LIKE
Nang magtagpo ang kanilang mga mata, naramdaman ni Marga ang malamig na pakiramdam sa kanyang puso. Tulad ng inaasahan, nandito rin ang babaeng iyon! Agad na sumulak ang kanyang dugo. Wala nang magawa si Rhian kundi maglakad patungo sa elevator nang kalmado, kunwari hindi nakita si Marga.Nakita ni Marga ang plano ni Rhian at ngumiti siya, sumunod siya rito at naglakad nang mabilis, "Doktor Fuentes, Mr. Gazini, ang swerte naman! Nandito rin kayo?"Hindi kumibo si Rhian, hindi na niya nais makipag-usap.Dahil dito, si Mike, na nakakita ang iniisip ni Rhian, ay naglakad sa pagitan nila at pumagitan sa kanila. Tumango ito kay Marga, "Miss Suarez, ikaw pala---"Bago pa siya matapos magsalita, ini-interrupt siya ni Marga nang may ngiti, "Tingnan mo ang pagkakataon, narito din kayong dalawa! Si Zack ay nandito rin sa hotel, plano ko pa sanang magbigay ng sorpresa sa kanya! Kakatanggap ko lang ng room card niya."Habang nagsasalita siya, ipinakita ni Marga ang room card at pinagyabang ito sa
Pagbalik sa kwarto, hindi maipinta ang mukha ni Rhian. Umupo sa kama upang linisin ang kanyang utak. Noong una, hindi niya inasahan na makikita siya ni Zack dito, at hindi rin niya inasahan na susundan ito ni Marga. Kung magkikita silang tatlo... hindi niya kayang imaginin kung ano ang posibleng mangyayari. Habang iniisip ito, nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga bago tumayo upang mag-impake. Kung hindi kayang harapin, mas mabuti nang umiwas na lang. Kilala niya si Marga. Sigurado na gagawa ito ng paraan para i-provoke siya. Tutal naman, wala naman siyang kailangang gawin sa sentro, kaya’t hindi naman mahalaga kung aalis na siya. Habang nag-iimpake, may kumatok sa pinto. Tumayo si Rhian at nagdalawang-isip sa pagbukas ng pinto, kaya't nagtanong siya nang malakas, "Sino 'yan?" Ang boses ni Mike ay narinig mula sa labas ng pinto, "Ako ito, malapit na ang oras ng tanghalian, gusto mo bang kumain tayo ng magkasama?" Pagkarinig nito, binuksan ni Rhian ang pinto at pinapasok
Habang pinapanood ni Zack ang pag-alis ni Rhian, medyo dumilim ang ekspresyon niya. Wala namang planong umalis si Rhian kaninang umaga, pero bakit siya biglang aalis ngayong tanghali? Kung tama ang narinig niya, parang sinabi niyang ang fiancée niya ay naghihintay sa kanyang kwarto. Ano ang ibig sabihin nun? Habang tinatanaw ang mga anino ng dalawang tao, inutusan ni Zack si Manny na malalim ang boses, "Bumili ng susunod na flight pabalik ng San Isidro." Tumango si Manny. “Masusunod, master!” Pagkatapos, lumabas si Zack at pumasok sa elevator na may makulimlim na mukha. Gusto niyang makita kung sino ang tinutukoy nito na fiancée niya! Sinabi ng maliit na babae na ang fiancée niya ay naghihintay sa kanyang kwarto. Malupit ang ekspresyon ni Zack nang buksan ang pinto. Pagpasok niya sa kwarto, tiningnan niyang walang emosyon ang buong paligid, ngunit wala siyang nakitang tao. Bago siya magsimula na gawin ni Manny ang utos, may kumatok sa pinto. Si Manny ay mabilis na
