Hindi na niya mabilang kung pang-ilang papel na ang nalamukos niya. Hindi makapag-concentrate ang utak niya habang nagtatrabaho. May hinahabol pa naman siyang deadline. Kung bakit ba naman kasi tinanong-tanong pa siya ni Zian ng tanong na iyon. Make you fall in love with me... Hindi na maalis-
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli. "What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian. Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier. Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila. "How are you, kiddo?" Masayang tano
Agad na dinampot niya ang repolyo saka inangat ang kamay para pasimpleng paalisin ang kamay nito. Inalis nga nito iyon pero narinig niya ang mahinang pagtawa nito na parang nanunukso. Sa desperasyon na mawala ang awkwardness na nararamdaman ay kinuha niya agad ang kutsilyo saka hiniwa na ang repoly
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito. Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya. Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na ka
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya. Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwa
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya. Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na
Mangiyak-ngiyak ito at hindi rin makapaniwala sa lahat ng nalaman nito. Napatitig siyang muli kay Zian. I love you... Iyon ang mga salitang tahimik na sinabi nito sa kanya na nababasa niya sa mga labi nito. Do'n na niya hindi napigilan ang pag-agos ng dalawang luhang nagpapaligsahan sa pag-a
Nang hindi siya umimik ay bumitaw na ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tawagin nito ang mga pulis at itinaas ang dalawang kamay. Nang akmang ipoposas na rin ng isa sa mga pulis ang nakalambitin na posas kay Zian ay saka lang siya parang natauhan. Tinampal niya ang kamay ng pulis bago pa ma
Inasikaso niya muna ang lahat ng mga dapat asikasuhin para maisampa ang mga kaso kina Amanda at Chelsea . Ang plano niya ay saka na kausaping mabuti ang anak kapag nakabalik na sila ng UK. Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro na makagawa ng hakbang para mapagbayaran ng dalawa ang mga kasala
Si Xavier na walang kaalam-alam sa mga pangyayari ay nagtatanong na kung bakit hindi na nito nakakausap ang ama. Pinagbawalan niya rin kasi si Zian na makita ang anak niya. Ang anak nila! Ang alam niya ay kinausap na nang tuluyan ng ama niya si Zian dahil maging ito ay kinukulit ni Zian kahit hala
Hindi maampat-ampat ang mga luha ng ama niya habang nasa harap sila ng libingan ng ina niya. Napag-alaman niyang isang taon mula nang pinalayas siya ng ama ay nalaman nitong patay na ang ina niya. Hinanap siya nito at nalamang nasa UK nga siya pero imbes na puntahan siya ay hinayaan siya ng amang
Naka-zoom in na nga ang kaliwang parte ng likod nito sa itaas. Inadjust na rin ang brightness no'n dahil hindi agad mapapansin ang balat na iyon kung hindi ia-adjust. Nanlaki ang mga mata niya nang makita nga ang parehong balat ni Zian do'n. Tiningnan niya ang balat sa likod nito para maniguro. Nap
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga dumalo. Nag-aalalang nilingon niya ang ama. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa envelope na inabot kanina ni Amanda. Si Zian ay kinausap saglit si Mrs. Conchita pero umiling-iling lang ang matanda. Sa tingin niya ay gusto ni Zian na paalisin muna ang lola nito d
"This is a family matter, by the way. However, I also want to take this opportunity to explain my side regarding why I suddenly left before my wedding with Zian. I have already explained my side to Zian, but I also want everyone to know the real reason I had to leave, even though I love Zian so much
Nang makaabot do'n ay kinuha nito ang mic ng isang host. "Am I late?" Pabirong sabi nito sa lahat. "Sorry at hindi man lang ako nakapag-ayos talaga but you won't mind, right, Mrs. Escobar?" Matamang tiningnan muna ng matanda si Heather bago sumagot. "It's okay, Heather, after all, this party is