REGAL WRIGHT'S POV: "I can't believe she did this to your daughter, Zink. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang ginawa ni Nerissa. She told me that your company is in a brink of bankcruptcy," Hindi ko maiwasang manggigil sa kopita na hawak ko habang magkaharap kami ni Zink dito sa hardin ng aking bahay. Muntikan pa akong maging kabit ng asawa ng anak kung hindi sila nagpakita sa mismong araw ng kasal namin kahapon. Nerissa played her cards at me well, wala akong ideya na pinaglalaruan na pala ako at hindi ko alam na siya ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko. "Everything happens for a reason, Regal. I'm sorry kung nadamay ka sa kahibangan ng asawa ko dahil sa sobrang selos niya kay Calia na pati si Sinister ay idadamay niya. Ibabalik ko ang perang nakuha sa'yo ni Nerissa and we will fire her a case for what she have done. Napabayaan ko ang anak ko dahil akala ko ay titino na siya ngunit hindi pala. Pare-pareho lang niya tayong pinaikot sa kaniyang palad lalo na ang anak
REGAL'S POV: "Hindi mo man lang kami tinawag para makausap ang anak ko?" bakas sa boses ni Zink ang panghihinayang ngunit agad siyang binara ng anak ko. "Para namang mawawala ka na sa mundo, Tito? Aalagaan mo pa ang apo mo," Tuluyan nang napahalakhak si Zink at inakbayan ang anak ko. "You know what, you should talk to each other. Pupuntahan ko muna ang anak ko." Akmang pipigilan ko si Zink ngunit tinapik lang nito ang balikat ko at saka kami nilayasan na akala mo pagmamay-ari niya ang bahay na kaniyang nilalakaran. Naibaling ko na lamang ang atensyon ko sa aking anak na ngayon ay blangko lamang ang mukha at matamang nakatingin sa akin kaya napabuga na lamang ako ng hangin at nagsalita. "I'm sorry for everything, son. I failed as a father and a husband," "Your sorry won't change anything, Dad. Mom is gone and everything were messed up because of Tita Nerissa. Kung hindi ko nalamang agad ang lahat ng plano niya ay baka nagpakamatay na si Sinister dahil sa pagkasuklam niya lalo n
SINISTER'S POV:MABILIS lamang lumipas ang mga buwan at malaki na ang aking tyan. Muli akong nanirahan sa bahay ni Duane kasama si Minerva na siyang katiwala ni Mr. Wrights; ang Daddy ni Duane.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na muntikan akong maikasal sa ama ng magiging anak ko at mas may makaturungan naman kung si Duane ang magiging asawa ko ngunit ang ipinagtaka ko ay kung paano kaming naikasal gayong wala naman siyang pinapirmahan sa akin na mga dokumento."Good morning, my lady," yumakap ang braso ni Duane sa aking bewang habang tulala akong nakatitig sa kawalan. Nakaupo ako sa ibabaw ng kama at nasa tabi ko naman siya. Kagigising lang namin pero mas nauna ako."Good morning," ganting bati ko rito bago bumangon si Duane at hinalikan ang gilid ng aking ulo."Gutom na ba ang baby?" panglalambing nito habang hinahaplos ang tyan ko.He's always like this every time he wakes up. Babatiin ako ng una bago ang anak namin na nasa sinapupunan ko
SINISTER'S POV:Habol ang sarili naming hininga, marahang inilapag ni Duty ang aking paa at muntikan pa akong mabuwal dahil sa panghihina kung hindi ako nito nayakap agad."We should finish our bath before I could do anything you don't like. Mahaba pa ang araw natin at baka tuluyan na tayong hindi lumabas ng kwarto,"Natawa ako sa kaniyang tinuran kaya naman tinanguhan ko na lamang ito at saka kami nagpatuloy sa pagligo.Bago umalis si Daddy pabalik ng Amerika ay nagkausap kaming dalawa at pinaliwanag nila sa akin ang relasyon niya kay Mr. Wrights. Sabi niya ay matalik na kaibigan niya ang Daddy ni Duty ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila dahil kay Tita Calia.Both of them fell in love with Calia but Dad let Mr. Wrights to be with Tita Calia dahil buntis na si Mommy non at itinakda silang ipakasal na dalawa at ako ang bunga ng sapilitang kasalan sa pagitan ng Mommy at Daddy ko.Hindi ko inaasahan na mayroon palang history ang Daddy ko at ang
SINISTER'S POV:Tulad ng napag-usapan namin ni Duty, pumunta kami ng HuPoFEL dahil namiss ko si Saviel, Sinji at Kastiel ngunit pagdating namin ay wala si Kastiel dahil nasa isang misyon raw ito kasama ang asawang si Reiden Grei Montenegro. Hindi ko aakalain na bigating tao ang asawa ni Kastiel at hindi ko rin inaasahan na makikita si Ernaline at Celine sa loob ng HuPoFEL. Both of them are famous singer and a model."Kumusta naman ang buntis?" usisa ni Sav sa akin nang dalhin ako ni Duty sa cafeteria ng kanilang building at nagulat pa ako dahil nasa gitna pala sila ng gubat naninirahan."Buntis pa rin, ikaw ba kailan ka magkakaroon ng label?"Napangiwi si Sav sa akin tinuran at saka ito tumabi sa akin at napapagitnaan nila akong dalawa ni Sinji habang si Duty ay agad na hinila ng mga lalaki na narito sa cafeteria."Naku, Sinister, huwag ka nang umasa sa label ng Kuya ko at ni Sav kasi mas malabo pa sa kanal ang inaasahan mo. Kami nga
SINISTER'S POV:Matapos naming kumain ay sinamahan ako ni Sinji at Saviel patungo sa opisina ni Luther at nadatnan namin itong abala sa kaniyang mesa habang may binabasang dokumento.“Hi, Kuya,” magiliw na bati ni Sinji sa kaniyang kapatid at saka ito walang atubiling naupo sa ibabaw ng mesa na akala mo ay walang ginagawa ang kaniyang Kuya.“What do you want, Sinji?” bagot na wika ni Luther nang hindi man lang umaangat ang paningin nito sa amin.“Itatanong lang namin kung papayagan mo si Sinister na makausap ang mommy niya?” umangat ang mukha ni Luther at nagtama ang mga mata naming dalawa bago bumalik ang atensyon nito sa kaniyang binabasa.“She’s in the dungeon if you wanna see her. You can do whatever you like. Sinji and Hyuga will accompany you there.”“Okay lang ba napuntahan ko siya?” alanganin tanong ko dahil natatakot ako sa awra ni Luther. Hindi ko alam
SINISTER'S POV:PUMASOK ako sa loob ng kwarto kung saan naroon ang Mommy ko at nakuha ko agad ang atensyon nito nang isara ko ang pinto mula sa aking likuran. Napatingin pa ako sa bintana kung saan naroon si Sinji at Saviel ngunit hindi ko nga maaninag ang bulto nilang dalawa.Isang buntong-hininga ang binitawan ko bago ako naglakas loob na lumapit kay Mommy at seryosong mukha ang ibinungad nito sa akin."Anong ginagawa mo rito?" aniya na tila wala man lang bakas ng pagsisisi sa kaniyang boses dahil sa sitwasyon na sinapit ko mula sa kaniyang kamay."Is that how you treat me as your daughter, Mom? Nandito ako para kumustahin kayo at itatanong ko na rin kung bakit niyo nagawang ibenta ako kay Mr. Wrights na ama ni Duty?"Tumingala si Mommy sa akin at nanatiling matapang ang mukha nito."Like what your father said, I just did that to get my revenge. Si Calia na lang palagi ang bukambibig nila pati ang Daddy mo na walang kwenta."Bawat salitang binibita
SINISTER'S POV:"HOW'S your conversation with your Mom?* salubong sa amin ni Luther nang makalabas kami mula sa elevator at mukhang kakabangon lang nito mula sa kaniyang swivel chair kaya naman hinarap ko si Luther at tinapik ko ang balikat ni Duty para ibaba ako ngunit hindi nito ginawa kaya hinayaan ko na lang."Negative. She don't want to talk to me anymore at mukhang lalong tumapang si Mommy. Ang sama ng loob ko sa totoo lang."Inabot ni Luther ang ulo ko at ginulo ng marahan ang aking buhok. "If your Mom can't love you. We are here to fill the love in your heart. If you are feeling too heavy, HuPoFEL's door is open for you."Napangiti ako sa sinabi ni Luther at saka ako tumango rito bago ko pinilit na bumaba mula sa pagkakabuhat ni Duty na agad naman nitong ginawa kaya muli kong hinarap si Luther."Pwede ba kitang yakapin?" tanong ko kay Luther ngunit hindi ito nagsalita, bagkus, ibinuka lamang nito ang kaniyang braso kaya naman itinapon ko ang sarili k
SINISTER'S POV: "Kaya mo pa, Sinister?" usisa sa akin ni Saviel nang makasakay kami kay Homare at alam kong namumutla na ako. "H-Huwag mo akong kausapin!" "Hmp! Sungit nito. Kami na nga ang bahala sa anak mo at baka mahimatay ka bigla." Inirapan ko si Saviel at mahigpit ang pagkakakapit ko sa gilid ng upuan kahit na hindi pa man umaandar ay nahihilo na ako. Sa kamalas-malasan ay si Homare lang talaga ang tanging sasakyan namin pauwi ng Pilipinas. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng upuan ng unti-unti nang umaangat si Homare at mariin akong napapikit at sa pagmulat ko ng aking mata, nasa rooftop na kami ng HuPoFEL. Agad akong naghalungkat ng plastic sa compartment at gaya ng dati, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. "Ang weak mo talaga kahit kailan, Sinister. Kailan ka ba magbabago?" rinig kong sambit ni Saviel sa akin habang karga si Sin'ceré habang si Deiven ay na kay Sinji. Nang mahimasmasan ako, agad kong tiningala si Saviel na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko at
SINISTER'S POV: Hindi magkandaugaga si Saviel at Sinji sa pag-aasikaso sa kambal dahil ngayong araw ay uuwi na kami sa Pilipinas matapos ang limang taon na pagtatago ko mula kay Duty. "Bakit ba aligaga kayong dalawa?" hindi ko mapigilang magtanong dahil kanina pa sila paroo't-parito sa harapan ko habang umiinom ako ng kape sa hawak kong tasa rito sa sala ng hotel room na siyang tinutuluyan namin. Huminto si Saviel at Sinji at sabay silang napatingin sa akin. "Dapat ba mahinhing kilos lang?" takang tanong ni Saviel sa akin dahilan para masapo ko ang aking noo at ilapag sa coffee table ang hawak kong tasa at saka pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Mukha kayong sasabak sa isang dilubyo dahil dyan sa ginagawa niyo, pwede bang kumalma naman kayo?" Umupo si Sinji sa tabi ko, "oo nga naman mars. Bakit ba tayo nangangarag kung uuwi lang tayo sa Pinas?" Umangat ang isang kilay ni Saviel sa amin at saka ito pumamewang. "Hoy! Baka nakakalimutan mong iniwan mo ang mga
DUANE TYRON'S POV: "HOY! WALA ka bang balak na pumunta sa VIP room at doon magpakalunod ng alak?" sita sa akin ni Thunder nang hindi ako gumagalaw mula sa pangangalumbaba ko sa loob ng bar counter kahit na may mga customer na at si Thunder ang tumayong bar tender ngayong gabi. "Wala, kaya huwah mo akong pansinin at magtrabaho ka na lang!" balik na singhal ko rito kaya napakamot na lang si Thunder sa kaniyang batok. "Hirap sa inyong mga broken ginagawa niyong kanlungan ang alak. Bakit hindi kayo maghanap ng babae!? Ang hihina niyo!" rinig ko pang bulong nito habang inaasikaso ang isang customer. "Kung sabihin ko kaya sa asawa mo na may kabit ka?" Marahas na napalingon si Thunder sa akin at inambahan ako ng suntok. "H-Hoy, wala kang narinig at huwag mong sasabihin sa asawa ko ang tungkol doon. Busy siya sa e-sports no!" "Buti pinapayagan pa ang asawa mo na maglaro? Pinikot mo lang yata si Fumiko para patulan ka." Ngumiwi ito sa akin at ni-head lock ako bigla ngunit kahit anong g
~ FIVE YEARS LATER ~ DUANE TYRON'S POV: "HOW many times do I have to tell you that you need to revise this report!?" sigaw ko sa aking sekretarya dahil araw-araw na lang ay puro palpak na report ang binibigay nito sa akin na pati schedule ko ay hindi niya magawang ayusin. "I-I'm sorry Sir, I will work on that." "Get out before I fired you!" Kinuha nito ang folder na ibinagsak ko sa aking mesa kanina at saka ito nakayukong kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko. Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko at hinilot ang aking sintido. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko mula nang umalis si Sinister sa HuPoFEL. Tinanong ko si Luther Aqueros kung na saan ang asawa ko ngunit wala itong ideya. Nagising na lang daw isang araw si Doc Gun at nang bibisitahin nito si Sinister at ang mga bata ay wala na ang mga ito. Kahit sa CCTV ng building ay walang nakuha kahit isang footage at hanggang sa lumipas ang limang taon na wala akong balita sa mag-ina ko. Limang taon. Limang taong nag
SINISTER'S POV: SAPO ang aking bibig upang pigilan ang napipintong pagsusuka ko, hinalungkat ko ang compartment na nasa harapan ko gamit ang libre kong kamay at nang makakuha ako ng plastic ay doon ko nilabas ang sama ng loob ko dahil sa mabilisang byahe mula Pinas hanggang Hawaii nang lumapag si Homare sa rooftop ng hindi ko kilalang building at mukhang pagmamay-ari ito ng Bloodfist. "Ano ba yan Sinister!? Ilang beses ka nang nakasakay kay Homare, nahihilo ka pa rin?" Hindi ko magawang barahin si Sinji dahil abala ako sa pagsusuka. Sinong tanga ang masasanay sa ganito kabilis na sasakyang panghimpapawid kung sa land transportation pa nga lang bawal na ang high speed? Buti sana kung katulad nila ako na malakas ang resistensya na dumaan sa iba't-ibang training lalo na't delikado ang kanilang trabaho. "Hayaan mo na mars. Kapag broken kailangang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagsusuka." "Ay sabagay. Pag lasing nga tayo kailangang walang hungover para hindi tayo magsabi n
