Share

Wakas

Author: 4the_blg3
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Hindi man gumaling si Lolita sa kanyang Chronic Heart Failure disease naging masaya naman kaming magkakasama rito sa probinsya. Lumipat din kami ng bahay kung saan nakahanap ako ng trabaho ilang linggo lang matapos ang pagpapaospital ni Lolita. Tinulungan ako ni Yara ang naging malapit kong kaklase matapos kong lumipat ng eskwelahan.

Mayroon siyang kilalang kamag-anak na nangangailangan tumao sa kanilang coffee shop at madalas na puntahan iyon ng mga estudyante lalo na paggabi. Mas naging mahirap ang sitwasyon ko nu'ng nag-aaral ako. Gusto ko na sanang tumigil pero inisip kong gusto ng mga magulang ko lalo na ni Lolita ang makatapos ako ng pag-aaral. Ang maliit na ektarya ng lupa niya para sa pagsasaka ng mais ay naipagbili kasama na na ang dating bahay. Ginamit namin ang pera para makapagpatayo kami ng bahay rito sa syudad tatlong sakay mula sa kinagisnan naming probinsya.

Si Lucky ay nagtransfer rin ng school. Siya ang n

4the_blg3

PLEASE PO WALA PO SANANG SPOILER SA REVIEW OR COMMENT SECTION ABOUT SA ENDING. THANK YOU!   The Heartthrob's Love Soon on GN kung i-approve. Thank you!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   Special Chapter

    Sunod-sunod ang pag-inom ko ng wine matapos ng pangyayari kagabi. Nakatulugan ko na rin ang pag-inom dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Muli ko na namamg naramdaman ang sakit ng sinabi ko kanina. Hindi ko intensyon na sabihin iyon. Pero 'yun ang nararapat.Lumapit sa akin ang isang babaeng nakabestidang kulay rosas. Kitang-kita ang balat niyang para bang kahit kailan ay hindi naarawan. Inayos niya ang kanyang takas na buhok at nilagay iyon sa kanyang tenga na tila ba nang aakit. Hinaplos niya ang aking braso papunta sa aking hita. "Maaga ka yatang gumising ngayong umaga.""Rosella." Awat ko sa kanya. Lumayo siya ng bahagya saka ngumiti ng makahulugan. Umupo siya sa katabi ko. Pinagmamasdan niya ang mga magandang kalangitan sa labas ng bintana."Tita is proud of you. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Matagal na." Hinawakan niya ang aking baba saka ngumiti ang mapulang niyang labi dahil sa makapal niyang pulang lipstick.Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang wine

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   BOOK 2: THE HEARTTHROB'S LOVE

    Blurb:Si T.H ang lalaking gustong patunayan ang sarili lalo na ang halaga niya sa kanyang pamilya. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa ngalan ng kanyang apelyidong dinadala. Ngunit hanggang saan ang sakripisyong ito, kung ang kapalit nito ay mawala ang taong matagal niya ng minamahal? Tunghayan ang kwento ng ating Heartthrobs sa nobelang ito.Simula"Siya pa rin ba ang nasa isip mo?" Tanong ni Rosella habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa playground.Ilang taon na ang nakalipas pero hindi sa mawala sa isip ko ang pangalan ng babaeng nakilala ko dati. Wala na kong balita sa kanya simula ng lumipat kami ng bahay para sa pag-aaral. Ayaw ng kapatid kong babae na manirahan sa isang apartment at gusto niyang kasama ang pamilya. Kaya naman nagdesisyon si Papa na kumuha ng bahay malapit sa kanyang eskwelahan."Hindi naman siya nawawala isip ko." Sagot ko kay Rosella. Madalas akong magkwento kay Rosella ng tungkol sa babaeng 'yon dahil nahihiya akong magkwento sa mga lalaki

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   1

    Hindi pinalipas ni Papa ang hapon na dito muna ako sa mansyon kaya namang nag-impake ako matapos niyang ipag-utos ito. Nakasilip si Thylene mula sa tagiliran ng pinto ng kwarto ko. Dinaanan ko siya ng tingin habang inaayos ang gamit sa kwarto ko."Well, deserve mo 'yan. Huwag kang mag-alala maganda naman ang bahay na matutuluyan mo. In fact, mas bagay ka pang tumira sa lansangan." Sabi nito matapos niyang lumapit habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niya. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa ziniper ko ang maleta aking maleta. "Baka gusto mo ng alalay para ibaba ang gamit mo. I can help you."Ngumiti siya pero hindi abot sa mata. Dinaanan ko lang siya ng tingin habang bitbit ang mga gamit ko. Pumunta ako ng rest area kung saan nandoon si Mama. Nakaupo siya sa mahabang upuang kahoy habang pinagmamasdan ang mapupulang rosas.Nilapitan ko siya saka hinagkan sa noo. "Aalis na po ako, Ma."Hinapl

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   2

    Kinuha ko ang si Cooper sa bahay, ang nag-iisa kong aso. Wala akong naabutan na kahit sino maliban lang sa mga maid na abalang naglilinis dahil mamaya ay padating na sina Mama at Papa."Inaalagaan ka ba nila ng ayos, Cooper?" Tumahol ang aso kong tagpian.Mukha naman siyang pinapakain ng ayos dahil sa taba ng kanyang katawan."Manang, iuuwi ko na siya." Pagpapaalam ko sa isa sa mga maids. Pero bago ko iyon gawin ay iniwan ko muna siya sa pwesto niya.May nag-udyok sa akin na pumasok sa loob ng bahay. Maraming nagbago puro medalya lang ni Thylene ang nakasabit. Puro pictures iyon nilang tatlo. Sa isang hilera na malapit sa flower vase.Ang dati kong pictures na kasama sila ay napalitan ng pictures ni Thylene na kasama ang kanyang mga kaibigan. Gano'n pa man mahalaga sa akin na inaalala pa rin nila ako-isa lang ang picture kong naroon ayon ay kasama ko ang apat kong kaibigan nu'ng huling birthday ko rito.Bumalik ako kay Cooper at nilagay siya sa cage na binili ko bago ipinasok sa aking

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   3

    "Pang-ilang kasambahay na natin 'yon." Problemadong sambit ni Wyn. Walang nagtatagal sa amin dahil kung hindi man magkagusto sa aming lima ay nagiging kaaway ni Jez. Mayroon pang nangyari na nawala ang ilan sa mga gamit namin kaya naging mahigpit kami sa pagpili."Maghanap na lang ng bago. Madali lang naman." Sambit ni Latrelle."O, kayo naman ang maghanap. Palagi na lang ako." Sambit ni Jez habang inaayos ang bb cream niya."Hindi ako. 'Yung panglimang kasambahay natin. Ako ang humanap non saka yung pang-anim." Sabi ni Marcus.Kaming dalawa ni Wyn ay tinignan nilang tatlo. Alam nilang hindi ako magaling sa pakikipag-usap kaya bakit ako naisama sa pagpipilian."Marami akong kakilala." Sa dami ng tahimik na nagkakagusto kay Wyn ay hindi malabong makahanap siya ng matinong tao na matutulungan kami rito. Baka makahanap rin siya ng ispiritwal na taong katulad niya at baka isang araw pagmulat ko biglang pari ang gustuhin na kare

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   4

    Umuwi na ko sa bahay matapos ang sandaling pakikipag-usap sa mga kaibigan ng pamilya namin. Nando'n din ang pamilya ni Latrelle na abalang nakikipagtawanan kay Papa. Napagpasyahan kong maidlip sandali. Matapos nito ay kumuha ako ng tinapay sa itaas ng ref at pinalamanan iyon ng peanut butter. Bumalik ako sa kwarto saka naglagay ng headphones habang nagbabasa.Walang sound ang headphones ko kaya rinig ko pa rin ang ingay ng mga taong nasa ibaba. Magulo dahil sa paglalaro ng dalawang pinakabata sa amin. Mayamaya ay umilaw ang cellphone ko. Nakareceive ako ng text galing kay Wyn.WynMay bisita tayo.Binaba ko ang cellphone ko sa side table. Hindi ako interesado kung sinuman 'yon. Naglagay ako ng unan sa mga hita ko upang pagpatungan ng libro. "Ikaw 'yung nakita ko sa lugawan!" Bulalas ni Latrelle. Kumunot ang noo ko.Masyado na silang maingay kumpara kanina kaya napagpasyahan kong bumaba para sawayin sila. Pagkababa ko ay tumambad sa akin ang babaeng gusto kong makitang muli matapos n

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   5

    Matapos ng tanghalian ay sinundan ko si Kaoree kasama ang kaibigan niya. Tanaw ko si Wanwan kasama ang isa pang kaibigang lalaki. Nakatayo sila sa gate at nagtatawanan.Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.AdamAyos na si Cooper. Masigla na siya ulit.Si Adam ang ka-team ko sa aming varsity team. Ang tatay niya ang vet ng aso ko. Nagkaparvo ang alaga ko kaya dinala agad ko siya roon para ipagamot at do'n iniwan.Malapit lang bahay nila rito. Dalawang kanto simula rito sa posteng pinagtataguan ko. Nang makarating ako roon ay kumakawag sa tuwa ang buntot ng alaga ko. "Magaling ka na?" Tanong ko sa kanya at tinalunan ako nito."I-disinfect at sanitize mo lang ang kulungan niya para mawala ang virus." Bilin ni Adam. Tumango lang ako."Baka gusto mong magmeryenda muna." Tinignan ko ang oras. Sumunod ako sa loob at nag-order siya ng pizza.Nagkwentuhan kami tungkol sa academics, business at sports. Nabanggit niya ang tungkol kay Rosella—kilala niya ang babaeng iyon dahil naging mag

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   6

    Simula palang nu'ng unang makita ni Latrelle si Kaoree alam ko nang mangyayari ito. Magkasama kami sa isang bar habang umiinom ng vodka. Wala akong balak malasing dahil baka hindi ako makapagpigil.Mas naging malinaw sa akin na se-seryosohin niya si Kaoree base sa kung paano niya kulitin ang mahal ko. Likas na makulit si Latrelle pero hindi sa mga babaeng nakadate niya.Pati rin si Wyn alam kong gusto niya si Kaoree pero hindi niya lang gaanong pinapakita. Kung gaano ko tignan si Kaoree sa malayo ay gano'n din niya tignan si Kaoree lalo na nu'ng naghiking kami.Hindi ko masisisi si Wyn dahil bukod sa mabait si Kaoree ay magkasundo sila sa gawaing pangkusina. Magaling siya sa akin sa bagay na iyon pero mas magaling ako sa kanya sa maraming bagay.Lumagok ako at humingi ng hard liquor para kay Latrelle. "T.H, biglang napaaya ka yatang mag-inom." Sambit ni Latrelle habang tinitignan ang bartender na sinasalin ang kanyang inumin sa baso."Gusto ko si Kaoree." Matapang ko siyang tinignan s

Pinakabagong kabanata

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   29

    Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   28

    Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   27

    Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   26

    NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   25

    “Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   24

    Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   23

    Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   22

    "Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   21

    Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na

DMCA.com Protection Status