MARA
"Hindi ka ba naaawa sa'kin?! Kung buhatin mo 'ko parang gusto mo na 'kong itapon sa truck ng b****a! Oo, kasalanan ko kung bakit kayo may hindi pagkakaintindihan ng mga kaibigan mo! Pero hindi naman tama na basta mo na lang akong buhatin na para bang sako ng b****a!" Kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon, paniguradong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa galit. Idagdag mo pa ang tigyawat na mas lalong nagpapapula ng mukha ko. Oo tama ang iniisip mo, sagana ang mukha ko sa tigyawat.
"Uhmm... Miss? Can you please lower voice? My daughter is sleeping," singit ng lalaking nakasagutan ni Saint kanina bago ako pinaalis sa bahay na 'to. Napakatangos ng ilong niya. May mapupungay na mata't katamtamang kapal ng kilay. Hindi man katangkaran ngunit hindi ko maitatanggi na malakas ang sex appeal ng lalaking 'to. Sana ganito kagwapo ang mapapangasawa ko.
"Stop staring at Hezu." Muling nagtagpo ang kilay ko nang marinig ang atungal ng lalaking nasa harap ko. Actually, limang lalaki talaga ang nasa harap ko pero sadyang siya lang ang mismong kaharap ko sa lamesa.
"Hindi ako nakatingin sa kaniya, 'no! May napansin lang akong dumi." Napanguso pa ako at pasimpleng yumuko dahil sa kahihiyan. Oh, ano na, Mara? Imagine pa.
"You know what, Mis-"
"Mara," pagtatama ko.
"You know what? Your mouth is full of talkshits." Napakalamig ng tono. Ano bang kasalanan ko sa dito? Simula nang magising ako, ganiyan na ang trato niya sa'kin. Hindi ko naman siguro siya kinagat noong tulog ako, 'no?
"You know what, Attorney? Gwapo ka sana kaso tinalo mo pa 'yong menopausal na babae dahil diyan sa kasungitan mo." Napairap na lang ako ng wala sa oras. Kami lang dalawa ang nagsasagutan kaya ang apat ay papalit-palit lang ng tingin sa aming dalawa. Sige, panoorin niyo lang ako.
"Maganda ka sana kaso tinalo mo pa 'yong bunganga ng nanay mo dahil diyan sa sobrang daldal mo," panggagaya niya. Napahagikhik ang apat na lalaking kasama niya na siya namang ikinaasar ko. Nakakatawa 'yon? Kung makatawa akala mo may nakakatawa sa sinabi ni payat. Gaya-gaya!
"You know what, Attorney? Nagugutom na ako. Baka may pagkain kayo riyan kahit kanin lang?" Napaawang ang labi nilang lima dahil sa sinabi ko. Hindi ko na lang sila pinansin, sa halip ay tumayo ako para hagilapin ang kusina nila. Ang laki ng bahay na 'to kaya ilang minuto pa bago ko mahanap ang kusina nila. Sana naman ay may pagkain doon. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko.
I scoffed.
"Sa'n ba ang kusina nila dito?" mahinang usal ko habang ang ulo ay naglilingon-lingon, nagbabakasaling mahanap ang kusina. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong akong batang babae. Ito 'yong bata kanina. Ang ganda talaga niya, mukha siyang bagong version ng barbie.
Nilapitan ko siya at lumuhod para pantayan siya. "Hi, ako pala si Margarete Leora. Pwede mo 'kong tawaging Ate Mara o kaya Tita Mara," nakangiting bati ko pero mukhang walang nagbago sa ekspresyon niya. Ngingiti ka o sasakalin kita?
Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi siya agad sumagot. "Ahm... pwede mo ba akong samahan papunta sa kusina niyo? Nagugutom na talaga ako-"
"I'm Hezian Ley Salvacheera, you can call me Hezi and I will call you Mommy Mara." M-Mommy... Pinangiliran ako ng luha nang marinig ang katagang iyon. Muli na naman akong hinahabol ng nakaraan ko, isang pangit na nakaraan.
