Picture
Matapos kumain ay nagmadali akong naligo. Hindi rin ako nagtagal sa pagpili ng damit dahil nagmamadali ako. Iniintay lang naman ako ng anghel at future boyfriend ko. Mainggit kayo!
Simpleng bulaklak na T-shirt ang suot ko at sweatshort. Gusto ko sanang magsapatos kaso hindi bagay kaya nagsandals lang ako.
Pagbaba ko ay naghihintay si Wyn nakapamulsa siya ng makita ko. Tinignan nito ang kanyang wrist watch.
"Sorry, natagalan ka ba sa paghihintay?"
Maganda ang kurba ng labi niya. "Hindi naman. Tara na"
Nang lumabas kami ay nandon sina Marcus at Latrelle nagkukulitan katabi ng kotse. Si Jez ay lumapit sa akin.
"Sa kanya ka sasabay?", ngumuso siya upang ituro si Wyn. Namumula ang labi niya dahil sa liptint nito. Idagdag pang kumikinang ito dahil sa glitters.
"Oo. Saka 'di ba? Iba 'yung dadaanan mo?"
Nagkibit-balikat siya na para bang wala siyang magagawa roon. Sumunod ako kay Wyn na sinimulang paandarin ang kotse niya.
"Oy", hindi ako lumingon dahil alam kong hindi naman ako ang tawag niya.
"Bingi ka ba?", kumamot ako sa ulo bago bumaling sa kanya.
Mukha siyang boy next door dahil sa suot nitong fitted na white sando at jersey shirt na ube. Ang sinag ng araw ang nagdepina kulay tsokolate nitong buhok ng tumama rito.
Hindi pa man niya nasasabi ang gusto niyang sabihin ay naramdaman ko ang pagtaas ng aking dugo.
"Hindi. Malay ko bang ako ang tinatawag mo?"
Nagtagis ang mga ngipin niya at ganon din ako.
"Sa akin ka sumabay", utos nito.
Humawak ako sa aking bewang.
Kapal ng mukha. Ayoko ngang sumabay sa kanya. Saka bebe time namin ni Wyn—ang ibig kong sabihin solo ko siya ngayon. Bakit ko naman papalampasin ang ganitong pagkakataon?
"Ayoko!", nilampasan ko siya at pumunta kay Wyn.
Sino ba siya? Isa lang naman siyang gwapong nilalang na hindi ko gusto. Oo, choosy ako!
Binuksan ko ang kotse saka umupo sa tabi ni Wyn.
"Nagtalo na naman ba kayo?"
"Konti lang"
Hindi naman siya nagtanong ng iba pang detalye. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Ang perfect! Para bang umaawit ulit ang anghel.
Sa bawat paghampas ng buhok niya sa kanyang noo. Maganda pa rin tignan. Sa bawat pag-indayog niya. Joke! Iba na 'yun.
Umindayog kasi 'yung kotse gawa ng humps.
"Dito na ba 'yon?", sumilip ito upang masigurado kaya binaba niya ang bintana ng sasakyan.
Ginaya ko ang ginawa niya upang makasigurado na ito 'yung lugar. Ito 'yung address na binigay niya kung saan magkikita kaming magkakagrupo. Lumang bahay at sira-sira tila walang nakatira.
Bumaba si Wyn at pinagbuksan niya ko. Inalalayan niya pa ko.
Ito na naman ang kalandian ko. Pero anyway ito na nga kaya 'yun?
Halos mabali ang leeg ng kasama ko kakatingin sa paligid. "Sigurado ka bang dito kayo magkikita-kita? Mukhang abandonado ito"
Nang makarinig ako ng kaluskos mula sa loob ay napayakap ako sa braso niya. Agad ko namang binawi iyon pero sana hindi ko na lang binawi agad.
"Ibon lang 'yun", aniya nito saka ginulo ang buhok ko. Sus! Ganyan ka ba manlambing!
Hindi pa tayo, Wyn! Chill ka lang.
"Pasensya na. Matatakutin kasi ako", kinagat ko ang aking ibabang labi. Tama sigurong naglagay ako ng kaunting liptint at bb cream kagaya ng payo ni Jez. Mukhang unang araw palang ng payo niya ay kakagat ng agad si Wyn.
"Ito na kaya 'yun?", lumingon ako kung saan nanggaling ang pamilyar na boses.
Nagtagpo ang mga mata namin. Para bang hindi kami magkaklase. Sabik na yumakap siya sa akin.
"Sino 'yang kasama mo?", tinulak niya ko ng bahagya.
"Wag kang malisyosa. Siya 'yung isa sa mga amo ko. Wyn, si Melissa nga pala. Melissa, si Wyn"
Nagkamayan silang dalawa at hindi ko nagustuhan ang ngiti ni Melissa. Makahulugan iyon.
"Ilan taon ka na pala?"
Pumagitna ako. "Akin yan", bulong ko.
"Sorry", bulong nito saka ngumiwi.
"Maiwan ko na kayo. Mukhang may kasama na kayong lalaki", tinukoy ni Wyn ang lalaking bagong dating.
Nakapolo shirt na dilaw at shorts binagayan niyang sapatos. Hindi mawawala ang bag niyang maliit.
"Sige, Wyn. Salamat!", winagayway ko ang aking kamay.
"Oliver! Dalian mo!", sigaw ni Melissa. Tila ba nagliwanag ang mukha nito ng makita kami.
"Ikaw ha! Crush mo pala 'yung amo mo!", siniko niya ko. Kanina pa siya. Namumuro na siya sa akin.
"Honestly, yes. Kaya wag mo ng agawin. Akin na 'yun! Sa tingin mo ba magpapaubaya ako?"
"Maldita ka, girl?", tumawa siya.
"Hindi. Nagsasabi lang"
Nagtext ang group leader namin na hindi ko tanda ang pangalan. Pinasundo niya kami sa tricycle para hindi kami maabala. Kahit na naabala naman talaga kami.
Tama lang ang sukat ng bahay nila. May tatlong kwarto para sa apat na miyembro ng pamilya. Kwento niya siya ang bunso. Ang mga magulang niya ay abala sa trabaho kaya madalas Kuya niya lang ang kasama niya sa bahay.
Nagtagal ng dalawang oras ang paggawa namin ng report para sa iisang subject. Sa kwentuhan naubos ang aming oras.
"Gusto niyo bang meryenda?", alok ni Wanwan.
"Actually, busog pa naman ako. Pero sila ang tanungin mo", sabi ko habang chinecheck ang gawa namin.
"Ikaw ang bahala", sabay na sabi ng dalawa.
Sandali siyang pumunta sa kusina at dinalhan niya kami ng meryenda sa sala.
Sandaling nanlaki ang mata ko. Syempre dapat behave. Wag ipahalata na atat sa pagkain.
Mango graham at orange juice ang hinanda niya.
"Kuha na kayo", sabi nito pero parang mga estatwa kami na hindi kumikilos.
"Wag na kayong mahiya. Minsan lang naman"
Mukha namang naglalaway si Melissa sa kanyang isip. Tignan mo naman ang mukha ng isang ito iba na ang tingin.
"Wag daw mahiya!",shy type pa kayo ha. Kaya ako ang nauna.
Nakailang slice ng graham ang nakain ko. Sa totoo lang hindi pa naman ako gutom.
"Meron ka bang sandwich tapos cheese ang palaman?"
Pinagtaasan ako ng kilay nina Oliver at Melissa. Paki ba nila sa gusto ko.
"Sabi mo kanina hindi ka gutom", si Melissa.
"Hindi nga. Gusto ko lang ng sandwich", sabi ko saka bumaling kay Wanwan.
"Isa lang naman, Wan", nagcute smile ako.
"Sige. Ayos lang naman"
Habang iniintay ang meryenda ko ay tumayo ako. Ginala ko ang aking mga mata. Nahagip ng tingin ko ang pamilyar na lalaki. Picture iyon sa isang kahoy na frame.
