LIKE
Kumunot ang noo ni Zack.Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ka-galit ang kanyang anak. Hindi niya inaasahan ang pagtatapon nito ng mga kagamitan.Nang marinig ang sinabi ni Aunt Gina, tumango si Zack at kumatok sa pintuan, "Anak, buksan mo ang pinto, gusto ni Daddy na makipag-usap sa'yo."Pagkabagsak ng mga salita, isang mahinang tunog ang narinig mula sa pintuan.Malinaw na ang maliit na batang babae ay nagbagsak ng mga bagay sa pintuan bilang tanda ng pagtutol sa kanya.Saglit na tumigil si Zack, at nang muli siyang magsalita, mas malambot na ang tono niya, "Ano ang gusto mong gawin ni Daddy? Buksan mo ang pinto at sabihin mo kay Daddy, pag-usapan natin ito, pwede ba?"Isa pang malutong na tunog ang narinig mula sa pintuan.Unang pagkakataon din na nakita ni Aunt Gina ang Young lady na ganito. Sa pag-aalala sa sitwasyon ng bata, natatakot siyang may mangyari sa loob, kaya't nagmamadaling sinabi, "Master, sa palagay ko kailangan na nating pumasok, baka may masamang mangyari sa k
Kumurap-kurap si Rain, at unti-unting bumaba ang bilis ng kanyang pag-iyak. Pumikit siya at pininid ang kanyang mga labi, ngunit hindi pa rin lubos na naniniwala.Sa katunayan, narinig niya ang sinabi ni Daddy sa guro noong araw na iyon, at ngayon, hindi pumasok sa kindergarten ang dalawang anak ni Tita Ganda.Nagkataon nga lang ba na hindi sila pumasok ngayon? Isa nga ba itong coinsidens?Nakita ni Zack ang pagdududa sa kanyang mukha, at napabuntong-hininga siya sa kawalan ng magawa, "Walang dahilan para magsinungaling si Daddy sa'yo. Hindi pumasok sa kindergarten ang dalawa ngayong araw dahil hindi maganda ang pakiramdam nila. Kaya wag kang mag alala, makikita mo sila bukas."Nanatili pa ring pursigido si Rain, nakapinid ang mga labi at punong-puno ng pagdududa sa mukha.Nang makita ito, wala talagang magawa si Zack, "Ano ang dapat kong gawin para maniwala ka?"Hindi niya inasahan na ganun kataas ang halaga ng dalawang bata sa puso ni Rain, hanggang sa hindi na siya paniwalaan nito d
Sandaling nagulat si Rhian sa ginawa ni Rain, naghatid ng kakaibang kalungkutan sa kanyang puso ang itsura at pag iyak nito. Ngunit agad din siyang nakabawi. Wala sa sarili na iniluhod niya ang isang tuhod, niyakap ang maliit na bata, at marahang tinapik ang kanyang likod upang patahanin ito sa pag iyak.Si Rain ay mahigpit na humawak sa laylayan ng kanyang damit, umiiyak nang may sama ng loob.Nang makita ito, iniwas ni Zack ang kanyang mata, banaag ang kawalan ng magawa.Kanina lang sa bahay, bilang isang ama, inabot niya ang kanyang kamay para yakapin ang anak, ngunit hindi man lang kumibo ang bata at nagtago na lamang.Ngayon, sa harap ni Rhian, ito ay humihingi ng yakap. O baka nga likas na nagtitiwala ang mga bata sa kanilang ina kahit hindi nila alam ang tunay nila itong kadugo. Lukso ng dugo, kumbaga."Huwag kang umiyak, sabihin mo kay tita, ano'ng nangyari?" malambing na sinabi ni Rhian habang inaalo ang bata.Alam ni Rhian na hindi nagsasalita ang bata. Sinabi niya iyon upan
Nakatayo si Zack sa may hindi kalayuan. Nang makita niyang ngumiti na rin sa wakas ang kanyang anak, halo-halong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata. Matagal niya itong sinubukan na patahanin, kaya naman hindi niya inaasahan na madali lamang ngingiti at mapapagaan ng mag-iina ang damdamin ng kanyang munting prinsesa.Tumigil na sa pag-iyak si Rain at tumawa pa.Pagkatapos niyang tumayo roon nang sandali, nakita niyang aliw na aliw si Rain sa dalawang batang lalaki, at puno ng ngiti ang kanyang mukha. Lumapit si Zack para sunduin si Rain pabalik.Pumunta sila rito dahil gusto ni Rain na makumpirma ito ng sarili niyang mga mata. Ngayong nakumpirma na, kailangan na nilang umuwi.Paglapit niya kay Rain, narinig nila ang pag-kulo ng tiyan ng batang babae.Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian, "Hindi ka pa ba kumakain ng hapunan?"Napangiwi si Rain at tumango.Nang makita ito, tumingin si Rhian sa lalaki na nasa tabi niya, na may bahagyang pagsaway sa mga mata.Walang ekspresyon si Zack nan
