64Hanggang sa dumating ang hapunan ay hindi ko na kinibo si Lucian. "Darling, nandiyan na si Tito Jaime." Katok ni Lucian sa kwarto."Sige, pababa na ako." "Lyrica, anak." Nakangiting sabi sa akin ni Tatay. Nagkaiyakan na kami kahapon at mukhang magkakasundo naman kami."Tay, si Lucian po. Asawa ko." Nakangiting pakilala ko dito."Yes, I know him Lyrica. I know him very well." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi ni tatay. Napakamot naman sa ulo niya si Lucian."Ahm, tara na po? Kumain na po muna tayo? " "Oo nga dad, nagluto si Lyrica ng paborito niyo." Sabi nanan dito ni Kuya Helios.Sabay sabay naman kaming nagtungo sa hapag kainan. Ipinaghila ako ni Lucian ng upuan kaya naman naupo na rin ako agad."Wow, ikaw ba talaga ang nagluto nito Lyrica? " Excited na sabi ni tatay."Ahm, kami pong dalawa ni Lucian. Nagtanong lang ako kay kuya Helios kung ano ang paborito ninyo." Nakangiting sabi ko sa kanya."Madalas ito ang ipaluto ko noon sa nanay mo. Yung luto niya lang kasi noon ang gu
65"Aalis na rin ako Lyrica. Maaga pa kasi ako bukas sa opisina. ""Sige po tay, salamat po sa pagpunta." Yumakap ako sa kanya."Papasamahan kita bukas sa kuya mo para mag enroll sa SU. " Sabi pa ni tatay sa akin."Sige po." Naexcite rin ako dahil namiss ko rin ang pumasok sa isang eskwelahan.Sumabay na rin kay tatay si Kuya Helios at naiwan na kami ni Lucian."Darling..." Sunod sa akin ni Lucian ng pumasok ako sa loob ng kabahayan."Hmm? ""Galit ka ba? ""Nope. Medyo napagod lang. Maglilinis lang ako at matutulog Lucian." Nakangiting sabi ko sa kanya."C'mon darling, nagseselos ka ba kay Chanel? She's my ex.""Ex na nga, bakit humahalik pa sa pisngi mo? Sige nga, isipin mo hinalikan ako ni Marco sa pisngi." Nakasimangot na sabi ko rito, kita ko naman ang pagdilim ng anyo niya kaya napalunok ako. Hindi ko na lamang ipinahalata ang kaba ko. "I will kill him darling." Seryosong sabi nito."See? Maging fair ka, kung ayaw mong maranasan huwag mong gawin sa iba. " Irap ko sa kanya. "Lo
66Matapos ang interaksiyon namin ni kuya sa Dean ay umuwi na rin kami. "Good morning darling. Nagluto na ako ng almusal natin. " Nakangiting sabi sa akin ni Lucian ng makababa ako sa aming kusina."Bakut naman nagluto ka? Hindi ba at sabi ko sa iyo ay maliligo lang ako saglit." Humalik ako sa pisgi ni Lucian."Hmmm, syempre gusto ko ring pagsilbihan ang maganda kong asawa. " Naglalambing din siyang yumakap sa akin at saka ako pinupugan ako ng halik sa aking mukha."Oo na nga Lucian. Salamat." Nakangiting sabi ko sa kanya."Ihahatid kita sa school ha? Tapos si Leighton na ang susundo sayo mamaya. ""Babalik na si Leighton at Hyna? " Excited na sabi ko."Yes, nagreport na sa akin kanina si Leigh." Tumatanong sabi ni Lucian habang ipinaghihila ako ng upuan."Okay. Siya nga pala Lucian, magkikita kami bukas nila Jessie. Okay lang ba? " Pagpapaalam ko sa kanya." Oo naman darling." Nag matapos kaming kumain ay inihatid na rin niya ako sa University."Dito na lang ako darling. Update me
67Dalawang linggo na akong nasa bahay nila Tatay ngayon dahil mayroong bussiness trip si Lucian, hindi na ako sumama dahil kakasimula ko palang pumasok sa Unibersidad. Hindi rin ako ginugulo ngayon ni Blaire dahil laging bumubuntot sa akin si Reese Sullivan. Nasanay na rin ako sa presensiya niya dahil kaibigan pala siya ni Aria.Ngayon araw ay wala kaming pasok kaya naman napagpasiyahan kong makipagkita kay Jessie at Shiela. Hindi kami natuloy noon dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam ko. Sa totoo lamang ay hindi ko rin alam kung bakit palaging masama ang pakiramdam ko ngayon. "Kuya, nasaan si Leigh? " Tanong ko kay Kuya Helios ng makababa ako sa sala."Nasa garahe, ilalabas niya raw ang sasakyan sa main door. Saan ang lakad mo ngayon? Bukas pa ang uwi ng asawa mo a? ""Magkikita kami nila Jessie. Hindi kami natuloy noong nakaraang linggo." Mabilis na sagot ko sa kanya."Ayos lang ba ang pakiramdam mo ngayon? Sabi ni dad, ilang araw na daw masama ang pakiramdam mo a? " "Okay lang
