Cupcakes
Lunes ay hindi namin kasabay si Jez para kumain ng tanghalian dahil may gagawin daw siya kaya pinauna niya na kami. Mabuti nga't nagbinalot kami ni Marcus kaya hindi na namin kinailangan pumila ng mahaba.
Sa nakasanayang pwesto sa bandang hulihan ng cafeteria kung saan maraming electric fan kami nakapwesto.
Una kong inalis sa aking bag ang mga notebook ko. Wala ang kulay pink na lunchbox ko iyon pa man din ay binili ni Jez para sa akin.
"May problema ba, Kaoree?"
Inayos ko ang aking buhok dahil sa problema ko. Wala ang lunchbox ko. Wala pa man din akong sobrang pera. Ang tanging nandito lang sa bulsa ko ay pamasahe at ambag ko para sa project ng aming grupo.
"Wala kasi 'yung lunchbox ko."
Tumulo ang pawis mula sa aking noo na pinalis ko gamit ang aking panyo.
Kumamot sa ulo si Marcus."Pasensya ka na, Kaoree.
Tawa"Sino 'yung naghanap sa'yo kanina? Boyfriend mo?" Si Sasha habang inaayos ang blush on niya.Bad trip na nga ako kay T.H tapos pinaalala niya pa. Chismosang babaita."Hindi" maagap kong sambit.Maghapon wala akong ginawa kung hindi ang makinig sa daldalan nina Wanwan at Melissa. Wala ako sa mood para makinig sa mga lesson namin.Hanggang sa dumating ang uwian pero nagpaiwan ang mga officers dahil sa meeting. Birthday kasi ng adviser namin sa organization.'Yung organization ng Major ko, Social Studies. Hindi ko alam kung paano ako naging officer. Baka trip lang nila.Natawa na lang ako ng may muse pang sinali. Hindi ako ang naging muse dahil ako ang naging business manager. Sayang ang ganda ko.Pero hindi naman big deal sa akin 'yun.Matapos ng meeting una akong lumabas dahil ako ang in
PapatulanHindi maalis ang tawa niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nakatitig lamang ako sa kanya. Kung palagi siyang ganito ay mas marami pang babae ang mahuhulog sa kanya."Nandito ka pala, T.H" sabi ni Latrelle na nakapamulsa. Nagulat ako ng makita siya sa harapan ko.Nakangisi siya sabay kumindat sa akin halos manginig ako dahil sa hindi ko nagustuhan iyon."O, ayaw mo? Kinindatan ka ng gwapo?" natatawa niyang sambit.Umismid na lang ako."Nagpapaayos akong sasakyan. Ikaw ba?" aniya ni T.H ng makabalik siya sa katinuan."Nagpapaayos din. Sumabog kasi 'yung gulong napag-abutan ako rito"Tumango lang si T.H sa sinabi ng kaibigan dahil tinawag siya ng mekaniko. Sumunod naman ako kay T.H para hindi kulitin ni Latrelle."Ano ba?""May atraso ka sa akin""Ano?"
IkawSa loob ng dalawang linggo pangkaraniwan ang nangyari. Walang araw na hindi ako iniinis ni Latrelle. May araw naman na si T.H naman ang galit sa akin katulad ngayon."Anong ginawa mo sa damit ko?" mahinahon ang boses niya ngunit labis ang galit sa mga mata niyang nag-aapoy.Puyat kasi ako kagabi kaya hindi ko naayos ang laba ko kaninang umaga. Tumawag kasi si Lucky, binanggit niyang nasa ospital si Lolita dahil inatake ng highblood at hanggang ngayon wala pa rin akong balita.Kaninang tanghali naman kung hindi pa ko alalayan ni Wyn sa kusina ay mapapaso ako ng aking niluto. Tinanong niya ako kung meron daw ba akong problema. Ang sabi ko na lang ay wala at i-kiss niya niya ko pero joke lang. Hindi ko sinabi na halikan niya ko.Si Jez naman paulit-ulit na tinatawagan si Lucky para maging okay ako pero wala pa rin sagot ang pinsan ko.Tinitigan ko ang mg
.TinapayKahit huli akong nakatulog sa kanila ay maaga pa rin akong nagising para maghanda ng aming pagkain kasama na ang dadalhin namin sa hiking.Naging awkward ang pakiramdam ko ng biglang sumulpot si T.H sa likuran ko para tignan ang aking niluluto.Bakit naman ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko."Masarap?"What the-ano ba namang tanong 'yan!Alam kong walang ibang meaning iyon sa kanya pero iba kasi ang takbo ng utak ko."Iyong ulam ba?" tanong ko kasi kung ako masarap talaga.Kapag ikaw T.H mas masarap ka. Sa ganda ba naman ng hulma ng katawan mo at may abs pang bonus.Tinikman niya iyon gamit ang kutsara . Hindi naman siya umimik para kumpirmahin kung masarap nga iyon.Naghanda lang siya ng placemats saka mga pinggan. Si Latrelle na bagong dating sa kusina ay humikab pa a
