LIKE
Suarez Group.Dahil sa virus, halos buong umaga ay nahinto ang operasyon ng kompanya.Nananatili si Marga sa teknikal na departamento, at paminsan-minsan ay napapamura siya."Mr. Suarez."Narinig ni Marga ang boses ni Fred na nagmula sa kanyang likuran.Nang marinig ito, mabilis na inayos ni Marga ang kanyang ekspresyon, ibinaba ang mga mata, at binati ang taong pumasok sa pinto, "Dad, bakit ka nandito?"Ang hugis-parihabang mukha ni Armando ay puno ng seryosong ekspresyon, "Bakit? Hindi niyo pa ba natutugunan ang problema sa virus?"Ang namamahala sa teknikal na departamento ay halos napagalitan ni Marga buong umaga. Sa pagkakataong ito, puno ng pawis ang kanyang noo. Tumango siya at humingi ng paumanhin, "Mr. Fu, talagang sinubukan na ng aming mga tao ang kanilang makakaya, ngunit sobrang lakas ng virus na ito. Tuwing malapit na naming itong masugpo, may lumilitaw na bagong problema. Para itong walang katapusang ikot...""Ibig sabihin wala kayong magagawa?" tanong ni Armando na nakak
Bagaman hindi kasing bihasa ni Rio sa computer si Zian, may sapat din siyang kaalaman.Walang anumang progreso ang kompanya ng Suarez sa buong umaga, ngunit ngayon ay biglang may kilos, na tila nagdulot kay Zian ng kaunting pangamba.Tiyak na hindi pangkaraniwan ang mga tao doon.Bukod dito, siguradong hindi sila mula sa kumpanya ng mga SuarezIsang umaga ay sapat nang oras para humingi ng tulong ang mga Suarez mula sa labas."Siguro... mula ito sila sa Saavedra" tanging naisip ni Rio.Sikat ang teknikal na team ng Saavedra dahil sa kanilang lakas.Bukod pa rito, kung talagang ang babaeng iyon ang ina ni Rain, walang dahilan para hindi humingi ng tulong ang mga Suarez sa Saavedra. Nang marinig ang sinabi ni Rio, bahagyang kumunot ang noo ni Zian at napalabi sa galit.Kahit alam niyang ina ni Rain ang babae, ang masamang babaeng iyon ay inapi ang kanyang ina, at tumulong pa ang Daddy niya na lutasin ang problema nito.Hindi siya makapapayag, kailangan niyang turuan sila ng leksyon!Nai
Hanggang gabi, hindi pa rin tumatawag si Rhian.Pinigilan ni Zack ang kanyang inis at agad na pumunta sa eskwelahan upang sunduin si Rain.Dapat ay magkaliwanagan sila sa nangyari kapag nakarating siya sa kindergarten.Nang dumating siya sa kindergarten, halos lahat ng mga bata ay nakaalis na.Agad niyang nakita ang kanyang anak na nakatayo sa isang sulok.Nakayuko ang maliit na batang babae, hawak ang kanyang schoolbag ng dalawang kamay, at tila wala sa mood.Nang makita ito, bahagyang kumunot ang noo ni Zack, lumapit at hinaplos ang ulo ng kanyang anak, "Bakit ka malungkot? Dahil ba nahuli si Daddy? Humihingi ng paumanhin si Daddy sa'yo..."Bago niya matapos ang sasabihin, pininid ni Rain ang kanyang mga labi at dumaan nang diretso sa tabi niya.Nakapako ang kamay ni Zack sa ere at biglang tumigil ang kanyang boses. Walang magawa siyang tumalikod at pinanood ang kanyang anak na pumasok sa kotse.Nang makita niyang umakyat mag-isa sa sasakyan ang kanyang anak, ibinalik niya ang kanyan
