Habang sinasabi iyon ni Arthur ay para siyang sinabugan ng bomba ng katotohanan. Nag-iilusyon nga lang pala talaga siya! Oo nga naman. Bakit ba ang gaga at tanga niya na inaakalang totoong girlfriend na nga siya nito dahil lang sa inanunsiyo iyon ni Arthur sa lahat? Bakit hindi gumana ang utak
Gusto sana niyang tigilan na ni Arthur ang 'boyfriend role' nito kapag nasa school sila. Tutal ay hindi naman siya direktang binu-bully nina Desiree. Kung may mga panlalait pa rin ang mga ito sa kanya ay nagbubulungan na lang ang mga ito at hindi na harap-harapan gaya nang dati. Baka umasa kasing
"Bakit naman kita iiwasan? Ang totoo, nahihiya kasi akong makita mong kumain nang ganito karami kaya ayaw kong ipaalam sa'yo na dumidiretso ako sa canteen kaya't hindi ako sumasabay ng uwi." Mabuti na lang at dire-diretso ang pagsagot niya. In a way ay may katotohanan din naman ang sinabi niyang iyo
Na-touch naman siya sa sinseridad na nakikita niya sa mga mata ni Arthur. Ngumiti siya rito at wala sa loob na hinawakan ang kamay nitong nasa ibabaw ng mesa. Gumanti rin ito ng hawak saka pinisil pa ang kamay niya. "How sweet! Hindi na ako magtataka kung lolobo rin ang katawan mo, Arthur. Muk
Pagkahatid kay Chinkee sa kanila ay dumiretso muna siya sa sementeryo para madalaw ang puntod ng lola niya saka siya umuwi sa mansiyon ng mga Escobar. Kahit matagal na niyang alam na isa rin siyang tunay na Escobar ay hindi pa rin niya matatawag ang sarili na parte nga siya ng pamilya officially,
Sa tuwing nagpapaligsahan sila nitong mag-swimming ay mas madalas na hinahayaan niya itong manalo. Gustong-gusto niya kasi kapag nakikita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Pumailalim uli siya sa tubig at nilangoy ang kabilang dulo. Ilang beses na nilangoy niya back and forth ang magkabilang dulo n
Nang hindi makita ang babae ay nagmamadaling umakyat na siya para pumasok sa kwarto niya. Kahit habang nagsa-shower siya ay hindi maalis-alis sa isip niya ang malamyos na boses nito. Pagkapaligo ay nagbihis agad siya ng pambahay. Bumabang muli at dumiretso ng kusina. Hindi siya kakain. Nagbabaka
Ilang araw na niyang napapansin ang kakaibang sigla ni Arthur. Iba rin ang klase ng mga ngiti nito. Gusto niyang isipin na iyon ay dahil sa palagi silang magkasama pero hindi iyon ang sinasabi ng puso niya. Kahit pa nga parang kumikislap ang mga mata nito habang nag-uusap sila ay hindi niya naman m
Pang one-time big time lang pala ang ipinaranas nitong "very torrid kiss" sa kanya dahil pagkatapos ng araw na iyon ay balik na uli sa smack na lang ang mga halik na ibinibigay ni Arthur sa kanya. Nadala lang kaya ito sa monthsary celebration nila kaya nito ipinaranas sa kanya ang kakaibang init na
"A-Arthur..." Pahingal na sambit niya sa pangalan nito nang mailayo ang mukha rito. Mabuti at tumigil din ito. Pakiramdam niya ay hindi lang siya ang naghahabol ng hininga. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalaki. "Nabigla ba kita?" Worried na tanong nito na inilayo na nang bahagya ang katawa
Ilang beses siyang pinagbibigyan ni Arthur na manalo sa paligsahan nila. Sa ikalimang beses na siya nakaramdam ng hingal kaya bumagal na rin ang paglangoy niya kahit pinagbigyan siya nito. Nang makarating siya sa dulo ay nanatili na lang muna siya sa sulok habang habol ang paghinga. "Pagod na ako,
Mabuti na lang at one-piece swimsuit ang binili ni Arthur para sa kanya, kulay maroon iyon. Wholseome ang style nito at nagku-compliment sa maputi niyang balat ang kulay ng tela no'n. Alangan namang bigyan ka niya ng two-piece swimsuit kung saan makikita ang buong katabaan mo, nang-aalaskang sabi n
Ayaw niya sanang magreklamo. Gusto niya lang sanang makuntento sa estado ng relasyon nila ni Arthur lalo pa at hindi nga naman siya nito ikinakahiyang girlfriend siya nito. Kapag wala itong pasok at hindi busy sa mga gawain sa mga kompanya ng Escobar ay hinahatid o kaya'y sinusundo siya nito sa sch
Sumunod nga sila Arthur sa ina. Nang nasa sala na sila ay lumingon sa kanila ang mommy niya. "Dito ka na mag-dinner, iho. Magpapaluto ako ng-" "Ay, next time na ho, Tita. Gusto ko lang po kasi kayong makausap ni Tito kaya andito ako." Napatingin siya rito. Ano'ng pinagsasabi nito? Ano'ng pakay n
"P-pasensiya ka na, Arthur, hindi kasi ako sanay-" "I know kaya nga I'll take it slowly with you kasi ayaw ko ngang ma-overwhelm kang masyado. Hawak pa nga lang ito ng kamay, eh, paano na lang kung hinalikan na kita ng halik na pang "jowa"?" Ginaya nito ang term na ginamit niya kanina na may kalaki
"O-okay lang sa'yong may girlfriend kang mataba?" Sa halip na umoo agad dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin ay tinanong niya iyon rito. Siyempre, iniisip niya rin ang kalagayan nito. Hindi ba nito ikakahiyang ipakilala siya bilang girlfriend gayong ang mga naging girlfriends nito ay puro
"You can be my girlfriend, if papayag ka ngayon." Muntik pa niyang maibuga palabas ang beer sa loob ng bibig niya dahil sa narinig. Nang malunok na nang tuluyan ang beer na hindi nabubulunan ay saka siya tumawa nang tumawa. Siya yata ang biglang nalasing kahit isang lata lang ng beer ang naubos n