Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa. Kanina pa niya tinitingnan ang phone at umaasang makakatanggap ng kahit text man lang galing kay Zian.Pero wala...Nag-aalangan naman siyang tawagan ito o padalhan ng text.Ano bang sasabihin niya?Tatanungin ba niya ito kung papasok ng opisina para i-welcome ang ex-fiancee na main model ng kompanya nito?Sa naisip ay ando'n muli ang kirot sa dibdib.Napaangat ang tingin niya sa may pinto nang makarinig ng mahihinang katok mula ro'n."Come in!"Pumasok ang isa sa mga empleyado."Good morning, Miss Alegria, pinapapunta po lahat sa conference room. Dumating na po kasi si Miss Heather Phillips."Natigilan siya sa narinig saka tinanguan lang ang empleyado bago ito lumabas.Napatingin siya sa opisina ni Zian. Wala pa rin ito. Wala ba itong planong pumasok sa araw na iyon?Dahil ba kay Heather Phillips?Dahan-dahang tumayo siya at itinabi muna ang ginawa na nanatiling blangko.Tinantiya muna niya na nakapasok na ang halos lahat ng mga empleyado s
Ang expected date sana ng pagdating ni Heather ay next month pa. Wala ni anumang update sa kanila na darating ito sa araw na iyon.Mabuti na lang at lahat ng mga designs niya para sa gala night nito ay natapos na niya at for finishing touches na lang.Sa tingin niya ay hindi rin inaasahan ni Zian ang wala sa schedule na pagdating ni Heather.Excited yatang umuwi ng Pilipinas ang babae.Dahil ba kay Zian?Ipinilig niya ang ulo habang kinuha na ang mga designs na gawa niya para kay Heather. Ilang beses na siyang patingin-tingin sa opisina ni Zian pero hindi man lang pumasok do'n ang lalaki.Napapatingin din siya sa phone niya pero masyadong tahimik iyon. Wala na siyang natanggap na text or tawag man lang mula kay Zian simula pa kanina.Magkasama kaya ang dalawa?Iniiwasan niyang lumabas kahit nang mag-lunch break. Alam niyang hindi siya tatantanan ng mga tingin ng mga empleyado ngayong dumating na si Heather. Alam niyang gagawa na naman ng issue ang mga ito sa pangunguna ni Paula.Nag-
Kahit inaasahan na niyang maaaring wala sa opisina si Zian pagdating niya ay napatingin pa rin siya sa opisina nito.Laking gulat niya nang makitang ando'n ito.At hindi ito nag-iisa!Kasama nito si Heather.Nang lilingon na ito sa opisina niya ay mabilis na iniiwas niya ang tingin saka dumiretso na sa mesa niya.Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang tumunog ang phone niya. Si Zian ang tumatawag."Y-yes, Mr. Escobar?" Kapag nasa opisina sila at tungkol sa trabaho ang pag-uusapan nila ay pormal ang tawag niya rito."Can you come here, Miss Alegria. I'd like to formally introduce you to the company's main model, Miss Heather Phillips." Kahit ang boses ni Zian ay kasing pormal nang sa kanya."Okay, I'll be there in a minute." Medyo kabado siya sa paghaharap nilang iyon ng ex-fiancee ni Zian.Ni hindi niya alam kung umabot na rin sa babae ang balitang engaged si Zian sa kanya. Kumatok muna siya sa sliding door saka binuksan iyon. Agad na napatingin si Heather sa kanya.As usual ay napak