Kumunot ang noo ni Zack.Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ka-galit ang kanyang anak. Hindi niya inaasahan ang pagtatapon nito ng mga kagamitan.Nang marinig ang sinabi ni Aunt Gina, tumango si Zack at kumatok sa pintuan, "Anak, buksan mo ang pinto, gusto ni Daddy na makipag-usap sa'yo."Pagkabagsak ng mga salita, isang mahinang tunog ang narinig mula sa pintuan.Malinaw na ang maliit na batang babae ay nagbagsak ng mga bagay sa pintuan bilang tanda ng pagtutol sa kanya.Saglit na tumigil si Zack, at nang muli siyang magsalita, mas malambot na ang tono niya, "Ano ang gusto mong gawin ni Daddy? Buksan mo ang pinto at sabihin mo kay Daddy, pag-usapan natin ito, pwede ba?"Isa pang malutong na tunog ang narinig mula sa pintuan.Unang pagkakataon din na nakita ni Aunt Gina ang Young lady na ganito. Sa pag-aalala sa sitwasyon ng bata, natatakot siyang may mangyari sa loob, kaya't nagmamadaling sinabi, "Master, sa palagay ko kailangan na nating pumasok, baka may masamang mangyari sa k
Kumurap-kurap si Rain, at unti-unting bumaba ang bilis ng kanyang pag-iyak. Pumikit siya at pininid ang kanyang mga labi, ngunit hindi pa rin lubos na naniniwala.Sa katunayan, narinig niya ang sinabi ni Daddy sa guro noong araw na iyon, at ngayon, hindi pumasok sa kindergarten ang dalawang anak ni Tita Ganda.Nagkataon nga lang ba na hindi sila pumasok ngayon? Isa nga ba itong coinsidens?Nakita ni Zack ang pagdududa sa kanyang mukha, at napabuntong-hininga siya sa kawalan ng magawa, "Walang dahilan para magsinungaling si Daddy sa'yo. Hindi pumasok sa kindergarten ang dalawa ngayong araw dahil hindi maganda ang pakiramdam nila. Kaya wag kang mag alala, makikita mo sila bukas."Nanatili pa ring pursigido si Rain, nakapinid ang mga labi at punong-puno ng pagdududa sa mukha.Nang makita ito, wala talagang magawa si Zack, "Ano ang dapat kong gawin para maniwala ka?"Hindi niya inasahan na ganun kataas ang halaga ng dalawang bata sa puso ni Rain, hanggang sa hindi na siya paniwalaan nito d
Sandaling nagulat si Rhian sa ginawa ni Rain, naghatid ng kakaibang kalungkutan sa kanyang puso ang itsura at pag iyak nito. Ngunit agad din siyang nakabawi. Wala sa sarili na iniluhod niya ang isang tuhod, niyakap ang maliit na bata, at marahang tinapik ang kanyang likod upang patahanin ito sa pag iyak.Si Rain ay mahigpit na humawak sa laylayan ng kanyang damit, umiiyak nang may sama ng loob.Nang makita ito, iniwas ni Zack ang kanyang mata, banaag ang kawalan ng magawa.Kanina lang sa bahay, bilang isang ama, inabot niya ang kanyang kamay para yakapin ang anak, ngunit hindi man lang kumibo ang bata at nagtago na lamang.Ngayon, sa harap ni Rhian, ito ay humihingi ng yakap. O baka nga likas na nagtitiwala ang mga bata sa kanilang ina kahit hindi nila alam ang tunay nila itong kadugo. Lukso ng dugo, kumbaga."Huwag kang umiyak, sabihin mo kay tita, ano'ng nangyari?" malambing na sinabi ni Rhian habang inaalo ang bata.Alam ni Rhian na hindi nagsasalita ang bata. Sinabi niya iyon upan
Nakatayo si Zack sa may hindi kalayuan. Nang makita niyang ngumiti na rin sa wakas ang kanyang anak, halo-halong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata. Matagal niya itong sinubukan na patahanin, kaya naman hindi niya inaasahan na madali lamang ngingiti at mapapagaan ng mag-iina ang damdamin ng kanyang munting prinsesa.Tumigil na sa pag-iyak si Rain at tumawa pa.Pagkatapos niyang tumayo roon nang sandali, nakita niyang aliw na aliw si Rain sa dalawang batang lalaki, at puno ng ngiti ang kanyang mukha. Lumapit si Zack para sunduin si Rain pabalik.Pumunta sila rito dahil gusto ni Rain na makumpirma ito ng sarili niyang mga mata. Ngayong nakumpirma na, kailangan na nilang umuwi.Paglapit niya kay Rain, narinig nila ang pag-kulo ng tiyan ng batang babae.Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian, "Hindi ka pa ba kumakain ng hapunan?"Napangiwi si Rain at tumango.Nang makita ito, tumingin si Rhian sa lalaki na nasa tabi niya, na may bahagyang pagsaway sa mga mata.Walang ekspresyon si Zack nan