“B-Bakit...Mommy? Ate na lang hihi.”
"Hey, Mom? What's wrong?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses niyang maliit. Ngumiti muna ako sa kaniya bago ko siya sinagot.
"May naalala lang ako, Ley. Tara, ituro mo sa'kin kung saan ang kusina niyo. Kanina pa ako nagugutom." Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinila papuntang kusina. Maya-maya lang ay agad namin itong narating na siyang ikinamangha ko. Seryoso? Parang mas gusto ko na lang tuloy na tumira sa bahay na 'to. Ang ganda! I said on my mind.
"I thought you're hungry? But what are you freaking doing, Mom?" Napababa ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ko napansing may hawak na pala siyang fresh milk na mukhang galing sa fridge.
"Here." Iniabot niya ang gatas na hawak niya kaya agad ko itong tinanggap.
"Saglit, kukuha lang ako ng baso." Kumuha ako ng dalawang baso saka iyon sinalinan, para sa'kin at para sa kaniya. Binuhat ko muna siya para iupo sa isang bakanteng upuan sa harap ko.
"'Yan sa'yo, ito ang akin. Saan ba nakalagay ang kanin niyo? O kaya tinapay?" Tinuro niya ang refrigerator na nasa harap namin.
"No rice. But you can eat some cakes, just get it there." Muli niyang tinuro ang refrigerator kaya agad naman akong nagtungo doon. Mas lalo akong napamangha nang makita ang loob ng refrigerator nila. Bumungad sa akin ang napakaraming pagkain, prutas, at mga inumin. Napakalinis. Kinuha ko ang isang bilog na chocolate cake at inilapag sa lamesa. Kumuha ako ng isang platito at isang plato saka ng dalawang kutsara.
"Iyan ang iyo, ito naman ang akin." Hiniwaan ko siya ng kaunting cake at inilagay sa platito niya habang ang malaking natitira ay inilipat ko sa plato ko. Sumubo lang ako nang sumubo kaya gano'n na lang ang pagtataka ko nang makitang wala siyang ginalaw kahit kaunti sa cake niya. Nakaawang lang ang kaniyang labi habang nakatitig sa akin.
"Ba't hindi ka pa kumakain? Sabayan mo'ko." Sabay turo sa cake na nasa harap ko. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na siya muling pinansin pa. Bahala ka riyan, kanina pa ako nagugutom kaya pasensya. R.I.P sa may-ari ng cake na 'to. Babayaran ko na lang siya kapag nagkatrabaho ako. Promise, mamatay man ex ko. Kinuha ko ang fresh milk at agad itong tinungga. Muli akong nagsalin ng gatas at pinuno ang baso ko para hindi na ako magsalin pa.
"Hindi halatang gutom ka," seryosong aniya ng kaharap ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsubo ng cake ko. Ilang subo pa ang nagawa ko hanggang sa naubos ko na.
"Blurrppp..."
"WHAT THE HELL?!" Napalingon kaming dalawa sa limang lalaking halos lumabas na ang mata. Gulat ang rumehistro sa kanilang mukha. Tanging ngiti lang ang naisukli ko.
"You're dead, Mom. I forgot to tell you, chocolate cake is their favorite." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo akong nanlumo nang matandaang ito na lang ang natitirang chocolate cake sa refrigerator nila. Gago kang bata!
•••
RaineeeNeee
MARA"Grabe naman kayo makatingin sa'kin! Hindi ko naman alam na paborito niyo pala 'yong chocolate cake na 'yon e! Saka hindi naman kasi sinabi ni Ley na 'yon nga..." Hindi ko alam kung sino ang haharapin ko. Hindi ko alam kung kaninong matatalim na mata ang sasalubungin ko. Halatang galit at inis sila sa'kin, nakikita ko sa mga mata nila. Sinabi ko naman na babayaran ko e! Hindi nga lang ngayon, baka next next year."You can eat those ube cakes or whatever naman. Bakit 'yon pa? It's our only gift from Ate Leyvi. Hindi nga namin 'yon kinain para lang gawing remembrance e!" Napanguso pa ang lalaking may katangkaran din na katabi no'ng lalaking mukhang hapon. Mas lalong kumorte ang ganda ng labi nito nang ngumuso siya. Ba't ang cute niya? Gusto ko magkaroon ng ganiyan ka-cute na kapatid. Halata namang bata pa siya."Stop that childish act, Kal! It doesn
MARA"Kailangan ba talagang magsuot ng ganito? Para akong sinaunang pokpok dahil sa suot ko!" Hindi ko maiwasan ang mapakamot sa balat ko dahil sa kating dulot ng telang suot ko. Ilang linggo niya akong sinanay na magsuot ng ganitong klase ng damit at sandals na may matataas na takong. Pero gano'n pa rin, tila'y walang pagbabago. Hindi pa rin ako sanay, idagdag mo pa ang kabang kanina pa umaaligid sa kalooban ko."Tss," asik niya. Tanging pag-irap lang ang nagawa ko lalo na't papasok na kami sa loob ng malaking bahay. Bahay pa ba 'to? Doble ang laki nito kumpara sa bahay ng limang attorney. Cool! Pati pader parang may gintong nakatanim. Dahil sa pagkamangha ko, nagpalinga-linga na lang ang mata ko sa bawat parte ng bahay na madadaanan ko."Gawin mo kung anong tinuro nila sa'yo. Act like a professional, baby, please?" Halos manigas ako sa kinatatayua
MARAIlang araw na ako hindi pinapansin ng lalaking 'yon. Hindi ko alam kung naiinis ba siya dahil sa inakto ng lolo niya o dahil sa ginawa ko. Ilang gabi na rin akong nagpapansin sa kaniya. Pa'no? Nagkukunwaring akong nadapa, o 'di kaya ay napaso, makatapon ng tubig, at kung ano-ano pa pero walang silbi ang lahat. Ni paglingon sa akin ay hindi niya magawa. Nakatutok lang siya sa laptop at mga papel na dinaig pa ang kapal ng dictionary. Wala akong ibang magawa kaya naisipan ko na lang na lumabas mag-isa. Mabuti na nga lang ay hindi umaandar ang sleeping disorder ko. Kaya malaya akong gawin kung anong gusto kong gawin dahil may pera naman na binigay sa akin si Saint bago niya ako pinakilala sa lolo niya. Tanging oversized tee-shirt at pedal na puti lang ang suot ko na pinarisan ng sneakers na bigay sa akin ni Hezu. Wala na akong pakialam kung magmukha ulit akong losyang sa suot ko, sanay naman na ako noon pa.
MARA"What the hell?! I won't!" Napanguso na lang ako dahil sa muling pagtanggi niya. Kanina pa namin siya pinipilit kaya kanina pa rin siya tanggi nang tanggi. Gustuhin ko man na mapapayag siya ay hindi ko magawa. Sigaw niya lang talaga ang umalingawngaw sa malaki nilang bahay."Kuya Hez, come on! It's just a freaking favor. Mara's favor," mariing sermon ni Kal. Bukod kay Yoshi, siya at si Callip ang kanina pa pumipilit kay Hezu. Pero sadyang matigas ang bunbunan ng lalaking 'to. "Did you even think, Kal?! Inisip mo ba kung anong magiging itsura natin dahil diyan?! Wearing a corset while performing that damn dance!" Halos mapaigtad kaming apat nang hampasin niya ang malapad na lamesa sa harap niya. Nakagawa ito ng malakas na ingay dahil ito'y kahoy."Kuya Hez, ngayon lang naman humingi ng pabor si Mara." Halatang
KAL"KALISTER SAVILLAN!" Napalingon ako sa matinis na boses galing sa aking likuran. Bahagyang napakunot ang noo ko nang makilala ang babaeng matulin na tumatakbo sa gawi ko. Ano na naman bang trip ng babaeng 'to? Damn this girl!Hingal na hingal pa siya. Ang bilis niya tumakbo, partida, nakaheels pa 'yan. Mas lalong bumagay sa kaniya ang Maroon na crop top niyang suit na pinarisan ng harem pants."Gosh Savillan! You're making me sweat na tuloy!" Nagsisimula na naman siyang magsalita sa sarili niyang lengguwahe. Napahawak pa siya sa bandang dibdib niya habang pinupunasan ang pawis sa noo. Hindi ko siya natiis tignan kaya agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa para ipunas sa noo niya. Hindi na naman bago sa'min 'to kaya sanay kami sa isa't-isa. "Oh! You should always keep a hanky, Yezhiah Zey Amorsolo," nakangiting saad ko habang in
CALLIP"How could you leave me there again?! Callip naman! Alam kong hindi mo ako mahal pero 'wag mo naman sana ipamukha sa mga magulang natin na hindi na ako ang mahal mo! Kahit pagkukunwari lang. Kahit temporary lang, tapos kapag gising na si Mara, ako na mismo ang lalayo. Ako na mismo ang magsasabi ng dahilan kung bakit wala nang tayo. Take care." Nakita ko kung paano siya patagong nagpunas ng likidong galing sa mata niya. Nakaramdam ako ng kaunting hiya at konsensya dahil sa nagawa ko sa kaniya.She's Yaree Satoshami, Yoshi's younger sister. Yaree is my ex-girlfriend, we almost had a two-year-relationship but I felt out of love. Yes, that's the reason why we both broke up to each other. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi niya masabi-sabi sa pamilya niya ang nangyari sa amin. Even Yoshi, wala siyang alam sa nangyari sa amin dahil 'yon ang gusto niya, na huwag ipagsabi kahit kanin
YOSHI"May kulang pa ba sa stock? Pakilista na lang lahat ng kulang para isahan na lang. Carlos, just call me if you need something, okay?" Abala silang lahat sa pag-aasikaso kung anong kulang sa mga stocks na gagamitin sa kaarawan ng costumer namin."Yes, Attorney!" Tumango na lang ako at iniwan sila roon para lumabas ng stock room. Kinuha ko ang teleponong nakasilid sa aking bulsa at agad na kinuha para tawagan ang taong matagal ko nang gustong makausap. Kung hindi lang ako abala, paniguradong matagal ko nang nakausap itong taong 'to. Maya-maya lang ay sinagot niya ang tawag ko."Kuya Saint," pabungad na sabi ko. Alam kong antok pa 'to dahil ang tanghalian namin ay siya namang umagahan niya. Sanay na kami nang panahong kasama pa namin siya sa bahay, kaso umalis na siya para lang sundin ang deal nila ni Mara."8:1
MARANapamulat ako nang maramdaman ang init na nagmumula sa nakakasilaw na glass window ng silid na hinihigaan ko. Walang tao sa loob kaya malaya akong tumayo para magtungo ng Cr. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng mukha ko.Mas lalo akong pumayat at pumuti kumpara noon. Mas lalo ring humaba ang bagsak kong buhok na halos umabot na sa pang-upo ko. Maging ang mga tigyawat ko sa mukha ay unti-unti nang nawawala. Maraming pagbabago ang nangyari sa katawan ko. Ilang buwan na naman ba akong tulog? Kumuha ako ng tali sa buhok at ginamit para maipag-isa ang buhok kong magulo."Oh, cock! Daddy! She's awake! Mommy Mara is awake, emeeee!" Halos pare-parehas silang lahat ng reaksyon. Lahat ay nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Ngunit sadya yatang hindi marunong makontento ang mata ko, iba ang hinahanap. Maybe he's still mad at me. Pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata.