Tatlong araw na silang laging magkasama ni Heather sa trabaho. Sa tuwina ay nagkukwento ito tungkol sa nakaraan nito at ni Zian.Tatlong araw na rin na hindi niya nakakasama si Zian. Nabanggit sa kanya ni Heather na may business trip nga sa Cebu ang lalaki. Busy raw ito masyado para sa nalalapit na fashion gala night ng kompanya.Gusto niyang magdamdam dahil ni hindi man lang nabanggit sa kanya ni Zian ang business trip nito. Alam niyang hindi ito obligadong ipaalam sa kanya ang lahat ng mga lakad nito dahil hindi naman talaga sila totoong magkarelasyon.Alam niya ring umasa saglit ang puso niya nang may mangyari sa kanila ng lalaki pero agad din namang pinatay ang pag-asang iyon nang dumating si Heather.Ni hindi na sila nagkakasama talaga ni Zian simula nang bumalik ang ex-fiancee nito.Nasa opisina niya silang dalawa ng babae nang araw na iyon. Inaayos niya ang mga designs dahil may mga pinapadagdag ito. Busy siya sa pagpa-finalize ng designs habang kanina pa ito palakad-lakad sa
Siya ang nakakaramdam ng pagkailang nang magkita silang muli ni Heather. Inaasahan niyang magbabago ang pakikitungo nito sa kanya dahil sa nalaman nitong siya pala ang babaeng engaged kay Zian.Ang ipinagtataka niya ay umakto itong parang walang nagbago. Naipakita na niya ang mga na-modify na niyang designs ayon na rin sa mga requests nito. Masaya ito sa naging resulta at nagbigay na ito ng go signal upag masimulan na ang mga pagtatahi ng mga damit.Nag-request si Heather na samahan niya ito sa production team. Susukatan na rin kasi ito. Kahit medyo naiilang na sa pakikipaglapit nito sa kanya ay wala siyang nagawa.Hindi niya kasi maalis ang guilt na nararamdaman niya sa hindi pagsabi agad rito na sa kanya nga engaged si Zian.Mawawala lang siguro ang guilt na iyon kapag nakapagplano na sila ni Zian kung paanong hindi matutuloy kuno ang plano nilang pagpapakasal para sa kaalaman ng lahat.Nakaupo lang siya habang sinusukatan si Heather. "Oh, Paula, thank you for coming here as well.
Nang makababa na sila ay nakita nga nilang naghihintay na si Zian. Nakatayo ito sa kotse nito habang nakasandal sa may pinto.Napasinghap siya dahil ilang araw din niyang hindi nakita ang lalaki. Mukha itong modelo sa casual na suot nito. Ngingitian niya na sana ito pero hindi sa kanya nakatuon ang mga mata ni Zian. Nakatingin ito kay Heather na katabi niya.Si Heather naman ay dahan-dahang bumitiw sa pagkakahawak sa braso niya. Nilingon niya ang babae. Nakita niyang nakatingin din ito kay Zian.Napalunok siya sa nasaksihan. Nang ibaling niya ang tingin sa kabila ay ang mukha naman ni Paula ang sumalubong sa kanya.Hindi nito itinago ang nang-uuyam nitong ngiti sa kanya dahil hindi rin nakaila sa babae ang makahulugang tinginan ng dalawang dating magkarelasyon."Why not make an excuse, Jenna? Mas masasaktan ka if sasabay ka pa ring mag-lunch sa kanila. I can be a friend just for today at sasabayan kitang mag-lunch at hayaan natin silang dalawa." Inilapit pa ni Paula ang bibig sa teng
Ang malaking ngiti sa mukha ng anak ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto ng condo. Inilibot nito ang tingin sa tabi niya at sumilip pa sa likod niya.Nang ma-realize na wala nga ang hinahanap nito ay saka lang unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Xavier."Mom, where's Dad? He said he's going to come here together with you."Ito na nga ba ang kinakatakutan niya, ang ma-disappoint ang anak at umasa na sa panahong ilalaan ni Zian dito bilang ama nito.Okay lang sana kung siya lang ang sobrang maaapektuhan pero ang makitang pati ang anak niya--Pinigilan niyang maiyak at pinilit ang sarili na ngumiti."Actually, we were on our way here, but there was an emergency. Your dad needs to take care of it first." Niyuko pa niya ang anak saka hinawakan ito sa magkabilang balikat."Is Dad okay?" Napalitan ng pag-aalala ang kanina'y dismayadong mukha ng anak."Yeah, he is. It was something at work."Muling umaliwalas ang mukha ni Xavier nang masigurong okay lang ang ama nito."Wel
