NEO'S POVNapagpasyahan namin ni Abby na muling magbalik ng bansa at dito na muling manirahan.Matapos ang limang taong pananatili namin sa Sweden masasabi kong buo na ulit ang pagkatao ko.Handa na rin akong harapin ang babaeng naging dahilan ng pagkawasak ko.Dumiretso kami sa mall na pag-aari ko upang makapamili ng ilang damit ngunit hindi ko inaasahan ang pangyayari.Nagpunta si Shin. Nagawa pa nyang lumuhod para lang kausapin ko sya pero naging matigas ako.Ano pa bang dahilan bakit nya pa ako gustong makausap?Ano ang tungkol sa ipapaliwanag nya na kailangan kong malaman?Yan ang mga tanong ko sa pangyayaring naganap kahapon."Babe are you okay?" tanong ni Abby sa akin."Yeah. I'm fine. Naninibago lang ako" malamig na wika ko.Nagtungo ako sa banyo upang maligo.Pagkatapos kong maligo nagbihis na agad ako."Saan ka pupunta?" usisa ni Abby sa akin."Pupuntahan ko lang sila Ivan. Kanina pa nila ako kinukulit kailangan ko daw magpaliwanag" sagot ko kay Abby.Bakas sa mukha ni Abby
NEO'S POVI'm on my way to my office nang dumaan ako park. Nahagip ng paningin ko ang isang babae.Nakatalikod sya pero alam kong si Shin ito.Tumigil ako sa gilid ng kalsada hindi kalayuan sa kanya.Maya maya pa ay nakita kong tumayo sya at sinalubong si Clyde na may kasamang bata na masayang kumakain ng ice cream."May anak na pala sila" bulong ko sa sarili ko.May tumulong luha sa pisngi na na biglang tumulo at agad ko namang pinahid.Hinalikan ni Clyde si Shin sa pisngi at ganoon din ang ginawa ng bata.Nakita ko ang matamis nyang pagngiti.Hindi ko alam kung bakit ko sila pinapanuod.Maybe I was thinking na dapat ako yung nasa posisyon ni Clyde.Yeah. Siguro kung ako lang ang pinili ni Shin ganyan din kami kasaya o baka higit pa.Kalahating oras na ang lumipas, hindi pa rin ako umaalis. Gusto ko lang makita ulit ang mukha ni Shin na nakangiti. Mas okay sana kung ako ang dahilan ng pagngiti nya.Inaamin ko na hindi pa nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Umaasa pa rin ako na sana
SHIN'S POV"Bilisan nyo ! Isakay nyo sila sasakyan!" sigaw ng isang lalaki at pwersahan akong nilabas sa kotse ko."Ano ba bitawan nyo ako!!! Nico anak!!!!". sigaw ko habang nagpupumiglas sa kamay ng lalaki.Isang panyo ang tumakip sa ilong ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.------"Mommy wake up please. Mommy" umiiyak na wika ni Nico sa akin.Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.Hindi pamilyar ang lugar na ito.Bahagya akong napangiwi sa sakit ng ulo ko.Nakatali ang paa at kamay ko gayundin si Nico."Mommy nasaan po tayo??" tanong ng anak ko.Doon ko lang napagtanto ang pangyayari.Pauwi na kami kanina nang may humarang na itim na sasakyan. Pwersahan kaming dinukot at tinakpan ang mga ilong namin ng panyo na may pampatulog.Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Naka kulong kami sa isang silid. Sa tantya ko ay isa itong abandonado.Madaming vandal ang pader nito at walang mga gamit sa loob. "Ssshhhh. Tahan na anak. Gagawa ako ng paraan para makatakas tayo okay?" ani
CONTINUATION...."Hindi ba si Janvir Neo Dela Fuente ang leader nyo?! Bakit hindi nyo titigan ang mukha ng anak ko?!!" sigaw kong muli sa dalawang lalaki.Alam kong maguguluhan ang anak ko sa sasabihin ko pero wala na akong choice kundi sabihin ang totoo para mailigtas sya.Darating naman talaga ang oras na malalaman din ni Nico ang totoo tungkol sa tunay nyang ama."Ngayon sabihin nyo sa akin kung sino ang kamukha nya. Nais ba ng leader ninyo na ipahamak ang nag-iisa nyang anak!! Ang batang nasa harap nyo ay ang tanging tagapagmana ng ng lahat ng pag-aari ng Dela Fuente at ang magiging susunod na leader ng Dark Mercury Organization! " galit na tinig ko.Tila natigilan sila at matamang nakatitig lang sa mukha ni Nico. Hindi sila makapaniwala."Kanino ba galing ang misyon na ito Kurt? Hindi ba ikaw ang tinawagan?!!" tarantang wika ng naka blue shirt na urong sulong na sa paglalakad. "Ako nga ang tinawagan ni Abby pero iyon daw ang utos ng leader" paliwanag naman ng nagngangalang Kurt
