LIKE 👍
“Paano nawala bigla si Rain?” Hindi mapigilan ni Rhian ang magtanong habang naglalakad sila palabas ng botanical garden. Kung hindi niya malalaman ang buong kwento, baka patuloy niyang sisihin ang sarili. Tumingin si Zack sa kanya ng nakatiim-bagang. Bagama’t hindi sinabi ni Rain ang dahilan ng pagtakas, sigurado siyang umalis ang bata dahil gusto nitong makita si Rhian. Nang magtama ang kanilang mga mata, mas lalo pang hindi mapakali si Rhian. “Hindi ba kasama mo siya kanina? Kayo ni…” nag-alangan siya na banggitin ang pangalan ng fiancee nito. “Look, Mr. Saavedra. Hindi naman sa nangingialam ako. Paanong hindi ninyo naasikaso si Rain? Dalawa na kayo, isang bata lamang si Rain. Bukod pa don, masunurin at mabait na bata si Rain… bakit siya tatakas?” Hindi na nakapagpigil si Rhian at nagtanong ng inis. Agad din na pinagsisihan ni Rhian ang sinabi. Alam niyang labis nang nag-aalala si Zack sa pagkawala ng bata, dahil sinabi niya ito, baka magmukhang sinisisi niya ito. Pero nagula
Pagdating ni Rhian sa hotel, agad siyang pumasok sa lobby. Doon niya nakita si Marga na nakaupo sa sofa, nakatalikod sa pinto. Noong una, iiwas sana siya sa babae. Ngunit dahil tungkol ito kay Rain, walang pag-aalinlangang lumapit si Rhian. “Nandito na ba si Rain?” Si Marga ay hindi mapakali mula sa nangyari kanina. Nang marinig ang boses ni Rhian, bigla itong natauhan at napatingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, ang kanyang kaba ay napalitan ng galit. Ito ang dahilan! Si Rhian! Siya ang dahilan kung bakit nawala si Rain! Kitang-kita sa mukha ni Marga ang galit, bagay na nagpaisip kay Rhian. Bago pa siya makapagtanong, biglang tumayo si Marga, namumula ang mga mata, at itinuro siya habang nagmumura: “Ang kapal ng mukha mong magtanong! Kung hindi dahil sa’yo, hindi biglang aalis si Rain! Kasalanan mo ang lahat ng ito, bruha ka! Peste ka kahit kailan!” Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Rhian. Imbes pangunahan ng galit. Nagulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. “A
Nakaupo si Dawn sa sofa sa sala habang nanonood ng TV nang marinig niya ang tawag. Bigla siyang kinabahan. "Anong sinabi mo?" Kinuyom ni Marga ang kanyang palad upang gawing mas puno ng pagsisisi ang kanyang boses. "Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko naalagaan nang mabuti si Rain kaya siya tumakas..." "Gaano na siya katagal nawala? Tumawag na ba kayo sa pulis? Nasaan ka ngayon? Magpapadala ako ng tao kaagad!" Puno ng kaba si Dawn, halos gusto niyang lumipad papunta roon. Paano biglang mawawala ang kanyang apo? Mahinang sabi ni Marga, "Hinahanap namin siya ngayon. Tumawag na rin kami sa pulis. Huwag kang mag-alala." Ngunit hindi mapigilan ni Dawn ang kanyang pagkabahala, at halatang masama ang tono niya. "Paano ako hindi mag-aalala! Dumidilim na! Bata lang si Rain. Gaano kaya siya natatakot ngayon? Hindi puwede ito. Tatawagan ako ng mga pulis at magpapadala rin ng tao!" Sumang-ayon si Marga. Mas maraming maghahanap, mas mataas ang pag-asa na makita agad ang bata. Pagkababa ng tele
Sa group chat ng mga magulang, humingi si Teacher Pajardo ng balita mula sa lahat. Isa-isang sumagot ang mga magulang na wala pa silang nakikitang bakas. Dahil paborito ni Zack si Rain, ginawa ng lahat ang makakaya upang hanapin siya, dahil alam nila na malaking pabuya ang naghihintay sa sinuman na makakahanap. Pero puno ng matataas na puno, ay masukal na kagubatan ang paligid ng botanical garden, kaya walang sinuman ang naglakas-loob na magtungo roon upang maghanap. Tinitingnan ni Zack ang mga sagot ng lahat, ngunit wala siyang natanggap na balita tungkol kay Rhian. Hindi niya maiwasang mag-alala. Simula nang magkahiwalay sila sa botanical garden, hindi pa niya nakontak si Rhian. Hindi niya alam ang kalagayan nito. Habang papadilim ang paligid, lalong nag-alala si Zack sa posibilidad na maghanap ito mag-isa. Kilala niya ang babae, tunay na nagmamalasakit ito sa kanyang anak, kaya hindi malabo na tama ang hinala niya, baka naghanap ito nang mag-isa. Dahil dito, tinawagan ni Zack
