Nang makababa na sila ay nakita nga nilang naghihintay na si Zian. Nakatayo ito sa kotse nito habang nakasandal sa may pinto.Napasinghap siya dahil ilang araw din niyang hindi nakita ang lalaki. Mukha itong modelo sa casual na suot nito. Ngingitian niya na sana ito pero hindi sa kanya nakatuon ang mga mata ni Zian. Nakatingin ito kay Heather na katabi niya.Si Heather naman ay dahan-dahang bumitiw sa pagkakahawak sa braso niya. Nilingon niya ang babae. Nakita niyang nakatingin din ito kay Zian.Napalunok siya sa nasaksihan. Nang ibaling niya ang tingin sa kabila ay ang mukha naman ni Paula ang sumalubong sa kanya.Hindi nito itinago ang nang-uuyam nitong ngiti sa kanya dahil hindi rin nakaila sa babae ang makahulugang tinginan ng dalawang dating magkarelasyon."Why not make an excuse, Jenna? Mas masasaktan ka if sasabay ka pa ring mag-lunch sa kanila. I can be a friend just for today at sasabayan kitang mag-lunch at hayaan natin silang dalawa." Inilapit pa ni Paula ang bibig sa teng
Ang malaking ngiti sa mukha ng anak ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto ng condo. Inilibot nito ang tingin sa tabi niya at sumilip pa sa likod niya.Nang ma-realize na wala nga ang hinahanap nito ay saka lang unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Xavier."Mom, where's Dad? He said he's going to come here together with you."Ito na nga ba ang kinakatakutan niya, ang ma-disappoint ang anak at umasa na sa panahong ilalaan ni Zian dito bilang ama nito.Okay lang sana kung siya lang ang sobrang maaapektuhan pero ang makitang pati ang anak niya--Pinigilan niyang maiyak at pinilit ang sarili na ngumiti."Actually, we were on our way here, but there was an emergency. Your dad needs to take care of it first." Niyuko pa niya ang anak saka hinawakan ito sa magkabilang balikat."Is Dad okay?" Napalitan ng pag-aalala ang kanina'y dismayadong mukha ng anak."Yeah, he is. It was something at work."Muling umaliwalas ang mukha ni Xavier nang masigurong okay lang ang ama nito."Wel
Masayang kumakain ang dalawa habang tahimik na inoobserbahan niya si Zian.Anong oras kaya ito umalis ng clinic kasama si Heather? Hinatid ba nito ang babae sa bahay nito or kung saan man ito tumutuloy sa ngayon?Napag-usapan kaya ng mga ito kung paanong nagkaroon ng anak si Zian sa kanya? Or sinabi kaya nito kay Heather ang totoo?Ang dami niyang gustong itanong kay Zian pero alam niyang wala siyang karapatang tanungin ito tungkol sa estado ngayon ng relasyon nito at ni Heather.Mas dapat yata niyang linawin ang tungkol sa kanila. Bigla niyang itinuon sa pagkain ang mga mata nang akmang titingin si Zian sa kanya."Bakit parang hindi mo nagagalaw ang pagkain mo?" Tanong nito nang mapansing marami pang pagkain sa plato niya."Ahm, busog ako. Kanina kasi habang nagluluto ako, eh, tinikman ko na rin konti," pagsisinungaling niya."Kumusta si Heather?" Hindi na niya napigilan ang sariling itanong iyon."She's okay now. Ang sabi ko nga, eh, huwag siyang masyadong mag-diet. Iyon lagi ang pi