Nitong nakaraan, palagi silang kumakain kasama ang kanilang mommy, at paminsan-minsan kasama ang kanilang ninang.Ito ang unang pagkakataon na kumain sila kasama ang kanilang daddy.Sa ilang sandali, magkaibang damdamin ang naramdaman nina Rio at Zian.Huminto si Zack at lumingon pabalik upang makita ang kumikislap na mga mata ni Rain. Bumaling ang mata niya sa mesa. Napansin niyang ang mga upuan sa tabi ng apat ay may nakahanda ng plato para sa kanya.Isang kakaibang emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata.Sa lohikal na pag-iisip, sila apat ay mukhang isang pamilya talaga na magkakasabay na kakain sa iisang mesa. Parang hindi siya bagay na umupo roon.Nang maisip ito ni Zack, nakaupo na siya sa hapag-kainan kasama sila. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagsali niya, pero ang kaninang masayang atmospera ay nahaluan ng pagkailang.Ang kambal na sina Rio at Zian ay biglang nanahimik, tahimik na kinain ang pagkain na nasa kanilang harapan.Nang hindi na siya kinakausap ng kambal, nawala
Habang nagsasagawa si Rhian ng acupuncture sa batang lalaki, kumalat na ang balita sa ibang mga kwarto.Maraming doktor ang nakarinig na tinanong ni Rhian si Harry, at nagsimula silang magtaka. Nang marinig nila na may alam siyang ibang acupoint para sa pagpapagaan ng sakit, iniwan nila ang kanilang mga trabaho at pumunta sa lugar.Pagpasok nila sa kwarto, nakita nilang ginagawa ni Rhian ang acupuncture. Bagamat may mga pagdududa ang lahat sa kasanayan ni Rhian dahil sa kanyang hitsura, alam nila na hindi puwedeng istorbohin ang isang doktor habang nagsasagawa ng acupuncture, kaya’t tumigil sila at tahimik na nanood mula sa pintuan.Nang makita nilang gumana ang acupuncture ni Rhian, lahat ay namangha.Ang paraang ito ng acupuncture ay hindi pa nila narinig dati.Ngunit sinuman na may malasakit ay makikitang mas tradisyonal at mas antigo ang paraan ni Rhian kumpara sa kanila, at hindi nila alam kung saan niya ito natutunan.Nang marinig nilang pinuri ni Luke si Rhian, hindi nila maiwa
Nang makita ni Rhian ang acupoint na tinutok ni Harry, bigla siyang kinabahan at subconsciously pinigilan siya, "Sandali lang, hindi mo puwedeng ilapat ang akupunktura sa acupoint na yan!" Pagkatapos niyang magsalita, sabay-sabay siyang tinignan ng tatlong tao, kasama ang bata na naroon. Si Harry ay lalong nainis, "Doctor Fuentes, kung hindi ka nakakaintindi, huwag ka nang makialam. Ito ang pinakamahalagang acupoint para sa pain relief. Hindi mo ba alam ito?" Sa totoo lang, hindi pa rin sigurado si Rhian, pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niyang mali ang acupoint na iyon, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ngayon, nang marinig ang tanong ni Harry, dahan-dahan siyang kumalma, at sunod-sunod na mga pagsusuri ang dumaan sa kanyang isipan. Pagkalipas ng ilang sandali, lumapit siya ng matatag kay Harry at mahinahong ipinaliwanag, "Tama ka, ito ang pinaka-basic na acupoint para sa pagpapagaan ng sakit. Alam ko ito nang mabuti, ngunit bago magbigay ng pampaginhawa, kailangan
