QUINN’S POV
(Flashback)
Nakapagtapos ako ng HRS, nagtrabaho ako sa hotel hanggang isang araw ay nakita ko si Denver sa isang magazine. Binasa ko iyun, ngunit hindi sapat ang impormasyon na naroon, sa tulong ng aking kaibigan na si Alexa ay mas napadali ang paghahanap ko sa kanya. Hanggang sa nag-apply ako bilang janitress sa isang exclusive restaurant na sabi ni Alexa ang laging pinagkakainan ng mga Salviejo.
Nagbakasakali ako na makita isang araw si Denver, sa paglipas ng araw ay nakilala ko pa ang ibang angkan ng mga Salviejo mula sa pagtanaw lamang sa malayo. Hanggang sa pumasok si Denver Salviejo kasama ang mga magulang niya, doon ang unang beses kong pagkakakita sa kanya matapos ang mahabang taong paghahanap ko dito. Pumasok sila sa isang private exclusive lounge na para lamang sa mga mayayaman.
He change a lot, he became manlier, attractively hot, and powerful. Hindi ko siya halos makilala sa tindig, kasuotan at emosyon ng mukha nito. Malayo sa malambing na Denver na kilala ko noon. Lalo na nung makita ko kung paano niya pagalitan ang babaeng waitress sa maliit na pagkakamali nito, he became arrogant and emotionless. Iniisip ko, ganun ba ang naibibigay ng pera at kapangyarihan? Nababago ang katauhan ng isang tao?
Gusto ko siyang lapitan at magpakilala, ngunit may mga bodyguards itong nakapalibot sa kanya. Agad din siyang nawala sa paningin ko ng gabing iyun at hindi na nasundan pa ang una kong pagkakita sa kanya.
Not until Alexa gave me an offer. Sinasabi niya na may isang exclusive bar na pinupuntahan ng mga bachelor upang bumili ng babae sa isang gabi. May mga requirements bago makapasok, legal age, rules and regulations, and medical certificate. Napakiusapan namin ni Alexa ang manager na kung maaaring ako ang ibigay kay Denver Salviejo, hindi naging madali ngunit nagawan ng paraan.
“Sigurado ka ba dito, Quinn? Paano kung hindi ka na niya maalala?” nag-aalalang tanong ng kaibigan ko.
Inayos ko ang maskara na kulay pula at tinignan ang sarili sa salamin.
“Impossibling mangyari iyun, Alexa. Walong taon ang lumipas na hindi kami nagkikita, ngunit mahigit sampung taon kaming nagkasama sa shelter at sa sampung taon na yun ay kaming dalawa ang laging magkasama. Mahihigitan ba nun ang walong taon na hindi namin pagkikita?” tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya.
Matapos ang ilang segundo ay hinawakan nito ang balikat ko.
“Paano kung ayaw kana niyang maalala? Ang tao ay nagbabago, Quinn. Walang consistency ang mga tao dito sa syudad, maraming dahilan para mabago ang isang tao.”
Napayuko ako at huminga ng malalim.
“Tama ba itong gagawin ko? Kailangan ko bang umabot sa ganito kababang level para lang malapitan siya?” mapait kong tanong sa kanya kasabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Niyakap ako ni Alexa at hinagod ang likod ko.
Wala akong sapat na kapangyarihan at koneskyon para lapitan si Denver. Masyadong mahigpit ang sekuridad ng mga Salviejo dahil puro politiko ang pamilya nila. Nasubukan ko na ang lahat na maaring gawin ngunit hindi ko siya nagawang lapitan man lang. Ito na lamang ang tanging paraan na naiisip ko. Lalo na at bilang lang daw sa isang kamay ang pagpunta ni Denver dito, sa madaling salita, ngayong gabi ang pangatlo niyang punta at out of the blue moon din ang pagbalik nito.
BINUKSAN KO ANG pinto at pumasok sa loob ng kuwarto, hinihintay ang pagdating ng isang Denver Salviejo na nagbayad sa akin sa gabing ito.
