Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta♥️ pasensiya na sa kaunting update mga bossing! mahal ko kayo♥️
61Dumating ang araw ng pag alis namin, limang sasakyan ang gamit namin. Ginagamit raw ng tatay namin ni Kuya Helios ang helicopter niya kaya naman magkokotse na lamang daw kami. Kasabay din namin si Wren at naririto na siya sa bahay namin. Nakapagpaalam na rin ako kahapon kay Krisha."Let's go! Mahaba habang byahe ito. ""Hindi ka naman halatang ready Sir Xyver, napakarami mong baon na snacks." Natatawang sabi ko sa kanya. "Well, mainipin kasi ako sa byahe kaya naman kailangan ko ng pagkakaabalahan.""Halika na darling. " Inaya na ako ni Lucian at namaalam na rin kami kila tatay."Mag iingat kayo anak. Ang bilin ko sa iyo ha? " Tumango naman ako at saka ngumiti."Opo itay, maraming salamat po. Aalis na po kami." Namaalam na ako sa aking mga pamangkin at saka sumakay sa sasakyan.Kasama namin sa sasakyan si Wren."Magsabi ka lang pag may kailangan ka Wren. " Sabi rito ni Lucian."Oo pre. Salamat." "Balita ko bago ako umalis sa bahay kanina, umuwi raw si Mildred sa bahay ng magulang
62"Nandito na tayo Lyrica. Halika na." Nakangiting sabi ni kuya sa akin.Nang makababa kami ng sasakyan ay humawak ako sa barso ni Kuya."Kuya, bahay ba ito ng tao? O ng mga robot? " Nakangiwing sabi ko, natawa naman siya dahil doon.Pagpasok kasi namin ay napansin ko pa lamang sa gate ang sobrang pagkamoderno nito. Napakatataas ng pader at talagang hindi mo makikita ang loob ng bahay. Ang pinakabahay naman ay napakalaki at parang kastilyo."Heavily guarded kasi itong bahay ni dad. Alam mo na, kinakailangang mag ingat.""Mabuti at pumayag siya na dito mo ako dalhin. Hindi ba at ang sabi monay girlfriend mo ang dadalhin mo? Paano kung girlfriend ng ang ipinakilala mo tapos kalaban pala? " Mas lalong natawa si Kuya Helios dahil sa sinabi ko."You're really smart Lyrica. " Umiiling ma sabi niya sa akin."Hindi smart, nag ooverthink lang." "Good evening Sir Helios. " Nagulat pa ako dahil pagkabukas ng napakalaking pintuan ay mga nakahilera doon ang tauhan nila. "Good evening, she's Lyri
63Maaga akong nagising ngayon dahil pupunta si tatay. Gusto niya rin daw na makilala sila tatay pero hindi daw muna sa ngayon. Hindi daw siya pwedeng lumayo sa opisina niya dahil sa mga biglaang meetings at emergencies."Darling, its too early. Matulog pa tayo.""Maglilinis pa ako ng bahay Lucian tsaka magluluto. Baka mamaya biglang dumating si tatay. Hindi ba at ngayon siya pupunta rito?" Malambing naman niya akong niyakap."Ang dami mong energy darling." Nakangiting sabi sa akin ni Lucian kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi."Natutuwa lang ako dahil nakilala ko na si tatay. Wala kasing sinabi sa aking kahit ano si nanay noon. " "Hmm, I'm so happy for you darling." Hinalikan ni Lucian ang balikat ko."Salamat Lucian. Hindi ko rin inaasahang magiging ganito ang buhay ko. Sa totoo lang, napakasaya ko ngayon dahil sa inyo. Sana hindi agad kuhanin sa akin itong kasiyahan na ito." Sinserong sabi ko sa kanya."You deserve the world darling. " Niyakap ako ni Lucian. Nagkwentuhan muna k
64Hanggang sa dumating ang hapunan ay hindi ko na kinibo si Lucian. "Darling, nandiyan na si Tito Jaime." Katok ni Lucian sa kwarto."Sige, pababa na ako." "Lyrica, anak." Nakangiting sabi sa akin ni Tatay. Nagkaiyakan na kami kahapon at mukhang magkakasundo naman kami."Tay, si Lucian po. Asawa ko." Nakangiting pakilala ko dito."Yes, I know him Lyrica. I know him very well." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi ni tatay. Napakamot naman sa ulo niya si Lucian."Ahm, tara na po? Kumain na po muna tayo? " "Oo nga dad, nagluto si Lyrica ng paborito niyo." Sabi nanan dito ni Kuya Helios.Sabay sabay naman kaming nagtungo sa hapag kainan. Ipinaghila ako ni Lucian ng upuan kaya naman naupo na rin ako agad."Wow, ikaw ba talaga ang nagluto nito Lyrica? " Excited na sabi ni tatay."Ahm, kami pong dalawa ni Lucian. Nagtanong lang ako kay kuya Helios kung ano ang paborito ninyo." Nakangiting sabi ko sa kanya."Madalas ito ang ipaluto ko noon sa nanay mo. Yung luto niya lang kasi noon ang gu
