53Nang sabihin ko iyon ay hindi na ako kinibo ni Lucian. "Galit ka ba? May nasabi ba akong masama Lucian? " Tanong ko sa kanya."Wala darling, let's sleep na." "Bakit nga Lucian? " Pangungulit ko sa kanya."Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba? ""Hindi. " Mabilis na sagot ko sa kanya."Okay, thank you darling." Ramdam ko na may bumabagabag sa kanya pero hindi ko na lamang siya kinulit."Darling? ""Hmm?" "I like you... I really like you Lyrica." Seryosong sabi nito habang nakatitig sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil doon. "Gusto rin kita Lucian..." Pag amin ko. Napangiti naman siya at saka ako hinalikan. Marahan iyon at puno ng pagmamahal. Umibabaw siya sa akin nang hindi pinuputol ang halik. "Hmmm..." Marahan akong napahawak sa kanyang batok. Pinutol niya ang halik at saka ako hinalikan sa noo."Let's make love darling." Malumanay na sabi niya. Tumango lamang ako sa kanya. Kita ko ang pagdilim ng mukha niya."Fuck darling.." parang napigtas ang pasensiya ni Luci
54Nagising ako ng masakit ang katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit walang lakas ang aking mga binti."LUCIAN! " Sigaw ko. Rinig ko naman ang yabag ni Lucian. "Darling, anong nangyari? ""Hindi ako makatayo." Nag aalala naman itong lumapit sa akin at saka ako binuhat na parang bagong kasal."Shit, are you okay? ""Ihing ihi na ako Lucian, sinubukan kong bumangon pero hindi ako makatayo." "Oh shit." Nasabi niya at saka mabilis akong dinala sa banyo. Nang maibaba ako ay pinalabas ko na siya."Aray! " Napakasakit umihi kaya muli akong napaiyak. Sobrang hapdi ng aking pagkababae."Darling! Open the door! Anong nangyayari sa iyo? " Kinalabog ni Lucian ang pintuan habang dinaramdam ko ang sakit doon."Darling, c'mon open this door! Sisirain ko ito." Tinotoo niya ang sinabi ng hindi ko kaagad nabuksan ang pinto, pinuwersa niya ang pagbubukas nito at mabilis siyang lumapit sa akin. "Darling..." Hindi malaman ni Lucian kung saan ako hahawakan. Kahit may iniindang sakit ay natawa ako sa k
55"WHAT? " Mabilis na lumabas ng opisina si Lucian upang puntahan si Lyrica. Nasa bahay ito ni Helios ngayon dahil sa nangyari kanina."Wait, Lucian? Saan ka pupunta? May meeting pa tayo, right? " Hinabol siya ng kapatid na si Lily."Huwag ka munang lumapit sa akin ate Lily. Tumawag sa akin ang kasama ni Lyrica sa bahay., bigla daw nagpunta doon si Lolo Alejandro at pinalayas ang asawa ko." Malamig na sabi nito sa kapatid."Well, she deserves it naman." "ATE LILY! " Napapitlag si Lily dahil sa gulat ng sigawan siya ng kapatid. Miski ang mga tao sa paligid nila ay nagulat at nagsipag alis dahil baka madamay sila sa galit ng Sir Lucian nila."You! Nawawalan ka na ng respeto, anong karapatan mong sigawan ako? " Galit na sabi rito ni Lily ng makabawi sa pagkagulat."Ikaw ang walang respeto! Kayo ni Lolo! Anong karapatan niyang paalisin sa sarili naming bahay ang asawa ko? Uuwi lang siya rito para sirain ang pagsasama namin ni Lyrica! Tigilan mo na ang pangingielam sa buhay ko. " Malami
56Naiwan ko pala ang cellphone ko sa bahay ni Sir Helios kaya hindi ko macontact sila tatay. Napagdesisyunan kong umuwi muna sa amin dahil sa nalaman ko. Masakit sa akin na talagang hindi ako anak ni Tatay, isama pa na inilihim sa akin ni Sir Helios at Lucian ang totoo. Karapatan ko naman sigurong malaman kung sino ba talaga ang totoo kong ama...Hindi ko na alam kung anong oras ako nakauwi sa amin basta nangatok na lamang ako sa aming pintuan.Si ate Cynthia ang nagbukas ng pintuan at mababakas sa mukha niya ang pagkagulat."Cynthia, sino iyan? Alas dos palang ng madaling araw a? " Rinig ko ang boses ni tatay mula sa loob ng aming bahay. "Si... Si Lyrica po itay." Sabi nito at saka nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan."Tay..." Nasabi ko na lamang. Pinigilan ko ang luhang gusto ng umalpas sa aking mga mata. Mahigpit akong yumakap sa kanya."Lyrica! Bakit wala ka man lang pasabi na uuwi ka? Naipakaon sana kita sa kuya Roy mo, anong oras pa lamang! " Mababakas sa kanyang mukha ang l
57Nng sumunod na araw ay nagkita kita kaming lima nila Krisha. Sinadya ni Mildred si Krisha sa kanilang bahay at napagpasiyahan naming magkita kita.Sa isang kainan sa bayan ako nagpunta at ang naroroon pa lamang ay si Wren."Wren, kumusta ka? Kanina ka pa ba rito? " Tanong ko at naupo sa harapan niya."Kani kanina lang ako Lyrica." Nakangiting sabi nito."Ayos ka lang ba? " Nag aalala kong tanong sa kanya."Oo naman. Ikaw ba? Biglaan ang naging uwi mo a? ""Oo nga e. Nagkaproblema rin ako sa Maynila pero babalik rin ako. " Nakangiting sabi ko."Nabanggit nga sa akin ni Krisha. Luluwas rin ako ng Maynila pagkatapos ng kasal nila Mildred at Marco. Mag aasikaso kasi ako ng papel ko, napagdesisyunan kong pumunta sa Italy. Susunod ako kay Kuya Winston.""Huh? Talaga? Wow, malaki raw ang pasahod sa Italy Wren! Isa pa, maganda raw doon." Natawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko."Ayan, ayan ang Lyrica na nakilala ko." Naiiling na sabi nito."Bakit? May nag iba ba sa akin? ""Hmm, med
58"Tay! " Mabilis akong lumapit kay tatay na ngayon ay kausap sila Shiela."Hi Lyrica! Isinama kami nila Sir Helios." Nakipagbeso ito sa akin pati na rin si Hyna. "Oo nga! Buti na lang, nakatikim rin kami ng day off sa opisina." Nakangiting sabi ni Hyna."Ikaw hija, buti na lang at ang kuya mo pala ang boss mo. Hindi ka naman siguro niya tatanggalin sa trabaho dahil biglaan kang umuwi." Natatawang sabi ni tatay.T"Ikaw talaga tay, aasarin mo din ako e." Napabuntong hiningang sabi ko. Mas lalo lamang siyang natawa sa akin."Hindi naman hija." Umiiling na sabi ko."Nakakatuwa po talagang asarin minsan si Lyrica. " Tumatawang sabi ni Shiela."Teka nga pala, bakit wala sila Jessie at Sir Kyros? " Tanong ko."Baka bukas na raw sila. May inaasikaso pa kasi si Sir Kyros sa opisina niya." Sabi sa akin ni Shiela. "Oo nga, rinig ko nga kanina. Nabubugnot pa nga siya dahil hindi siya makakasabay sa amin. Alam mo naman iyon isa ring tsismoso." Dagdag pa ni Hyna kaya naman napatawa na lamang ak
59Naging maingay ang maghapon namin sa bahay, hindi naman nakakailang na naririto sila Kuya Helios dahil hindi sila maseselan. Tuwang tuwa nga sila sa poso namin, doon sila naligong magkakaibigan at ipinag igib naman nila si Hyna at Shiela."Hay, tatay Mario. Ang tahimik po rito sa inyo ano? " Natutuwang sabi ni Shiela."Oo naman hija, magkakalayo kasi ang mga bahayan rito. " Napangiting sabi ni Tatay."Ganito rin po ang gusto ko. Ang hirap din kasi sa Maynila. Ang ingay na ang usok pa, parang ang sikip sikipa na doon." Tumatawang sabi ni Shiela."Lyrica, can we talk? " Bigla namang lumapit sa akin si Lucian. Ngayon lang siya ulit lumapit sa akin simula ng dumating sila kanina. Tumango lamang ako sa kanya."Tatay Mario? Pwede bang lumabas muna kami ni Lyrica? ""Ay idedate naman pala! " Kantyaw sa kanya ni Sir Xyver. Masama naman siyang tiningnan ni Lucian kaya natawa na lamang ako."O siya sige hijo. Agahan niyo lang ang uwi, sabay sabay na tayong maghapunan ha? ""Opo tay, salamat p
60"Mario, pasensiya ka na sa inasal ng apo ko. ""Pasensiya na rin po nay Lucing. Talaga lang pong nabastusan na ako sa apo ninyo. Wala siyang karapatang bastusin ang anak ko. Hindi lang din nakapagpigil ang kuya niya kaya nasuntok ang apo ninyo." Napabuntong hininga na lamang itong tumango, saka napatingin sa akin."Pasensiya ka na talaga hija. Wala na yata sa katinuan ang apo ko. ""Huwag na po kayong humingi ng paumanhin nanay Lucing. Wala naman po kayong ginawang masama." Malumanay na sabi ko."Mabuti na lang at hindi gaanong binugbog ni Roy si Marco, alam mo naman hija na malapit na ang kasal niya." Lumapit sa amin si Mama Shiela. Kita ko rin ang iritasyon sa mukha niya. Kami lamang tatlo nila tatay at kuya Roy ang nagpunta rito sa barangay hall dahil iyon din ang gusto ni tatay."Hindi si Roy ang sumuntok sa anak ko Shiela. Iyong kuya Helios niya. ""Tay..." Awat ko rito."Kuya Helios?" Nagtataka namang tanong ni Nanay Lucing."Ah, opo... Nay, naalala niyo ba iyong litratong ipi
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p