Masayang kumakain ang dalawa habang tahimik na inoobserbahan niya si Zian.Anong oras kaya ito umalis ng clinic kasama si Heather? Hinatid ba nito ang babae sa bahay nito or kung saan man ito tumutuloy sa ngayon?Napag-usapan kaya ng mga ito kung paanong nagkaroon ng anak si Zian sa kanya? Or sinabi kaya nito kay Heather ang totoo?Ang dami niyang gustong itanong kay Zian pero alam niyang wala siyang karapatang tanungin ito tungkol sa estado ngayon ng relasyon nito at ni Heather.Mas dapat yata niyang linawin ang tungkol sa kanila. Bigla niyang itinuon sa pagkain ang mga mata nang akmang titingin si Zian sa kanya."Bakit parang hindi mo nagagalaw ang pagkain mo?" Tanong nito nang mapansing marami pang pagkain sa plato niya."Ahm, busog ako. Kanina kasi habang nagluluto ako, eh, tinikman ko na rin konti," pagsisinungaling niya."Kumusta si Heather?" Hindi na niya napigilan ang sariling itanong iyon."She's okay now. Ang sabi ko nga, eh, huwag siyang masyadong mag-diet. Iyon lagi ang pi
Nag-uusap sila ni Patrick sa naka-schedule na meeting sa prospect clients nila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zian.Napakunot-noo siya nang makita ang lalaki roon."Didn't you receive the schedule I sent you, Patrick? You are expected to be in the meeting an hour from now." Diretsong si Patrick ang kinausap nito habang papalapit sa kanila."What meeting? The first meeting is at lunchtime," nagtatakang sabi ni Patrick bago tiningnang muli ang schedule sa laptop. Tatawagan sana nito ang bagong hire na secretary nito nang nagsalitang muli si Zian."I'm referring to AXA Steel Company. From now on you will temporarily manage AXA." Nagulat pa siya nang lumapit si Zian sa kanya at yumuko para halikan siya sa labi nang mabilis."Morning, babe," bati nito na parang normal lang ang ginawa nito.Tumikhim si Patrick nang makita ang paghalik ni Zian sa kanya. Hindi naman siya nakaimik sa kabiglaan."So you're back here in Glamour?" Tanong ni Patrick."Yes. Go now at baka ma-late ka p
Hinila siya ni Zian pabalik sa mesa. Naramdaman na lang niyang umangat ang katawan niya nang kargahin siya ni Zian para mapaupo sa itaas ng mahabang mesa sa kusina.Dahil wala na siyang ibang saplot ay ramdam niya agad ang malamig na marmol na mesa nang lumapat ang puwet niya do'n.Agad namang napalitan ng init iyon nang maramdaman ang bibig ni Zian sa leeg niya. Dinidilaan siya nito pababa hanggang sa dumako ang mainit na mga labi nito sa isang dibdib niya. Malayang pinaglaruan ng dila nito ang naninigas na niyang utong habang ang isang kamay ay lumalamas sa isa pa niyang dibdib.Napadaing siya habang napapatingala habang ginugulo na ng mga daliri niya ang buhok ni Zian.Isinubo nito ang isang nipple niya at sinisipsip iyon habang lumipat na ang isang kamay nito sa singit niya. Awtomatikong naghiwalay ang mga hita niya upang bigyang daan ang isang kamay nito sa paglakbay papunta sa kaselanan niya.Hindi na niya napigilan ang malakas na ungol na kumawala sa bibig niya nang masuyong di