68Nagising ako sa isang puting kwarto. Sa tingin ko ay nasa isang ospital ako ngayon. Nang maalala ko ang nangyari sa mall ay napatulala na lamang ako.Niloloko ako ni Lucian... Iyon ang sigurado ko."Lyrica, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo ? May masakit ba sa iyo? " Nag aalalang lumapit sa akin si Kuya Helios."Kuya..." Napaiyak na lamang ako."Sshhh, don't cry princess."Napabuntong hininga na lamang si Shiela at nag aalala namang nakatingin sa akin si Jessie."Nakita namin si Lucian... Kasama niya si Chanel kuya . Niloloko ba niya ako? " " Lyrica... Huwag ka ng umiyak." Pag aalo rin sa akin ni Jessie."Tama siya Lyrica. Huwag kang magpakastress..." Dagdag pa ni Shiela."You're pregnant princess. Baka kung mapaano ang baby mo... Please..." Natigilan naman ako dahil sa narinig.Buntis ako? Magkakaanak na kami ni Lucian. Napahawak ako sa aking tiyan. Baby... Baby ko...Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Paano na ako ngayon? Hindi ako mahal ni Lucian. "Kuya... Hihiw
69"You're pregnant? " Namomoroblemang sabi ni tatay kaya naman napatungo ako."Pasensiya na po tatay..." Umiiyak na sabi ko."No, anak. Huwag kang humingi ng pasensiya. May asawa ka na at normal naman iyan. Ang iniisip ko lang ay bakit gusto mong makipaghiwalay kay Lucian? " "Hindi naman po namin mahal ang isa't isa tay... Ayoko pong ipaako sa kanya ang responsibilidad lalo na at wala naman sa plano naming magkaanak kami.""Kaya mo bang panindigan iyan? " Malamig na sabi ni tatay. Napangiti na lamang ako at tumango, kahit naman hindi ko sila nakilala ay ganito pa rin ang isasagot ko sa sarili ko. "Ayaw makipaghiwalay sayo ng asawa mo anak. Nakausap ko na siya kanina.""Wala naman po siyang magagawa kung ayaw ko na... Isa pa ayokong ipaalam sa kanya ang pagbubuntis ko. "Napabuntong hininga si tatay."Okay, gagawan ko ng paraan. Just don't stress yourself too much. Hindi makakabuti iyon sa bata.""Maraming salamat po sa inyo tay.""Iuuwi ko muna siya sa pamilya niya sa probinsiya 'ta
70"Hi, miss Lyrica! " Kaway sa akin ni Reese ng makalabas ako ng bahay. Nakaready na daw ang helicopter na maghahatid sa amin sa probinsiya."Reese! Ano ba iyan? Bakit ka ba nanggugulat? Paalis na raw tayo. Hindi ko akalaing nagtatrabaho ka pala sa Equilibrio." Equilibrio ang pangalan ng organisasyong binuo ng pamilya ni tatay"Yes po madam Lyrica." Ngisi niya sa akin."Lyrica na lang. Kumusta pala si Aria? Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.""She's fine. Nagtataka nga rin siya dahil absent ka ngayon. ""Hindi ba niya alam na aalis tayo? ""Hindi. Wala kasi siyang alam tungkol sa trabaho ko.""Ganun ba." Tumango lamang siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. "Kaya ko namang gawin iyan, pero di bale na... Salamat."Papunta na kami sa kompanya ni Kuya dahil naroroon daw ang sasakyan namin. Nauna na roon si Kuya dahil ichecheck niya raw muna si 'Eros'. Naweirduhan ako kanina ng malamang may pangalan pala ang pag aari niyang helicopter."Reese, pwede ba tayong dumaan sa groce
71Makalipas ang apat na taon..."LYLA G*****A! Bumaba ka riyan anak ko! " Dali dali akong tumakbo palapit sa akin anak na ngayon ay nakayapos sa isang puno ng mangga."Anak, diyos ko... Gusto mo bang mahulog? Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng basta basta na lang umakyat sa puno? Nasaan ba ang kuya Rico mo? " Binuhat ko si Lyla at saka naglakad pabalik sa bahay. "But I want mangoes mama, I'm hungry na po ulit." Pangangatwiran nito sa akin."Anak, kakakain mo lang ng mangoes. Hindi ba? ""But I'm hungry, look at my tummy oh? " Hawak niya sa mabilog niyang tiyan. Sabi sa akin ni Tatay Mario, namana raw sa akin ni Lyla ang pagiging gutumin ko noong bata ako. "Anak, baka sumakit na ang tummy mo. Gusto mo bang uminom ka ng gamot hmm? " Mabilis naman siyang umiling kaya naman napatawa ako." No mama, hindi po iyon masarap." Nakasimangot na sabi niya. Pinangigilan ko naman siyang hinalikan sa pisngi. " I told you, bawal na ang mangoes e." Biglang umimik sa likod ng pintuan
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p