(END OF FLASHBACK)
PAGBUKAS KO NG pinto ng apartment ni Alexa ay napatalon ito sa gulat. Agad akong dumiretso sa upuan niya at doon umiyak. Nalito siya sa biglaan kong paghagulhol ngunit kalaunan ay mukhang naging malinaw na sa kanya kung anong nangyari.
“Ano? Hindi kana daw mahal?”
Umiling ako.
“Hindi niya ako maalala,” pag-iyak ko sa kanya.
“Hindi maalala o ayaw ng maalala? Naku, yan na ang sinasabi ko sayo, Quinn. Hindi lahat ng lalaki ay katulad sa probinsya niyo, dito sa syudad marami kang pagpipilian na babae, marami kang makikita. At kapag usapang Salviejo na, babae na mismo ang lalapit sa kanila,” sermon nito at niyakap ako.
Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang luha sa aking pisngi.
“Ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya ang Denver na nakilala ko noon,” I mumbled while recalling the memories we had.
“Ganyan ang naidudulot ng pera at kapangyarihan. Naaalala ka nun, sadyang hindi ka na talaga mahal pa ni Denver. Umaasa ka na mamahalin ka ng isang Salviejo? Sa estado pa lang ng buhay natin, aayaw na yun! Lalo pa at ang hanap ng mga katulad niya ay yung babaeng may pangalan din sa industriya na ginagalawan niya,” paliwanag nito sa akin na ikinatahimik ko.
Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. This make sense now. Kailangan ko ng tanggapin na si Denver Salviejo ay nagbago na, ibang landas na ang tinahak niya, ibang pangarap na ang nais niyang matupad, at mas pinili niya ang landas an wala ako. Maaaring naglaho na ang nararamdaman nito sa akin.
“Ano na ang plano mo? Maghahabol ka pa rin ba sa lalaking iyun? Naku, Quinn! Ilang taon kanang naghahabol sa kanya, hindi ka pa ba pagod?” sarcastic na usal nito tila inis na na makita akong ganito.
Umiling ako at mapait na ngumiti. Napaawang ang labi niya sa pag-iling ko at tila naghihintay sa sasabihin ko.
“Hindi na… malinaw na sa akin ang lahat. Hindi na niya ako mahal,” mapait kong usal kasabay ang muling pagpatak ng luha.
Napapalakpak siya sa sagot ko at tumayo.
“Sa wakas, narinig ko din ang matagal ko ng gustong marinig sayo! Thank you, Lord! Tapos na ang pagpapakatanga ng kaibigan ko,” she said in victory.
Noon pa man hindi na naniniwala pa si Alexa na mahal pa ako ni Denver hanggang ngayon. Lalo na at mahirap paniwalaan dahil sa layo na ng agwat ng buhay naming dalawa. Ang katulad niya ay hanggang pangarap na lamang at hindi na maabot pa.
Masakit tanggapin, mahirap man. Ngunit kailangan kong magpatuloy sa buhay ko. Tanging masasayang alaala na lamang ng nakaraan ang mananatili sa aming dalawa. Dahil sa araw na ito, ayoko ng umasa pa. Dito ko na tutuldukan ang nararamdaman ko sa kanya.
MAAGA AKONG NAGISING dahil sa trabahong inalok sa akin ni Alexa. Pagbukas ko ng pintuan galing kuwarto ay bumungad na siya sa akin na nakapang-alis. Ilang minuto ang biyahe bago kami huminto sa napakagandang hotel. Ngunit agad din na nalaglag ang panga ko nang mapagtanto ang hotel na kinaroroonan namin.
“Salviejo Hotel, are you kidding me, Alexa?!” singhal ko nang balingan ko siya.
Umikot lang ang mga mata nito at napailing.
“Why? Do you expect na si Denver lang ang Salviejo dito sa bansa? This is owned by one of Denver’s cousin, ito lang ang bakanteng trabaho na pwedi mong ap-layan na related sa natapos mo, aayaw ka pa ba? Wag ka ngang maarte, hindi ka makikilala ni Denver kung sakali man na magkasalubong kayo!” sermon niya sa akin.
“Ba-bakit dito pa kasi… ‘tsaka pinsan siya ni Denver, tingin mo impossibling magkrus ang landas namin?” sarcastic kong tugon.
Pagod siyang bumuntong hininga.
“Ano namna ngayon kung sakali man na magkasalubong kayo isang araw? Tingin mo hahabulin ka ng lalaki? Naku, Quinn. Huwag mo akong aartehan, maging praktikal ka nga at huwag puro Denver. Si Mr. Charlton Salviejo ang CEO ng Salviejo Grande Hotel. Itong trabaho ang pasok sa kursong kinuha mo, ito ang tanging trabaho na gusto mong gawin. Aatras ka dahil lang Salviejo ang may ari?” mahabang paliwanag niya dahilan para mapangiwi na lamang ako.
“Paano kapag hindi ako natanggap? As if qualified naman ang background ko sa ganyang ka-engrandeng hotel,” I murmured.
“Kaya nga susubukan diba?” binilugan niya ako ng mga mata. “Hindi naman sa tinatakwil na kita pero kailangan mong magtrabaho, Quinn. Gutom ang papatay sa atin kapag pinagpatuloy mo yang kaartehan mo.”
“Alam mo… ang bait mong best friend. Sakit mo magsalita,” madamdamin kong usal sa kanya na ikinatawa lang nito.
“Thank you,” she said smiling.
“Welcome,” I answered sarcastically. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago nagtawanan sa loob ng kotse.
HUMINGA AKO ng malalim bago pumasok sa opisina ng HR. Kabado ako lalo na habang nililibot ang mga mata ko sa sobrang rangya at gara ng mga kagamitan at furniture sa loob. Napatingala pa ako sa isang malaki at mamahaling chandelier na minsanan ko lang makita sa buhay ko.
Salviejo really has power and wealth. Mas lalo lang sinasampal sa akin ang katotohanan na hindi magiging kami, mahirap abutin ang katulad niya.
“We will call you back for some updates,” the woman said after my interview.
Napanguso ako at lumabas na rin ng opisina. Saglit muna akong umupo sa lobby area para magpahinga.
Ilang segundo lang bago ko napagpasyahang tumayo para umalis ay siya ring paglabas ng isang babae na tumatalon sa tuwa habang sinasalubong ng kaibigan nito.
“Natanggap ako!” masayang usal nito.
“We will call you back? Psh! Pwedi namang sabihin na hindi ako tanggap,” I murmured to myself in disappointment.
Hindi ko na kailangang masaktan, expected ko ng hindi ako matatanggap una pa lamang.
Tumayo ako at inayos ang sling bag ko. I was stunned when I saw Denver Salviejo together with a man around his age, pinalilibutan ng mga bodyguards. I froze on my position when I saw him walking on my directions, gusto kong magtago sa hiya at baka naaalala niya ako. Ngunit ni hindi ako nito tinapunan ng tingin hanggang makalampas.
Shit! Ngayon pa talaga? Dito pa talaga?
Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa at hinawakan ang dibdib ko. Those stares, I can’t imagine he can look at me that way.
UMUWI AKO ng apartment namin ni Alexa, binalita ko sa kanya na hindi ako natanggap. Sa loob-loob ko ay nagpapasalamat ako at hindi na magku-krus pa ang landas namin ni Denver. Gustuhin ko man, kailangan ko na siyang malimot.
“Makakahanap ka rin,” tanging sambit ni Alexa sa akin at tinapik ang balikat ko.
But that was I think… Not until one day, I receive a news that surprised me a lot.
QUINN’S POV“This is Salviejo Grand Hotel, we would like to inform you that you can start your job this Monday. You are hired as an EA of Mr. Charlton Salviejo,” the lady said formally on the phone.Napatakip ako ng bibig gamit ang palad ko. Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o ano.“You… you mean executive assistant?” paninigurado ko.“Yes, ma’am.”“I… I didn’t apply for EA position,” sambit ko na parang hindi pa nagustuhan ang balitang natanggap.“But your profile is suited for EA position. That’s our boss wants,” she answered patiently.“O-okay. Thank you,” wala sa sariling sagot ko at nawiwindang pa rin sa nangyari.
QUINN’S POVSa sobrang inis ko ay dumiretso ako sa restroom para kalmahin ang sarili. Lalabas pa lang ako nang pumasok sa loob si Denver na ikinagulat ko ng husto. Mapaglaro ang ngisi sa labi nito nang lapitan ako.Agad akong napaatras sa di malamang dahilan.“What are you doing here? At nakapasok dito?” iritado niyang tanong at mas lumapit sa akin.Tinapatan ko ang inis niyang mukha ng matalim kong titig sa kanya.“Because I’m qualified of the Hotel’s standard. Hindi ba isa kang businessman, dapat mo rin yan,” nang-uuyam kong saad dito. I was about to walk out but he automatically grab my wrist and made me faced him.“Resign,” madiin niyang utos na ikinamangha ko. “Ayoko ng dumi sa negosyo ko.”Mariin akong napapikit habang kinakalma ang sarili ko.
QUINN’S POV INIS NA INIS akong pumunta sa table ko at padabog na umupo roon. Ngunit napatayo rin agad nang namataan si Sir. Charlton na papalapit sa akin. He smiled after seeing my annoyed face and heavy movements. Niyukuan ko siya at nahihiyang ngumiti. Ano ba naman, Quinn. Wala kana bang ibang alam kundi kapalpakan at kahihiyan? “Naghihintay po sa inyo sa loob si Mr. Denver Salviejo,” paalam ko agad sa kanya at akmang bubuksan ang pintuan para sa pagpasok niya ngunit nagsalita ito. “Again?” he uttered like there is something unusual happening with his cousin. Tumikhim ako at hindi na umimik pa ‘tsaka binuksan na nga ang pintuan. Napangiwi ako nang madatnan doon si Denver na nanatiling nakaupo sa swivel chair ni Charlton maski nakita na niya ang may ari ng opisina na papasok. How rude and unrespectful. Napailing na lang ako, dismayado mga natutuklasan na pagbabago
QUINN’S POVPabalik-balik akong naglalakad sa loob ng sala namin ni Alexa habang siya ay pinapanuod ang ginagawa ko. Hanggang sa narinig ko ang iritado nitong buntong hininga. Agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang kamay nito.“Tingin mo totoong nawala ang alaala niya? Kaya ganun na lang ang turing niya sa akin?” I asked.“Malamang. Alangan namang nagsisinungaling si Sir Charlton, tsaka totoong na-ambush ang sinasakyan noon ng isang Salviejo, nabalita iyun pero hindi ko alam na si Denver pala ang tinutukoy sa balitang yun.”I calmed myself and get excited for unknown reason.“What if he remembers me, you think we still have a chance?” I asked excitedly.Napakamot si Alexa sa buhok niya at tila nag-aalangan sa isasagot.“Makinig ka, Quinn. Walang kasiguraduhan ang sagot sa tanong mo, kung t
QUINN’S POV Tumikhim ako bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina ng CEO. Pagkapasok ko pa lang ay agad ng napaangat ang tingin ni Denver sa akin, binaba nito ang papel na hawak at sinuri ang suot ko hanggang sa bumalik muli sa aking mukha ang kanyang mga mata. “Approved na ang pag-transfer mo dito?” may bahid na panunuya ang boses niya. “That fast? Akala ko matatagalan at magkakaproblema pa.” Nilapag ko ang isang document sa ibabaw ng lamesa niya. “Pirma niyo na lang ho ang kailangan… Sir Denver,” I mumbled and glanced at him. Tumaas ang isang kilay nito sa huling sinabi ko at tipid na napangiti. “Alright.” Nagsimula na siyang pumirma habang ako ay nanatiling nakatayo sa harap niya, hinihintay siya at naiilang sa sobrang tahimik. “Na-tour kana ba sa buong building?” biglang tanong nito sa kalmado at malalim na boses, malayo sa lagi ni
QUINN’S POVDAHAN-DAHAN kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Naabutan ko roon na abala si Denver at tila maraming inaayos na mga papel sa ibabaw ng kanyang lamesa. Napasulyap ako sa mga maleta na nasa gilid ng lamesa nito, dahilan ng pagguhit ng katanungan sa aking mukha.“Sir?” I uttered, pinaparamdam ang presensya ko.Umangat ang tingin niya sa akin ngunit agad ding binalik sa lamesa niya ang atensyon. He pointed the seat in front of him without taking a glance at me.Umupo ako habang hawak ang malapad na notebook na siyang nakapaloob lahat ng schedule niya.“Cancel all my plan this week, call them at ipalaam mo sa kanila na lahat ng concerns will be directly connected to Charlton Salviejo.”“Okay po.”