ZIAN'S POVBinasa niya uli ang text galing kay Heather.If you won't meet me now, Zian, I'm afraid I will need to get the details directly from Jenna.Ayaw man niyang umalis dahil nasabi na niya kay Xavier at Jenna na do'n siya matutulog ay wala naman siyang choice.Kilala niya si Heather at gagawin talaga nito iyon kapag hindi niya ito pupuntahan sa hotel na tinutuluyan nito.Ayaw niyang pati si Xavier ay malito na nang tuluyan kapag pupuntahan nga ni Heather si Jenna sa condo nito.Huminga muna siya nang malalim bago bumaba sa kotse niya.Ang namumugtong mga mata ni Heather ang bumungad sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Pumasok na siya nang iawang nito ang pinto para sa kanya.Ang pinakamalaki at pinakamahal na kwarto ang kinuha nila para kay Heather. May mini sala ito kaya't do'n na siya dumiretso.Ang kompanya ang magbabayad no'n hanggang sa matapos ang fashion gala event nito.Ayaw daw kasi nitong umuwi sa bahay nila dahil maaalala lang nito ang amang namatay. "What is
Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Heather kapag tatanungin siya nito tungkol kay Xavier. Hindi naman kasi sila nakapag-usap ni Zian kagabi dahil bigla itong umalis pagkatapos nitong makatanggap ng isang text.Dapat nga ay napanatag ang loob niya nang umalis ito dahil alam niyang hindi niya na naman ito matatanggihan kung sakaling natuloy nga ang pagtulog nito do'n.Papasok na siya sa production room para tingnan ang sinimulan nang gawin ng production team.Nagulat pa siya nang makita si Heather na kausap ang head ng production team na si Gina. Patango-tango naman ang medyo may edad nang head ng production. Seryosong-seryoso ang mukha ng modelo habang parang nagbibigay ng instructions sa babae.Nang mapalingon si Heather sa kanya ay huli na para ibaling niya sa ibang direksiyon ang mga mata. Bigla itong ngumiti sa kanya na para bang hindi ito hinimatay kahapon nang malamang may anak si Zian sa kanya."Good morning, Jenna!" Ang sigla ng pagbati nito sa kanya na hindi niya inaasa
Tatlong araw na wala siyang narinig mula kay Zian. Hindi na nga ito pumapasok sa Glamour Fashion. Wala pa rin namang inaanunsiyong papalit dito.Iniiwasan niyang isipin ito. Mabuti na lang at lagi siyang busy sa trabaho dahil sa nalalapit na gala night. Pero tuwing gabi ay hindi niya maiwasang isipin ito gaya na lang nang gabing iyon.Ni hindi nito sinabi sa kanya na hindi na ito papasok ng opisina. Kung hindi pa niya nalaman mula sa lola nito ay blangko siya sa mga plano nito sa buhay.Si Xavier naman ay hindi nagtatanong dahil nakausap na ito ni Zian bago pa man hindi na nagparamdam ang lalaki sa kanya pero kay Xavier, alam niyang lagi itong nag-uupdate.Sino nga ba naman siya para i-update nito?Nasa gano'n siyang pagmumuni habang nakahiga sa kama nang biglang tumunog ang phone niya. Tinatamad na kinuha niya ang phone at agad din namang napaupo sa kama nang makita sa screen kung sino ang tumatawag.Huminga muna siya nang malalim bago sinagot iyon."Hello," walang emosyong sagot niy
Pinakiusapan niya si Patrick na kung pwede ay pagkatapos ng schedule ng practice ni Heather ang schedule niya. Sinabi niya lang sa kaibigan na hindi niya maiwasang mailang sa presensiya ni Heather knowing na muntik na rin itong ikasal kay Zian. Nilinaw rin naman niya kay Patrick na maayos ang pakikitungo ng model sa kanya at siya ang lang ang nakakaramdam ng pagkailang. Mabuti at naayos nito ang schedule niya sa runway coach dahil ang sabi ni Patrick ay hindi rin alam ng kompanya na may spotlight siya bilang designer sa gala night. Gusto nitong maging special intermission iyon sa lahat ng mga dadalo. Kahit pa nga ang mga modelong kasali pati na si Heather ay hindi alam iyon. Kaya ang ginawa ni Patrick ay kumuha ng ibang coach para sa kanya at isang oras kada matapos ang work hours niya ang schedule ng practice niya sa runway stage. Laking pasasalamat niya sa kaibigan. Nagtaka naman siya nang sa unang araw ng practice ay siya lang at ang fashion coach niya ang ando'n. Akala niya k
Hindi pa man niya naipasok ang susi sa door knob ay agad nang bumukas ang pinto ng condo niya.Sumalubong agad ang nakakunot-noong si Zian habang karga si Xavier."Uncle Pat!" Masayang bati ni Xavier nang makitang si Patrick sa tabi niya."Wow! You've grown so much pero nagpapakarga ka pa rin," nakangiting sabi ni Patrick.Mabilis na bumaba si Xavier sa pagkakakarga ni Zian. "Nope, I'm a grown up now, Uncle Pat. Daddy, just missed me so much," agad na depensa ni Xavier.Natawa naman si Patrick sa tinuran ng anak. Sila ni Zian naman ay tahimik lang na nagpapakiramdaman. Ilang araw nga ba naman silang hindi nagkita. Napansin niya agad ang mumunting bigote nitong nagsimula nang tumubo.Parang ilang araw itong hindi nakapag-shave or sinadya nito iyon. Ewan niya."I got you gifts, Xavier." Itinaas pa ni Patrick ang dalawang malalaking plastic bags na dala."Oh, thank you, Uncle!" Papasok na sana siya pero nakaharang sa may pinto ang malaking katawan ni Zian na parang walang balak umali
Nag-uusap sila ni Patrick sa naka-schedule na meeting sa prospect clients nila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zian.Napakunot-noo siya nang makita ang lalaki roon."Didn't you receive the schedule I sent you, Patrick? You are expected to be in the meeting an hour from now." Diretsong si Patrick ang kinausap nito habang papalapit sa kanila."What meeting? The first meeting is at lunchtime," nagtatakang sabi ni Patrick bago tiningnang muli ang schedule sa laptop. Tatawagan sana nito ang bagong hire na secretary nito nang nagsalitang muli si Zian."I'm referring to AXA Steel Company. From now on you will temporarily manage AXA." Nagulat pa siya nang lumapit si Zian sa kanya at yumuko para halikan siya sa labi nang mabilis."Morning, babe," bati nito na parang normal lang ang ginawa nito.Tumikhim si Patrick nang makita ang paghalik ni Zian sa kanya. Hindi naman siya nakaimik sa kabiglaan."So you're back here in Glamour?" Tanong ni Patrick."Yes. Go now at baka ma-late ka p
Hinila siya ni Zian pabalik sa mesa. Naramdaman na lang niyang umangat ang katawan niya nang kargahin siya ni Zian para mapaupo sa itaas ng mahabang mesa sa kusina.Dahil wala na siyang ibang saplot ay ramdam niya agad ang malamig na marmol na mesa nang lumapat ang puwet niya do'n.Agad namang napalitan ng init iyon nang maramdaman ang bibig ni Zian sa leeg niya. Dinidilaan siya nito pababa hanggang sa dumako ang mainit na mga labi nito sa isang dibdib niya. Malayang pinaglaruan ng dila nito ang naninigas na niyang utong habang ang isang kamay ay lumalamas sa isa pa niyang dibdib.Napadaing siya habang napapatingala habang ginugulo na ng mga daliri niya ang buhok ni Zian.Isinubo nito ang isang nipple niya at sinisipsip iyon habang lumipat na ang isang kamay nito sa singit niya. Awtomatikong naghiwalay ang mga hita niya upang bigyang daan ang isang kamay nito sa paglakbay papunta sa kaselanan niya.Hindi na niya napigilan ang malakas na ungol na kumawala sa bibig niya nang masuyong di
