"Pang-ilang kasambahay na natin 'yon." Problemadong sambit ni Wyn. Walang nagtatagal sa amin dahil kung hindi man magkagusto sa aming lima ay nagiging kaaway ni Jez. Mayroon pang nangyari na nawala ang ilan sa mga gamit namin kaya naging mahigpit kami sa pagpili."Maghanap na lang ng bago. Madali lang naman." Sambit ni Latrelle."O, kayo naman ang maghanap. Palagi na lang ako." Sambit ni Jez habang inaayos ang bb cream niya."Hindi ako. 'Yung panglimang kasambahay natin. Ako ang humanap non saka yung pang-anim." Sabi ni Marcus.Kaming dalawa ni Wyn ay tinignan nilang tatlo. Alam nilang hindi ako magaling sa pakikipag-usap kaya bakit ako naisama sa pagpipilian."Marami akong kakilala." Sa dami ng tahimik na nagkakagusto kay Wyn ay hindi malabong makahanap siya ng matinong tao na matutulungan kami rito. Baka makahanap rin siya ng ispiritwal na taong katulad niya at baka isang araw pagmulat ko biglang pari ang gustuhin na kare
Umuwi na ko sa bahay matapos ang sandaling pakikipag-usap sa mga kaibigan ng pamilya namin. Nando'n din ang pamilya ni Latrelle na abalang nakikipagtawanan kay Papa. Napagpasyahan kong maidlip sandali. Matapos nito ay kumuha ako ng tinapay sa itaas ng ref at pinalamanan iyon ng peanut butter. Bumalik ako sa kwarto saka naglagay ng headphones habang nagbabasa.Walang sound ang headphones ko kaya rinig ko pa rin ang ingay ng mga taong nasa ibaba. Magulo dahil sa paglalaro ng dalawang pinakabata sa amin. Mayamaya ay umilaw ang cellphone ko. Nakareceive ako ng text galing kay Wyn.WynMay bisita tayo.Binaba ko ang cellphone ko sa side table. Hindi ako interesado kung sinuman 'yon. Naglagay ako ng unan sa mga hita ko upang pagpatungan ng libro. "Ikaw 'yung nakita ko sa lugawan!" Bulalas ni Latrelle. Kumunot ang noo ko.Masyado na silang maingay kumpara kanina kaya napagpasyahan kong bumaba para sawayin sila. Pagkababa ko ay tumambad sa akin ang babaeng gusto kong makitang muli matapos n
Matapos ng tanghalian ay sinundan ko si Kaoree kasama ang kaibigan niya. Tanaw ko si Wanwan kasama ang isa pang kaibigang lalaki. Nakatayo sila sa gate at nagtatawanan.Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.AdamAyos na si Cooper. Masigla na siya ulit.Si Adam ang ka-team ko sa aming varsity team. Ang tatay niya ang vet ng aso ko. Nagkaparvo ang alaga ko kaya dinala agad ko siya roon para ipagamot at do'n iniwan.Malapit lang bahay nila rito. Dalawang kanto simula rito sa posteng pinagtataguan ko. Nang makarating ako roon ay kumakawag sa tuwa ang buntot ng alaga ko. "Magaling ka na?" Tanong ko sa kanya at tinalunan ako nito."I-disinfect at sanitize mo lang ang kulungan niya para mawala ang virus." Bilin ni Adam. Tumango lang ako."Baka gusto mong magmeryenda muna." Tinignan ko ang oras. Sumunod ako sa loob at nag-order siya ng pizza.Nagkwentuhan kami tungkol sa academics, business at sports. Nabanggit niya ang tungkol kay Rosella—kilala niya ang babaeng iyon dahil naging mag
Simula palang nu'ng unang makita ni Latrelle si Kaoree alam ko nang mangyayari ito. Magkasama kami sa isang bar habang umiinom ng vodka. Wala akong balak malasing dahil baka hindi ako makapagpigil.Mas naging malinaw sa akin na se-seryosohin niya si Kaoree base sa kung paano niya kulitin ang mahal ko. Likas na makulit si Latrelle pero hindi sa mga babaeng nakadate niya.Pati rin si Wyn alam kong gusto niya si Kaoree pero hindi niya lang gaanong pinapakita. Kung gaano ko tignan si Kaoree sa malayo ay gano'n din niya tignan si Kaoree lalo na nu'ng naghiking kami.Hindi ko masisisi si Wyn dahil bukod sa mabait si Kaoree ay magkasundo sila sa gawaing pangkusina. Magaling siya sa akin sa bagay na iyon pero mas magaling ako sa kanya sa maraming bagay.Lumagok ako at humingi ng hard liquor para kay Latrelle. "T.H, biglang napaaya ka yatang mag-inom." Sambit ni Latrelle habang tinitignan ang bartender na sinasalin ang kanyang inumin sa baso."Gusto ko si Kaoree." Matapang ko siyang tinignan s
Pumunta ako sa playground kung saan ko nakilala si Kaoree. Masyado akong maraming iniisip. Balak ko sanang umamin sa kanya ng diretso at maging girlfriend sa mismong birthday ko. Hindi ko akalain na babalik si Rosella ngayong buwan. Nakuha lang ako ng lakas ng loob na maging kami ni Kaoree at i-settle ang sa amin ni Rosella.Matapos ng tawag ni Papa ay naging balisa ako. Pinababalik niya ko sa bahay para pag-usapan ang engagement namin ni Rosella.Nakaupo pa rin ako sa isang bench habang paunti-unti ang mga tao. Isang babaeng amoy perfume na matapang ang umupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa malayo."Tara uminom tayo." Lumingon ako. Nakapusod siya at may ribbon na itim sa ulo.Hindi ko alam kung paanong sumunod ako sa kanya ng inaya niya ko. Pinili namin sa tahimik na lugar. Dim ang paligid at acoustic ang kanta.Um-order siya ng hard drink para sa sarili niya.Hindi ako pumayag na uminom siya nito kaya pinapalitan ko na lang ng Wine."Cheers!" Kinampay niya ang hawak niyang wine glass
Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang ingatan pero inuusig ako ng sarili kong nararamdaman. Huminga ako ng malalim.Sa tuwing sumasagi sa isip ko na gusto kong ipaglaban siya pero kasunod nito ang boses ng mga magulang ko lalo ng aking ina.Bumangon ako at pinagmasdan sandali ang dagat. Banayad ang alon nito. Sana gano'n din ang pakiramdam ko ngayon pero hindi.Lumabas ako ng kwarto matapos magluto at hindi sinilip si Rosella sa sarili niyang silid. Bahala na kung mabuking niya ko. Ang gusto ko lang ay makita si Kaoree. Gusto ko siyang mayakap at humingi ng tawad.Sinubukan kong tawagan si Jez pero mukhang masama pa rin ang loob niya. Huminga ako ng malalim saka nag-dial. Tinawagan ko si Marcus at siya ang nagsabi sa akin nang address kung saan sila naroroonan. Nadatnan ko si Kaoree—siya ang bumungad sa gate.Sandali kami nagkausap matapos kong ibigay ang pagkain. Nagsinungaling ako na galing kay Wyn ang bagay na galing sa akin.Nagtanong siya kung kailan naging kami ni Rosel
"I've already sent the invitations to our friends." Aniya Rosella habang nagsasalin ng gatas sa tasa. Binigyan niya ko ng wheat bread."Good to know. Hindi naman iyan matutuloy." Sabi ko saka ngumiti. Nagkasukatan kami ng tingin."You have the gut to say that! Bawiin mo 'yon!" Nangalit ang mga mata niya.Nitong mga nakaraang araw ay tikom ang bibig ko sa bagay na iyon. Pero ngayon malakas na ang loob ko, si Kaoree ang pipiliin ko. Buo na ang desisyon ko."Rosella, pinilit ko naman pero—""Pero ano T.H! Palagi na lang pero!""Pipiliin ko si Kaoree, alam mo naman yun noon pa." Maliwanag kong sambit.Nagring ang cellphone ko at sinagot ko iyon dahil lumitaw ang pangalan ni Kaoree. Gustong-gusto kong marinig ang boses niya. Nangungulila ako sa yakap, halik at sa iba pang bagay na mayroon siya."Sige. Subukan mo nang magkaalaman!" Banta ni Rosella."Anong dapat kong malaman?" Baritono ang boses nito. Nanlaki ang mga mata namin ni Rosella. Lumuwag ang hawak niya sa tasa nang makita si Papa
"Coffee?" Alok sa akin ni Rosella. Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang nagtataasang building ng syudad.Postponed ang kasal naming dalawa dahil sa malubhang sakit ng lolo niya. Ayaw ni Rosella ng kahit na anong ganap kaya kahit mismong birthday niya ay hindi niya pinaghandaan."Everything will be fine." Sabi nito nang tapikin niya ang balikat ko saka tumabi sa akin.Kahit mas mabigat ang problema niya ay nagagawa niya pa rin akong damayan.Ilang taon na ang nakalipas mula ng engagement naming dalawa pero hindi pa rin ako pinapansin ng mga kaibigan ko."Kumusta ang lagay ng lolo mo?" Tanong ko."He's okay na. Bukas ay lalabas na siya ng ospital. Pwede na tayong ikasal after two months. Gusto niyang totally recovered na siya bago ganapin iyon." Paliwanag niya."Gusto mo bang bumili ng bagong bags?" Mahilig sa mga bag si Rosella kaya alam kong iyon ang kasiyahan niya. Sa tuwing malungkot siya ay binibili ko siya ng mga iyon kahit bracelet.Unti-unti kong natanggap ang kapalaran ko.