Naaawa din sila para sa mga batang ito, ngunit wala silang magawa kundi manood.Hindi ito ang unang beses na nakakita si Luke ng ganitong sitwasyon, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyang medyo naaantig.Si Harry na nasa gilid ay hindi na nakatiis. Kung patuloy na pinapalakas ni Rhian ang loob ng mga bata, hindi niya alam kung gaano pa katagal ito.Agad na lumapit si Harry at hinawakan ang pulso ng isa sa mga bata, "Halika, hayaan mong tignan kita. Kailangan kang magpa-check-up para gumaling."Natakot ang bata sa kanya at tinitigan siya ng may takot.Nakakunot ang noo ni Harry, iniisip na baka matakot ang bata at gumana ito, kaya't tiningnan niya ang bata ng may matalim na mukha, "Ayoko sa mga batang pasaway!"Nakita ng bata ang matalim na ekspresyon ni Harry at napaiyak ng malakas.Nakita ito ni Rhian at agad na tumayo upang tumulong, "Doctor Harry, mga bata pa sila hindi mo sila dapat takutin para magpagamot. Maghintay at magpakasensya ka.”Si Mike at Luke ay
Nakita ni Mike na hindi siya apektado, kaya't nakahinga siya ng maluwag.Si Luke, na nakatayo sa gilid, ay tiningnan ang dalawa ng may kahulugan.Nang makatagpo siya ng pagkakataon na makita si Mike sa opisina kanina, alam na niyang magkakilala sila.Ngunit hindi niya inasahan na magiging ganoon kalapit ang kanilang relasyon.Naging tahimik ang compartment ng sandali.May bahagyang ingay sa pinto, at sinundan ito ng paalala mula sa staff, "Sir Luke, nagsimula na ang libreng klinika, at narito na ang mga bata."Nang marinig ito, agad na nag-adjust ang mga tao at tiningnan ang pinto ng compartment nang may ngiti.Apatan na cute na mga bata ang nag-linya at pumasok.Nang makita ang apat na tao sa loob, hindi napigilan ng mga bata na mamula.Maliban kay Harry, na nasa kalagitnaan na ng edad at medyo malaki ang tiyan, ang tatlong iba pa ay may taglay na kahanga-hangang hitsura. Kahit na nakangiti sila nang mabait, hindi nakayanan ng mga bata ang hiya at tumigil sa pinto, hindi na naglakas
Tiningnan ni Luke ang oras at sumagot ng malalim na tinig, "Malapit na, maghintay lang ng kaunti, ginagawa pa ang mga paghahanda sa labas."Tumango si Harry, tiningnan si Rhian ng may pagdududa, at pagkatapos ay nagtanong kay Luke, "Marami sigurong responsibilidad dito. Ano sa tingin mo? Kung gusto mo, maaari tayong maglipat ng isa o dalawang doktor mula sa ibang compartment?"Nang marinig ito, nagtaka si Rhian at ang iba pang mga doktor kung bakit siya nagtanong ng ganoon.Direktang nagtanong si Lukr, "Bakit? Pakiramdam mo ba ay sobra na ang trabaho?"Paulit-ulit na tumanggi si Harry, "Kung apat na doktor ang narito, sapat na iyon, pero ngayon... natatakot akong hindi ko magiging maingat sa pagsusuri sa mga bata mamaya, at baka magka-problema."Habang nagsasalita, nagbigay ng pahiwatig si Harry kay Rhian.Ipinahihiwatig nito na hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Rhian.Doon lang napagtanto ni Rhian ang hindi pagkakasundo sa kanya, at napuno siya ng kalituhan.Hindi niya kilala si
Sa ilang minuto lang, mas maraming kagamitan ang nakalatag sa bakuran kaysa noong una siyang dumating.Tumingin-tingin si Rhian.Bagamat ang pamilya Dantes ay isang pamilya ng tradisyonal na medisina, marami pa ring mga kagamitan ng medisina sa Kanluran ang nakalagay sa bakuran upang mas mapabuti ang paggamot sa mga bata.Ang mga doktor na kanina ay naghintay sa pila ay pumasok na sa kanilang mga compartment, na may mga magiliw na ngiti sa mukha, habang tinitingnan ang mga batang naghihintay na pumasok.Tila'y isang pormal na okasyon.Naglakad nang mabilis si Rhian papunta sa kanyang compartment. May isa nang doktor na naghihintay sa loob ng compartment. Nang makita niyang siya ay isang batang babae, inisip niyang siya ay ipinakilala lamang ng aristokratikong pamilya upang palaganapin ang kanyang pangalan, kaya't hindi siya pinansin.Pumasok din si Mike.Bawat compartment ay may dalawa o tatlong doktor at isang direktang staff ng pamilya Dantes.Ang kanilang compartment ay halos ang p
