LIKE
Si Zack ay mababaw kung matulog. Sa gitna ng kanyang pagkaidlip, narinig niya ang mahina at kaluskos na tunog, kaya’t kumunot ang kanyang noo at iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya si Rhian na ngayon ay gising na. "Kamusta ang pakiramdam mo? Mataas pa ba ang lagnat?" tanong nito habang papalapit sa kama kung nasaan si Rhian.Medyo mabagal ang kilos ni Rhian. Dahan-dahan niyang inalalayan ang sarili sa kama at umupo at magalang na nagpasalamat, ngunit may kalamigan ang tono. "Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat nga pala sa paghatid sa akin dito. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kagabi."Nang mahimigan ang malamig na pakikitungo ni Rhian, bahagyang dumilim ang mga mata ni Zack. Gayunpaman, inalala niyang may sakit pa rin ang babae kaya't pinigilan niya ang kanyang inis. Hinatid at tumulong na siya, bakit ganito parin ang trato nito sa kanya? Pinanatili niya ang compure at malamig na nagtanong. "Hindi ka kumain kagabi, gutom ka ba?"Mas mabuti sana
Matapos kainin ni Rhian ang lugaw, tahimik na tinulungan siya ni Zack na ayusin ang kama. Pagkatapos niyang itabi ang pinagkainan, bumalik siya sa kwarto.Walang pa ring imikan ang dalawa.Dahil nakatulog si Rhian nang halos buong araw, hindi siya makatulog muli. Pero ayaw naman niyang makipag-usap kay Zack... kaya pumikit siya at nagpanggap na tulog. Bahala ng mapanisan ng laway.Sa kabilang banda, dahil sa daming ginawa ni Zack sa opisina, talagang pagod na pagod siya. Kaya ng ipikit nito ang kanyang mga mata ay agad siyang hinila ng antok.Tahimik ang kwarto, ang tanging maririnig ay ang pantay na paghinga ni Zack.Dahan-dahang iminulat ni Rhian ang kanyang mga mata at tumingin sa direksyon ni Zack. Nakita niya na ang coat ng lalaki ay nakapatong sa kumot na nakapatong sa katawan niya. Nilagay ito ni Zack kanina sa kanya. Ang nipis ng suot na damit nito... sa kanilang dalawa, mukhang mas nilalamig ito ngayon kaysa sa kanya.Pagkatapos mag-isip saglit, maingat na bumangon si Rhian,
"Mommy, kamusta na po? Wala na ba ang lagnat mo?" Agad na tumakbo sina Rio at Zian sa gilid ng kama, puno ng pag-aalala ang kanilang mga mukha.Ngumiti si Rhian at tumango, "Oo, mas mabuti na ako ngayon."Bagama’t nag-aalala pa rin, pinatong ng dalawang bata ang kanilang mga kamay sa noo ng ina upang salatin ang kanyang noo.Nang makita ito, bahagyang niyuko ni Rhian ang ulo para maabot ng mga ito, hinayaan niyang salatin ng dalawa ang kanyang noo.Napansin niya si Rain na nakatayo sa likod nina Rio at Zian. Kagat nito ang kanyang labi, puno ng luha ang mga mata, at bakas ang pag-aalala sa kanyang maliit na mukha. Halata na labis itong nag-aalala sa kanya, ngunit mukhang nahihiya na lapitan siya. Sa tatlo kasi, si Rain ang pinakamahiyain.Hindi siya nakatiis. Nakangiti niyang tinanong si Rain. "Gusto mo bang lumapit at siguraduhin na maayos na ang lagay ko, Rain?" aniya sa malambing na tinig.Bagama't nahihiya dahil ayaw ni Rain makipag-agawan ng atensyon sa kambal. Masaya siyang tuman
Pagkatapos kumain, tiningnan ni Rhian ang oras at naisip na kaya pa niyang humabol sa institute ngayon. Maraming trabaho na kailangan niyang tapusin kaya hindi siya pwedeng manatili dito ng matagal."Okay na ang lagnat ko, Aling Alicia, pakiusap asikasuhin na ang paglabas ko sa ospital. Marami pa akong kailangang gawin."Naantala ang operasyon sa institute dahil sa operasyon sa kamag-anak ni Mike. Ayaw ni Rhian na madelay pa ang progreso ng kanilang pananaliksik dahil sa kanya. Kaya kailangan niyang bumalik.Nag-alinlangan si Aling Alicia sa sinabi niya, "Ma'am TRhian, mas mabuting manatili ka pa sa ospital ng isa pang araw. Nakita ko kung gaano ka ka-busy nitong mga nakaraang araw. Ang biglang lagnat mo kahapon ay dahil sigurado sa sobrang pagod. Bagong baba lang ng lagnat mo, tapos gusto mo agad bumalik sa trabaho. Baka hindi kayanin ng katawan mo."Hindi pa man siya matagal sa bahay ni Rhian para mag-alaga, nakita na niya ang tindi ng trabaho nito nitong mga nakaraang araw. Kung hi
Pasado alas otso ng umaga bago sila nakalabas ng ospital. Maghapon at magdamag nang nakahiga si Rhian, kaya pakiramdam niya ay naninigas ang kanyang katawan. Sa wakas, nakalanghap siya ng sariwang hangin sa labas at nag-inat din siya ng katawan.Nasa likuran niya sina Rio at Zian, tila nag-aalala na baka may mangyari ulit sa kanya."Ma'am Rhian, mas mabuti pang umuwi ka muna at magpahinga kahit isang buong umaga lang!" payo ni Aling Alicia nang buong sinseridad. Nag-aalala siya na baka mabinat ang amo niya.Lumingon si Rhian at ngumiti, "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Nagkaroon lang ako ng mahabang operasyon at napagod ako ng husto dahil halos pitong oras tumagal ang operasyon. Kaya siguro ako nagkasakit. Hmm. Mukhang tumatanda na yata ako dahil tinablan na ako ng sakit." Birong dagdag niya.Natawa ang matanda. "Masyado ka pang bata, ma'am. Nagkasakit ka dahil sa sipag mo. Halos wala ka ng pahinga. Maaring sa susunod ay alagaan mo ang kalusugan mo para hindi kami ng mga bata mag-
Hawak ni Zack ang kamay ni Rain habang nakatingin sa babaeng malamig ang mukha sa hindi kalayuan. Sabi niya nang may bahid ng pagkaasar."Kahit pa estranghero ako, hindi mo kailangang umiwas ng ganito Miss Fuentes. Papunta rin naman ako sa eskwelahan ni Rain, at mula doon, dadaan ako sa institusyon mo. Kaya ko inialok na ihatid kita. Ano kaya ang ikinabahala mo?"Hindi inaasahan ni Rhian ang sinabi ni Zack. Siya pa itong nababahala? Wow ha. Ano ang gustong palabasin ng lalaking ito?"Iniiwasan mo ba ako?""A-Ano? H-hindi ako umiiwas sayo!" Nang mapansin na tumaas ang boses niya. Tumikhim si Rhian para alisin ang bara sa lalamunan. Gusto rin ni Rain na makasama pa ang maganda niyang Tita nang kaunti pang sandali. Sa narinig, tumingin siya kay Rhian gamit ang kanyang bilugang mata at sumabat sa kanila, "Tita..."Napatingin si Rhian sa batang babae, nabitin sa ere ang anumang gusto niyang sabihin sa ama nito. Napaurong ang kanyang dila ng makita ang cute na mukha nito at nangungusap na m
Habang iniinspeksyon ni Marga ang kumpanya, napansin niyang tila may kakaiba sa mga tingin ng mga empleyado sa kanya."Ma'am Marga, ang swerte mo talaga kay Sir Zack. Naiinggit kaming lahat," pabirong sabi ng isang babaeng empleyado na malapit sa kanya.Sa narinig, natigilan si Marga. Saglit siyang napangiti na para bang natural lang ito at kunwaring nagtanong, "Talaga? Paano niyo naman nalaman?"Ang ngiti ng babaeng empleyado ay naging mas naging mapanukso, "Alam ng lahat na si Sir Zack ang nag-alaga sa'yo sa ospital magdamag kahapon, kaya nakapagtrabaho ka pa rin ngayong umaga. Napaka-swerte mo talaga dahil nagkaroon ka ng nobyong kagaya niya! Hindi nakapagtataka na kinaiinggitan ka ng lahat!"Biglang nanigas ang ekspresyon ni Marga. "Anong sinabi mo?"Si Zack ang nag-alaga sa kanya sa ospital magdamag? Anong kalokohana ng pinagsasabi ng babaeng ito? Wala naman siyang naramdamang masama nitong mga nakaraang araw. Kailan siya nagpunta sa ospital?Iniisip ng babaeng empleyado na nahihi