MARA"Hey, baby! I made a chocolate cake for you!" Bitbit ang chocolate cake na gawa ko, lumapit ako sa kaniya. Walang bakas na tuwa sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko."Saint? Is there something wrong?" He’s just staring at me while crying? What’s wrong with him? Hindi siya sumasagot kahit anong gawin ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad ito."What’s wrong? Are you mad at me? Nagalit ka ba dahil sa sinabi ko kagabi? Hey! That was just a joke!" Tumawa ako na animo’y may nakakatawa sa sinabi ko pero wala pa rin siyang sagot. Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil lumalayo siya sa tuwing lalapit ako."Saint, ano ba! Magsalita ka nga!" Inilapag ko muna ang cake na hawak at taas-kilay na hinarap siya."Hindi ka ba talaga magsasalita? Ano bang problema mo?" Pinilit ko
WARNING! MAY MGA EKSENANG HINDI ANGKOP SA MGA BATA. READ AT YOUR OWN RISK! SAINTFLASHBACK"Don't you dare hurt her again, Hyacinth! I won't hesitate to hurt you," I threatened her. I found out what she did to Mara before she was rushed to the hospital."Bakit, Saint? Dahil gusto mo na siya, huh? Kaya mas makakayanan mo na saktan ako para sa kaniya? Gano'n ba?" I closed my eyes tightly and clenched my fist. Earlier I insisted to not lay my hands on her."None of your business.""Hindi ako tanga, Saint. Oo, noong una pinili ko na huwag na lang pansinin ku
MARA"Cómos estás, Margarette?" Ibinaba ko ang cellphone na hawak at hinarap ang taong nasa harapan ko. As usual, she's wearing a thick make-up. Isama mo pa ang lipstick na sobrang kapal, tinalo pa ang color ng floorwax."Estoy bien, Hermana. Why are you here? Do you need something to say?" May inilabas siyang brown na envelope sa harap ko kaya agad ko itong kinuha para tignan kung ano ang nasa loob niyon. Halos mapanganga ako nang makita kung ano ang laman nito.It was the model ranking and I'm second to the highest! God, thanks! It's been a years when I entered modeling industry."Woah! Thank you for informing
HYACINTH"Hanggang kailan ka pa magmumukmok diyan, Hyaz? Ano? Ganiyan ka na lang araw-araw, 'te? Happy birthday pero naiinis pa rin ako sa'yo. Bumangon ka na riyan!" Tumagilid ako at tumalikod sa kaniya. Hanggang kailan din naman kaya siya titigil sa kakasermon sa akin? Tinalo niya pa sina Mama. Tsk!"Bes Hyaz, maawa ka sa sarili mo. Ang laki ng pinagbago mo, jusko! Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Para ka ng ina na nag-aruga ng isang dosenang bata!" dugtong na sermon niya. Araw-araw siyang ganiyan. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, malamang matagal ko na 'tong pinalayas sa apartment ko."I'm tired. Leave me alone and ignore my existence for a while," malamig na wika ko. Ilang taon na rin ang nakalipas simala nang naghiwalay kami ni Saint. Ilang taon na rin no'ng huli naming pag-uusap. Paniguradong masaya na sila ngayon. Wala na rin naman akong b
MARA"Iha, maayos na ang lahat. Pagkatapos ng therapy na ito, pupunta na kayo ng Spain," halos pabulong na sabi ni Mrs. Salvacheera. Hininaan niya lang ang boses niya dahil nandito si Saint."Kailangan po ba na sa Spain ako magpagamot? Sorry po kung demanding pakinggan, pero kasi si Saint e..." Hinaplos niya ang ilan pang natitirang hibla ng buhok ko at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Siya nga pala, pinakalbo na ang buhok ko. Noong una nag-aalangan ako kasi nasasayangan ako sa mga buhok ko. Pero napagpasiyahan ko sa huli na pumayag na lang na ipakalbo."Are you afraid that my son will replace you?" Nag-aalangan akong tumango. "Don't worry. Hindi ganiyan ang ugali ni Saint. Trust me, okay?" "Salamat po sa lahat, Mrs. Salvacheera. Kapag po nakaluwag ako, babawi po ako sa inyo," walang pag-aal
