"You look so gorgeous, Mommy! If Daddy's here, he would surely agree with me," puri ni Xavier habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Nakaayos na siya at handa nang pumunta sa event. Siya lang din ang nag-ayos ng buhok at nag-makeup sa sarili. Natutunan niya iyon mula nang maging designer
Napangiti siya nang maalala si Patrick. Itinudo na talaga nito ang pabor na ginawa sa kanya at inihilera pa siya sa mga importanteng tao sa larangan ng fashion. "What are you doing here?" Agad siyang napalingon sa boses na may halong disgusto. Alam na niya kung sino iyon pero gusto pa rin niyang
Mabuti na lang at nagsimula na agad ang Runway fashion show. Do'n na natuon ang atensiyon niya at tuluyang nakalimutan ang dalawa sa tabi. Hindi niya mapigilang mamangha sa mga gawa ng mga designers na naging idolo niya. Iyong excitement niya na makita mismo ang mga designs ng mga ito nang malapita
Hindi itinago ng lalaki ang paghanga sa mga mata nito habang hinahagod siya nito ng tingin. Naiilang naman siya sa klase ng titig ng lalaki. "My name is Gilbert. Gilber Sullivan," inabot nito ang isang kamay sa kanya. Napilitang nakipagkamay na rin siya. "Jenna Alegria," matipid na sagot niya. "
"I'm really trying to hold my temper, Jenna, but you always provoke me. Why do you hate Chelsea so much when she's one of the sweetest girls I've known? Kailangan ba talagang umabot uli kayo sa sakitan? She's running away from you, crying! What did you do to her this time?" Hindi niya inaasahan ang
Magmula nang gabing iyon ay araw-araw na niyang nakikita si Chelsea sa opisina ni Zian. Hindi niya alam kung ano ang sinabi nito sa lalaki tungkol sa nangyari sa gabi ng event. Ilang beses siyang tinanong ni Zian sa eksaktong pangyayari, kung paanong humantong sa pagkakapunit ng damit niya. Hindi n
"Yes, Mommy!" Mabilis na kinuha ni Xavier ang tablet nito sa loob ng maliit na bag na dala. Bumalik na nga siya sa upuan niya. Panaka-naka pa rin ang tingin niya sa kabilang opisina. Hindi nga siya nagkamali, tumigil sa ginagawa ang dalawa saka curious na napatingin kay Xavier na busy na sa tablet
"Did Zian even know what you're telling your son-- you ambitious b-" Biglang sumabat si Xavier kaya't hindi natuloy ang huling salita ni Chelsea. "M-mom, are you two fighting because of me?" Hinila-hila pa ni Xavier ang damit niya na nakalapit na pala sa kanya. Halos naririnig na niya ang pag-ing
Sumunod nga sila Arthur sa ina. Nang nasa sala na sila ay lumingon sa kanila ang mommy niya. "Dito ka na mag-dinner, iho. Magpapaluto ako ng-" "Ay, next time na ho, Tita. Gusto ko lang po kasi kayong makausap ni Tito kaya andito ako." Napatingin siya rito. Ano'ng pinagsasabi nito? Ano'ng pakay n
"P-pasensiya ka na, Arthur, hindi kasi ako sanay-" "I know kaya nga I'll take it slowly with you kasi ayaw ko ngang ma-overwhelm kang masyado. Hawak pa nga lang ito ng kamay, eh, paano na lang kung hinalikan na kita ng halik na pang "jowa"?" Ginaya nito ang term na ginamit niya kanina na may kalaki
"O-okay lang sa'yong may girlfriend kang mataba?" Sa halip na umoo agad dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin ay tinanong niya iyon rito. Siyempre, iniisip niya rin ang kalagayan nito. Hindi ba nito ikakahiyang ipakilala siya bilang girlfriend gayong ang mga naging girlfriends nito ay puro
"You can be my girlfriend, if papayag ka ngayon." Muntik pa niyang maibuga palabas ang beer sa loob ng bibig niya dahil sa narinig. Nang malunok na nang tuluyan ang beer na hindi nabubulunan ay saka siya tumawa nang tumawa. Siya yata ang biglang nalasing kahit isang lata lang ng beer ang naubos n
Ando'n uli sila ni Arthur sa paboritong tambayan nila, sa top view ng siyudad. Nakaupo sila sa lupa kung saan kitang-kita ang mga ilaw sa mga buildings sa siyudad. As usual, may baon uli itong beer in cans. Kuntentong tahimik na nakaupo lang sila sa pwesto nila at nakatingin sa mga ilaw sa ibaba.
Two years after... Kahit hindi na pareho ang school na pinapasukan nila ni Arthur ay madalas pa rin silang magkita ng lalaki. Business course ang kinukuha nito. Nabanggit nito sa kanya na gusto ni Mrs. Conchita na sa ibang bansa ito pag-aralin katulad ni Zian pero tumanggi ito. Nawiwili na rin kas
Pinuntahan niya sa school nito si Clarise. Nabanggit ni Arthur dati ang schedule ng klase nito para sa MWF. Hindi siya sigurado kung gano'n pa rin ang out ng babae pero nagbabakasakali siya. Inaalala rin niya na baka makita si Arthur do'n para sunduin ang girlfriend nito. Habang nag-aabang ay panay
"Magli-live in kayo?" Napamulagat na sabat niya. Tumawa ito. "Of course not, pero- if aabot sa ganyan, I think kaya ko naman yatang-" "Seryoso ka ba, Arthur? Ilang taon ka pa lang, ha? Nabubulagan ka na ba ng pag-ibig-pag-ibig na iyan? Hindi mo ba naiisip ang magiging buhay mo kung basta-basta na
"You know Clarise, right?" Natigilan siya. Dagli ring kinabahan sa paunang tanong ng babae. "Y-yeah. H-hindi ba't isa siya sa mga scholars ninyo na anak ni Aling Corazon?" Tumango ito habang iniikot ang kutsara sa tasa ng kape nito. "May relasyon ba sila ni Arthur?" Diretsang tanong nito. Natig