LIKE 👍
Sa daan pauwi, habang nagmamaneho si Manny ay hindi niya maiwasan na sulyapan ang kanyang master sa rearview mirror. Nakita niya na hindi humuhupa ang madilim na ekspresyon nito sa buong biyahe, ang atmospera sa loob ng sasakyan ay napakabigat. Matagal na siyang naninibilhan kay Zack, ngunit bihira niyang makita ito na galit. Sandali na naguluhan si Manny. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ng kanyang amo patungkol kay Rhian. Nitong nakaraan, napansin niya na naglalabas ng iba’t ibang emosyon ang lalaki sa tuwing nakakasalamuha ang dating asawa. Kung tutuusin, kung gusto ng kanyang amo, dapat ay kasal na sila ni Miss Suarez noon pa man. Ang kasalan sa pagitan ng dalawa ay matagal ng alam ng marami. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy hanggang ngayon. Simula nang bumalik si Rhian sa bansa, malinaw na naramdaman ni Manny na may pagbabago sa pagtrato ng kanyang amo. Iba ang pakikitungo niya kay Miss Suarez at kay Rhian. Kapag si Miss Suarez ang kaharap, ka
Dahan-dahang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian. Inisip ni Rhian ang mga bata sa bahay, kaya't pilit niyang inalis ang kanyang mga iniisip at ngumiti nang magpasalamat kay Mike, "Salamat sa abala, senior.” Tumango si Mike, tinanaw siya habang bumababa ng sasakyan, "Isipin mong mabuti ang sinabi ko." Nagulat si Rhian at medyo tumango na hindi sigurado. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Mike, pagkatapos ay inayos ang sarili at binuksan ang pinto. Pagbukas pa lang ng pinto, narinig niya ang mga bata at si Jenny na nag-aaway sa loob ng sala. Sa pagdinig lang ng kanilang boses, pakiramdam ni Rhian ay tila bumuti ang kanyang pakiramdam, at ang ngiti sa kanyang mukha ay naging mas natural. "Mommy!" Si Rio ang unang nakakita sa kanya at agad na tumakbo papunta sa kanya at niyakap ang kanyang mga hita. Si Zian at Jenny ay patuloy na nag-aaway, at nang marinig nila ang boses ni Rio, napansin nila ang tao sa pinto at tumigil sa ginagawa nila para batiin siya. Ang dalawa
Pagbalik ni Zack mula sa San Isidro, dumiretso siya sa Saavedra Group upang asikasuhin ang mga gawain na naipon sa nakaraang dalawang araw na umalis siya. Nang sumapit na ang gabi, pagbalik sa Saavedra mansion, nakita niyang nakaupo si Rain sa mesa sa sala, abala sa pagpipinta. Nang makita siyang bumalik, ibinaba ng bata ang brush sa kanyang kamay at lumapit sa kanyang ama. Yumuko si Zack at hinaplos ang ulo ng anak, "Namiss mo ba si Daddy, munti kong prinsesa?" Tumango si Rain. Nang makita ito, ngumiti si Zack, tumayo, at tinawagan si Aunt Gina upang itanong kung kumain na ba ang anak at para na rin magtanong kung kamusta na ang kanyang anak sa nakalipas na dalawang araw. Nang makita ang master, yumuko si Aunt Gina bilang paggalang. “Maligayang pagbabalik, master.” “Kamusta na ang aking anak?” Tanong ni Zack. Hindi na siya nagtanog sa paslit, alam niya na hindi naman ito magsasalita upang sagutin siya. Agad naman naunawaan ng matanda ang tanong ng kanyang amo, kaya’t siya ay ma
Kinabukasan ng pagbalik mula sa sentro, nagbalik si Rhian sa trabaho sa institusyon. Dahil nasa sentro siya ng dalawang araw, naiwan ang lahat ng mga gawain kay Zanjoe, kaya’t lalo ito naging abala. Pagkatapos ng trabaho sa gabi, magkasabay na naglakad palabas ng institute sina Rhian at Zanjoe. Habang naglalakad, nagbiro si Zanjoe, "Tinambakan mo ako ng maraming ginagawa ng dalawang araw, hindi mo ba balak magpasalamat nang maayos?" Nang marinig ito, ngumiti si Rhian at sumagot, "Dahil nabanggit mo iyan, muntik kong makalimutan. Wala akong ibang gagawin ngayong gabi, mag-dinner tayo." Madalas banggitin ni Zanjoe kay Rhian na mag-dinner sila, ngunit palaging tinatanggihan siya ng babae. Alam niyang itinuturing lang siya ni Rhian na isang ordinaryong katrabaho, kaya't hindi niya ito pinipilit. Ngayon na siya na mismo ang nag-imbita, naisip ni Zanjoe na ito'y pagpapakita ng pasasalamat mula kay Rhian sa mga nakaraang dalawang araw, kaya't pumayag siya, "Kung ganoon, bakit ako tatang
Pagkatapos ng hapunan, naghiwalay sina Rhian at Zanjoe at umuwi. Pagkauwi ni Rhian, ang dalawang anak ay nasundo na ni Aling Alicia at naabutan niya itong nakaupo sa carpet na naglalaro ng Lego. Nang makita siyang pumasok, masaya silang binati ng dalawang bata, “Mommy!” Hinaplos ni Rhian ang ulo ng mga anak at nagtanong sa mga ito, "Kumain na ba kayo?" Tumango ang mga bata ng masunurin at sabay na tumingin sa kanilang ina, "Mommy, sabi po ni Teacher, dadalhin kami sa pagtatanim ng puno ngayong weekend." Nang marinig ito, hindi na nagulat si Rhian, ibinaba ang kanyang mata at ngumiti sa mga bata, "Nalaman ko nga." Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumasok siya sa living room. Sumuod naman ang dalawang bata sa kanilang mommy. Umupo si Rhian sa carpet at nagsimulang maglaro ng kalahating natapos na Lego ng mga bata, may kaunting pag-aalala sa kanyang mata. Habang bumibiyahe kanina, naiisip ni Rhian ang sitwasyon, at ang huling konklusyon ay pareho pa rin. Kapag dumaan siya sa
***Saavedra mansion*** Pagkatapos sunduin ni Zack si Rain mula sa eskwelahan ay umuwi din sila agad. Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang notification sa kanyag cellphone, group chat ito na binuo ng guro ng anak para sa mga magulang at para sa mga mahalagang announcement na darating. Kumunot ang noo niya. Kanina, habang pauwi sila, hindi maiwasang tumingin si Rain sa kanya na parang may gustong sabihin. Malamang ay may kinalaman ito sa tree planting activity. "May tree planting activity ba?" Tanong ni Zack. Kasalukuyan silang narito ngayon sa dining hall at kumakain. Nang marinig ni Rain na siya mismo ang nagtanong, tumango ito ng masaya. Makikita ang excitement sa cute nitong mukha. Kanina sa kotse, gusto niyang banggitin ito kay Daddy, ngunit dahil madalas hindi pumapayag si Daddy sa mga activity, hindi niya alam kung paano ito sasabihin upang pumayag ang daddy niya na sumama siya. Nakita ni Zack ang mata ng maliit na bata na puno ng pananabik, at nang makita ang itsura
Hindi nagtagal, dumating ang weekend. Hinatid ni Rhian ang mga bata sa kindergarten ng maaga. Ang mga bata ay sumasali sa kanilang unang group activity, at hindi nila maiwasang maging mausisa. Kasama siya, tiningnan nila ang paligid. “Rio! Zian!” Lumingon ang kambal. Isa-isa, may mga batang lumapit sa dalawang bata at binati sila, at sumagot ang mga anak niya ng magiliw. Napansin ni Rhian kung gaano ka-popular ang kanyang mga anak sa kindergarten. Hindi lamang isa o dalawa ang bumati sa kambal, ang halos halos ng makakita dito ay bumabati sa kanila. "Tita!" Biglang may narinig na malambing na tinig mula sa likod. Matagal nang hindi nakita ni Rhian si Rain at inaamin niya na miss na miss na niya ito. Anuman ang gawin niyang pigil na huwag itong pansinin, sa pagkakataon na ito, hindi na niya kaya na balewalain ito. Nang marinig ang boses nito, ngumiti siya ng natural at agad na lumingon upang yakapin si Rain. Ngunit paglingon niya, nang magtama ang mata nila ng lalaki, nanlaki
Ang maliit na batang babae ay nakasuot ng asul na lace top at puting mahabang palda. May malaki siyang pulang laso sa kanyang ulo. Ang kanyang mukha ay mamula-mula at para siyang isang mini Snow White. Bukod pa dito, halos lahat ng tao sa kindergarten ay alam na siya ang anak ni Zack. Nang makita ng lahat ang maliit na batang babae na mahigpit na humahawak sa palda ng isang babae, nagtutok ang kanilang mga mata sa kanila. Malambot ang puso ni Rhian para sa batang ito, at ngayon, dahil pinapanood sila ng maraming tao, medyo nahirapan siya at tumingin kay Zack mula sa malayo. Ang lalaki ay napapaligiran ng ilang magulang, nakikipag-usap ng magalang, na parang hindi nito nakita ang nangyayari sa kanila. Wala nang magawa si Rhian kundi ang ibaba ang mga mata, yumuko at hawakan ang ulo ng bata, "Paano naman hindi magugustuhan ni tita ang batang katulad mo? Gusto ni tita ang batang katulad mo… mabait at sweet." Umiiyak si Rain at nagreklamo sa malambing na tinig, "Bakit po hindi
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag