72Kaya nagpunta ngayon si Reese sa Cebu ay para sunduin ako. Kinontact ako ni Jessie last month, ikakasal na raw sila ni Kyros at hindi raw ako pwedeng mawala sa araw ng kasal niya. Minsan ay bumibisita siya rito sa Cebu kasama si Kyros at Shiela. Nalaman ni Kyros na buntis ako noong anim na buwan na ang tiyan ko. Mabuti na lang at napakiusapan ko siyang huwag na huwag sasabihin kay Lucian na magkakaanak na kaming dalawa. Mukha namang hindi na nga niya sinabi dahil hindi na ako ginulo ng dati kong asawa. "Ate Mila, kayo na muna ang bahala rito ha? Tumawag po agad kayo sa akin kapag nagkaproblema." " Oo naman Lyrica, mag iingat kayong dalawa." Ngiti nito sa akin."Salamat po ate. Dadaanan na lang po namin sila tatay sa manggahan. Magpapaalam lang po ako sa kambal." Tumango ito sa akin at pinuntahan ko na sa playroom ang dalawa.Busy pa rin ang dalawa sa kanilang mga ginagawa. "Lyla, Lyra...""Mama, aalis na po kayo? " Tanong ni Lyla sa akin, sabay naman silang lumapit na dalawa."
73Tiningnan ko kung kumpleto na ang mga pinamili ko, wala naman akong nalimutan kaya naman naglakad na ako palabas ng mall.Nagmessage ako kay kuya na pauwi na ako sa penthouse at hindi ko namalayan na may kasalubong pala ako."I'm..." Hihingi na sana ako ng paumanhin ng makilala ko ang babaeng nakabangga ko. "Lyrica? ""Uhm, hi? " Alinlangang sabi ko. "Hindi mo ba ako kilala? Its been years." Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin." Sorry but I don't know you Miss." Malamunay akong ngumiti sa kanya. Mas mabuti ng magpanggap akong hindi siya kilala kaysa naman ipamukha niya sa aking siya pa rin ang mahal ng ex-husband ko."Ganun ba..." Nag aalinlangan pa rin siya at parang nay gustong sabihin kaya lamang ay may lumapit sa kanyang dalagita na may tulak na stroller."Mommy! Wala sa loob yung ipinapahanap mo samin ni Lev.""Its okay Cindy, humanap na lang tayo sa ibang mall." Ngiti nito sa tumawag sa kanyang mommy. Napatitig naman ako sa batang nasa stroller. "Ahm, uuna na rin ako Mi
74"Yes! Sa wakas! Kung hindi ka pa umuwi, hindi rin ako makakapagbar! " Tawa sa akin ni Shiela."Bakit naman? ""Duh! Wala kaya akong kasama ano? Hindi ko naman maaya si Jessie. Busy sa lovelife niya.""Buti na lang wala ako nun." Sabi ko sa kanya."Gusto mo na ba? Ihahanap kita, you want? " Ngisi niya sa akin."Nope. Graduate na ako riyan." Halakhak ko."Weh? Baka hindi pa nakakamove on. " Pang aasar pa niya sa akin."It's been 4 years Shield, nakamove on na ako." "Okay, sabi mo e. Halika na nga magpakalasing na lang tayo. Kakilala namin ang may ari dito.""Sino naman? Lahat na lang kilala mo! " Napahalakhak naman siya dahil sa sinabi ko."Connections Lyrica. Connections." Tumatawang sabi niya. Pumasok na kami sa maingay at medyo mausok na lugar. May kadiliman rin ang paligid kaya naman kumapit na lang ako sa braso niya."Sa taas tayo! Nandun ang table natin." Dumaan kami sa karamihan ng tao at umakyat sa hagdan. "Woooh! Let's party! " Natawa naman ako kay Shiela, siya na rin ang u
75"Anong nangyari sayo? Bakit gusot iyang mukha mo? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela. Napatingin rin naman sa akin ang nga kasama namin."Something wrong Lyrica? " Tanong ni Kuya Helios sa akin."Huh? Wala naman kuya. Medyo crowded lang sa baba kanina nahirapan akong maglakad." Ngiti ko sa kanya, nakatitig lang sa akin si kuya at sinusuri ang mukha ko. Mas nilaparan ko ang ngiti kaya napabuntong hininga na lamang siya. Umupo na lang ako sa tabi ni Declan, napaggigitnaan namin siya ngayon ni kuya Hel."Nagmessage sa akin si Lucian. Sabi niya naririto din siya sa bar. " Naikuyom ko ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Hindi ko ipinahalata ang inis ko."Okay lang ba na pumunta siya rito sa table natin? " Sa akin nakatingin sa akin si Darius."Yeah, he's a friend afterall." Ngiti ko."Sure ka ba? " Nag aalalang tanong ni Shiela."Yes, its fine." Ngiti ko sa kanila.Napatingin ako kay kuya at tumango lang siya sa akin. Hindi naman magkaaway ang dalawa pero hindi na rin sila ganoong kac
