Share

4

Author: 4the_blg3
last update Last Updated: 2021-04-10 18:23:05

Kwarto

"Ikaw yung nakita ko sa lugawan!" sabi ni Latrelle.

Kumunot ang noo ko. Siya pala iyon? Grabe naman ang memorya nito napakatalas.

"Mahilig siya sa lugaw" sabi ni Jez.

Bumaling ang atensyon ko sa lalaking galing sa pangalawang palapag ng bahay.

Naka headphones siya at may dala-dalang libro — Harry Potter ang title ng makita ko.

Kumpara sa kanila masasabi kong siya ang pinakagwapo kung hindi lang ito mukhang suplado.

"T.H, si Kaoree bago nating kasambahay" aniya Latrelle.

Tinignan ako ng malamig niyang mga mata. May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. Maganda ang ilong niya dahil sa balingusan nitong depinado, mapula ang labi niya at ang kabuuan ng kanyang mukha ay makinis. Parang niliha iyon.

"Ah. Sige" sabi nito.

"Yaan mo na lang siya. Ganyan talaga ang isang iyan. Nga pala si Wyn na ang bahala sayo" aniya Jez kaya kuminang ang mga mata ko.

Malandi mode on ng magtagpo ang mga mata namin. Ang amo ng mukha niya! Parang gugustuhin mong pumanaw kung siya ang makikita mong anghel sa langit. Pero joke lang po! Gusto ko pa ng mahabang buhay. Mahabang buhay. Mahabang landi.

"Halika. Pupunta tayo sa kwarto" aniya Wyn na kinuha ang dala kong gamit na binili ni Jez.

Halos malaglag ang panga ko saka ilang beses kumurap.

"May ganyang side ka pala, Wyn?" hagikhik ni Marcus na nasa tabi ni Latrelle.

"Sana all malakas ang loob magyaya" humalakhak ang dalawa sa sarili nilang biro.

Samantalang ito si Jez ay parang gusot na papel ang mukha.

"Tigilan niyo na nga 'yang kalokohan niyo. Ikaw Marcus hindi mo raw sinasagot ang tawag ng Papa mo"

May biglaang pumasok sa isip ko. Ano kayang ginagawa nila sa bahay na ito? Bakit naman kaya sila nagsama-sama rito? May isyu rin kaya sila katulad ng kay Jez?

"Wag mo na lang pansinin ang mga yan. Tara" aniya Wyn ng hinila ako. Nagpatianod ako sa kanya. Iniwan silang nag uusap sa may sala.

Tila uminit ang mukha ko dahil sa pagproseso ng utak ko sa nangyari. Bumitiw ang malambot niyang kamay saka kumamot sa batok. Para bang napahiya siya sa kanyang ginawa.

"Ito pala yung kwarto mo. Pasensya ka na. Maliit"

Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Binuksan ko ang bintana at tinali ang kulay pink na kurtina. Kitang-kita ang kalmadong Laguna De Bae. Ang simoy ng hangin ay lasap ang kalamigan na hinaplos ang aking balat. Ang sinag ng araw mula sa kwartong ito ay hindi gaanong masakit tignan.

Kumpara sa aking kwarto sa dati kong tirahan ay mas malaki ito. Kahit ang kama ng sandali kong inupuan ay malambot. Ang lagayan ng mga damit ay malaki. May sarili din akong comfort room. Ayos naman pala rito.

Kulang na lang ay kusina at telebisyon para lang maging isang bahay.

Pinatong niya ang mga gamit ko sa kama.

"Mukhang nagustuhan mo yata", sabi niya ng sinarado ang isa sa mga bintana dahil sa pag lakas ng hangin.

"Maganda talaga rito. Kaya nga ayoko ng umalis sa bahay na ito", ang lambing ng boses niya habang nag kwe-kwento parang hinehele ako nito.

"Tara. Dun na tayo sa kabilang kwarto"

Hindi naman gaanong magkalayo ang mga kwarto pero dalawa ang hagdanan. Tig isa sa kaliwa at kanan.

Nang binuksan niya ito ay bumungad sa  ang mga Harry Potter posters sa pader. Ang customes din at paintings.

Hahawakan ko sana iyon para mas lalo kong maappreciate pero pinigilan niya ko.

"Wag. Ayaw ni T.H na ginagalaw ang mga gamit niya. Iyon nga pala ang lagayan niya ng maruruming damit. Ang gagawin mo lang dito ay magwalis at magpunas ng sahig saka kuhanin ang labada. Sa pagpapalit ng kubre kama at ng unan ay magsabi ka muna sa kanya"

Asul ang kulay ng kabuuang kwarto niya. May desktop sa tabi ng higaan. May mini library rin siya. Hindi makalat ang kwarto parang babae ang  may ari nito. Organisado ang gamit ultimo ang mga sapatos. Nakalagay iyon sa shoe rack base sa kulay nito.

Ilang segundo ay lumabas na kami. Ang sumunod na kwarto ay nagsusumigaw ang kulay pink parang kakambal ng kwarto ko. Si Tyra Bangs agad ang bumungad sa akin. Alam ko na kung kanino ito. Ako ang nagbigay sa kanya ng frame na iyan nung nag debut siya. Debut pang babae yun ang ibig kong sabihin.

"Hindi naman maselan sa gamit si Jez. Alam kong alam mo naman hindi ba, Miss ganda?"

Slow motion pa ang pagtingin ko sa kanya. "Ha?"

"Ikaw. Miss ganda. Sino pa ba?" natatawa niyang sinabi.

Nagagandahan siya sa akin?! Totoo?

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Pilit tinatago ang hiya sa aking mukha. Enebe, Wyn! Weg ke nemen pa-fell!

Sa sumunod na kwarto naman ay...

"Ano ito smokey room? Choss! Smokey mountain?"

Paano ba naman puro papel na ginasumot ang nasa sahig. Nagkalat ang mga sapatos pati ang damit. Nanlaki ang mga mata ko ng may boxers na malapit ng pumailalim sa kama.

Sa tabi naman nito ay desktop pati shelves ng album. Tinignan ko iyon. Puro kay Justin Bieber.

"Dito ka talaga medyo mahihirapan maglinis"

Napakamot siya sa ulo ng bahagyang tinago ang boxers ng kaibigan niya sa ilalim. As if naman na hindi ko nakita iyon.

"Medyo palang ito?" natatawa kong sinabi habang napakamot sa ulo.

Ngumiwi ako ng may foot prints papasok ng banyo.

"Kanino ba ito?"

"Kay Latrelle. Ganon talaga ang isang iyon"

Huminga siya ng malalim tila problemado sa sarili niyang kaibigan.

Ang sumunod na kwarto ay napahanga ako. Ang ganda! Parang isang collector ang may ari nito.

Puro frames na may iba't-ibang klase ng butterfly. May lumang cassette rin sa tabi ng kanyang kama. Ang classic at ang lakas ng nature keme sa kwartong ito. Vintage kumbaga.

Pinagmasdan ko ang mga frames ng maigi ng makalapit ako.

"Ang ganda ba?" tanong nito ng tumabi sa akin.

"Mahilig mangolekta ng ganyang bagay si Marcus. Mana siya sa tatay niya. Mahilig din siyang mag hike"

Kinuha niya ang isang photoalbum sa maliit na drawer.

"Ito yung huli naming hiking. Senior high pa lang yata ako niyan"

Ang cute nila tignan lalo na siya. Hindi ko nga lang gaano makilala dahil iba ang mukha nila. Nandito rin si Jez na may hawak ng kahoy parang si Latrelle ang katabi nito na nakaupo sa malaking bato at maganda ang ngiti. Lima sila sa picture at may kasamang matandang lalaki.

"Sino ito?" tinuro ko ang matanda.

"Iyan tatay ni Marcus. Gusto ko sanang maulit iyan pero malabo na"

Tinabi niya na iyon ng matapos naming pagmasdan.

Syempre ang huling kwarto ay kanya. Ito ang pinaka malinis sa lahat. Pinasadahan ng aking mga daliri ang side table nito. Wala manlang katiting na dumi.

May mini library rin siya pero koleksyon niya ay bible at motivational books. Puting-puti ang kanyang kwarto hindi lang dahil sa itsura nito kundi sa mga gamit niya.

Mula sa unan hanggang sa kurtina lahat ay puti. Hindi kaya ako mahirapan maglaba kapag nadumihan ang mga ito?

"Mahilig ka bang magbasa? Pwede kitang pahiramin ng libro", aniya habang kumukuha ng ilang libro.

"Hindi masyado pero magandang basahin yan kasi motivational saka tungkol sa Diyos" aniya ko.

"Ay sus!" halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Jez na nakatayo sa may pintuan.

"Anong kaharutan yan ha?" tanong nito. Ano ba yan! Bigla ba naman sumingit sa usapan.

Lumapit ako sa kanya at hinigit siya palayo. "Ang epal mo. Moment naman ito!"

"Hay. Nako! Sinasabi ko sayo. Di ka papatulan non, girl!", inikot niya ang kanyang mga mata.

Sa hindi kalayuan. Nadaanan ng tingin ko ang nakakunot noo na si T.H.  Sa akin ba siya nakatingin? Bakit naman parang inis? Ano kayang problema ng isang iyon?

---#HIOR---

Related chapters

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   5

    Nutella"Listahan ng mga gawain mo", inabot sa akin ni T.H 'yung notebook. Umagang-umaga ay iyon agad ang ibinungad niya sa akin.Alasais palang ay gising na ko para magluto ng umagahan nila. Binanggit sa akin ni Jez na ang kain ng mga tao dito ay alas osto ng umaga o hindi kaya naman ay tanghali na.Kasalukuyan na wala siya ngayon. Maaga kasi ang raket niya. Hindi niya naman binanggit kung saan pero hindi na ko nagtanong. Nauna pa siya sa akin ng magising kaya tinapay lang ang umagahan niya.Nagsalin ako ng kape galing sa coffee maker saka binigay iyon kay T.H. Malamig ang mga mata niyang tinignan ang hawak ko."No. Thanks. Hindi ako nainom niyan"

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   6

    Lechon"Sakit ng bewang ko"Nag-stretching ako pagkabangon sa kama. Ano kayang oras na? Tinignan ko ang aking wrist watch. Alas singko ng hapon. Kailangan kong magwalis ng bakuran.Mumukat-mukat ang mga mata ko habang kinukusot iyon pababa ng kusina.Luminga-linga ako sa paligid. Humagikhik ako. "Walang tao. Wala namang nakalagay sa listahan na hindi ako pwedeng kumain nga marami"Ngiting kakaiba ang Ate niyo dahil pagbukas ko ng refrigerator bumungad sa akin ang masasarap na pagkain. Unti-unting naipon ang laway ko sa aking bibig.Kailangan ko ng bilisan. Buti na lang umalis sila ngayon. Chance ko ng makatikim ng l

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   7

    Ice-creamMatapos ng gawain ko ay nagpaalam ako sa aking mga amo na maghahanap akong scholarship pero anghel nga talaga itong si Wyn dahil sa inoffer niya sa akin.Kinuwento ni Jez ang nangyari tungkol sa akin kaya ito sinamahan ako ng dalawa sa future in-laws ko.Nalaman kong hindi close ni Wyn ang kuya niyang si Ten kaya nagdesisyon siyang sumama kay T.H. Kasundo niya naman ang mga magulang niya. Katunayan ay mukhang mababait ang mga ito base sa kwento ni Jez.Pagpasok sa itim at higante nilang gate ay napanganga ako."Girl, hindi lang langaw ang kasya sa bunganga mo kundi ipis", aniya Jez na nasa tabi ko.May mal

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   8

    Type"Ganda mo", bungad ni Latrelle. Lahat sila ay nakasuot ng uniporme. Unang araw ng klase ngayon kaya lahat kami ay maagang gumising."Thank you. Saka alam ko naman 'yun", sabi ko habang pinaghahanda sila ng pagkain.Isa-isa silang umupo. Napansin kong si T.H ang kulang. Baka naliligo pa ang isang iyon."Ganda mong basahan", sabi ni Latrelle. Tumawa silang dalawa ni Marcus habang si Wyn ay umiling na lang.Kami nina Jez at Marcus ay parehas ng eskwelahan na pinasukan. Ang dalawa kasi ay parehas na may problema sa pamilya. Hindi katulad nina Latrelle at T.H, kahit na may problema silang kinahaharap katulad ng sa kaibigan nila ay malaki ang sustento nilang natatangg

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   9

    Pamagat"Kaoree Rogen, 18 po. Dyan lang po nakatira katabi ng Laguna De Bae", pagpapakilala ko sa klase.Matapos magpakilala ng ilan ko pang kaklase saka nagpakilala ang professor namin sa unang subject.Pinaggrupo kami nito para sa ibibigay niyang gawain kinabukasan. Umalis siya matapos ng kanyang ginawa kahit may isang oras pa siyang natitira.Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong kinikilala ang isa't-isa. Parang bubuyog boses nila dahil sa pinagsama-samang mahihinang ingay.Ang ilang lalaki na nasa likuran ko ay nagkasundo dahil sa ML."Duo na lang tapos kayo magkakampi", sabi nung lalaking may&nb

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   10

    BullyPagkarating namin sa cafeteria agad naming napansin si Jez. Nasa dulo siya sa katabing bintana. May iilan na bumabati sa kanya pero ang iba ay hindi niya pinapansin.Meron namang grupo ng mga babaeng nagtatakang lumapit sa kanya. Sobrang ganda nung isa sa kanila. Apat silang kababaihan na nagtutulukan. Pero 'yung babaeng may hairclip ang talaga namang iba ang mukha sa kanila.Kahawig ng pusa ang mga mata nito. Ang balingusan ng ilong niya ay depina at ang labi niya ay kumikinang dahil sa glitters ng liptint nito.Mukha siyang anime dahil sa ikli ng palda niya. Nakakapagtaka dahil nakalusot siya sa guard at alam kong bawal iyon.Pumila kami sandali habang

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   11

    Isip bataAraw ng Sabado, as usual maaga akong gumising dahil ako ang nagluluto sa umaga.Sanay na ko sa gawain ko sa bahay na ito. Kapag weekends, magluluto sa umaga, at maglilinis. Minsan magdidilig ng halaman kapag abala sina Marcus at Wyn.Namimili ng grocery kasama si Jez o hindi kaya si Wyn. Minsan naman si Marcus dahil nagiging close na siya sa akin.Pag tuwing linggo, naglalaba ako at naglilinis ng kwarto nila. Sina T.H at Wyn lang naman ang hindi nagpapalinis. Minsan si Jez kapag hindi siya abala sa trabaho niya.Magaan sa akin ang paglalaba dahil dadalhin ko lang naman sa laundry shop tapos kukunin ko 'yung damit. Minsan pati pagpa-plantsa ng mga iyon ay sa

    Last Updated : 2021-04-10
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   12

    PictureMatapos kumain ay nagmadali akong naligo. Hindi rin ako nagtagal sa pagpili ng damit dahil nagmamadali ako. Iniintay lang naman ako ng anghel at future boyfriend ko. Mainggit kayo!Simpleng bulaklak na T-shirt ang suot ko at sweatshort. Gusto ko sanang magsapatos kaso hindi bagay kaya nagsandals lang ako.Pagbaba ko ay naghihintay si Wyn nakapamulsa siya ng makita ko. Tinignan nito ang kanyang wrist watch."Sorry, natagalan ka ba sa paghihintay?"Maganda ang kurba ng labi niya. "Hindi naman. Tara na"Nang lumabas kami ay nandon sina Marcus at Latrelle nagkukulitan katabi ng kotse. Si Jez ay lumapit sa

    Last Updated : 2021-04-10

Latest chapter

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   29

    Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   28

    Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   27

    Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   26

    NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   25

    “Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   24

    Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   23

    Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   22

    "Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   21

    Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na

DMCA.com Protection Status