Patuloy pa ring naniniwala ang mga empleyado sa balita at pinag-uusapan ang tungkol sa balitang kumalat."Narinig ko na ayaw daw talagang magpakasal ni Sir Zack kay Ma'am Marga, kaya panay ang pag-antala niya sa engagement nila. Hindi ko inasahan na napaka-romantiko pala niya sa likod ng eksena.""Ang gwapo at maalaga ni Sir! Gusto ko rin ng boyfriend na katulad niya!""Ako din! Gusto ko din ng lalaking katulad niya! Mayaman na, gwapo pa! Nasa kanya na ang lahat!"Habang naririnig ang mga usapan, nagbago nang ilang beses ang ekspresyon ni Marga. Halos maipit niya ang sariling palad sa tindi ng kanyang pagkuyom hanggang sa magkaroon ng marka ng dugo upang pigilan ang galit na nararamdaman. "Oras ng trabaho ito! Huwag kayong mag-usap ng ganyan! Bago kayo magtsismisan, magtrabaho kayo nang maayos!"Pagkasabi nito, malamig na tiningnan ni Marga ang mga empleyadong nagsasalita, bago tumalikod at nagmamadaling umalis nang hindi lumilingon.Hindi na niya talaga matagalan ang mga usap-usapan!
Ilang segundo munang kumalma si Rhian bago tumugon, "Ang concert ay ipinangako ko na sa bata. Ano ang ibig sabihin ni Mr. Saavedra tungkol dito?"Mabilis na sumagot ang kabilang linya, "Iniisip ko lang na maaaring abala si Miss Rhian sa pakikipagtulungan sa pamilya Dantes sa panahong ito at walang oras. Kaya, kung talagang wala siyang oras, hindi ko pipilitin si Miss Rhian."Sa pagbasa ng huling pangungusap, may lumitaw na hinala si Rhian sa kanyang isipan.Biglaang binanggit ni Zack ang bagay na ito dahil sa sinabi niya sa sasakyan na huwag siyang pilitin.Sa pananaw nito, ang pagpayag sa concert ay dahil sa paulit-ulit na hiling ni Rain, na tila sapilitang tinanggap din.Kung ganoon, ginagawa ba niya ito upang itama ang maling nagawa?Sa pag-iisip na ang lalaking ito ay magbabago dahil sa kanyang sinabi, nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam kay Rhian. Nais pa nga niyang maniwala sa sinasabing paghahangad ni Zack sa kanya.Napagtanto niya ang kanyang iniisip, kaya't bigla siyang nata
Pagkapasok na pagkapasok ni Rhian sa bahay, narinig niya ang ingay mula sa itaas."Mommy!"Lumabas ang dalawang munting bata mula sa kwarto, nagmamadaling bumaba, at tumayo sa harap niya. Tinitigan siya ng sabik at may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Nasa mabigat na kalagayan pa rin ang damdamin ni Rhian. Nang makita ang tingin ng mga bata, pinilit niyang itago ang kanyang iniisip. "Anong meron?"Pagkasabi niya nito, napansin niyang nakatingin ang mga bata sa may pintuan, tila may hinahanap.Ilang sandali pa, ibinaling nila ang kanilang tingin pabalik, may halong pagkadismaya sa kanilang mga mukha."Ano ang tinitingnan niyo?" tanong ni Rhian, litong-lito.Tumingala ang mga bata at tumingin sa kanya, may bahid ng pagkadismaya sa kanilang maliliit na mukha. "Mommy, wala po ba si little sister?"Sa narinig, nagtataka si Rhian kung bakit biglang nabanggit ng mga bata si Rain."Gabing-gabi na, malamang natutulog na si little Raib," sagot niya.Ngunit tumagilid ang ulo ng mga ba