Nais lang ni Marga na alamin nang hindi direkta kung si Zack ba ay dumating dito para kay Rhian. Bagamat may hinala na siya, nais pa rin niyang marinig mula kay Zack ang paliwanag. Ngunit hindi niya inasahan na para sa lalaki, ay lumampas siya sa kanyang linya. Nag-panic si Marga, nawala ang pagkaamo sa mukha, ang lambing sa boses ay napalitan ng kaba, agad siyang nag-apologize kay Zack. "Pasensya na, hindi na dapat ako nagtanong. Sigurado naman ako na may dahilan ka kung bakit ka nandito." Pagkatapos, nagtanong siya nang may pag-aalangan, "Kailan ka nga pala babalik? Baka pwede tayong magsabay?" Tiningnan ni Zack si Manny. Sumagot si Manny ng may respeto, "Sir, nabili na po ang ticket." Hindi rin malaman kung isang coincidence lang, pero nang bumili sila, isa na lang ang natirang first-class na ticket. Tumayo si Zack mula sa sofa at nagsalita nang malamig, "Sige, mag-impake at maghanda nang umalis." Habang nagsasalita, inilagay ni Zack ang isang kamay sa kanyang bulsa,
**Isang oras ang lumipas, sa eroplano patungong San isidro.** Nakita ni Rhian ang lalaking papasok, nang makikala ito, bahagyang nagkunot ang kanyang noo. Akala niya ang mga sinabi ni Zack kanina ay biro lamang, dahil binili nila ang mga tiket nang nagmamadali. Bukod pa rito, nang bilhin niya ang tiket, nakita niyang tatlo na lang ang natirang tiket. Nang bumili siya ng ticket, kaunti nalang ang available na natira. At nabanggit ni Mike sa kanya kanina na isa nalang ang naiwan ng makabili ito ng isa. Kaya’t hindi niya inaasahan na makikita si Zack dito ngayon at mabibili ang huling ticket. Habang papalapit ang lalaki sa kanya, nakadama siya ng pagsisisi. Kanina, plano lang niyang umuwi mag-isa, kaya bumili siya ng mga tiket nang hiwalay, at hindi niya binili ang magkatabing upuan. Ang huling tiket ay katabi ng kanya... Noong una, hindi niya inisip na uupo si Zack dito, kaya't hindi na niya naisip na makipagpalit ng upuan sa ibang tao. Ngayon, nakaupo siya sa isang window seat,
Hindi tiyak kung gaano na katagal, ngunit ang mga mata ng lalaki ay nanatiling nakatingin sa kanya. Nakakailang! Hindi na maipinta ang mukha ni Rhian sa labis na inis. Hinila niya ang blacket, balak niyang idoble ang takip sa kanyang buong mukha upang maibsan ang bigat na dulot ng titig ng lalaki sa kanyang mukha. Ngunit bago pa niya magawang itaas ang blanket, dumulas ito, sa halip na mahawakan, nahulog ito sa sahig. Nalantad ang kanyang mukha, kaya’t natuliro siya. Kanina kasi, medyo hinarap niya ang mukha sa gilid ni Zack, naisip niya na may tabon naman ang kanyang mukha, kaya ngayong wala na ang blanket, nakabalandra ang kanyang mukha. Kaya naman natataranta siya kung bubuksan ba niya ang mga mata at magpapanggap na tulog, o pupulutin ang blanket niya. Ngunit naisip niya ang kanyang kasalukuyang sitwasyon. Kung malaman ng lalaki na nagpapanggap siyang natutulog, magiging mas nakakahiya pa ito para sa kanya. Nang walang kumot na takip, naramdaman niyang masyadong halata
Hindi pa natatapos ang oras ng paglipad, ngunit nakataas na ang kumot ni Rhian at nakaupo na siya ng tuwid na may mahinahong ekspresyon, ang mga mata ay relax lang. Lumingon si Zack at tumingin kay Rhian. Hindi siya nagulat nang makita ang malinaw na ekspresyon sa mukha ng babae. Isang pahiwatig ng self-mockery ang dumaan sa kanyang puso, ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sa ugali niya, ang babaeng ito ay patuloy na iniiwasan siya. Kung lalagpas pa siya sa linya na iyon, malamang ay magtatago na naman ang babae ito gaya ng ginawa nito anim na taon na ang nakalipas. Hindi nais ni Zack na matakot ang babaeng ito at muling magtago sa kanya. Isa-isa nang lumabas ang mga tao sa paligid, siya naman ay nanatiling nakaupo, hindi siya nagmadali. Hindi pa siya tumayo hanggang halos lahat ng tao ay nakalabas na. Ang dalawa ay bumaba mula sa eroplano nang magkasunod. Nasa labas na sina Mike at Manny at naghihintay sa kanila. Kanina, habang nasa eroplano, nakita ni Mike si Zack na nakaupo sa