Inabot ni Rhian ang kanyang kamay at nakipagkamay. Hindi malaman ni Rhian kung bakit, ngunit si Luke ay parang malupit sa hitsura kapag hindi nagsasalita, pero kapag nagsalita, nagiging medyo malamig. Hindi maiwasang mag-isip si Rhian tungkol sa taong nag-receive sa kanya kanina sa pinto, at nakaramdam siya na marahil ito ang pagpapalaganap ng pamilya. Tungkol naman sa pangalang Luke, narinig na rin niya ito. Sa mga nakaraang linggo, upang maunawaan ang mga bagay tungkol sa libreng klinika ng pamilya Dantes, nagbasa si Rhian ng maraming impormasyon tungkol sa pamilya Dantes. Alam niya na si Luke Dantes ay apo ni Mr. Rommel Dantes at ang pinaka-magaling na doktor ng henerasyong ito sa pamilya Dantes. Ngunit dahil sa pagiging mababang-loob ng pamilya Dantes sa mga nakaraang taon, bihirang lumabas si Luke Dantes sa publiko at medyo misteryoso. Nang makita niya ang impormasyon ni Luke, hindi maiwasan ni Rhian na magtaka kung anong klaseng tao ito. Ngayon, nang makita siya ng p
Inilabas ni Rhian ang liham ng rekomendasyon mula kay Mr. Florentino mula sa kanyang bag at iniabot ito sa lalaki, "Ito po ang aking liham ng rekomendasyon, paki-tignan po." Tinutok ng lalaki ang tingin at binasa ito, at pagkatapos ay tinitigan siya nang may pagtataka. Matapos ilang segundo ng pag-iisip, yumuko siya at humingi ng paumanhin, "Doktor Fuentes, pasensya na po, akala ko po kayo ay aktres na dumaan para mag-shoot sa suburbs." Ngumiti si Rhian at pininid ang kanyang labi. Kahit may mga kalituhan kanina, hindi maikakaila na ang mga tao sa pamilya Dantes ay may magandang pakikipagkapwa tao. Kahit na inisip nilang hindi siya kabilang, hindi nila nawalan ng galang, kaya’t hindi ito pinag-isipan ni Rhian ng masama. "Puwede na po kayong pumasok, may mag-aasikaso po sa inyo upang makilala si Sir Luke." Tumabi ang lalaki upang magbigay daan. Nagpasalamat si Rhian at pumasok na kasama ang liham ng rekomendasyon. Ang orphanage ay malinaw na inasikaso nang mabuti, may mga maliit
Nang makita nila ang mga nilalaman sa screen ni Rhian, tahimik nilang iniiwas ang tingin. Napakahirap ng mga bagay na tinitingnan ng Mommy nila. Hindi nila agad naintindihan. "Go Mommy!" Hikayat ni Zian kay Rhian gamit ang malambing na boses. Nang marinig ito, ngumiti si Rhian, "Salamat, baby, gagawin ko." Sa gilid, si Rio ay nagbigay ng paalala sa kanyang ina na parang isang maliit na adult, "Mommy, huwag mong gawing gabing-gabi. Mahalaga ang libreng klinika bukas. Kung hindi ka magpapahinga ng maayos, maaapektuhan ang performance mo." Ngumiti si Rhian at tumango, "Naiintindihan ko." “Rio, magaling na si mommy. Kahit hindi pa siya maghanda, magiging pinakamahusay siya bukas!" Sinabi ni Zian nang walang kahirap-hirap. Natawa si Rhian sa mga bata at hinalikan sila sa noo, "Salamat, mga baby, sa pagpapalakas ng loob kay Mommy. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Magpahinga na kayo. Magpapahinga rin ako pagkatapos kong basahin ito." Alam ng mga bata na makakaistorbo sila