Pagkatapos magsalita ni Rhian, napagtanto rin niyang may mali sa kanyang mga sinabi.Inaasahan niyang sasalungatin siya ni Zack nang malamig, ngunit matagal nang hindi nagsalita ang lalaki.Ang tanging naramdaman niya ay ang unti-unting pagbigat ng atmospera sa loob ng sasakyan.Habang nagdadalawang-isip kung magdadagdag ng paliwanag, narinig niya ang bahagyang walang magawang boses ng lalaki sa kanyang tainga."Kung ganoon, pakiusap, Miss Rhian ituring mo ako na katulad ng iba mong tagahanga at huwag akong tratuhin nang iba."Walang magawa si Zack sa kanya. Matapos mag-isip ng matagal, nagdesisyon siyang magpakumbaba.Sa hindi inaasahang pahayag na iyon, biglang sumikip ang dibdib ni Rhian at napagdudahan pa niya ang narinig.Paano masasabi ng isang taong kasing taas ng pride ni Zack ang ganoong bagay?"Kung ang tinutukoy ni Miss Rhian na iba pang tagahanga ay si Ginoong Mike. Pakiusap ituring mo ako nang pareho kay Ginoong Mike Tutal, hindi naman tayo mas kaunting magkakilala kumpar
Tahimik muli ang loob ng sasakyan.Biglang lumiwanag ang telepono ni Rhian.Isang mensahe mula kay Mike ang natanggap niya, nagtatanong kung nakauwi na siya.Sa harap ng pag-aalala ng kanyang senior, kahit hindi harapan, ngumiti pa rin siya nang magalang at nag-reply: "Paparating pa lang."Mabilis namang sumagot ang kabilang linya, "Sabihan mo ako kapag nakarating ka na."Tumango si Rhian at ngumiti habang sumasagot.Sa tabi niya, napansin ni Zack ang liwanag ng kanyang telepono. Paglingon niya, nakita niya ang banayad na ngiti sa mukha ni Rhian. Nang tingnan niya ang screen ng telepono, nakita niya ang nakasulat na Senior Mike.Malinaw na nakikipag-usap si Rhian kay Mike.Dahil dito, ang bahagyang gumaan na damdamin ni Zack ay muling bumigat.Ano ang nagawa niya para magkamali? Ang babaeng ito, nakangiti nang masaya habang nagrereply kay Mike pero kapag siya ang kaharap, laging parang may kinatatakutan!Sa isiping iyon, unti-unting bumaba ang air pressure sa paligid ni Zack.Nang mat
Medyo tuliro ang pagkakatulog ni Rhian. Nang magising siya, sandali niyang nakalimutan kung nasaan siya. Ang tanging naramdaman niya ay ang bahagyang init.Nagpumilit siyang umupo nang tuwid at tumingin sa paligid, hanggang sa maalala niyang nasa loob siya ng sasakyan ni Zack.At ang lugar kung saan siya nakahilig habang natutulog...Agad na tumingin si Rhian sa lalaki sa tabi niya.Naialis na ni Zack ang kanyang kamay. Sa ayos nito sa pagkakaupo, parang walang nangyari kanina.Pero maliban sa mga braso niya, wala siyang maisip na iba pang lugar kung saan siya nakahilig kanina."Pasensya na," sabi ni Rhian na may halong pag-aalala. "Hindi ko sinasadyang nakatulog ako kanina."Pagkasabi niya nito, naramdaman niya ang tingin ng lalaking nasa tabi niya, at ang malalim na tingin ay tila dumidikit sa kanya.Naiilang, bahagyang gumalaw si Rhian upang lumayo sa lalaki.Napansin ni Zack ang balak niya, kaya't dumilim ang tingin nito. "Mukhang mahimbing ang tulog ni Miss Rhiab kanina. Mukhang
Habang pinagmamasdan ang dalawang taong papalayo, unti-unting dumilim ang mga mata ni Luke.Ang kasalukuyang relasyon ng dalawang ito ay mahirap talagang unawain.Kitang-kita niya na pilit sinusubukan ni Zack na ayusin ang kanilang relasyon, ngunit ang saloobin ni Rhian ay hindi tiyak.Naalala ni Luke ang anyo ng babaeng nakatayo sa malambot na liwanag kanina, at naramdaman niyang magulo ang kanyang damdamin.Samantala, walang kamalay-malay si Rhian sa kanyang iniisip.Sa buong biyahe, hawak ng lalaki ang kanyang pulso.Hindi alam ni Zack kung gaano kalakas ang paghawak niya, pero bahagyang masakit ang pulso ni Rhian."Bitawan mo ako!" sigaw niya.Pilit siyang nagpupumiglas, pero lalo pang humigpit ang hawak nito.Matapos niyang pakawalan kanina, muntik nang tumakbo ang babae papunta sa ibang lalaki, kaya't ayaw nang bitawan muli ni Zack ang kamay niya.Hindi makawala si Rhian, at tila hindi siya pinakikinggan ng lalaki.Matapos ang ilang beses na pagtangka, sumuko na siya at hinayaan