QUINN’S POVAFTER I GO out in the car, I roamed my eyes around the area. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit lang itong area sa shelter na kinalakihan namin ni Denver. Sa liit ng probinsya, there is no way that we won’t see familiar faces here.“I already reserved you a room in Rela Resort.” Napalingon ako sa likod ko, kakababa lang ni Denver suot ang mamahaling sunglasses nito.I gave him space para mas lalong mapagmasdan ang building na inaayos ng mga laborers. He is watching carefully, so perfect that I don’t have the courage to interrupt him.“Room? How about you po, sir?” Hindi ito umimik at nanatili ang pagmamasid sa building, lalo na sa mga tao na nagtatrabaho. “Trabaho ko po yun, hindi niyo trabaho—““I’ll be staying here. Sa r
QUINN’S POVBUMABA AKO sa Rela Resort na sinasabi ni Denver. Dala ko na ang mga gamit ko na dumiretso sa counter. They asked my details before giving me my room number. Matapos kong ayusin ang mga gamit ay lumabas ako para magpahangin at kumain.Hindi ko maiwasan na ikumpara ang Molino noon sa ngayon. Marami na ngang nabago, mas nag-improve ang estruktura. Hindi nga lang ganun katulad sa syudad, ngunit hindi rin ganito ang inaasahan ko. Marami na ang dayo, mukhang marami ring magagandang lugar na puntahan dito.Napunta ako sa open-area na restaurant. The ceiling and floor are made of woods, makintab na kulay ng kahoy. From the chair to the tables, all made of woods. Dumating ang order kong sandwich at juice sa gitna ng pagmamasid ko sa kalmadong dagat.“Here’s the bill, ma’am,” the waiter uttered.
QUINN’S POV “Totoo?” marahan niyang tanong at hinila ako papalapit sa kanya. I swallowed hard when our eyes met. Ang puso ko ay nagsisimula na namang magwala. Halos rinig na rinig ko dahil na rin sa tahimik na namuo sa pagitan naming dalawa. I wonder if he can hear my loud heartbeats for him. “Quinn… totoo ba ang sinasabi mo?” he asked seriously that it seems a big deal to him, that it affected him. “Sinabi ko naman sayo diba, ikaw lang ang paniniwalaan ko… and I believe your words.” Hinawakan ko ang kuwintas na suot ko at pinakita sa kanya. “It was just a promised, Denver. Don’t worry, hindi na rin naman iyun mahalaga sa akin. Halos ilang taon na ang lumipas. Marami nang nagbago sa mga nagdaang taong iyun.” His jaw moved, gayundin ang adam’s apple na gumagalaw sa bawat rahan ng paglunok nito. “And what about this necklace?” he touched the rose pendant that made me flinched when his fingertips touches my bare skin. “This is your proof of your promise.” Tinignan ko siya sa mga
QUINN’S POVMAHIGPIT AKONG napakapit sa baton nang dumaan ang malaking alon. Namamasyal kami ni Kate sa burol, ngunit dahil ito ang pinakamalapit na daan ay ang daanan sa gilid ng dagat kung saan may mga bato na madadaanan kahit papaano ay dito kami nagdesisyon dumaan sa pag-uwi.“Humawak ka nang mahigpit, Kate.” Tinignan ko siya at nakita kong nahihirapan ito ngunit ang mukha niya ay matapang at walang takot binabaybay ang malalaking bato.“At sayo pa talaga manggagaling yan? Ikaw ang mag-ingat dahil ikaw ang hindi marunong lumangoy.” Tumawa ito at nakarating na sa itaas ng isang bato. Humakbang ako habang mahigpit ang kapit upang makarating sa kanya.Naabutan kami ng hapon, kaya ang kaninang tubig na mababaw ngayon ay lumalim na. Kayang kaya naman ni Kate languyin ito, ngunit dahil sa matataas at malakas na alon ay natatakot siya. Habang ako ay hindi marunong lumangoy.Inabot niya ang palad niya sa akin at tinanggap ko naman yun. Nang pareho na kaming nasa may kataasan ng kaonti na