Nitong nakaraan, palagi silang kumakain kasama ang kanilang mommy, at paminsan-minsan kasama ang kanilang ninang.Ito ang unang pagkakataon na kumain sila kasama ang kanilang daddy.Sa ilang sandali, magkaibang damdamin ang naramdaman nina Rio at Zian.Huminto si Zack at lumingon pabalik upang makita ang kumikislap na mga mata ni Rain. Bumaling ang mata niya sa mesa. Napansin niyang ang mga upuan sa tabi ng apat ay may nakahanda ng plato para sa kanya.Isang kakaibang emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata.Sa lohikal na pag-iisip, sila apat ay mukhang isang pamilya talaga na magkakasabay na kakain sa iisang mesa. Parang hindi siya bagay na umupo roon.Nang maisip ito ni Zack, nakaupo na siya sa hapag-kainan kasama sila. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagsali niya, pero ang kaninang masayang atmospera ay nahaluan ng pagkailang.Ang kambal na sina Rio at Zian ay biglang nanahimik, tahimik na kinain ang pagkain na nasa kanilang harapan.Nang hindi na siya kinakausap ng kambal, nawala
Hindi nagtagal, bumalik si Rhian dala ang kahon ng gamot at maingat na pinahiran ng gamot ang kamay ni Rain. Napakabait ni Rain sa buong proseso. Kahit na masakit, nagtiis siya, sa tuwing papahiran ni tita ganda ang kanyang sugat, napapapitlag lamang siya ng bahagya. Napakabuti talaga ni tita ganda… ito na ang pinakabait na babae na nakilala niya. Pagkatapos maglagay ng gamot, umupo si Rhian sa tabi ni Rain. Sadyang ibinigay ni Rio ang kanyang upuan at umupo sa tabi ni Zack, bitbit ang kanyang baso na may laman na juice. "Si tita na ang magsusubo sa'yo, okay lang ba?" tanong ni Rhian kay Rain. Siyempre, hindi tumanggi si Rain at masiglang tumango. Gustong-gusto niya kapag tina-trato siya ni tita ganda ng ganito. Ngumiti si Rhian at sinimulang pakainin ang anak ni Zack. Dahil sinusubuan siya ni tita ganda, biglang bumalik ang gana ni Rain sa pagkain. Magana siyang kumakain habang nakatitig sa magandang mukha ng mommy ng kambal. Anuman ang isubo sa kanya nito ay magana ni
Nang makita ni Zian na kinakain ni Daddy ang pagkaing kinuha ng kanyang kapatid, bahagyang nagliwanag ang kanyang mga mata, at sinubukan niyang kumuha ng piraso ng pagkain para sa ama. Hindi siya masyadong nag-isip, kumuha lang siya ng piraso ng pagkain mula sa plato sa harap niya gamit ang tinidor, at pagkatapos ay tumitig siya sa lalaki nang may inaasam. Nakita ni Zack na kumikilos ang isa pang bata, akala niya ay pinahihirapan siya nitong muli sa pag-aakala na celery na naman ang kukunin nito, pero nakita niyang basta lang ito kumuha ng pagkain mula sa malapit. Bahagya siyang natigilan, at nang matauhan siya, ngumiti siya sa paslit, "Salamat, dapat kumain ka rin nang marami." Pagkatapos sabihin ito, kumuha rin si Zack ng piraso ng pagkain para sa bata a inilagay sa plato nito. Naalala pa niya ang mga pagkaing hindi gusto ng bata kanina, kaya sadyang iniwasan niya ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Zian sa pagkabigla, "Salamat po, Tito! Kakain ako ng marami!" Masayang sag
Nagkatinginan ang tatlong bata, ibinaba ang Lego na hawak nila, tumayo, at sabay-sabay na tumakbo papunta sa kusina. "Mommy, anong nangyari?" Tanong ni Rio ng may pag aalala na nakalarawan sa mukha. “Nasaktan ka ba, mommy?” Tanong naman ni Zian, katulad ng kanyang kambal, nag aalala din siya sa kanilang ina. Dahan-dahang bumalik sa wisyo si Rhian, at nang makita ang dalawang bata sa harap niya, lalo siyang nakaramdam ng kaba. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at pilit na pinigilan ang sarili ipakita sa dalawa ang takot na namuo sa kanyang puso. Ngumiti siya at umiling sa kanila, "Wala ito, nadulas lang ang plato sa kamay ni Mommy kaya nabasag ang pinggan. Huwag kayong pumasok, may mga basag na salamin sa sahig, baka masugatan kayo.” Matapos niyang sabihin iyon, dumukwang siya na parang walang nangyari upang pulutin ang mga basag na salamin. Ngunit ang kanyang isip ay magulo pa rin, at medyo natulala siya habang pinupulot ang mga basag na piraso ng salamin. Nakatayo si Zack sa lik
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag