LIKE
Pagkatapos ng hapunan, naghiwalay sina Rhian at Zanjoe at umuwi. Pagkauwi ni Rhian, ang dalawang anak ay nasundo na ni Aling Alicia at naabutan niya itong nakaupo sa carpet na naglalaro ng Lego. Nang makita siyang pumasok, masaya silang binati ng dalawang bata, “Mommy!” Hinaplos ni Rhian ang ulo ng mga anak at nagtanong sa mga ito, "Kumain na ba kayo?" Tumango ang mga bata ng masunurin at sabay na tumingin sa kanilang ina, "Mommy, sabi po ni Teacher, dadalhin kami sa pagtatanim ng puno ngayong weekend." Nang marinig ito, hindi na nagulat si Rhian, ibinaba ang kanyang mata at ngumiti sa mga bata, "Nalaman ko nga." Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumasok siya sa living room. Sumuod naman ang dalawang bata sa kanilang mommy. Umupo si Rhian sa carpet at nagsimulang maglaro ng kalahating natapos na Lego ng mga bata, may kaunting pag-aalala sa kanyang mata. Habang bumibiyahe kanina, naiisip ni Rhian ang sitwasyon, at ang huling konklusyon ay pareho pa rin. Kapag dumaan siya sa
***Saavedra mansion*** Pagkatapos sunduin ni Zack si Rain mula sa eskwelahan ay umuwi din sila agad. Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang notification sa kanyag cellphone, group chat ito na binuo ng guro ng anak para sa mga magulang at para sa mga mahalagang announcement na darating. Kumunot ang noo niya. Kanina, habang pauwi sila, hindi maiwasang tumingin si Rain sa kanya na parang may gustong sabihin. Malamang ay may kinalaman ito sa tree planting activity. "May tree planting activity ba?" Tanong ni Zack. Kasalukuyan silang narito ngayon sa dining hall at kumakain. Nang marinig ni Rain na siya mismo ang nagtanong, tumango ito ng masaya. Makikita ang excitement sa cute nitong mukha. Kanina sa kotse, gusto niyang banggitin ito kay Daddy, ngunit dahil madalas hindi pumapayag si Daddy sa mga activity, hindi niya alam kung paano ito sasabihin upang pumayag ang daddy niya na sumama siya. Nakita ni Zack ang mata ng maliit na bata na puno ng pananabik, at nang makita ang itsura
Hindi nagtagal, dumating ang weekend. Hinatid ni Rhian ang mga bata sa kindergarten ng maaga. Ang mga bata ay sumasali sa kanilang unang group activity, at hindi nila maiwasang maging mausisa. Kasama siya, tiningnan nila ang paligid. “Rio! Zian!” Lumingon ang kambal. Isa-isa, may mga batang lumapit sa dalawang bata at binati sila, at sumagot ang mga anak niya ng magiliw. Napansin ni Rhian kung gaano ka-popular ang kanyang mga anak sa kindergarten. Hindi lamang isa o dalawa ang bumati sa kambal, ang halos halos ng makakita dito ay bumabati sa kanila. "Tita!" Biglang may narinig na malambing na tinig mula sa likod. Matagal nang hindi nakita ni Rhian si Rain at inaamin niya na miss na miss na niya ito. Anuman ang gawin niyang pigil na huwag itong pansinin, sa pagkakataon na ito, hindi na niya kaya na balewalain ito. Nang marinig ang boses nito, ngumiti siya ng natural at agad na lumingon upang yakapin si Rain. Ngunit paglingon niya, nang magtama ang mata nila ng lalaki, nanlaki
Ang maliit na batang babae ay nakasuot ng asul na lace top at puting mahabang palda. May malaki siyang pulang laso sa kanyang ulo. Ang kanyang mukha ay mamula-mula at para siyang isang mini Snow White. Bukod pa dito, halos lahat ng tao sa kindergarten ay alam na siya ang anak ni Zack. Nang makita ng lahat ang maliit na batang babae na mahigpit na humahawak sa palda ng isang babae, nagtutok ang kanilang mga mata sa kanila. Malambot ang puso ni Rhian para sa batang ito, at ngayon, dahil pinapanood sila ng maraming tao, medyo nahirapan siya at tumingin kay Zack mula sa malayo. Ang lalaki ay napapaligiran ng ilang magulang, nakikipag-usap ng magalang, na parang hindi nito nakita ang nangyayari sa kanila. Wala nang magawa si Rhian kundi ang ibaba ang mga mata, yumuko at hawakan ang ulo ng bata, "Paano naman hindi magugustuhan ni tita ang batang katulad mo? Gusto ni tita ang batang katulad mo… mabait at sweet." Umiiyak si Rain at nagreklamo sa malambing na tinig, "Bakit po hindi
Unti-unting dumating ang mga tao, at tinawag ni teacher ang lahat upang magtipon. Ayon sa listahan na inayos kagabi, tinawag nito ang bawat isa upang sumakay sa bus isa-isa. Si Rhian at ang dalawang bata ay huling sumakay. Lahat ng mga bata sa klase ay nag-iisang anak, at si Rhian lamang ang may dalawang anak, kaya't sila ang nakaupo sa pinakahuling upuan. Tinawag ni teacher ang mga pangalan nina Rio at Zian, at pagkatapos ay tumingin sa katabi na upan tiyakin kung kasama nila ang kanilang guardian. Ngunit nakita nito ang isang tao na nakatayo sa tabi ni Rhian. "Mr. Saavedra, pupunta po ba kayo... kasama si Rain?" Tumango si Zack at tipid na sumagot, "Gusto ni Rain na sumali." Nang marinig ito, medyo napangiwi si teacher, "Pero kasi…” Noong mga nakaraang taon, hindi sumali si Rain sa ganitong aktibidad, kaya't inaasahan nitong hindi rin siya sasama ngayon, at hindi sila naglaan ng extra na upuan para kay Rain. Tumaas ni Zack ang kilay, "Bakit? May problema ba?” "Pasensya na, M
Pagkaupo ni Zack kasama si Rain, kinandong niya ito. Naramdaman niyang gumagalaw ang kanyang anak, para itong hindi mapakali, ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin, at nagkunwari na hindi ito napansin. Si Rain ay tumingin kay Rhian ng may pag-asam sa mukha. Matagal nang hindi siya niyayakap ng Tita, at gusto niyang yakapin siya nito. Mas gusto niya si tita ganda kesa sa daddy niya. Mas gusto niya ang yakap nito sa kanya. Gusto sanang balewalain ni Rhian ang bata, ngunit dahil sa malambing na titig ng bata, napilitan siyang lumingon. "Tita." Inabot ni Rain ang kanyang mga kamay, nais niyang yakapin siya nito. Nakita ni Zack na nahihirapan na si Rhian sa paghawak kay Rio nang mag-isa, kaya't pinatigas niya ang kanyang mga braso at hinawakan ng mahigpit ang kanyang anak. Baka mahirapan lang lalo si Rhian sa gawin nito. “Rain, huwag kang magulo." Lalo pang naging hindi komportable si Rain at lalo siyang nagpumiglas, "Tita, gusto ko sayo! Tita!" Dahil sa ingay ng bata, napati
Wala nang ibang paraan kaya't tumango si Zack at pumayag. Tinawag ng guro ang mga magulang at tinanong kung sino sa kanila ang willing na magpatuloy nina Zack sa isang kwarto. “Pasensya na kayong lahat sa abala. Maari ko bang itanong kung may willing sa inyo na patuluyin sina Mr. Saavedra at ang kanyang anak sa kwarto? Wala na akong choice kundi ang makiusap sa inyo dahil wala ng available na room sa hotel na ito. Kung may papayag, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako!” Hinawakan ni Rain ang kamay ng kanyang ama, nang marinig ang mga sinabi ng guro, agad niyang tinanaw si Rhian. Gusto niyang matulog kasama ang maganda niyang tita. Nasa mataas na posisyon si Zack, at dahil sa kanyang kamangha-manghang itsura at matayog na katayuan sa lipunan, mabilis na napalibutan siya ng mga magulang na nagsabing pumapayag na makasama sila Zack sa iisang kwarto. Ang mga lalaking naroon ay naisip na opportunity ito para sa kanilang negosyo o profession, pati na ang ilang mga kababaihan na
Matapos ayusin ang kanilang tutuluyan, gabi na nang matapos sila. Dinala ng guro ang mga magulang sa restaurant na inihanda ng botanical garden para sa lahat. Dinala ni Rhian ang dalawang bata upang kumuha ng pagkain. Marami pang mga empleyado ng botanical garden sa restaurant ngayon, mas marami pa ito kaysa nang bumaba sila sa bus kanina. Dahil sa iba’t ibang tao na ngayon lang nakasalamuha ni Rain, hindi siya kumportable, sa tuwing may napapalapit sa kanya, agad siyang tumatakbo na parang takot na pusa. Sa huli ay pinili niyang sundan kahit saan magpunta si tita ganda, hindi na siya humiwalay dito at kahit saan magpunta ay sinusundan niya ito. Napansin ito ni Rhian, kaya't napalingon siya at nakita ang matamlay na mukha ng bata. Napuno ng awa ang kanyang mga mata sa anak ni Zack kaya’t binitiwan na lang ni Rhian ang kamay nina Rio at Zian para hawakan si Rain. Nang makita ni Rain ang kamay na inabot ng magandang tita, maligaya niya itong hinawakan, nawala ang takot niya sa ka
Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama
Samantala, sa villa ng pamilya Suarez, Masana ang loob ni Marga mula nang siya ay itaboy ni Zack noong araw na iyon. Noon, si Dawn ay laging nagtatanggol sa kanya, ngunit hindi siya nagsalita noong araw na iyon, na nagpakita lamang na kahit ito ay hindi kayang tumulong. Dahil dito, halos mawalan ng pag-asa si Marga. Hindi siya bobo, pagkatapos maghintay kay Zack sa loob ng maraming taon, alam niyang malamang ay wala na itong balak na pakasalan siya. Ngunit palaging may kaunting pag-asa siyang hawak, dahil tinulungan siya ni Dawn sa bawat hakbang. Palagi niyang iniisip na basta't maghintay siya, darating din ang araw na papakasalan siya ni Zack. Ngunit hindi inaasahan, bumalik sa bansa si Rhian, at si Zack ay wala nang ibang iniintindi kundi ito, paulit-ulit din nitong sinasabi na nais nitong kanselahin ang kanilang engagement. Kung hindi lang sana bumalik ang babaeng iyon! Matapos magpalamig nang ulo sa bahay buong araw, nagpupumilit pa rin si Marga na panghawakan ang
Tumingin si Rain sa likod ni Rhian na may mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang pigilan ang pagdaloy ng mga luha. Hindi inasahan ng dalawang maliliit na bata na magiging ganoon kalupit si Mommy kay Rain. Natigilan sila ng ilang sandali bago sila nakabalik sa kanilang mga sarili at tumakbo kay Rain upang aliwin ito. "Rain, huwag kang umiyak. Talagang abala lang si Mommy nitong mga nakaraang araw. Kapag tapos na si Mommy, maaari ka na ulit tumira sa amin!" Nakangiting sabi ni Zian. Imbes tumahan, lalo lamang umiyak si Rain, hindi siya mapapatahan ng mga sinabi nito. Kinuha ni Rio ang panyo upang punasan ang mga luha nito at nagsabi nang kalmado, "Aalagaan ka namin sa eskwelahan. Gusto ka rin ni Mommy. Huwag ka nang malungkot. Kung patuloy kang iiyak at maging pangit, hindi ka na magugustuhan ni Mommy." Nang marinig ito, unti-unting huminto ang pag-iyak ni Rain, ngunit may kalungkutan pa rin sa kanyang mukha. Tumango si Zian at nagsabi, "Kami at si M
"Hindi, gusto ko si tita ganda!" Tumingin si Rain kay Rhian nang sabik, at pagkatapos ay tumingin kay Zack ng nakasimangot. Nakita ni Zack ang determinasyon ng anak, alam niyang hindi ito susunod ngayon, kaya't tumigil na siya sa pagpapilit at tumingin kay Rhian. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, medyo kumunot ang noo ni Rhian, agad niyang nahulaan kung ano ang sasabihin ni Zack. "Laging nakadepende si Rain sa iyo, at sa iyo rin unti-unting bumuti ang kanyang mga sintomas ng autism. Ngayon, natakot siya at nagkaroon ng ilang relaps, kaya't hindi na niya gustong lumayo sa iyo. Maaari mo ba siyang alagaan pansamantala?" May pakiusap na sabi ni Zack kay Rhian. Nang marinig ni Rain na papayagan siyang manatili sa bahay nila Rhian, kumislap ang mga mata ng bata habang nakatingin kay Rhian, umaasa siya na papayag ito. Ngunit pagkatapos maghintay ng ilang segundo, napansin ni Rain na tila may hindi tama sa ekspresyon ng mukha ni Rhian. Nang mahulaan na parang ayaw nito, agad na b
Pagkatapos ng ilang sandali, nakabawi si Zack at mataman na nagsalita, "Tama kayo. Hindi ko na kayo guguluhin pa." Tungkol naman sa kasal niya kay Marga, naisip niya na hindi na niya kailangan pang sabihin sa kanila ang tungkol don. Hindi pa niya ito ipinahayag sa publiko, kaya’t hindi niya balak ipaalam sa iba ito sa ngayon. Medyo nagulat ang dalawang bata nang makita nilang madaling sumuko si Zack, nalungkot sila at medyo nasaktan. Talagang gusto ni daddy na pakasalan ang masamang ale na yon. Ayaw na ba talaga nito sa mommy nila. Lalo silang nalungkot sa naisip nila. Kahit nalulungkot sila, mas nanaig ang kanilang galit. Tumingala sila at pinag-krus pa ang braso sa kanilang dibdib. “Ba-bye, tito Zack,” matapang at sabay na sabi nila Rio at Zian. Napakamot si Zack sa kilay habang nakatingin sa kambal na animo’y malaking tao na nakatayo at nakaharap sa kanya. Pakiramdam niya ay galit ito sa pagpapakasal niya kay Marga. Pero bakit magagalit ang mga ito? Kung kanina ay handa na