SINISTER'S POV: Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manganak ako at sa loob ng nakalipas na mga araw ay mas pinili kong palakasin ang katawan ko dahil aalis ako sa lugar na ito na malayo sa kung na saan si Duty. Akala ko ay mahal niya ako ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang pag-uusap nilang dalawa ni Luther. Hindi ko aakalain na papaikotin lang ako ni Duty sa mga kamay niya para makapaghiganti sa nanay ko at ginamit niya lang ako para punan ang hustisya na gusto niyang makuha para kay Tita Calia. Minsan napapaisip na lang ako kung ano pa ba ang purpose ko rito sa mundo at kung bakit nadadamay ako sa problema ng ibang tao? I just wanted to live my life in peace but those people around me didn't let me. Gusto kong sumbatan, saktan at awayin si Duty ngunit para saan pa? Magsasayang lang ako ng oras at panahon kung aawayin ko lang siya lalo na't inanakan niya lang naman ako at ang kambal namin ang siyang naging bunga ng isang gabing pagkakamali. Akala ko kasi ay si Duty n
DUANE TYRON'S POV:MABILIS kaming nakauwi nina Sinji at Saviel at agad akong nagpagamot kay Gun upang hindi mahalata ni Sinister na may ginawa ako. Ayoko namang humarap sa kaniya na may bangas sa mukha dahil sayang ang kagwapuhan ko kung puro sugat at pasa mula sa huling laban na ginawa ko.Kasalukuyan na akong nasa kwarto ni Sinister at nadatnan ko si Aqueros doon habang natutulog si Sinister samantalang ang kambal ay nasa incubator na nasa loob nitong kwarto na kanilang kinaroroonan."What brought you here?" lumapit ako sa kama ni Sinister at naupo sa mono block na nasa tabi nito habang si Aqueros ay nasa sofa at nagbabasa ng libro na gawa ni Saviel. Please Me, Master pa nga ang titulo at hindi ko aakalain na mahilig si Aqueros sa ganoong libro."Killing some time. How's your work?" aniya nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko dahil nanatiling nakatutok ang mata nito sa libro."Psh, Sinji ends Buenavidez life and I don't know why he's interested with Sinister,""You don't even lo
DUANE TYRON'S POV:Pagkarating namin sa ikalawang palapag kung saan naroon si Buenavidez, pinagbuksan kami ng pinto at nadatnan namin ang matanda na nakatingin pa rin sa kaganapan sa ibaba."They said you want to talk with me?" pasalampak akong naupo sa sofa kahit na hindi ako pinahintulotan na maupo. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam habang si Sinji at Saviel ay nakatayo sa likuran ko."I saw your fight and I must say you're the one I am looking for," ani nito nang hindi man lang nililingon ang gawi naming tatlo. Nanatili itong nakatingin sa ibaba habang ang mga kamay nito ay magkasalikop sa kaniyang likuran."For what?"Humarap sa amin si Buenavidez at lumapit sa coffee table at inilapag sa harapan ko ang isang maliit na envelope kaya napatingin ako rito."What's this?""See it for yourself,"Naningkit ang mga mata ko at hinablot mula sa mesa ang maliit na envelope na nilapag niya at tinignan ang laman niyon ngunit halos mawalan ako nang kaluluwa nang makita litrato ng asaw
DUANE TYRON'S POV: Napangiwi ako nang bumagsak ang lalaki sa lapag ng ring at halos hindi na ito makagalaw dahilan para magsigawan ang mga manunuod. Tila nakakabingi ang mga sigawan na iyon at pakiramdam ko ay nasa impyerno na ako. "Maghanda ka na Fullentes," tapik sa akin ni Sinji nang ilabas mula sa ring ang lalaking wala nang malay kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat sa loob ng arena at harapin ang taong mas doble pa ang laki ng katawan sa akin. Sa mundo ng fist fight, kung sino ang unang bumagsak ay siyang talo at kung sino ang mananatiling nakatayo ay siyang magpapatuloy sa laban kahit na pagod na pagod ka na hanggat hindi mo maririnig ang tunog ng bell ay hindi ka pwedeng sumuko. Ngumisi sa akin ang lalaking makakalaban ko ngunit tinignan ko lamang ito ng pailalim at sa isang hudyat ng referee, lumusob ito sa akin at inundayan ako ng suntok sa mukha ngunit naka-iwas ako agad at inundayan ito ng suntok sa kaniyang laghukan dahilan para mapaluhod ito sa sakit. Wala