MARAIsang linggo na rin ang nakalipas nang sumailalim ako sa first chemotherapy. Sa lahat ng therapy na binanggit ni Doktora Rainee, chemo pa lang ang nararanasan ko. Iisipin ko pa lang na sasailalim nanaman ako sa chemo ay kinakabahan na ako.Malalim na pagbuntong-hininga ang nagawa ko nang mapadapo ang tingin sa salamin. Kitang-kita rito kung paano unti-unting naglalagasan ang mga buhok ko. Marami na ang nabawas pero hindi naman ako masyadong napanot dahil may kakapalan ang buhok ko. Napag-usapan na rin naman namin nila Doktora na ipapaputol na lang ang buhok ko gayong mauubos din naman ito.Sobrang putla ko na rin. Dry na ang balat ko dahil sa sakit ko. No'ng sinukat nila ang timbang ko doon lang nakumpirma na malaki ang nabawas sa dito. Ang daming nawala sa akin dahil sa sakit na natamo ko. Nakakapanghinayang at nakakawalang-gana. Sina Hezu, Kal, Callip, at Yoshi naman daw ang
MARAKinakabahan ako dahil ngayon ang chemotherapy na sinasabi ni doktora. Kanina pa nila sinusubukang tanggalin ang kaba ko pero kahit anong gawin nila ay wala pa rin itong talab.Si Sachi, Yezhiah, Mr and Mrs. Salvacheera at ang pinsan ko lang ang kasama ko. Wala sina Saint. Kanina dumaan daw si Yoshi dito at may ibinigay na pagkain. Hindi ko siya naabutan dahil halatang may pasok din siya.Halos mag-iisang linggo na ako dito sa hospital. Mabuti na nga lang ay hindi na ako oras-oras naduduwal hindi katulad no'ng nakaraang araw."Charity, iha, samahan mo nga ang pinsan mo at kausapin. She's obviously nervous," rinig kong utos ni Mrs. Salvacheera. Oo, alam na nila na pinsan ko si Ana Mae. Nagtaka pa nga ako no'ng una dahil ang tawag nila kay Ana Mae ay Charity, iyon pala ay ipinangalan lang 'yon ni Mrs. Salvacheera sa kaniya.Ilang araw na silang na
MARA"Are you gonna sleep here, Mom? Dad?" Napalingon ako kay Sachi na mukhang naiirita na nandito ang mga magulang niya.Ilang araw na kasi silang nandito, maging si Yezhiah na dati lang ay galit na galit sa akin. Hindi ko alam kung anong nakain niyan bakit hindi na ako tinatarayan. Ang sarap nilang tignan. Ang sarap tignan na may mga taong handang magbantay sa akin kahit hindi ko sila kadugo. Napabuntong-hininga ako nang muling nanumbalik sa isipan ko ang offer ni doktora. "Dalawang beses ka lang magpapa-therapy dito sa Pilipinas, Margarette."Pagkatapos ng pangalawang therapy ay hindi ko na sila makikita. Hindi ko na siya makikita. Paano ko sasabihin kay Saint 'to? Paniguradong hindi siya papayag. "Dito kami matutulog ng Daddy mo, Sachi," tugon nito.
MARAWala akong ganang makipag-usap. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang magsalita. Wala akong gana sa lahat. Paano ko na lang sila haharapin kung unti-unti na akong nawawalan ng gana? Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang nakasalo ng mga ganitong sakit? Bakit ako pa na hirap din sa buhay? Bakit ako pa na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay ng masaya at tahimik?Alam ko na may mga taong mas malala pa ang napagdadaanan, pero hindi ko maiwasan na hindi kuwestyunin ang Diyos kung bakit ako? Bakit sa'kin Niya binigay ang ganitong pagsubok? Nagiging pabigat na ako sa mga taong kumupkop sa akin. Nagiging pabigat na ako sa lahat."Mom, aren't you gonna talk to us?" Walang buhay kong nilingon si Ley. Dati lang ay ganado akong makausap ang batang 'to pero ngayon ay tila nawala na iyon. Nawawalan na ako ng gana na harapin sila."L-Ley...."