76Inilagay ko na lamang sa ref ang ibang pagkain na ipinadala ni Lucian dahil medyo marami iyon.Sa sala ko na lang din naisipan kumain habang nanonood ng palabas sa tv. Habang kumakain ay may nagdoorbell na naman. Sino na naman kaya iyon? "Good afternoon ulit ma'am. Delivery po ulit." Tinanggap ko na lang iyon dahil kumakain na rin naman ako, dalawang flavor iyon ng milktea at isang box ng donuts.Pagbalik ko sa sala ay itinuloy ko na ang pagkain ko. Bigla na lang lumabas ang balita..."Alejandro Fergin, nahuli na..." Napatitig ako sa tv. Siya iyong lolo ni Lucian... "Ayon sa kapulisan, may nagtimbre sa kanila na uuwi ngayon ng bansa si Alejandro. Matagal ng nasa watchlist ng mga kapulisan si Alejandro dahil sa drugs and human trafficking. Wanted din ito sa mga karatig bansa dahil rin sa naturang isyu. Abangan ang mga susunod na balita ukol dito." Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Tinawagan ko si Kuya Helios dahil doon."C'mon kuya, pick it up!" Naiinis na sabi ko, sa paliman
77"Thank you for coming Lyrica, akala ko ay hindi mo na papaunlakan ang paanyaya ko sayo." Nakangiting sabi ni Declan ng maipaghila niya ako ng upuan."Ano ka ba? Hindi ba at umoo na ako sayo kagabi." Natatawang sabi ko sa kanya.Nag order na kaming dalawa, nasa isang sikat na restaurant sa Maynila kami ngayon. Mabuti na lamang at maayos ayos ang suot ko. "So, kumusta? Nagkahang over ka ba? Lasing na lasing ka kagabi." Tawa niya sa akin."Hmm, medyo. Pero nawala na rin naman kanina, hindi na rin kasi ako ganoong kasanay mag inom.""Ikaw? Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?"Napakamot naman siya sa batok."Sa bar na ako natulog kagabi. Alam mo na, tipsy na ren. Hirap ako magdrive kapag nakainom." Natatawang sabi niya. "Gosh, tama lang nasa bar ka na natulog." Umiiling na sabi ko. Napadako naman ang tingin ko sa isang direksiyon dahil parang mayroong nakatingin sa akin. Hindi ko ipinahalata ang gulat ko ng makita si Lucian na nakatitig sa akin. Kasama niya ang mag asawa ni Darius, pati n
78Nang makakain kami ay bumalik kami sa restaurant dahil naiwan doon ang kotse niya. "Salamat Declan." Sabi ko sa kanya. Siya na rin ang nagmaneho ng kotse ko pabalik ng restaurant."No. Thank you Lyrica, sobrang nag enjoy ako tonight." Sinserong ngiti niya sa akin."Next time ulit? " Tanong pa niya sa akin."I'll try... Pagkatapos kasi ng kasal ng kaibigan namin ay uuwi na rin ako sa amin.""Huh? Hindi ka pala dito nakabase sa Manila? ""Ah, nope." Iling ko."Saan ka nagiistay ? " Kuryosong tanong niya."Sa province." Maikling sabi ko sa kanya."So, paano? Uuna na rin ako, lumalalim na rin ang gabi." Alam kong magtatanong pa siya kaya naman namaalam na lang ako."Okay, paano? Ingat ka pag uwi ha? ""Oo naman, ikaw rin Declan." Pinauna na niya akong sumakay sa sasakyan. Inistart ko na ang kotse ko biglang may pumasok sa kotse ko."Drive. " Utos sa akin ni Lucian."What the! Anong ginagawa mo rito? Lumabas ka nga! " Kita ko rin ang pagkatok ni Declan sa salamin ng kotse ko."Drive! Or
79Hindi na ako nakauwi sa penthouse kaya naman sa bahay na ni tatay ako natulog. Nanghiram din ako sa kanya ng laptop kagabi para matawagan ang cute na kambal. As usual, tinatanong na nila kung kailan ako uuwi. Si Tito Leighton nila ang kasama nila ngayon at ang tita Hyna nila, kasama rin nila ang chikiting nila kaya naman tuwang tuwa si Lyla at Lyra."Ma'am Lyrica, nauna na pong umalis si Sir Jaime. Sabi po niya ay mag almusal muna kayo bago umalis.""Sige po, maraming salamat po." Malumanay na sabi ko sa kasama namin sa bahay ni tatay.Nang matapos kumain ay naghanda na rin ako para sa pagbalik ko sa penthouse."Ito daw po ma'am Lyrica. Ipinapabigay po ito ni Sir Jaime. " Inabot sa akin nito ang kahon ng cellphone.Naikwento ko nga rin pala kay tatay ang nangyari kagabi. Umuwi na ako sa penthouse dahil mamaya na rin ang bridal shower ni Jessie. Sa sobrang abala niya talaga ay hindi pa kami nagkikitang dalawa. Nagulat ako ng makita doon si Lucian."Kagabi pa kita hinihintay Lyrica.
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p