Inis na pumiksi siya. "You don't own me, Zian! Huwag mo akong pakialaman kung in love pa rin ako sa isang gago. Dahil pa rin ba ito sa lintek na "utang na loob" na iyan? Please lang! Once na bumalik kami ng UK, tantanan ninyo na kami ng anak ko. Huwag ninyo nang ipagpilitang bayaran ang utang na loob ninyo sa ina ko dahil mas ginugulo ninyo lang ang buhay namin ng anak ko." Pagkasabi no'n ay nagmamadaling umalis na siya sa harap nito."What? Babalik kayo ng UK?" Iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Zian sa lahat ng sinabi niya.Napatigil siya sa paglakad at nilingon ito."Yes.""Kasama ang ama ni Xavier?" Napatiim-bagang ito nang itanong iyon."Yes." Mabilis na tugon niya.Biglang nakita niya ang galit sa mukha nito habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya."Don't make a fool of yourself, Jenna. Bakit mo babalikan ang taong inabandona kayo nang ilang taon?" Mahina man ang pagkakasabi no'n ay dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito, ngunit hindi siya natinag. Bagkus a
Katatapos lang niyang mag-shower. Napatingin siya sa ibinigay na damit ni Zian na nasa ibabaw ng kama.Isang malaking shirt at boxers iyon na pag-aari nito. Kahit kakaligo lang niya ay nag-init ang pakiramdam niya sa isiping ang damit nito mismo ang susuotin niya.May kung anong intimate feeling kasi na binibigay iyon. Kinuha niya ang white shirt nito saka inamoy muna. Ang bango ng damit nito.Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng towel na nakatapis sa katawan niya at hinayaan lang iyong bastang mahulog sa sahig.Sinuot niya ang shirt na hawak. Sumunod ay ang boxers ng lalaki. Natawa pa siya dahil maluwang iyon. May nakita siyang rubberband at itinali ang gilid ng boxers para huwag mahulog.Pinulot niya ang towel saka isinampay iyon sa loob ng banyo. Nang lumabas uli ng banyo ay dumiretso siya sa kabinet na may malaking salamin. Tiningnan niya ang sarili habang suot ang damit ni Zian.Napangiti siya pero nang maalala ang tagpong nakita kanina sa parking lot ay bigla ring nawala ang ngiti
"I said we should stop this. We can just tell them that we decided to cancel the wedding 'cause we broke up. Let's just let them assume that we had a misunderstanding because of Heather, your ex-fiancee," nagtuloy-tuloy na ang bibig niya. Huli na para bawiin niya ang sinabi. Ilang segundo itong hindi umimik at dama niya ang pagtitig nito sa kanya kahit nanatili lang ang mga mata niya sa harap ng sasakyan. Hindi pa rin nito pinaandar iyon. "So this is about Heather?" Maya-maya ay tanong nito na mas kumalma na ang boses. Ewan niya kung imagination lang niya ang nahimigan niyang amusement sa boses nito. Bigla siyang napatingin dito. Di nga siya nagkakamali dahil may amusement siyang nakita sa mga mata nito. "Of course not! What I mean is, hayaan na natin silang mag-speculate na baka iyon ang rason bakit nagkahiwalay tayo. Baka pwede na rin nilang i-connect ang pag-alis mo sa kompanya sa pag-aaway natin kaya't magandang timing na tapusin natin itong pagkukunwari natin-" "Were you
Pagkatapos ng event ay may malaking after party sa same venue. Kung ano ang suot niyang gown sa designer's walk niya ay iyon na ang suot niya hanggang sa party dahil wala na siyang panahong magbihis ulit.Dinumog na siya ng mga dumalo sa event na iyon para i-congratulate. Ilang sikat na designers ang kusang nagpakilala sa kanya sa party. Si Zian ay hinayaan siyang makahalubilo ang mga bisitang namangha sa mga gawa niya. Kasama nito ang pamilya niya sa isang mesa."Jenna, that was a surprise! You looked so amazing with your designs. I don't know what happened, but I'm so glad you were the one who modeled your works," masayang bati ni Patrick sa kanya."Thanks, Patrick. It was a sudden decision we need to make. I'll tell you everything once we have the time." Iyon lang ang sinabi niya dahil kahit ito ay kailangang harapin ang iba pang kliyente. May mga pinakilala rin ito nang personal sa kanya na interesado sa mga gawa niya.Nang mapatingin siya sa direksiyon ni Zian ay kausap din nito