Sa daan pauwi, habang nagmamaneho si Manny ay hindi niya maiwasan na sulyapan ang kanyang master sa rearview mirror. Nakita niya na hindi humuhupa ang madilim na ekspresyon nito sa buong biyahe, ang atmospera sa loob ng sasakyan ay napakabigat. Matagal na siyang naninibilhan kay Zack, ngunit bihira niyang makita ito na galit. Sandali na naguluhan si Manny. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ng kanyang amo patungkol kay Rhian. Nitong nakaraan, napansin niya na naglalabas ng iba’t ibang emosyon ang lalaki sa tuwing nakakasalamuha ang dating asawa. Kung tutuusin, kung gusto ng kanyang amo, dapat ay kasal na sila ni Miss Suarez noon pa man. Ang kasalan sa pagitan ng dalawa ay matagal ng alam ng marami. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy hanggang ngayon. Simula nang bumalik si Rhian sa bansa, malinaw na naramdaman ni Manny na may pagbabago sa pagtrato ng kanyang amo. Iba ang pakikitungo niya kay Miss Suarez at kay Rhian. Kapag si Miss Suarez ang kaharap, ka
Biglang bumaba ang presyon ng hangin sa pribadong kwarto. Bumuga ng hangin si Gino, nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang susunod na mga salita. "Bakit mo tinatanong 'yan?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at tinititigan siya. Tinikhim ni Gino ang kanyang lalamunan at nagsabi ng walang pakialam, "Kahapon, pumunta siya para tingnan ang kalusugan ng matandang lalaki, at bigla kong naalala na magkaibigan kayong dalawa noon, kaya naisip ko tanungin ka kung may koneksyon pa kayo..." Kung wala namang koneksyon, hindi na sana siya makikialam sa buhay ng iba. Hindi pa siya tapos magsalita, nang ang mga mata ni Zack ay biglang dumilim. Naramdaman ni Gino na parang nabasa siya, kaya tumigil siya sa pagsasalita at nagtanong, "May nangyari ba, Zack?" "Nililigawan mo ba siya?" tanong ni Zack habang nakakunot ang noo at madilim ang mukha. “Tsk! Hindi! Bakit mo naman naisip yan!” Sagot agad ni Gino. Nakahinga naman ng maluwag si Zack. Totoo namang mabait si Doktor Rhian, pe
"Tumahimik ka!" Dinedma ni Gino ang sinasabi ni Ana at tumugon ng matigas, "Ginagawa mo ba ito dahil kay tita Dawn o dahil sa sarili mong interes? Ana, tanungin mo ang sarili mo, ano ba ang ginawa ni Doktor Rhian ang pamilya Florentino para gawin mo sa kanya ito? Kung hindi dahil sa kanya, sa tingin mo gagaling si Lolo? Siya ang nag-iisang doktor na gumamot at nagpagaling kay lolo! Okay lang ang pagdududa mo noon, pero ang ginawa mong kamalian ngayon ay hindi na maganda!” Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ana na ganito kaseryoso ang kanyang kapatid. Tila natameme siya at hindi makapagsalita. Humugot ng hininga si Gino at nagpatuloy, "Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo laban kay Doktor Rhian, pero mula ngayon, huwag mong hayaan na malaman ko na gumawa ka na naman ng kamalian! Huwag mong gamitin ang pamilya nila Zack bilang dahilan!" Napansin ni Ana na nagbago na ang tono ng kapatid, kaya't natigilan siya saglit, ngunit hindi rin siya nakapagsalita. Tumayo si Gino,
