33THIRD PERSON'S POVPumasok sa VIP 002 si Xyver at Shiela."Gago ka Helios, anong ginawa mo kay Lyrica?" Nagtatakang tanong dito ni Shiela."Oo nga, inaano ka ba niya? " Padaskol namang naupo si Xyver sa sofa na naroroon."Huwag mong sabihing type mo rin si Lyrica? Matagal ko ng napapansin ang kakaibang titig mo sa kanya. Alam kong napakabait ni Lyrica but your friend like her, remember? " Tanong ni Shiela habang nagsisindi ng yosi niya. "The fuck people, I don't like her. Here, nakita ko iyan sa wallet niya. " May inilabas na litrato si Helios mula sa kanyang wallet."He's...""Yeah, kaya iniisip ko kung bakit na sa kanya ang litratong iyan.""Baka hindi talaga siya ganun kabait Shiela." Nakangising sabi ni Helios."Sa ilang buwan kong kasama siya sa bahay, masasabi kong she's really like that. Walang halong pagpapanggap Helios." Umirap pa si Shiela kay Helios bago nagbuga ng usok."Wait, baka iyan yung litratong hinahanap niya kanina sa bahay. Bakit sobrang importante niyan sa kan
34"Lucian...""Lyrica, anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? May nanakit ba sa iyo? C'mon, tell me darling." Niyakap niya ako ng makalapit ako sa kanya."Payag na ako Lucian, wala ka pa namang nahahanap na mapapakasalan di ba? Payag na ako Lucian. Tulungan mo lang ako Lucian, please. Si tatay nasa ospital ngayon at kailangan niyang maoperahan. Please Lucian, tulungan mo ako. Pangako gagawin ko lahat. Wala na akong malalapitan. " Umiiyak na sabi ko sa kanya, halos lumuhod na ako sa harap niya dahil sa sobrang pag iyak at panghihina."Sshhh, don't cry Lyrica. Calm down. Tutulungan kita, okay? Huminahon ka..." Inalo ako ni Lucian hanggang sa kumalma ako. "Huwag na muna nating pag usapan ang deal, Lyrica. Magpahinga ka muna, pinapaasikaso ko na kay William ang pambayad sa ospital. Kapag may sapat ka ng pahinga, uuwi tayo sa inyo para bisitahin ang tatay mo." Tumango lamang ako sa kanya."Maraming salamat Lucian. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung tinanggihan mo pa ako." Naiiling
35"Ate Lyrica." Tumayo si Annika mula sa kanyang pagkakaupo at patakbong lumapit sa akin."Annika, kumusta si Tatay?" "Naipasok na siya sa operating room kanina Ate." Umiiyak na sabi nito."Huwag ka ng umiyak, magiging maayos na rin si tatay." Pag aalo ko rito. Tumayo rin si Boyet at saka bumatin sa akin. Si Ate Cynthia naman at kuya Roy ay nakatingin lamang sa amin.Lumapit kami sa kanila."Ang bilis niyo namang nakarating Lyrica? " Nagtatakang sabi ni Ate."Uhm kasi ate...""Pinahiram kami ng kaibigan ko ng helicopter." Pormal na sabi ni Lucian sa mga ito."Sino iyang kasama mo Lyrica?" Tanong agad sa akin ni Kuya Roy."Si Lucian po kuya. Lucian, siya ang kuya Roy ko at si Ate Cynthia." Hinagod naman ito ng tinging ng dalawa."Magandang hapon, I'm Lucian Drivas. I'm Lyrica's boyfriend."Para naman akong nasamid sa sarili kong laway habang si Annika at Boyet ay nakakanganga lamang sa aming dalawa habang palipat lipat ng tingin."Boyfriend?""Wala namang naikwento sa amin si Lyrica
36"Uh, pasensiya ka na sa bahay namin Lucian.""Its fine darling.""Tita! " Sumalubong agad sa akin si Bingo at saka yumakap, sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kapatid."Mga pamangkin ko. Oh, mag hi kayo kay Tito Lucian ninyo. Rico, halika." Pag aya ko sa anak ni Kuya Roy. Hindi kasi ito nalapit sa akin dahil na rin siguro sa ayaw ni kuya Roy. Tumingin ito sa kanyang ina na parang nahingi ng permiso. Tumango lamang si ate Mila kaya agad naman itong lumapit sa amin."May pasalubong kami sa inyo ni Tito Lucian ninyo." Si Lucian na ang nagbigay ng binili naming pagkain sa isang sikat na fastfood chain. Tuwang tuwa naman sila Bingo kaya natawa na lamang ako. Sa tagal na kasi nila dito sa bahay ni Tatay ay ngayon lang ako nakabili nito. "Ate Mila, kumain na rin po kayo.""Sige Lyrica, salamat." Ngumiti lamang ito sa akin. Maayos naman makitungo si Ate Mila sa akin. Hindi niya lamang ako masyadong pinapansin kapag naririyan si Kuya Roy dahil inaaway siya nito."Ate, nalinis na namin
37"Kumusta si tatay kuya ? May malay na ba siya? ""Oo Lyrica, nagkamalay na siya kaninang madaling araw. Gusto mo ba siyang silipin? Bawal daw kasi tayong pumasok sa loob." Mamunay na sabi ni kuya pero ramdam ko ang saya niya dahil sa paggising ni tatay."Diyos ko, mabuti naman at may malay na si tatay." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Teka kakatukin ko iyong nurse, para mabuksan niya iyong kurtina." Nakangiting sabi ni Kuya.Napangiti naman ako kay Lucian."Salamat talaga Lucian.""Palagi ka na lang nagpapasalamat darling, malaki rin naman ang kapalit nito hindi ba? " Napabuntong hininga siya.Hindi na lamang ako nakaimik dahil sa sinabi niya."Okay na Lyrica, bubuksan daw nila ang kurtina. Gising na rin daw si tatay." Lumapit muli sa amin si Kuya Roy."Maraming salamat kuya.""Maraming salamat sa iyo Lyrica. Alam kong may ginawa ka para mapabilis ang operasiyon ni tatay.""Kuya...""Hindi mo man sabihin ay alam ko Lyrica. Maraming salamat sa inyo ng nobyo mo." Sinserong sabi nito."B
38"Darling...""Pasensiya ka na at nakita mo pa iyon Lucian. Halika na sa loob baka naiinip si tatay.""Darling, wait." Marahan ako nitong niyakap."Lucian, ayos lang ako." Natatawang sabi ko rito."Tsk, ingat na ingat ako sayo tapos ganyan lang ang gagawin nila sayo." Sinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Pakiramdam ko ay namula ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya. Ganito ba ang kiligin? "Hey.""Hmmm? " Tugon ko rito. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at saka tiningnan ako sa mukha."You're blushing darling." Nakangising sabi nito. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya."Tigilan mo nga ako Lucian, halika na sa loob." Pag iiba ko ng usapan.Lumipas ang isang linggo at inilibas na si tatay ng ospital. Hindi na rin kami nakapagkita ni Krisha dahil sa nagkasakit rin ang anak niya. Si Lucian naman ay kinailangang bumalik sa Maynila dahil sa kanyang trabaho. Maayos ko rin siyang naipakilala kay tatay. Napagkasunduan rin naming dalawa na huwag ng sabihin kila tatay ang
39"Lyrica! " Tawag sa akin ni Krisha pagdating ko sa kainang pagkikitaan namin. Aalis na kasi kami ni Lucian bukas kaya naman ngayong araw namin napagpasyahang magkita.Kasama niya ngayon si Wren na siya namang ikinagulat ko."Wren, mabuti at nakasama ka ngayon kay Krisha." Nakangiting sabi ko."Syempre naman Lyrica.""Hay nako, si Marco nga inaya ko rin. Kaso may gagawin daw siya." Irap ni Krisha sa hangin."Hayaan niyo na lang. Mabuti na rin siguro iyong hindi kami magkita. Kayo ba Wren? Nakapag usap na ba kayo ni Mildred? "Napabuntong hininga naman si Wren dahil sa tanong ko. " Ayaw niya na akong kausapin. Blinock na nga rin niya ako sa social media. Nagulat nga rin ako sa sinabi niya sayo noong nasa ospital tayo. Akala ko nga okay na kami. " Bakas ang lungkot sa boses ni Wren ng sabihin iyon."Pasensiya ka na Wren.""Bakit ikaw ang humihingi ng pasensiya Lyrica? Dapat si Mildred! Hindi ko akalaing dahil sa lalaki ay magiging ganun siya. Pakiramdam ko tuloy ay kaya lang siya nak
40Pagkabalik namin ni Lucian ng Maynila ay umuwi muna ako sa aming apartment. "Lyrica! Ano ? Kumusta ang pag uwi mo? Okay na ba si tatay Mario? " Tanong sa akin ni Shiela ng makauwi ako."Okay na siya Shiela. Malakas na ulit si tatay. Hindi na lang namin naantay ang pagtanggal ng tahi niya."Okay lang yun. Naku, dapat ay iwasan na ni tatay Mario ang nga bawal. " Dagdag pa ni Jessie sa akin."Uhm Jessie, Shiela may sasabihin nga pala ako sa inyo.""Ay kabado naman ako diyan. Ano yun? " Tanong ni Jessie habang madramang humawak sa dibdib niya kaya naman napatawa ako."Uh si Lucian kasi, gusto niya na doon na ako sa condo niya tumira." Napayukong sabi ko.Napanganga naman sa akin ang dalawa. Si Jessie ang unang nakabawi mula sa pagkagulat."Huh? So, pumayag ka ba? " Agad naman akong tumango, binilinan ako ni Lucian na huwag munang sabihin ang plano naming pagpapakasal. "Oo, libre daw kasi doon... Isa pa, kukuhanin niya raw akong sekretarya niya. Aalis na rin ako sa Valiente." "Sigura
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p