65"Aalis na rin ako Lyrica. Maaga pa kasi ako bukas sa opisina. ""Sige po tay, salamat po sa pagpunta." Yumakap ako sa kanya."Papasamahan kita bukas sa kuya mo para mag enroll sa SU. " Sabi pa ni tatay sa akin."Sige po." Naexcite rin ako dahil namiss ko rin ang pumasok sa isang eskwelahan.Sumabay na rin kay tatay si Kuya Helios at naiwan na kami ni Lucian."Darling..." Sunod sa akin ni Lucian ng pumasok ako sa loob ng kabahayan."Hmm? ""Galit ka ba? ""Nope. Medyo napagod lang. Maglilinis lang ako at matutulog Lucian." Nakangiting sabi ko sa kanya."C'mon darling, nagseselos ka ba kay Chanel? She's my ex.""Ex na nga, bakit humahalik pa sa pisngi mo? Sige nga, isipin mo hinalikan ako ni Marco sa pisngi." Nakasimangot na sabi ko rito, kita ko naman ang pagdilim ng anyo niya kaya napalunok ako. Hindi ko na lamang ipinahalata ang kaba ko. "I will kill him darling." Seryosong sabi nito."See? Maging fair ka, kung ayaw mong maranasan huwag mong gawin sa iba. " Irap ko sa kanya. "Lo
66Matapos ang interaksiyon namin ni kuya sa Dean ay umuwi na rin kami. "Good morning darling. Nagluto na ako ng almusal natin. " Nakangiting sabi sa akin ni Lucian ng makababa ako sa aming kusina."Bakut naman nagluto ka? Hindi ba at sabi ko sa iyo ay maliligo lang ako saglit." Humalik ako sa pisgi ni Lucian."Hmmm, syempre gusto ko ring pagsilbihan ang maganda kong asawa. " Naglalambing din siyang yumakap sa akin at saka ako pinupugan ako ng halik sa aking mukha."Oo na nga Lucian. Salamat." Nakangiting sabi ko sa kanya."Ihahatid kita sa school ha? Tapos si Leighton na ang susundo sayo mamaya. ""Babalik na si Leighton at Hyna? " Excited na sabi ko."Yes, nagreport na sa akin kanina si Leigh." Tumatanong sabi ni Lucian habang ipinaghihila ako ng upuan."Okay. Siya nga pala Lucian, magkikita kami bukas nila Jessie. Okay lang ba? " Pagpapaalam ko sa kanya." Oo naman darling." Nag matapos kaming kumain ay inihatid na rin niya ako sa University."Dito na lang ako darling. Update me
67Dalawang linggo na akong nasa bahay nila Tatay ngayon dahil mayroong bussiness trip si Lucian, hindi na ako sumama dahil kakasimula ko palang pumasok sa Unibersidad. Hindi rin ako ginugulo ngayon ni Blaire dahil laging bumubuntot sa akin si Reese Sullivan. Nasanay na rin ako sa presensiya niya dahil kaibigan pala siya ni Aria.Ngayon araw ay wala kaming pasok kaya naman napagpasiyahan kong makipagkita kay Jessie at Shiela. Hindi kami natuloy noon dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam ko. Sa totoo lamang ay hindi ko rin alam kung bakit palaging masama ang pakiramdam ko ngayon. "Kuya, nasaan si Leigh? " Tanong ko kay Kuya Helios ng makababa ako sa sala."Nasa garahe, ilalabas niya raw ang sasakyan sa main door. Saan ang lakad mo ngayon? Bukas pa ang uwi ng asawa mo a? ""Magkikita kami nila Jessie. Hindi kami natuloy noong nakaraang linggo." Mabilis na sagot ko sa kanya."Ayos lang ba ang pakiramdam mo ngayon? Sabi ni dad, ilang araw na daw masama ang pakiramdam mo a? " "Okay lang
68Nagising ako sa isang puting kwarto. Sa tingin ko ay nasa isang ospital ako ngayon. Nang maalala ko ang nangyari sa mall ay napatulala na lamang ako.Niloloko ako ni Lucian... Iyon ang sigurado ko."Lyrica, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo ? May masakit ba sa iyo? " Nag aalalang lumapit sa akin si Kuya Helios."Kuya..." Napaiyak na lamang ako."Sshhh, don't cry princess."Napabuntong hininga na lamang si Shiela at nag aalala namang nakatingin sa akin si Jessie."Nakita namin si Lucian... Kasama niya si Chanel kuya . Niloloko ba niya ako? " " Lyrica... Huwag ka ng umiyak." Pag aalo rin sa akin ni Jessie."Tama siya Lyrica. Huwag kang magpakastress..." Dagdag pa ni Shiela."You're pregnant princess. Baka kung mapaano ang baby mo... Please..." Natigilan naman ako dahil sa narinig.Buntis ako? Magkakaanak na kami ni Lucian. Napahawak ako sa aking tiyan. Baby... Baby ko...Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Paano na ako ngayon? Hindi ako mahal ni Lucian. "Kuya... Hihiw
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p