NEO'S POVLabing limang minuto lang ang lumipas nang makarating kami sa abandonadong bahay.Dali daling bumaba ang bata at tumakbo papasok na sya namang sinusundan namin.Bakit ganoon ang pakiramdam ko sa bata?Sa tuwing titignan ko sya gumagaan ang pakiramdam ko.Hindi ko naman sya kaano ano pero nakakaramdam ako ng habag sa sinapit nila ng ina nya.Masyado pa syang bata para makaranas ng ganitong kalupitan."Bakit may problema ba?" tanong ni Caleb sa akin ng mapalingon sya.Doon ko lang din napansin na napahinto para ako sa paglalakad."Ah, wala naman" sagot ko kay Caleb at naglakad na para sabayan sya.Lumakad naman sya habang nakapamulsa pa at sumisipol sipol."Anong nangyayari sayo at pa chill chill ka lang dyan?" pagtataka ko sa kanya."Wala naman. Pakiramdam ko kasi may kakaibang mangyayari" ani nya at ngumiti na kita lahat ng ngipin.Napailing naman ako at nagtuloy lang sa paglalakad."Abby!!" sigaw ni Drake at narinig namin ang isang malakas na sampal.Napatakbo naman kami sa
NEO'S POV"Natanggal na ang bala sa katawan nya. Baka mamaya lang din susugod na si Seann dito." wika ni Caleb nang makapasok kami sa private room.Nakahiga sa magkaibang kama si Shin at ang anak nya. Pareho silang mahimbing na natutulog.Napalinga naman ako sa gawi ni Drake na nakaupo lang at hindi umiimik. Naka-cross arms lang sya habang pinagmamasdan si Shin.Ramdam ko pa rin ang galit nya kay Abby."Bro" ani ni Ivan kay Drake at tinapik ito sa balikat.Umusod naman ng bahagya si Drake para paupuin si Ivan."Neo made the decision. Kamatayan ang parusa ni Abby. I am hoping na hindi ka titiwalag sa grupo" mahinahong wika ni Ivan.Tinignan naman ako ni Drake bago nagsalita."Pag-iisipan ko" malamig na boses ni Drake at binaling ulit ang tingin kay Shin.Malaki talaga ang pag-aalala ni Drake kay Shin dahil sya ang kinilalang ina ng anak nya na si Jaleel. Tahimik akong lumapit sa gawi ng anak ni Shin at umupo sa gilid ng hospital bed. Hindi ko alam kung bakit kusa na lang lumakad ang m
SHIN'S POVNagising ako dahil sa malalakas na tawanan ng mga taong nandito sa loob ng private room.Napangiti ako dahil mukhang napagtitripan nila si Janvir ngayon.Bigla kong pinikit ang mata ko dahil lumingon sa gawi ko si Zach. Ayaw kong makita nya na gising na ako. Gusto ko pang marinig ang tuksuhan nila. Pinapakinggan ko lang ang usapan nila nang biglang nagsalita si Drake."Yang nararamdaman mo ngayon sa batang iyan ay naramdaman ko rin noon sa anak kong si Jaleel at yan ang tinatawag nilang......" ani ni Drake.Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya sumingit na ako. Ito na kasi ang nakikita kong pagkakataon para makausap si Neo. "Lukso ng dugo" nakangiting sagot ko sa kanila.Napalingon naman silang lahat sa akin ng magsalita ako.Nakita ko rin ang reaksyon ni Neo na hindi makapaniwala. Parang tumigil ang mundo nya sa salitang binitawan ko."Mommy you're awake" masayang wika ni Nico. Patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako.Lumapit naman sa akin si Zach para alalayan a
NEO'S POVNakalabas na ng ospital si Shin at sinama ko na sila dito sa mansion ko.Mas maigi na rin ito para mabantayan ko sila at makapagsimula kaming muli.Ang sarap pala sa pakiramdam ang maging daddy. Ngayon ay nauunawaan ko na si Drake.Wala na akong hihilingin pang iba ngayon dahil masaya na ako at buo na ang pamilya namin ni Shin.Nagpasalamat na rin ako kay Clyde dahil hindi nya iniwanan ang mag-ina ko.Bumalik na sya sa Cavite para ituloy ang mga negosyo nya doon. Maayos na rin ang gusot sa pagitan naming dalawa.Inoofer ko nga sa kanya na umanib sa organisasyon pero tinanggihan nya lang ito.Mas okay na raw iyon dahil malayo sa gulo.Hindi na rin tumiwalag sa grupo si Drake dahil kinausap na sya ni Shin tungkol kay Abby."Anong iniisip mo at nakangiti ka dyan?" ani ni Shin .Nandito ako sa pool area ng mansion. Pinagmamasdan ko lang ang buong paligid habang sinasariwa ang nangyari. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na panalo ako sa puso ng mahal ko."Wala naman . Masaya lan