Ngumiti si Gino at nagsabi, "Ayos lang. Mas madali na’t hindi na maghihirapan ang lolo ko na palaging magtatanong tungkol sa iyo." Nagpalitan sila ng ilang magaan na saloobin bago nila tinapos ang tawag. Iniwan ni Rhian ang kanyang cellphone sa tabi at sinuri ang mga detalye ng kamakailang konsumpsiyon ng mga medicinal materials sa institute. Sumakit ang kanyang ulo. Kahapon, naisip na niya na gagamitin ang koneksyon at hihilingin kay Gino na ipakilala siya sa ilang mga supplier ng medicinal materials. Pero ngayong araw, nagbigay na ang Florentino ng sapat na benepisyo. Kung magsasalita pa si Rhian, magmumukha siyang hindi kontento. Habang tinatawag siya kanina, nagdalawang-isip siya at hindi sinabi ito. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya ay subukang makipag-ugnayan sa mga senior na nakilala niya sa huling exchange meeting. Hindi niya alam kung maalala pa kaya siya ng mga ito. Talaga namang pagod siya kahapon at hindi rin maganda ang tulog niya kagabi. Nang kunin niya an
Nagkatinginan si Rhian at Zanjoe, pagkatapos ay tumango kay Macon ng malamig. "Manager Macon, dumating kayo rito, may kailangan ka ba?" Kung tama ang hinala ni Rhian, siya ang taong nagpakita ng kawalan ng gana at galang kay Zanjoe kahapon sa telepono. Tumatawa pa nga ito. Hindi na nakapagtaka kung bakit tinitigan siya ni Zanjoe ng malamig. Narinig ni Macon ang tono ni Rhian at muling sumama ang pakiramdam niya. Nakangiti siya nang puno ng paghingi ng tawad, "Ganito po kasi, Doktor Rhian, nang tawagan ako ni Doktor Rodriguez kahapon, kailangan kong dumaan sa isang emergency na pulong. Inisip ko na tatawagan ko siya pagkatapos ng meeting, ngunit hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Gino na papunta ako agad dito pagkatapos ng pulong. Kaya't na-delay ako at nagkaroon ng ganitong malaking hindi pagkakaintindihan..." Hinila ni Rhian ang kanyang labi at sumagot ng malamig, "Ang ibig ba niyong sabihin, Manager Macon, ay ang isyung ito ay kasalanan namin, at kami
Lumungkot ang mukha ng kambal, mayamaya at nagsalita si Zian nang may kalungkutan, “Nami-miss namin si Doktor Lu pero hindi namin gustong iwan si Rain.”Natigilan si Rhian sa sinabi ng anak. Nang tumingin siya kay Rio ay bakas din sa mukha nito ang lungkot.Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Alam niya na mauunawaan ng mga bata na hindi rin madali para sa kanya na umalis at malayo kay Rain. Matapos kumain, si Rhian ay talagang pagod na, at wala nang ganang makipaglaro pa sa mga bata, kaya't maaga silang umakyat kasama ang mga anak upang magpahinga.Hinintay ni Rhian na matulog ang mga anak, at dahan-dahang hinaplos ang kanilang mga pisngi, "Pasensya na kayo, mga anak. Pero kailangan itong gawin ni mommy,” dahil sa kanya ay kailangan nilang umalis sa lugar na sanay na sila at masaya.Dapat sana ay mas maganda ang kanilang buhay. Kung sinabi niya lang kay Zack ang tungkol sa mga bata. Ngunit dahil sa makasariling dahilan, sinarili niya ang tungkol sa mga bata.Bagamat nag
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a