Nakataas ang kilay niya habang papasok sa isang maliit na cafe. Pagkatapos nitong hindi makontak at hindi nagpakita nang matagal ay basta na lang nag-text si Chelsea na makikipagkita sa kanya sa isang cheap na lugar.Iniwan na ba ito ng sugar daddy nitong mayaman na hindi man lang niya nakita? Plano na naman ba nitong mangutang sa kanya?Mas lalong tumaas ang isang kilay niya sa naisip. Agad na inilibot niya ang mga mata sa loob ng maliit na lugar. Agad na nakita niya ang babaeng nakasalamin pa sa mata kaya't di makikita ang mga mata nito.Mabilis niya namang nakilala agad si Chelsea kaya't lumapit na siya sa kinauupuan nito."Why here? Why can't we go somewhere else?" Parang nandidiring sabi ni Amanda nang makaupo sa harap ni Chelsea."Wala bang nakasunod sa'yo?" Palinga-linga pa si Chelsea sa likod niya habang hindi inaalis ang salamin sa mga mata."Are you a wanted person, girl?" Natatawang tanong niya dahil sa inakto ng babae.Nang makitang wala ngang nakasunod ay saka hinubad ni
Habang inaayusan siya ng makeup artist na kasama sa team ni Gina ay hindi rin niya inaalis ang mga mata sa malaking TV kung saan ay nakikita niyang rumarampa na si Heather. Suot nito ang isa sa mga designs ni Paula.Parang gusto niyang umatras sa gagawin. Nakaka-intimidate ang paglakad ni HeatherSiyempre dahil professional model iyan at international pa! Komento ng utak niya.Pinagsalikop niya ang nanlalamig na mga kamay dahil pagkatapos ng mga designs ni Paula ay designs na niya ang susunod, na siya mismo ang magsusuot at rarampa sa stage.Hindi kaya siya magkalat sa runway? Baka mas magiging kahiya-hiya ang gagawin niya?"Jenna, you'll be fine. Nakita kita habang nagpa-practice ka kaya't alam kong kaya mo ito. Isipin mong magiging sampal ito kay Heather sa plano niyang sabotahe sa'yo," mahinang bulong ni Gina na hinawakan pa ang dalawang kamay niya.Napansin yata nito ang pagkabahala niya habang nakatutok sa screen. Medyo nakatulong ang sinabi nito kaya't napatingin siya sa babae a
Daig pa yata niya ang mga modelong rarampa sa gabing iyon. Ilang araw na iyong kaba na nararamdaman niya. Kabado siya na excited na ewan.Dadalo sa gala event ang ama niya pati na si Zenaida. Alam niyang napipilitan lang ang madrasta niya dahil kailangan nitong samahan ang asawa nito.Nasa backstage siya kasama ang mga designers, makeup artists at iba pang mga modelong kasali sa event.Bibigyan sana siya ni Patrick ng sariling dressing room pero tumanggi siya dahil alam niyang mas kakabahan siya kapag walang ibang nakikita. Isa pa, ilang minuto lang naman na pagrampa ang gagawin niya at nasa last part pa iyon.Si Heather ay alam niyang may sariling dressing roon kaya't hindi niya nakikita ang modelo.May malaking TV sa kinaroroonan nila kaya't makikita ang mismong stage sa event na iyon.Lumabas muna siya para salubungin ang Papa niya at ang anak dahil kadarating lang daw ng mga ito.Naka-casual dress lang muna siya at mamaya pa niya susuotin ang napiling damit para sa designer's walk