QUINN’S POVAFTER WE arrived at the house, hindi rin nagtagal ay umalis kami ni Denver para puntahan ang kanyang private investigator. Pumasok kami sa isang maliit na café at namataan naman namin siya roon agad na nakaupo.Inayos nito ang Malaki niyang salamin sa mata nang makita kami.“Good afternoon. I’m Christian Servantez.” Agad itong tumayo at nilahad ang palad niya sa akin.“Hi. Quinn Rodrigo.” Nginitian ko siya. Humarap naman siya kay Denver at ito ang sunod na bumati bago kami umupo na tatlo.“Siya ang ina ninyo, siya si Aling Lisa Marasigan. Byuda at wala ng pamilya, nag-iisa lamang siya.”I glanced at each of her photos. She looks old, bakas din sa mukha ang paghihirap na nararanasan nito sa buhay. Probably why she abandoned me, because of poverty. Pero hindi pa rin sapat na dahilan yun. Lalo na kung mag-isa lang naman pala siya. We can have each other’s back. Help each other.“Wala siyang anak? Mga magulang?”“Nasa syudad at sarili rin buhay ang kanyang mga magulang. Sa sob
QUINN’S POVI WOKE UP from a deep sleep inside Denver’s room. Dahil naulit pa ng dalawang beses ang nangyari sa aming dalawa kagabi. I was too tired and sore between. Nang imulat ko ang mga mata ko ay isang hindi pamilyar na kuwarto ni Denver ang bumungad sa akin. Unang beses ko nakapasok dito at hindi ko inaasahan na mas doble ang laki nito sa kuwarto ko. How can he build this secret house of him? Sigurado ako na alam ng mga Salviejo ang lumalabas na pera sa kanila. I wonder if Denver has his own savings.Kung tutuusin ay dapat may makuha siyang share, sa ilang taon na pagtatrabaho niya bilang appointed CEO? That would be unfair if they will took everything to him. At walang ititira.Umupo ako at humilig sa headboard ng kama tsaka pinagmasdan ang silid nito. Mas maganda pa rin ang kuwarto niya sa mansion ng Salviejo. Ngunit hindi rin maipagkakaila na maaaring milyon milyon ang nagastos dito sa pagpapatayo.I accidentally glanced at the huge portrait on the wall. It was a family pictu
QUINN’S POVPABABA NA AKO nang hagdan at nakapag-ayos na nang maabutan ko si Denver sa kitchen at abala sa paghahanda ng pagkain. He glanced at me while he was wiping his hands using the towel. Umupo ako at napatitig sa niluto nito bago siya tinignan.“Hindi ka papasok sa trabaho?” takang tanong ko sa kanya. Dahil nakapagtataka at nandito siya ng ganitong oras. Maaga siya umaalis ng bahay, he doesn’t want to be late, that’s why I asked.Umupo siya sa harapan ko at nginitian ako ng tipid.“Hindi muna, may importante akong lakad. Nagpalaman din naman ako kay papa, pumayag naman siya.”Hindi na ako umimik pa at nagsimula nang kumain.“Aren’t you going to ask where I’m heading today?”Lihim ko siyang inirapan. Pakialam ko ba. Pero dahil nagtanong na siya ay tinaasan koi to ng kilay.“Bakit? Ano ba ang gagawin mo ngayon?”Naging seryoso ang mukha niya at pinagsiklop ang dalawang palad habang ako ay abala na sa breakfast.“I’ll get the DNA result from the laboratory test.”Napanganga ako at
