LIKE
Nang mawala na ang sasakyan ni Zack sa kanilang paningin, ay hinila ni Rhian ang dalawang bata pabalik sa loob ng bahay at naupo sa harap nila na may seryosong ekspresyon sa mukha.Alam ng dalawang bata na may mahalagang sasabihin ang kanilang ina, kaya't tumingin silang dalawa sa mommy nila ng tahimik."Rio, Zian, makinig kayong mabuti, sinuman ang makilala ninyo sa hinaharap, hindi ninyo dapat sasabihin sa iba ang tungkol sa kalagayan ng ating pamilya, lalo na… ang tungkol sa hindi ninyo pagkakaroon ng ama!" Napahilot si Rhian sa kanyang ulo. Sumakit ang ulo niya ng maalala ang nangyaring sitwasyon kanina.Kung hindi siya nakapag-interrupt ng mabilis, tiyak na magkakaroon ng pagdududa si Zack. Matalino ito, kaya naman walang duda na madali nitong malalaman ang kanilang sitwasyon! May kalituhan na tumingin sina Rio at Zian sa kanya. "Pero wala naman po talaga kaming daddy!"Mas lalo pang sumakit ang ulo ni Rhian. Hindi niya kayang sabihin sa dalawang bata na ito'y dahil natatakot siy
"Dad, Mom, bakit kayo narito?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo.Nang marinig ito, inaalala ng ina ni Zack na si Dawn, kung may sugat ang kanyang apo at nagalit, "Narinig ko na nawawala ang mahal kong apo ng maaga pa lang. Hindi ba kayo nag-aalala? Natakot ako kaya agad kaming nagpunta dito ng dad mo para puntahan ka. Zack, bakit hindi pinaalam sa amin ang ganito kalaking problema?!"Hindi kumibo si Zack."Rain, sabihin mo kay Lola kung saan ka nagpunta?" Nang matiyak ni Dawn na hindi nasaktan ang apo, niyakap niya ito nang may pagmamahal at nag-alalang tanong, "Ikaw talagang bata ka, paano ka nakalabas mag-isa? Nataranta si Lola, huwag mo nang ulitin 'yan, ha?"Tumugon naman si Marga, "Kung may hindi ka magandang nararamdaman, maaari kang magsabi kay tita, huwag tumakas nang hindi nagsasabi. Nag-aalala si Grandpa at Grandma, ako din ay nag alala sayo, handa na sana akong hanapin ka, mabuti nalang at nakabalik ka!"Habang si Rain ay yakap ng kanyang lolo, may malamig na ekspresy
Sa pananghalian, nag-stay ang mommy at daddy ni Zack sa manion para kumain, at naghanap si Marga ng dahilan para manatili rin.Sa hapag-kainan, maingat si Marga sa bawat galaw, palaging naghahain ng mga putahe sa mga nakatatanda at inaasikaso sila, at nagbalat pa siya ng hipon para kay Rain, ngunit hindi ito kumain ng mga binigay niya."Naalala ni tita na mahilig ka nga pala sa hipon, kaya't binalatan ko na para sa'yo. Heto, kumain ka pa." Inilapit ni Marga ang mga hipon sa harap ng bata.Tumingin lang si Rain, pagkatapos ay ibinaba ang ulo at nagsimulang kumain sa sarili niyang plato, parang hindi nakita ang hipon na inabot sa kanya ni Marga.Ang mga kamay ni Marga ay nasa plato pa rin, nakahawak pa rin ito, ang ngiti sa mukha nito ay tila naging matigas. Hindi pinansin ng paslit ang mga hipon na binalatan.Pinagalitan ni Dawn ang apo: "Rain, si tita Marga na nga ang nagbalat ng hipon para sa'yo, bakit hindi mo pa ito kinain? Hindi ba't dapat mo siyang pasalamatan?"Hindi nag-react si
Natuwa si Wilbert sa sinagot ng kanyang apo. Kung gusto nito matuto, tutulungan niya ito. Tumawag ang ama ni Zack ng kasambahay at nag-utos na dalhan sila ng brush at mga tinta. Sinimulan turuan si Rain ng kanyang lolo Wilbert, dito natuon ang pansin niya.Nakita ni Zack na inaalagaan ng kanyang ama si Rain, kaya't nagpaalam siya sa kanila at nagtungo sa kanyang opisina.Si Marga naman ay galit na galit. Paano siya nagawang ipahiya ng batang ito sa harap ng magulang ni Zac iwasan lamang siya! ang lakas ng loob niya! Kung magpapatuloy ito, tiyak na mapapansin ng dalawang magulang ni Zack na may kakaibang nangyayari.Hindi ito maaari, kailangan niyang maghanap ng pagkakataon upang turuan ng leksyon ang batang ito para matuto!---Dahil sa biglaang pagbisita ni Rain, halos alas-diyes na nang dumating si Rhian kasama ang dalawang bata sa research institute.Pagkatapos ilagay ang dalawang bata sa kanyang opisina, nagsimula si Rhian na magtrabaho nang tuloy-tuloy.Hindi pa rin natatapos ang
Hindi pamilyar si Rhian sa mga kalapit na restaurant, kaya't nagtanong siya kay Jenny para magrekomenda ng isa at dinala ang dalawang bata doon.Habang kumakain, nagpadala ng mensahe si Gino, "Doctor Fuentes, pupunta ka ba dito ngayong gabi para gamutin si lolo?"Biglang naalala ni Rhian na hindi pa niya naipaliwanag nang maayos ang proseso ng paggamot sa kanya, kaya't sumagot siya, "Medyo mahina pa ang lolo mo, at hindi dapat masyadong madalas ang paggamot sa kanya. Dalawang araw na siyang ginagamot, kaya kailangan pahingahin muna siya. Pupunta ako bukas. Pasensya na, nakalimutan ko itong sabihan.""Okay, maghihintay ako anumang oras," mabilis na reply ni Gino.Nakita ng dalawang bata na abala pa si Mommy sa pagte-text habang kumakain, kaya nagtanong sila nang may pagkamausisa, "Mommy, may problema po ba?"Ngumiti si Rhian at nagsandok ng pagkain para sa dalawang bata, "Wala, isang pasyente lang ang nagtanong kung pupunta ba ako mamaya."Nang marinig ito, tumango ang mga bata at bawat
Nang marinig ni Marga ang sinabi ni Ana, hindi matukoy ang kanyang eksaktong emosyon.Dahil tinanggihan siya ni Zack dati, at bigla niyang nalaman na bumalik na ang babaeng ito sa bansa, hindi na siya nakapaghintay pa. Sa buong panahong ito, patuloy siyang nagsusumikap upang magkaroon ng posisyon kay Zack.Ngayong umaga, espesyal niyang inimbitahan ang dalawang matandang miyembro ng pamilya nito upang maging tagapamagitan, iniisip na makikinig si Zack sa kanila at babaguhin ang kanyang desisyon.Ngunit, hindi inaasahan, muling tinanggihan siya nito at kailangan pa niyang tanggapin ang presensya ng batang iyon at makipag-plastikan dito ng buong araw. Ahhh! Hindi niya magawang ilabas ang galit dahil sa dalawang matanda na kasama niya. Kaya naman pagkatapos ng isang buong araw na kasama sila, nagpasya siya na mag-shopping kasama si Ana upang matanggal ang inis niya.Ngunit hindi niya inaasahan na maririnig ang ganitong balita.Maraming kilalang doktor ang walang magawa sa kondisyon ni lol
Pagkatapos makita ni Marga at Ana na nawala na si Rhian, pumasok sila at umupo malapit sa bintana. "Marga, anong nangyari sa pagitan mo at ni doktor Fuentes? Mukhang kilala niyo ang isa't isa, pero mukhang hindi maganda ang relasyon niyo?" Tanong ni Ana na nag-aalangan. Ngitngit na sumagot si Marga, "Paano magiging mabuti ang aming relasyon? Si Rhian ay ex-wife ni Zack!" Kung hindi dahil kay Rhian, matagal na sanang naayos ang kasal nila ni Zack! Nang marinig ito, nagulat si Ana, "Ano?! Ex-wife siya ni kuya Zack?!” Si Zack ay nag-asawa anim na taon na ang nakalipas, at hindi ito lihim sa kanilang lahat. Lalo na sa kanilang mga kabarkada na lumaki kasama siya. Ang akala nilang lahat si Marga ang magiging asawa ni Zack. Ngunit hindi nila inasahan na magpapakasal si Zack nang biglaan sa iba. Hindi lumabas ang asawa ni Zack sa harap nila, at bihirang niyang banggitin ito sa ibang tao. Kaya't hanggang sa maghiwalay sila, hindi nila alam kung sino ang babaeng iyon. Kaya naman ngay
Pinagmasdan ng dalawang bata si Marga kanina mula ulo hanggang paa. Para sa kanila, hindi kayang tapatan ng babaeng iyon ang mommy nila. Iniwan ni Daddy si Mommy para sa babaeng iyon, ang laking hangal ni Daddy! Matapos ang ilang sandali na pagdududa, biglang naalala ni Rio ang kanilang usapan sa restaurant kanina, kaya nilapitan niya ang mommy niya at tinanong, "Mommy, kanina sabi mo po na may ginagawang kalokohan ang babaeng ‘yon, ano po iyon? Inapi ka ba niya?" Ayaw ni Rhian na idamay ang dalawang anak sa kanilang hindi magandang ugnayan, kaya’t kalmado siyang tumugon ng hindi sinasabi ang totoo, "Wala yun, isang bagay lang sa trabaho, naresolba na." Ngunit agad na narinig ni Rhian ang matatag na boses ni Rio. "Ano po iyon!" Nakakunot na ang noo na giit ni Rio, "Ano yun Mommy? Sabihin mo na po sa amin please!!!!” Sumunod si Zian, siya din ang gumiit sa ina, “Mommy, hindi ba't nagkasundo tayo na walang sikreto sa isa't isa? Hindi mo ito pwedeng ilihim sa amin! Nag-promise ka sa
Habang nagsasagawa si Rhian ng acupuncture sa batang lalaki, kumalat na ang balita sa ibang mga kwarto.Maraming doktor ang nakarinig na tinanong ni Rhian si Harry, at nagsimula silang magtaka. Nang marinig nila na may alam siyang ibang acupoint para sa pagpapagaan ng sakit, iniwan nila ang kanilang mga trabaho at pumunta sa lugar.Pagpasok nila sa kwarto, nakita nilang ginagawa ni Rhian ang acupuncture. Bagamat may mga pagdududa ang lahat sa kasanayan ni Rhian dahil sa kanyang hitsura, alam nila na hindi puwedeng istorbohin ang isang doktor habang nagsasagawa ng acupuncture, kaya’t tumigil sila at tahimik na nanood mula sa pintuan.Nang makita nilang gumana ang acupuncture ni Rhian, lahat ay namangha.Ang paraang ito ng acupuncture ay hindi pa nila narinig dati.Ngunit sinuman na may malasakit ay makikitang mas tradisyonal at mas antigo ang paraan ni Rhian kumpara sa kanila, at hindi nila alam kung saan niya ito natutunan.Nang marinig nilang pinuri ni Luke si Rhian, hindi nila maiwa
Nang makita ni Rhian ang acupoint na tinutok ni Harry, bigla siyang kinabahan at subconsciously pinigilan siya, "Sandali lang, hindi mo puwedeng ilapat ang akupunktura sa acupoint na yan!" Pagkatapos niyang magsalita, sabay-sabay siyang tinignan ng tatlong tao, kasama ang bata na naroon. Si Harry ay lalong nainis, "Doctor Fuentes, kung hindi ka nakakaintindi, huwag ka nang makialam. Ito ang pinakamahalagang acupoint para sa pain relief. Hindi mo ba alam ito?" Sa totoo lang, hindi pa rin sigurado si Rhian, pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niyang mali ang acupoint na iyon, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ngayon, nang marinig ang tanong ni Harry, dahan-dahan siyang kumalma, at sunod-sunod na mga pagsusuri ang dumaan sa kanyang isipan. Pagkalipas ng ilang sandali, lumapit siya ng matatag kay Harry at mahinahong ipinaliwanag, "Tama ka, ito ang pinaka-basic na acupoint para sa pagpapagaan ng sakit. Alam ko ito nang mabuti, ngunit bago magbigay ng pampaginhawa, kailangan
Naaawa din sila para sa mga batang ito, ngunit wala silang magawa kundi manood.Hindi ito ang unang beses na nakakita si Luke ng ganitong sitwasyon, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyang medyo naaantig.Si Harry na nasa gilid ay hindi na nakatiis. Kung patuloy na pinapalakas ni Rhian ang loob ng mga bata, hindi niya alam kung gaano pa katagal ito.Agad na lumapit si Harry at hinawakan ang pulso ng isa sa mga bata, "Halika, hayaan mong tignan kita. Kailangan kang magpa-check-up para gumaling."Natakot ang bata sa kanya at tinitigan siya ng may takot.Nakakunot ang noo ni Harry, iniisip na baka matakot ang bata at gumana ito, kaya't tiningnan niya ang bata ng may matalim na mukha, "Ayoko sa mga batang pasaway!"Nakita ng bata ang matalim na ekspresyon ni Harry at napaiyak ng malakas.Nakita ito ni Rhian at agad na tumayo upang tumulong, "Doctor Harry, mga bata pa sila hindi mo sila dapat takutin para magpagamot. Maghintay at magpakasensya ka.”Si Mike at Luke ay
Nakita ni Mike na hindi siya apektado, kaya't nakahinga siya ng maluwag.Si Luke, na nakatayo sa gilid, ay tiningnan ang dalawa ng may kahulugan.Nang makatagpo siya ng pagkakataon na makita si Mike sa opisina kanina, alam na niyang magkakilala sila.Ngunit hindi niya inasahan na magiging ganoon kalapit ang kanilang relasyon.Naging tahimik ang compartment ng sandali.May bahagyang ingay sa pinto, at sinundan ito ng paalala mula sa staff, "Sir Luke, nagsimula na ang libreng klinika, at narito na ang mga bata."Nang marinig ito, agad na nag-adjust ang mga tao at tiningnan ang pinto ng compartment nang may ngiti.Apatan na cute na mga bata ang nag-linya at pumasok.Nang makita ang apat na tao sa loob, hindi napigilan ng mga bata na mamula.Maliban kay Harry, na nasa kalagitnaan na ng edad at medyo malaki ang tiyan, ang tatlong iba pa ay may taglay na kahanga-hangang hitsura. Kahit na nakangiti sila nang mabait, hindi nakayanan ng mga bata ang hiya at tumigil sa pinto, hindi na naglakas
Tiningnan ni Luke ang oras at sumagot ng malalim na tinig, "Malapit na, maghintay lang ng kaunti, ginagawa pa ang mga paghahanda sa labas."Tumango si Harry, tiningnan si Rhian ng may pagdududa, at pagkatapos ay nagtanong kay Luke, "Marami sigurong responsibilidad dito. Ano sa tingin mo? Kung gusto mo, maaari tayong maglipat ng isa o dalawang doktor mula sa ibang compartment?"Nang marinig ito, nagtaka si Rhian at ang iba pang mga doktor kung bakit siya nagtanong ng ganoon.Direktang nagtanong si Lukr, "Bakit? Pakiramdam mo ba ay sobra na ang trabaho?"Paulit-ulit na tumanggi si Harry, "Kung apat na doktor ang narito, sapat na iyon, pero ngayon... natatakot akong hindi ko magiging maingat sa pagsusuri sa mga bata mamaya, at baka magka-problema."Habang nagsasalita, nagbigay ng pahiwatig si Harry kay Rhian.Ipinahihiwatig nito na hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Rhian.Doon lang napagtanto ni Rhian ang hindi pagkakasundo sa kanya, at napuno siya ng kalituhan.Hindi niya kilala si
Sa ilang minuto lang, mas maraming kagamitan ang nakalatag sa bakuran kaysa noong una siyang dumating.Tumingin-tingin si Rhian.Bagamat ang pamilya Dantes ay isang pamilya ng tradisyonal na medisina, marami pa ring mga kagamitan ng medisina sa Kanluran ang nakalagay sa bakuran upang mas mapabuti ang paggamot sa mga bata.Ang mga doktor na kanina ay naghintay sa pila ay pumasok na sa kanilang mga compartment, na may mga magiliw na ngiti sa mukha, habang tinitingnan ang mga batang naghihintay na pumasok.Tila'y isang pormal na okasyon.Naglakad nang mabilis si Rhian papunta sa kanyang compartment. May isa nang doktor na naghihintay sa loob ng compartment. Nang makita niyang siya ay isang batang babae, inisip niyang siya ay ipinakilala lamang ng aristokratikong pamilya upang palaganapin ang kanyang pangalan, kaya't hindi siya pinansin.Pumasok din si Mike.Bawat compartment ay may dalawa o tatlong doktor at isang direktang staff ng pamilya Dantes.Ang kanilang compartment ay halos ang p
Inabot ni Rhian ang kanyang kamay at nakipagkamay. Hindi malaman ni Rhian kung bakit, ngunit si Luke ay parang malupit sa hitsura kapag hindi nagsasalita, pero kapag nagsalita, nagiging medyo malamig. Hindi maiwasang mag-isip si Rhian tungkol sa taong nag-receive sa kanya kanina sa pinto, at nakaramdam siya na marahil ito ang pagpapalaganap ng pamilya. Tungkol naman sa pangalang Luke, narinig na rin niya ito. Sa mga nakaraang linggo, upang maunawaan ang mga bagay tungkol sa libreng klinika ng pamilya Dantes, nagbasa si Rhian ng maraming impormasyon tungkol sa pamilya Dantes. Alam niya na si Luke Dantes ay apo ni Mr. Rommel Dantes at ang pinaka-magaling na doktor ng henerasyong ito sa pamilya Dantes. Ngunit dahil sa pagiging mababang-loob ng pamilya Dantes sa mga nakaraang taon, bihirang lumabas si Luke Dantes sa publiko at medyo misteryoso. Nang makita niya ang impormasyon ni Luke, hindi maiwasan ni Rhian na magtaka kung anong klaseng tao ito. Ngayon, nang makita siya ng p
Inilabas ni Rhian ang liham ng rekomendasyon mula kay Mr. Florentino mula sa kanyang bag at iniabot ito sa lalaki, "Ito po ang aking liham ng rekomendasyon, paki-tignan po." Tinutok ng lalaki ang tingin at binasa ito, at pagkatapos ay tinitigan siya nang may pagtataka. Matapos ilang segundo ng pag-iisip, yumuko siya at humingi ng paumanhin, "Doktor Fuentes, pasensya na po, akala ko po kayo ay aktres na dumaan para mag-shoot sa suburbs." Ngumiti si Rhian at pininid ang kanyang labi. Kahit may mga kalituhan kanina, hindi maikakaila na ang mga tao sa pamilya Dantes ay may magandang pakikipagkapwa tao. Kahit na inisip nilang hindi siya kabilang, hindi nila nawalan ng galang, kaya’t hindi ito pinag-isipan ni Rhian ng masama. "Puwede na po kayong pumasok, may mag-aasikaso po sa inyo upang makilala si Sir Luke." Tumabi ang lalaki upang magbigay daan. Nagpasalamat si Rhian at pumasok na kasama ang liham ng rekomendasyon. Ang orphanage ay malinaw na inasikaso nang mabuti, may mga maliit
Nang makita nila ang mga nilalaman sa screen ni Rhian, tahimik nilang iniiwas ang tingin. Napakahirap ng mga bagay na tinitingnan ng Mommy nila. Hindi nila agad naintindihan. "Go Mommy!" Hikayat ni Zian kay Rhian gamit ang malambing na boses. Nang marinig ito, ngumiti si Rhian, "Salamat, baby, gagawin ko." Sa gilid, si Rio ay nagbigay ng paalala sa kanyang ina na parang isang maliit na adult, "Mommy, huwag mong gawing gabing-gabi. Mahalaga ang libreng klinika bukas. Kung hindi ka magpapahinga ng maayos, maaapektuhan ang performance mo." Ngumiti si Rhian at tumango, "Naiintindihan ko." “Rio, magaling na si mommy. Kahit hindi pa siya maghanda, magiging pinakamahusay siya bukas!" Sinabi ni Zian nang walang kahirap-hirap. Natawa si Rhian sa mga bata at hinalikan sila sa noo, "Salamat, mga baby, sa pagpapalakas ng loob kay Mommy. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Magpahinga na kayo. Magpapahinga rin ako pagkatapos kong basahin ito." Alam ng mga bata na makakaistorbo sila