Tinutok ni Rhian ang kanyang mata kay Zack, parang tinatanong siya, bakit siya duda sa kanya tulad ng mga ibang tao. Nabigla si Zack ng kaunti. Naisip niya ang mga hindi maingat na salita niya kanina, at isang di-kitang pagkabigo ang dumaan sa kanyang mga mata. Nang magsalita siya muli, medyo humina ang tono, "Hindi ko ibig sabihin iyon." Ayaw lang niyang makita ang maliit na babaeng ito na umalis kasama ang ibang lalaki. Ang mukha ni Rhian ay naging malamig, at ang tono niya ay puno ng pangungutya, "Ano ba ang ibig sabihin ni Mr. Zack?" Nagkibit ng balikat si Zack, tiningnan si Luke sa kabila, at binago ang mga salita, "Napakalaki ng nangyaring iyon, kung may makakita na si Young Master Luke ang naghatid sa'yo pauwi, magiging walang silbi ang mga ginawa ko." Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang kanyang mga mata mula kay Luke at tiningnan ang mukha ni Rhian, at nagsalita ng malalim na boses, "Bagamat hindi gaanong nagpapasalamat si Miss Rhian sa aking pagtulong, ayokong mabi
Pagkasabi ng mga salita, malinaw na naramdaman ni Rhian na bumaba ang presyon ng hangin sa paligid niya.Hindi na kailangang tumingin, alam niyang ang pinagmulan ng mababang presyon ay ang lalaking nasa tabi niya.Hinawakan ni Rhian ang kanyang mga palad at pinilit na huwag tumingin, nagkunwaring hindi siya naroroon.Ang tanong ni Zack kanina ay nag patibok ng kanyang puso. Nang maisip ang hindi maipaliwanag na pagtatapat kanina, natakot siyang magbigay ito ng ilang sobrang mga kahilingan.Sa kabilang banda, napansin ni Luke na medyo mabagal nga ang driver.“Gagawa ako ng tawag para magtanong.” Habang nagsasalita, inilabas ni Luke ang kanyang cellphone at gustong tumawag.Hindi nagtagal, narinig ni Rhian ang boses ni Zack, “Dahil medyo matagal pa ang driver ni Luke kung hindi po kayo mag-aalala, maaari ko po kayong isabay pauwi.”Pagkatapos niyang magsalita, muling tumingala si Rhian at agad na tinanggihan nang walang pag-aalinlangan, “Hindi, sinabi ko na po kay Mr. Luke na sasabay ak
Makalipas ang ilang sandali, dinala ni Manny ang mga tao upang samahan si Meranda palabas. Hindi niya na-realize ang nangyari hanggang lumabas na sila sa karamihan. Patuloy siyang lumaban, ngunit wala ring silbi.Matapos umalis ni Meranda, tiningnan ni Zack ang mga tao sa paligid ng malamig. Nang magtama ang mga mata nila, nanikip ang mga puso ng mga tao at hindi na nila tinangkang magtagal pa, kaya’t mabilis silang umalis.Maya-maya, tanging si Rhian at ang iba pang mga tao na lang ang natira sa harap ng hotel."Maraming salamat, Mr. Saavedra sa pagtulong sa akin," sabi ni Rhian, na nakayuko at nagpapanggap na kalmado, habang nagpapasalamat kay Zack. Nang mga oras na iyon, nais niyang bumalik kay Mike at magbigay ng distansya kay Zack.Ngunit hindi niya inaasahan na pagkapasok na pagkapasok ng isang hakbang, hinawakan siya sa pulso ng lalaki.Tumigil saglit si Rhian at nais niyang pahintuin siya, ngunit takot siyang lumingon kaya’t nanatili na lang siyang stiff."Ang pasasalamat ni M