QUINN’S POVAKMANG KUKUNIN NA sa akin ang mga papeles ni Mr. Adams ng katulong nito ngunit bago pa niya makuha ay nagsalita na ako para pigilan ito.“Ako na ang magbibigay sa kanya. Kailangan na kasi ni Mr. Charlton, hindi na maari pang ipabukas,” pagsisinungaling ko na mukhang naniwala naman siya.Dinala niya ako papuntang opisina ni Mr. Adams. We walked upstairs, ang mga katulong ay nakakasalubong ko, marami sila at tila abala. I wonder if some maids are not working anymore, sa dami ba naman nila rito. Ano pa kaya ang trabaho nila? Well, Salviejo’s masion is damn huge. No wonder why maids are everywhere.Lumiko kami sa ibang hallway, hindi ito yung pinuntahan namin ni Denver, Tila ibang lugar na naman ito ng sulok ng bahay nila. Mangha akong napapatingin sa bawat sulok at bawat madadaanan namin.Huminto kami sa isang malaking pintuan, may apat na tauhan na nagbabantay. Mukhang ito na ang ang kanyang opisina.The maid knocked on the room, binuksan niya at pumasok ito. Akmang papasok
QUINN’S POVIT WAS EARLY in the morning when I heard multiple knocks on the door. Maagang umalis si Denver para kausapin ang investigator nito na nandito ng Molino. We were done packing our things, pagdating niya ay babalik na kami ng syudad. Gusto ko sanang sumama sa kanya ngunit ayoko namang maiwan mag-isa si Mama Linda.“Sandali lang, ma. Baka si Polly na yan.” Iniwan ko siya roon na nasa lamesa at tahimik na kumakain.Binuksan ko ang pintuan at natigilan nang makita si Kate na naghihintay sa labas. Ang sasakyan nitong makintab at mamahalin ay nakaparada. She is wearing a casual skirt and knitted longsleeve top na kulay puti.She is holding a small box.“Wala si Denver. Umalis.” You should leave, I won’t allow you enter the house. Hindi ako papayag.“I’ll wait for him.” Nginitian niya ako dahilan para mas sumama ang timpla ko.“Keep on waiting outside, babalik na rin naman siguro yun.” Akmang isasara ko na ang pintuan nang magsalita muli ito.“I didn’t know that Denver was really s
QUINN’S POVPANAY ANG SULYAP na ginagawad sa akin ni Denver, hindi makapagpokus sa daang tinatahak namin papuntang Molino. Tahimik lamang akong nakatitig sa bintana. He is weighing my silence.“May problema ba, Quinn?” pagtatangka nitong tanong sa akin.“Wala.”“Bakit ang tahimik mo?”I saw worries in his eyes.“Kapag ba tahimik may problema na agad? Pago lang ako Denver,” I said assuredly and smiled forcefully.“Hindi ako sanay na tahimik ka.”Isang tipid na ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya at hindi na nagsalita pa. It was a long drive because of the silence between us inside the car. Pakiramdam ko ay napakahaba ng oras ng byahe sa araw na yun.Matapos makarating sa bahay ay sandal akong nagpahinga, Denver roamed around the community, sinabi niya na maghahanap siya ng pagkain na puweding maibili. That was what I thought.Dahil matapos kong magpahinga ay naghanda ako ng meryendahan. Nakaligo na rin ako at nakaayos na. Nagkakape ako sa labas ng bahay na katapat lang ay dalampasigan
QUINN’S POVBINABA NI KATE ang tasa na may lamang tsaa. There is a ghost of smile on her lips that remain, simula nang dumating ako hanggang ngayon. She is wearing a black decent dress just above the knee, it is sleeveless that can almost see her bare skin on the shoulders. Lumilitaw ang maputi at makinis nitong kutis. The expensive bag she owned is on the chair beside me.“After a long long years, we finally saw each other again.” Napangisi siya dahilan nang pagyuko ko. “Wala ka pa ring pinagbago, Quinn. Kumusta kana?”I lifted my head and caught her staring at my clothes with a smirk on her lips. Sa tuwing nakikita ko ang ngisi sa labi niya ay naaalala ko ang ginawa nito sa akin.“I’m not here to talk about my life. I will be direct to the point, Kate…” masakit man at labag sa loob ko ay wala akong magagawa. “Denver wants to meet you.”Nawala ang ngisi sa labi niya at biglang naging seryoso. I saw how she was shocked when she heard Denver’s name. The effect is still present on her,