I’ll get the DNA result from the laboratory test.”Napanganga ako at
QUINN’S POVAKMANG KUKUNIN NA sa akin ang mga papeles ni Mr. Adams ng katulong nito ngunit bago pa niya makuha ay nagsalita na ako para pigilan ito.“Ako na ang magbibigay sa kanya. Kailangan na kasi ni Mr. Charlton, hindi na maari pang ipabukas,” pagsisinungaling ko na mukhang naniwala naman siya.Dinala niya ako papuntang opisina ni Mr. Adams. We walked upstairs, ang mga katulong ay nakakasalubong ko, marami sila at tila abala. I wonder if some maids are not working anymore, sa dami ba naman nila rito. Ano pa kaya ang trabaho nila? Well, Salviejo’s masion is damn huge. No wonder why maids are everywhere.Lumiko kami sa ibang hallway, hindi ito yung pinuntahan namin ni Denver, Tila ibang lugar na naman ito ng sulok ng bahay nila. Mangha akong napapatingin sa bawat sulok at bawat madadaanan namin.Huminto kami sa isang malaking pintuan, may apat na tauhan na nagbabantay. Mukhang ito na ang ang kanyang opisina.The maid knocked on the room, binuksan niya at pumasok ito. Akmang papasok
QUINN’S POVIT WAS EARLY in the morning when I heard multiple knocks on the door. Maagang umalis si Denver para kausapin ang investigator nito na nandito ng Molino. We were done packing our things, pagdating niya ay babalik na kami ng syudad. Gusto ko sanang sumama sa kanya ngunit ayoko namang maiwan mag-isa si Mama Linda.“Sandali lang, ma. Baka si Polly na yan.” Iniwan ko siya roon na nasa lamesa at tahimik na kumakain.Binuksan ko ang pintuan at natigilan nang makita si Kate na naghihintay sa labas. Ang sasakyan nitong makintab at mamahalin ay nakaparada. She is wearing a casual skirt and knitted longsleeve top na kulay puti.She is holding a small box.“Wala si Denver. Umalis.” You should leave, I won’t allow you enter the house. Hindi ako papayag.“I’ll wait for him.” Nginitian niya ako dahilan para mas sumama ang timpla ko.“Keep on waiting outside, babalik na rin naman siguro yun.” Akmang isasara ko na ang pintuan nang magsalita muli ito.“I didn’t know that Denver was really s
QUINN’S POVPANAY ANG SULYAP na ginagawad sa akin ni Denver, hindi makapagpokus sa daang tinatahak namin papuntang Molino. Tahimik lamang akong nakatitig sa bintana. He is weighing my silence.“May problema ba, Quinn?” pagtatangka nitong tanong sa akin.“Wala.”“Bakit ang tahimik mo?”I saw worries in his eyes.“Kapag ba tahimik may problema na agad? Pago lang ako Denver,” I said assuredly and smiled forcefully.“Hindi ako sanay na tahimik ka.”Isang tipid na ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya at hindi na nagsalita pa. It was a long drive because of the silence between us inside the car. Pakiramdam ko ay napakahaba ng oras ng byahe sa araw na yun.Matapos makarating sa bahay ay sandal akong nagpahinga, Denver roamed around the community, sinabi niya na maghahanap siya ng pagkain na puweding maibili. That was what I thought.Dahil matapos kong magpahinga ay naghanda ako ng meryendahan. Nakaligo na rin ako at nakaayos na. Nagkakape ako sa labas ng bahay na katapat lang ay dalampasigan
QUINN’S POVBINABA NI KATE ang tasa na may lamang tsaa. There is a ghost of smile on her lips that remain, simula nang dumating ako hanggang ngayon. She is wearing a black decent dress just above the knee, it is sleeveless that can almost see her bare skin on the shoulders. Lumilitaw ang maputi at makinis nitong kutis. The expensive bag she owned is on the chair beside me.“After a long long years, we finally saw each other again.” Napangisi siya dahilan nang pagyuko ko. “Wala ka pa ring pinagbago, Quinn. Kumusta kana?”I lifted my head and caught her staring at my clothes with a smirk on her lips. Sa tuwing nakikita ko ang ngisi sa labi niya ay naaalala ko ang ginawa nito sa akin.“I’m not here to talk about my life. I will be direct to the point, Kate…” masakit man at labag sa loob ko ay wala akong magagawa. “Denver wants to meet you.”Nawala ang ngisi sa labi niya at biglang naging seryoso. I saw how she was shocked when she heard Denver’s name. The effect is still present on her,