Dahil sa pagkakuryoso kinuha ko iyon.
"Si T.H ito ah?"
"Wag mong tignan!", binawi niya iyon sa akin.
"Sorry. Para kasing may kamukha 'yung lalaki sa picture", at bumalik ako sa aking pwesto.
----#HIOR----
Nakatalikod"What are you wanting for! Lo-love me like you do!", pagsabay ko sa kantang pinatutugtog galing sa radyo."Waiting 'yon", aniya Melissa habang naglalagay ng pulbo sa mukha."Ganon lang din 'yun. Ano ka ba!?", sabi ko.Matapos namin magmeryenda ay nakinig kami sa radyo habang nagpapahinga. Gusto ko sanang makauwi ng maaga pero si Wanwan ay pilit kaming pinatambay ng kalhating oras."Uuwi na ko, Wanwan. Marami pa kasi akong gagawin", dahilan ko. Kahit mamayang hapon ko pa naman gagawin ang ilan pang gawaing bahay na iniwan ko."Ako rin. Alam mo naman na walang nagbabantay sa tindahan. Kung hindi lang ako n
BraAbala sa kanya-kanyang ginagawa ang tatlong lalaki. Si T.H ay kasalukuyang nasa likod bahay pinapaliguan ang aso nitong kamukha si Polgoso.German shepherd yata yun. Syempre joke!Sina Latrelle at Marcus ay abala sa paglalaro nila ng Xbox. Trip nila 'yung sayawan."Mas magaling talaga kong sumayaw sayo", aniya Latrelle habang pawisan sa kanyang ginagawa."Asa ka tignan mo 'yung score mo", tumawa si Marcus."Score lang yan. Pero matigas ang katawan mo. Lamang mo lang sa akin fast-learner ka"Parehas silang naka fitted na puting sando at naka...boxer shorts!?
SementeryoMalakas ang simoy ng hangin na dahilan ng pagsaway ng mga puno. Ang mga ibon naman ay tila kumakanta sa sanga na para bang nagliligawan.Kasalukuyan ako nakaupo sa maberdeng damo na kumikinang dahil sa ilang butil ng tubig. Kakatapos lang kasing umulan kaninang umaga.Buti nga at sumikat ang araw bago ako pumunta rito.Nagsindi ako ng dalawang kandila matapos ipatong ang bulaklak sa puntod nila Mama at Papa.Nilinis ko ang kanilang nicho gamit ang aking mga kamay. May bakas ng natuyong kandila rito. Siguro may naunang dumalaw kaysa sa akin.Malambot pa at hindi masyadong matigas ang tunaw na kandila. Sa palagay ko baka ka-trabaho iyon ni Papa, o hindi kaya naman ay kaibigan ni Mama.May kilala akong kaibigan nila pero hindi malapit sa akin maliban lang kay Ate Charlotte.Nagawi ang mga mata ko sa pamilyar na pag
KwartoDumaan kami ng Robinson's Town Mall bago pumunta sa bahay nila Melissa. Bumili siya ng isang set ng ballpen dahil nito ay nawala raw 'yung ballpen niya."H'wag kang pabaya sa gamit", bilin ko sa kanya."Madami akong pambili. Gusto mo ibili rin kita?" Alok niya habang nagmamasid sa mga gwapong kalalakihan na nakapila sa cashier."Oy, tama na yan. Alam mo naman gagabihin ako pag-uwi."Bumaling ang mga mata niya sa akin. "Alam mo ba minsan lang mangyari sa buhay ko na makakita ng gwapo kaya sasamantalahin ko na"Ngumiwi ako sa sinabi niya. Nagsayang kami ng kinse minutos bago umalis don.Parang nakaglue ang ngiti niya sa mukha nito hindi kasi napawi 'yung ngiti niya mula kanina. Hindi yata siya nangangalay.Pagbukas niya ng gate. Halata ngang may kaya sila. Mula sa magandang gupit ng mga damo hanggang sa terrace n
NaisahanTahimik ang gabi at tanging hampas ng alon nang lawa ang siyang maririnig. May ilang tunog ng mga sasakyan ang paminsan-minsan na sumasabay rito.Sa palagay ko alas-dose na nang gabi. Ayaw ng diwa ko matulog dahil sa kakaisip ko kila Mama at Papa. Parang nakangiti naman ang mga bituin ng sandali akong sumilay sa mga iyon sa kalangitan.Isa pang bumabagabag sa akin ay ang kalagayan nina Lolita at Lucky. Nakisuyo ako kanina kay Jez na padalhan ang dalawa ng pera. Sa katunayan nga ay hiram ko pa ang perang pinadala ko sa kanila.Ayaw ko sanang manghiram kaso si Jez ay bukas-palad na tumulong. Alam kong kailangan niya iyon sa nalalapit niya iyon para sa mga make-ups niya kaya ayoko sanang tanggapin."Girl, kilala kita! Hindi ka natanggi sa grasya! Nasaan na ang kapal ng mukha mo?", tanda kong sabi niya.Yakap ko ang sarili habang hinahaplos ang aking mga
CupcakesLunes ay hindi namin kasabay si Jez para kumain ng tanghalian dahil may gagawin daw siya kaya pinauna niya na kami. Mabuti nga't nagbinalot kami ni Marcus kaya hindi na namin kinailangan pumila ng mahaba.Sa nakasanayang pwesto sa bandang hulihan ng cafeteria kung saan maraming electric fan kami nakapwesto.Una kong inalis sa aking bag ang mga notebook ko. Wala ang kulay pink na lunchbox ko iyon pa man din ay binili ni Jez para sa akin."May problema ba, Kaoree?"Inayos ko ang aking buhok dahil sa problema ko. Wala ang lunchbox ko. Wala pa man din akong sobrang pera. Ang tanging nandito lang sa bulsa ko ay pamasahe at ambag ko para sa project ng aming grupo."Wala kasi 'yung lunchbox ko."Tumulo ang pawis mula sa aking noo na pinalis ko gamit ang aking panyo.Kumamot sa ulo si Marcus."Pasensya ka na, Kaoree.
Tawa"Sino 'yung naghanap sa'yo kanina? Boyfriend mo?" Si Sasha habang inaayos ang blush on niya.Bad trip na nga ako kay T.H tapos pinaalala niya pa. Chismosang babaita."Hindi" maagap kong sambit.Maghapon wala akong ginawa kung hindi ang makinig sa daldalan nina Wanwan at Melissa. Wala ako sa mood para makinig sa mga lesson namin.Hanggang sa dumating ang uwian pero nagpaiwan ang mga officers dahil sa meeting. Birthday kasi ng adviser namin sa organization.'Yung organization ng Major ko, Social Studies. Hindi ko alam kung paano ako naging officer. Baka trip lang nila.Natawa na lang ako ng may muse pang sinali. Hindi ako ang naging muse dahil ako ang naging business manager. Sayang ang ganda ko.Pero hindi naman big deal sa akin 'yun.Matapos ng meeting una akong lumabas dahil ako ang in
PapatulanHindi maalis ang tawa niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nakatitig lamang ako sa kanya. Kung palagi siyang ganito ay mas marami pang babae ang mahuhulog sa kanya."Nandito ka pala, T.H" sabi ni Latrelle na nakapamulsa. Nagulat ako ng makita siya sa harapan ko.Nakangisi siya sabay kumindat sa akin halos manginig ako dahil sa hindi ko nagustuhan iyon."O, ayaw mo? Kinindatan ka ng gwapo?" natatawa niyang sambit.Umismid na lang ako."Nagpapaayos akong sasakyan. Ikaw ba?" aniya ni T.H ng makabalik siya sa katinuan."Nagpapaayos din. Sumabog kasi 'yung gulong napag-abutan ako rito"Tumango lang si T.H sa sinabi ng kaibigan dahil tinawag siya ng mekaniko. Sumunod naman ako kay T.H para hindi kulitin ni Latrelle."Ano ba?""May atraso ka sa akin""Ano?"
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na