Paglabas mula sa hotel, mabilis na naglakad si Zack papunta sa bundok habang kausap si Manny sa cellphone. Hindi pa siya nakakapasok sa bundok kaya may signal pa siya. "Sabihan ang mga tao na mag-ingat sa paghahanap. Si Rhian ay pumasok na sa kagubatan. Hanapin din ninyo siya!” Sa kabilang linya, mabilis na tumugon si Manny. Sa isip niya, talagang nag-aalala ang madam para sa bata. Sa ganoong oras ng gabi, hindi ito nag-atubili na pumasok sa madilim na kagubatan para maghanap. Matapos ibaba ang tawag, muling narinig ni Zack ang isang mahinang boses mula sa likuran. "Zack, may balita na ba tungkol kay Rain?" Naghanap si Marga sa paligid ngunit walang nakita. Hindi siya naglakas-loob na pumasok sa kagubatan kaya bumalik siya sa hotel. Hindi niya inaasahan na makakasalubong si Zack sa pintuan, dahilan para makaramdam siya ng kaba. Nang marinig ni Zack ang boses, ibinulsa niya ang cellphone. Malamig ang kanyang mga mata na tumingin kay Marga. Nakita niya ang suot ng babae—isang pula
Madilim na madilim ang kagubatan. Maliban sa liwanag ng flashlight, tanging bahagyang liwanag ng buwan ang maaaninag. Naglalakad si Rhian nang maingat sa kagubatan. Hindi niya alam kung saan siya papunta. Alam lang niya na wala siyang nakitang bakas ng munting si Rain kahit saan siya magpunta. Nang maihatid niya ang dalawang bata kanina, binasa niya ang mensahe sa group chat. Walang ibang magulang ang nakakita kay Rain. Iisa ang natitira—ang kagubatan. Wala pang pumapasok doon para maghanap. Kung nandito nga ang bata... Lalo siyang kinabahan habang iniisip ito. Siya na matanda na ay natatakot dito sa bundol, lalo na siguro ang batang katulad ni Rain. Kung hindi dahil sa paghahanap sa kanya, hindi pupunta ang bata sa ganoong lugar. Kasalanan niya ito. Tumingala si Rhian at piping nagdasal. Pinagdasal na sana ay makita niyang ligtas ang bata. “Kaya ko ito… mahahanap ko si Rain, hindi ako pwedeng huminto at mawalan ng pag-asa.” Kausap niya sa kanyang sarili. Pinilit ni Rhian a
"Rain? Ikaw ba 'yan?" Habang papalapit si Rhian, lalong nagiging malinaw ang pag-iyak, at tumataas ang kanyang pag-asa. Narinig din ni Rain ang boses ng magandang tita, at saglit na huminto ang kanyang pag-iyak. "T-tita gan…da?" Pagkarinig nito, bahagyang nakahinga nang maluwag si Rhian at binilisan ang paglapit sa bata. Habang naglalakad, bigla siyang nadulas. Nabigla si Rhian at mabilis na kumapit sa isang malaking puno sa tabi upang bumalanse. Pagtingin niya, nakita niya ang isang malalim na hukay na natatakpan ng mga damo at puno. Nandoon ang bata, naka-upo sa ilalim, marumi at balot ng putik. "Rain?" Sa hitsura ng bata, agad siyang nakaramdam ng awa. Mula sa taas, tumama ang liwanag ng flashlight kay Rain, na agad tumingala. Nakita niya ang magandang tita na nakatingin sa kanya nang may ginhawa sa mukha. "Huwag kang mag-alala, nandito na si tita." Puno ng guilt si Rhian sa kanyang nararamdaman, pero hindi niya ito ipinakita, takot na baka lalo pang matakot ang bata. Pula
Si Rhian ay marahang hinahaplos ang likod ng bata, sinusubukang pakalmahin siya, ngunit naririnig niyang unti-unting humihina ang iyak nito. "Rain?" Tumingin siya pababa nang may pag-aalala. Ang bata ay nawalan na ng malay dahil sa sobrang pag-iyak. Ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata ay nakabitin pa rin sa kanyang pisngi. Sa hitsura ng bata, halos hindi makahinga si Rhian dahil sa sobrang awa. Napakalamig ng gabi, at manipis ang suot ng bata. Hindi pwedeng magtagal pa ito. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makaakyat sila! Pagkatapos niyang magdesisyon, hinubad ni Rhian ang kanyang jacket, binalot ang bata, at sinubukang maghanap ng solusyon. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makalabas ng hukay. Halos maubos na ang lakas niya sa sunod-sunod na pagtatangka. Sa huli, napaupo si Rhian nang may pagkabigo, at niyakap ang bata upang painitin ito. Habang umiihip ang malamig na hangin sa kagubatan, tanging kaluskos ng mga dahon ang naririnig—walang ibang tao. Sa
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag