38"Darling...""Pasensiya ka na at nakita mo pa iyon Lucian. Halika na sa loob baka naiinip si tatay.""Darling, wait." Marahan ako nitong niyakap."Lucian, ayos lang ako." Natatawang sabi ko rito."Tsk, ingat na ingat ako sayo tapos ganyan lang ang gagawin nila sayo." Sinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Pakiramdam ko ay namula ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya. Ganito ba ang kiligin? "Hey.""Hmmm? " Tugon ko rito. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at saka tiningnan ako sa mukha."You're blushing darling." Nakangising sabi nito. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya."Tigilan mo nga ako Lucian, halika na sa loob." Pag iiba ko ng usapan.Lumipas ang isang linggo at inilibas na si tatay ng ospital. Hindi na rin kami nakapagkita ni Krisha dahil sa nagkasakit rin ang anak niya. Si Lucian naman ay kinailangang bumalik sa Maynila dahil sa kanyang trabaho. Maayos ko rin siyang naipakilala kay tatay. Napagkasunduan rin naming dalawa na huwag ng sabihin kila tatay ang
39"Lyrica! " Tawag sa akin ni Krisha pagdating ko sa kainang pagkikitaan namin. Aalis na kasi kami ni Lucian bukas kaya naman ngayong araw namin napagpasyahang magkita.Kasama niya ngayon si Wren na siya namang ikinagulat ko."Wren, mabuti at nakasama ka ngayon kay Krisha." Nakangiting sabi ko."Syempre naman Lyrica.""Hay nako, si Marco nga inaya ko rin. Kaso may gagawin daw siya." Irap ni Krisha sa hangin."Hayaan niyo na lang. Mabuti na rin siguro iyong hindi kami magkita. Kayo ba Wren? Nakapag usap na ba kayo ni Mildred? "Napabuntong hininga naman si Wren dahil sa tanong ko. " Ayaw niya na akong kausapin. Blinock na nga rin niya ako sa social media. Nagulat nga rin ako sa sinabi niya sayo noong nasa ospital tayo. Akala ko nga okay na kami. " Bakas ang lungkot sa boses ni Wren ng sabihin iyon."Pasensiya ka na Wren.""Bakit ikaw ang humihingi ng pasensiya Lyrica? Dapat si Mildred! Hindi ko akalaing dahil sa lalaki ay magiging ganun siya. Pakiramdam ko tuloy ay kaya lang siya nak
40Pagkabalik namin ni Lucian ng Maynila ay umuwi muna ako sa aming apartment. "Lyrica! Ano ? Kumusta ang pag uwi mo? Okay na ba si tatay Mario? " Tanong sa akin ni Shiela ng makauwi ako."Okay na siya Shiela. Malakas na ulit si tatay. Hindi na lang namin naantay ang pagtanggal ng tahi niya."Okay lang yun. Naku, dapat ay iwasan na ni tatay Mario ang nga bawal. " Dagdag pa ni Jessie sa akin."Uhm Jessie, Shiela may sasabihin nga pala ako sa inyo.""Ay kabado naman ako diyan. Ano yun? " Tanong ni Jessie habang madramang humawak sa dibdib niya kaya naman napatawa ako."Uh si Lucian kasi, gusto niya na doon na ako sa condo niya tumira." Napayukong sabi ko.Napanganga naman sa akin ang dalawa. Si Jessie ang unang nakabawi mula sa pagkagulat."Huh? So, pumayag ka ba? " Agad naman akong tumango, binilinan ako ni Lucian na huwag munang sabihin ang plano naming pagpapakasal. "Oo, libre daw kasi doon... Isa pa, kukuhanin niya raw akong sekretarya niya. Aalis na rin ako sa Valiente." "Sigura
41Third Person's POVMainit ang ulo ni Helios na nagtungo sa opisina ni Lucian, lahat ng nadaraanan niya ay agad na tumatabi dahil kilala nila ang binata. "Sir Helios, good morning po. Wala pa si Sir Lucian." Magalang na sabi rito ni William."Can you call him? Sabihin mo ay naririto ako." Malamig na sabi nito. Napalunok na lang si William dahil sa pagiging seryoso ng binata."Sige po Sir."Tinawagan niya ang boss ngunit hindi ito sumasagot."Sir Helios, hindi po nasagot si Sir Lucian. Wala po kasi siyang appoinments ngayong umaga. Baka po mamayang tanghali na siya pumunta rito sa opisina." Padabog namang umalis si Helios kaya naman nakahinga na ng maluwag si William. Ito ang pinaka nakakatakot na kaibigan ng kanyang boss, kaya naman kapag ganitong mainit ang ulo nito ay umiiwas talaga sila rito.Nang makasakay si Helios sa kanyang sasakyan ay tinawagan niya si Lucian, ngunit hindi rin ito nasagot."The fuck! " Si Xyver na lamang ang tinawagan niya."Xyver, hanapin mo nga si Lyri
42Third Person's POVNang makalayo si Lucian sa dalawa ay agad niyang sinagot ang tawag mula kay William."Hello, William. May problema ba sa kompanya? " Tanong agad nito sa kanyang sekretarya."Good morning sir. Wala naman pong problema, kaya lang po ay dumating dito si Sir Helios at mainit po ang ulo. Kayo po ang hinahanap niya Sir." "Nandiyan pa ba siya ngayon? ""Umalis na po Sir. Pero sabi niya ay tawagan ko raw kayo at sabihing hinahanap ka po niya.""Okay, thank you William." Pinatay na niya ang tawag, sakto namang pagkapatay niya ay tumawag rin sa kanya si Helios.Napabuntong hininga na lamang siya at saka ito sinagot ."Nasaan ka Lucian? I need to talk to you." Malamig na sabi ni Helios sa kanyang kaibigan."Wrong timing man, I'm busy right now." Alam na ni Lucian kung anong kailangan ni Helios sa kanya."Kasama mo ba si Lyrica? " "Yes.""Fuck! ""Sorry bud. Tawagan na lang kita kapag hindi na ako busy."Mabilis niyang pinatay ang tawag. Alam niya kung bakit ganoon ang ka
43Pakiramdam ko ay palagi akong magugulat sa mga kayang gawin ni Lucian. Parang kanina lang ay nasa condo kami bago pumunta ng munisipyo. Lahat ng gamit namin ngayon ay naririto na sa bahay niya. "Paano iyong condo unit mo Lucian? ""May mag aasikaso noon darling. May makakasama ka pati rito sa bahay para may katulong ka.""Hindi naman kailangan Lucian, kaya ko naman rito.""I know darling, pero mas mapapanatag ako kung may kasama ka rito. Hindi tayo palaging magkakasama dahil nasa trabaho ako. " Malambing itong yumakap sa akin at saka pinatakan ng halik ang leeg ko."Maya maya darating ang nga makakasama mo rito sa bahay darling. For now, magpahinga na muna tayo. Alam kong napagod ka dahil sa ginawa natin kagabi." Nakangising sabi nito sa akin. Naalala ko naman ang ginawa namin kagabi kaya naman napatawa ako. "Hindi ko kasi maintindihan ang trip mo, kung kelan gabi saka mo naisipang mag gym." Naiiling na sabi ko sa kanya. Add"Maganda naman para sa katawan iyon darling. May nali
44Madaling araw na ay hindi pa umuuwi si Lucian. Hanggang ngayon ay naririto pa rin ako sa sala at hinihintay siya. Sinubukan ko na rin siyang tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Tinanong ko na rin si Hyna at Leighton ngunit umiling lamang ang dalawa sa akin. Ayaw rin nila akong paalisin kaya naman wala akong magawa kundi ang hintayin siyang makauwi.Third Person's POV"YOU FUCKER! NASAAN SIYA HA? " Bugbog sarado na si Lucian dahil sa kanyang kaibigan na si Helios. Nagkita sila sa likod ng Valiente, meron sila doong 'hideout'. Napakalawak ng lugar na iyon na kakasya ang nasa sampung kotse. Pinagawa talaga iyon ni Kyros para maging tambayan nilang lima."Sorry bud. She's mine." Inuubong sabi ni Lucian sa kaibigan, hinayaan lamang niya na bugbugin siya nito. "Tangina naman Lucian ! Sabi ko na sa iyo huwag si Lyrica." "What the fuck! Anong ginagawa niyong dalawa? " Mabilis na lumapit si Kyros at tinulungan ang kaibigan na si Lucian. "Helios! Nababaliw ka na ba? " Hindi makapaniwa
45"Wow! Asensado si ate girl! May kotse na may driver pa. Hi pogi!" Bati ni Shiela kay Leighton. Napatawa naman si Jessie dahil doon."Huwag nga kayong ganyan. Siya si Leighton. Leighton mga kaibigan ko, si Jessie at Shiela." "Hi! Sa tabi mo ako mauupo ha! " Nakangising sabi ni Shiela dito, napailing na lamang si Leigh at saka inaya kaming sumakay sa kotse."Tawagin niyo na lang akong Leigh." Maikling sabi nito."Saan ba ang punta niyo ngayon Lyrica? " Tanong ni Leigh sa akin. Nasa tabi niya ngayon si Shiela at magkatabi naman kami ni Jessie sa likod ng sasakyan."Uh, Shiela saan ba tayo ngayon? " "Hmmm, sa mall lang. Kumain muna tayo tapos mag ikot ikot! Maraming sale ngayon sa mall!""Gaga ka! Kaya pala aya ka ng aya! Tsk, wala akong budget, nakakainis 'to!" Hinampas ni Jessie si Shiela sa braso. "Hayaan mo na, marami akong budget for today!""So, saan galing ang budget mo? Tiba tiba ka na naman sa costumer mo kagabi? ""Yes! Napakagalante ba naman ni Sir Xyver. Siya ang costum
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p