Inis na pumiksi siya. "You don't own me, Zian! Huwag mo akong pakialaman kung in love pa rin ako sa isang gago. Dahil pa rin ba ito sa lintek na "utang na loob" na iyan? Please lang! Once na bumalik kami ng UK, tantanan ninyo na kami ng anak ko. Huwag ninyo nang ipagpilitang bayaran ang utang na loob ninyo sa ina ko dahil mas ginugulo ninyo lang ang buhay namin ng anak ko." Pagkasabi no'n ay nagmamadaling umalis na siya sa harap nito."What? Babalik kayo ng UK?" Iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Zian sa lahat ng sinabi niya.Napatigil siya sa paglakad at nilingon ito."Yes.""Kasama ang ama ni Xavier?" Napatiim-bagang ito nang itanong iyon."Yes." Mabilis na tugon niya.Biglang nakita niya ang galit sa mukha nito habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya."Don't make a fool of yourself, Jenna. Bakit mo babalikan ang taong inabandona kayo nang ilang taon?" Mahina man ang pagkakasabi no'n ay dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito, ngunit hindi siya natinag. Bagkus a
Katatapos lang niyang mag-shower. Napatingin siya sa ibinigay na damit ni Zian na nasa ibabaw ng kama.Isang malaking shirt at boxers iyon na pag-aari nito. Kahit kakaligo lang niya ay nag-init ang pakiramdam niya sa isiping ang damit nito mismo ang susuotin niya.May kung anong intimate feeling kasi na binibigay iyon. Kinuha niya ang white shirt nito saka inamoy muna. Ang bango ng damit nito.Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng towel na nakatapis sa katawan niya at hinayaan lang iyong bastang mahulog sa sahig.Sinuot niya ang shirt na hawak. Sumunod ay ang boxers ng lalaki. Natawa pa siya dahil maluwang iyon. May nakita siyang rubberband at itinali ang gilid ng boxers para huwag mahulog.Pinulot niya ang towel saka isinampay iyon sa loob ng banyo. Nang lumabas uli ng banyo ay dumiretso siya sa kabinet na may malaking salamin. Tiningnan niya ang sarili habang suot ang damit ni Zian.Napangiti siya pero nang maalala ang tagpong nakita kanina sa parking lot ay bigla ring nawala ang ngiti
"I said we should stop this. We can just tell them that we decided to cancel the wedding 'cause we broke up. Let's just let them assume that we had a misunderstanding because of Heather, your ex-fiancee," nagtuloy-tuloy na ang bibig niya. Huli na para bawiin niya ang sinabi. Ilang segundo itong hindi umimik at dama niya ang pagtitig nito sa kanya kahit nanatili lang ang mga mata niya sa harap ng sasakyan. Hindi pa rin nito pinaandar iyon. "So this is about Heather?" Maya-maya ay tanong nito na mas kumalma na ang boses. Ewan niya kung imagination lang niya ang nahimigan niyang amusement sa boses nito. Bigla siyang napatingin dito. Di nga siya nagkakamali dahil may amusement siyang nakita sa mga mata nito. "Of course not! What I mean is, hayaan na natin silang mag-speculate na baka iyon ang rason bakit nagkahiwalay tayo. Baka pwede na rin nilang i-connect ang pag-alis mo sa kompanya sa pag-aaway natin kaya't magandang timing na tapusin natin itong pagkukunwari natin-" "Were you
Pagkatapos ng event ay may malaking after party sa same venue. Kung ano ang suot niyang gown sa designer's walk niya ay iyon na ang suot niya hanggang sa party dahil wala na siyang panahong magbihis ulit.Dinumog na siya ng mga dumalo sa event na iyon para i-congratulate. Ilang sikat na designers ang kusang nagpakilala sa kanya sa party. Si Zian ay hinayaan siyang makahalubilo ang mga bisitang namangha sa mga gawa niya. Kasama nito ang pamilya niya sa isang mesa."Jenna, that was a surprise! You looked so amazing with your designs. I don't know what happened, but I'm so glad you were the one who modeled your works," masayang bati ni Patrick sa kanya."Thanks, Patrick. It was a sudden decision we need to make. I'll tell you everything once we have the time." Iyon lang ang sinabi niya dahil kahit ito ay kailangang harapin ang iba pang kliyente. May mga pinakilala rin ito nang personal sa kanya na interesado sa mga gawa niya.Nang mapatingin siya sa direksiyon ni Zian ay kausap din nito