Pasa"Sarap ng tulog? Feeling prinsesa?" sarkastikong sambit ni Jez. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa balikat niya.Si T.H naman mahimbing ang tulog habang nakapulupot ang binti nito sa isa kong binti.Si Wyn ay nakaunan naman sa braso niya habang naka-earphones. Samantalang ang dalawa sa unahan ay nauna ng bumaba sa sasakyan."Gising na guys! Nandito na tayo!" aniya Jez saka lumabas ng sasakyan.Nagpaypay siya gamit ang kanyang mga kamay. Inabot ko sa kanya ang bag nito kaya naman nagmadali siyang magretouch."Akala niyo naman Baguio ang pinuntahan natin at ganyan kayo makatulog" dagdag pa ni Jez.Sina Marcus at Latrelle naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga forest ranger na nakabantay.May ilang grupo ng kababaihan ang hindi maiwasan tumingin sa mga kasama ko lalo na nang lumabas si T.H mula sa sasakyan. Gulo man
Piggy bank Pinagmamasdan ko ang mga puno sa paligid habang iniintay matapos kumain ang apat na lalaki. Si T.H ay nakahiga sa isa mga kahoy na upuan doon.Pumikit ng kusa ang mga mata ko ng umihip ang sariwang hangin. Parang nasa probinsya ako pero ayon nga lang ay hindi ko kasama sina Lolita at Lucky.Namiss kong bigla ang mangahoy kasama ang pinsan ko at kung pinsan ay namumundok kami para magpicnic.Lumuwag na ang pakiramdam ko ngayon dahil nakareceive ako kanina lang ng tawag sa pinsan ko. Putol-putol man ang pag-uusap namin dahil sa hina ng signal ay naintindihan ko ang ilang detalye nito.May nagpadala ng pera kay Lucky kay nakakuha siyang pangbayad sa ospital. Hindi lang 'yun, dahil sumobra ang pera na pangbili ng gamot ni Lolita."Anong kadramahan 'yan? Ang lalim ng iniisip mo?" si Jez na parang kabuteng sumulpot sa tabi ko.Maluwa
BalikatPinagmamasdan ko si Marcus habang mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Si Latrelle ay nakatulog na sa tabi niya dahil sa pagod.Kanina pa niya binabantayan ang kaibigan niyang wala sa katinuan. Kinumutan ko rin si Latrelle matapos kong ayusing ang sarili niyang kamay na ginawang unan.Piniga ko ulit ang face towel ni Marcus sa maligamgam na tubig ng maliit na balde bago muling ilagay iyon sa kanyang noo.Iniwan ko silang dalawa roon upang magpahinga.Hindi kami nakakain ng ayos kanina kaya bumaba ako ng kusina. Wala akong ganang kumain kaya baked mac, graham saka pizza lang ang kinuha ko."Girl, food trip?" Nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko. Sinong hindi magugulat sa kaibigan kong nakaputing pajamas at hindi lang iyon puting-puti ang mukha nito dahil sa cream na nilagay niya."Ngayon lang ako magbabawi ng kain" lumabi ako
Costume"Sino naman 'yung mga kasama mo nu'ng isang araw?" hindi ko gusto ang tono ng pananalit niya. Gano'n pa man ay hindi ko na lang pinansin baka masama ang gising niya.Dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya ay inagaw niya ang filler ng notebook ko. Kumunot ang noo ko dahil ngayon na nga lang ako muling nagsulat tungkol sa ginagawa kong nobela ay guguluhin pa ko.Masarap sigurong hilahin ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang. Tapos gasumitin ang mukhang puno ng make-up gamit ang kamay ko."Bingi ka ba?! Tinatanong ka. Bakit ayaw mong sumagot?" mas lumakas ang boses niya kaya pinagtinginan siya ng mga kaklase kong abala sa kani-kanilang ginagawa.Luminga-linga ako sa paligid. Ang tagal namang bumalik ng dalawa niyang kaibigan. Ako pa ang napili niyang pagdiskitahan. Kahit si Melissa ay wala pa rin.Ngayong oras ay wala ang professor namin dahil may big
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. âGusto mo bang magkape muna?â Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.âMarami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.â Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. âHâwag kang kabahan.â Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. âItâll be alright saka alam kong kaya mo âyan.âHindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. âNatural na kabahan ka pero hâwag sobra.âUmatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nagâaayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
âAyan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. Hâwag ng tanggihan ang biyaya.â Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.âTubig.â Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. âSalamat.â Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.âHoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!â Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. âHuy! Ano? Kumusta naman!âHindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.âJaycee! Hâwag takbo nang takbo!â Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. âMomma! Ganda!â Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila siguradoâkung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya âyun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na