Nakataas ang kilay niya habang papasok sa isang maliit na cafe. Pagkatapos nitong hindi makontak at hindi nagpakita nang matagal ay basta na lang nag-text si Chelsea na makikipagkita sa kanya sa isang cheap na lugar.Iniwan na ba ito ng sugar daddy nitong mayaman na hindi man lang niya nakita? Plano na naman ba nitong mangutang sa kanya?Mas lalong tumaas ang isang kilay niya sa naisip. Agad na inilibot niya ang mga mata sa loob ng maliit na lugar. Agad na nakita niya ang babaeng nakasalamin pa sa mata kaya't di makikita ang mga mata nito.Mabilis niya namang nakilala agad si Chelsea kaya't lumapit na siya sa kinauupuan nito."Why here? Why can't we go somewhere else?" Parang nandidiring sabi ni Amanda nang makaupo sa harap ni Chelsea."Wala bang nakasunod sa'yo?" Palinga-linga pa si Chelsea sa likod niya habang hindi inaalis ang salamin sa mga mata."Are you a wanted person, girl?" Natatawang tanong niya dahil sa inakto ng babae.Nang makitang wala ngang nakasunod ay saka hinubad ni
Habang inaayusan siya ng makeup artist na kasama sa team ni Gina ay hindi rin niya inaalis ang mga mata sa malaking TV kung saan ay nakikita niyang rumarampa na si Heather. Suot nito ang isa sa mga designs ni Paula.Parang gusto niyang umatras sa gagawin. Nakaka-intimidate ang paglakad ni HeatherSiyempre dahil professional model iyan at international pa! Komento ng utak niya.Pinagsalikop niya ang nanlalamig na mga kamay dahil pagkatapos ng mga designs ni Paula ay designs na niya ang susunod, na siya mismo ang magsusuot at rarampa sa stage.Hindi kaya siya magkalat sa runway? Baka mas magiging kahiya-hiya ang gagawin niya?"Jenna, you'll be fine. Nakita kita habang nagpa-practice ka kaya't alam kong kaya mo ito. Isipin mong magiging sampal ito kay Heather sa plano niyang sabotahe sa'yo," mahinang bulong ni Gina na hinawakan pa ang dalawang kamay niya.Napansin yata nito ang pagkabahala niya habang nakatutok sa screen. Medyo nakatulong ang sinabi nito kaya't napatingin siya sa babae a
Daig pa yata niya ang mga modelong rarampa sa gabing iyon. Ilang araw na iyong kaba na nararamdaman niya. Kabado siya na excited na ewan.Dadalo sa gala event ang ama niya pati na si Zenaida. Alam niyang napipilitan lang ang madrasta niya dahil kailangan nitong samahan ang asawa nito.Nasa backstage siya kasama ang mga designers, makeup artists at iba pang mga modelong kasali sa event.Bibigyan sana siya ni Patrick ng sariling dressing room pero tumanggi siya dahil alam niyang mas kakabahan siya kapag walang ibang nakikita. Isa pa, ilang minuto lang naman na pagrampa ang gagawin niya at nasa last part pa iyon.Si Heather ay alam niyang may sariling dressing roon kaya't hindi niya nakikita ang modelo.May malaking TV sa kinaroroonan nila kaya't makikita ang mismong stage sa event na iyon.Lumabas muna siya para salubungin ang Papa niya at ang anak dahil kadarating lang daw ng mga ito.Naka-casual dress lang muna siya at mamaya pa niya susuotin ang napiling damit para sa designer's walk