SHIN'S POVNagising ako dahil sa malalakas na tawanan ng mga taong nandito sa loob ng private room.Napangiti ako dahil mukhang napagtitripan nila si Janvir ngayon.Bigla kong pinikit ang mata ko dahil lumingon sa gawi ko si Zach. Ayaw kong makita nya na gising na ako. Gusto ko pang marinig ang tuksuhan nila. Pinapakinggan ko lang ang usapan nila nang biglang nagsalita si Drake."Yang nararamdaman mo ngayon sa batang iyan ay naramdaman ko rin noon sa anak kong si Jaleel at yan ang tinatawag nilang......" ani ni Drake.Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya sumingit na ako. Ito na kasi ang nakikita kong pagkakataon para makausap si Neo. "Lukso ng dugo" nakangiting sagot ko sa kanila.Napalingon naman silang lahat sa akin ng magsalita ako.Nakita ko rin ang reaksyon ni Neo na hindi makapaniwala. Parang tumigil ang mundo nya sa salitang binitawan ko."Mommy you're awake" masayang wika ni Nico. Patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako.Lumapit naman sa akin si Zach para alalayan a
NEO'S POVNakalabas na ng ospital si Shin at sinama ko na sila dito sa mansion ko.Mas maigi na rin ito para mabantayan ko sila at makapagsimula kaming muli.Ang sarap pala sa pakiramdam ang maging daddy. Ngayon ay nauunawaan ko na si Drake.Wala na akong hihilingin pang iba ngayon dahil masaya na ako at buo na ang pamilya namin ni Shin.Nagpasalamat na rin ako kay Clyde dahil hindi nya iniwanan ang mag-ina ko.Bumalik na sya sa Cavite para ituloy ang mga negosyo nya doon. Maayos na rin ang gusot sa pagitan naming dalawa.Inoofer ko nga sa kanya na umanib sa organisasyon pero tinanggihan nya lang ito.Mas okay na raw iyon dahil malayo sa gulo.Hindi na rin tumiwalag sa grupo si Drake dahil kinausap na sya ni Shin tungkol kay Abby."Anong iniisip mo at nakangiti ka dyan?" ani ni Shin .Nandito ako sa pool area ng mansion. Pinagmamasdan ko lang ang buong paligid habang sinasariwa ang nangyari. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na panalo ako sa puso ng mahal ko."Wala naman . Masaya lan
NEO'S POVNapatulog ko na si Nico sa silid nya kaya bumalik na rin ako sa silid namin ni Shin.Maliligo muna ako dahil may gagawin ako ngayon. Hindi pwedeng hindi ako maka-score ngayon sa mahal ko. Istorbo naman kasi ang mga kaibigan ko at hindi talaga sila napapagod na magpunta dito araw araw.Susundan na namin agad si Nico para hindi na makawala ulit sa akin si Shin.Pagpasok ko ng silid, tumambad sa akin si Shin na kakatapos lang maligo.Nakasuot lamang sya ng manipis na pantulog kaya isang ngiti ang umalpas sa labi ko.Kitang kita ang magandang hubog ng katawan nya. Bakat na bakat rin ang dalawang dibdib nya na tila nang-aakit."Napano ka?" tanong ni Shin na nagpagising sa akin."Wala naman. Hintayin mo ako maliligo lang ako" nakangiting wika ko at taas baba pa ang mga kilay ko.Kalahating oras lang akong naligo at nagtapis lang ako ng tuwalya.Hindi na ako nagsayang pa ng oras na magdamit dahil tatanggalin ko lang din ito mamaya.Tumabi ako sa mahal ko at niyakap ito."Bakit hind
NEO'S POVNakasandal lamang ako sa swivel chair ko habang nakatitig sa computer ko.Hindi ako ginaganahan ngayon dahil kung tutuusin ayaw ko pang magtrabaho kaya lang pinagalitan ako ng mahal ko."Hi my dear cousin" nakangiting bungad sa akin ni Ivan.Hindi ko sya sinagot at sinusundan ko lamang sya ng tingin. May atraso pa kasi sya sa akin kagabi."Gwapo ba ako para titigan mo?" natatawang wika pa nya."Sus. Asa" umiirap kong wika sa kanya."Bakit ganyan ka sa akin ngayon ha? May nagawa ba akong kasalanan?" patay malisya nyang tanong."Oo malaki. Sinira mo ang gabi ko kaya dapat managot ka. Kung hindi lang kita pinsan baka tinadtad ko na ng bala yang katawan mo" kunwaring naiinis na sagot ko."Ano ka ba? Ininform lang kita na nandoon sa mansion kagabi si Daddy at Tito. Baka magtampo ka na naman pag hindi ko sinabi sayo no" atungal naman nya sa akin. "Hey hey hey! Bakit ganyan mga itsura nyo?" tanong ni Caleb nang makapasok ito. Nakasunod naman si Drake na natatawa.Pinaningkitan ko
NEO'S POV"Wala ka bang balak na sabihin kay Shin ang tungkol sa King Cobra Organization?" tanong ni Caleb sa akin habang nasa sasakyan ko.Patungo kami ngayon sa Baguio dahil gusto kong kausapin si Seann tungkol dito."Hindi ko alam bro. Ang balak ko ay kakausapin muna natin ang kuya nya para makapaghanda rin sila" sagot ko naman kay Caleb habang nagmamaneho.Nakasunod lamang sa amin si Drake at Ivan na sakay ng isa pang kotse."Magaling naman makipaglaban si Shin kaya sa tingin ko wala tayong dapat alalahanin." wika pa ni Caleb.Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.Sasabihin ko ba ito kay Shin o ilihim na lamang ito.Kapakanan ng mag-ina ko ang iniisip ko. Ayoko silang ilagay sa kapahamakan kaya minabuti kong kausapin na muna si Seann.Ilang oras pa ang lumipas nang makarating kami sa camp ng Black Gemini Organization.Agad naman kaming pinapasok at natanaw ko na si Seann na nakaabang sa amin."Sa conference room tayo" ani nya agad sa akin kay
SHIN'S POVIlang araw ng busy si Neo dahil sa problemang kinakaharap ng kompanya. Gusto ko syang tulungan ngunit tumanggi lamang sya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba sa kinikilos nilang apat.Napansin ko rin ang pagdagdag nya ng mga tauhan dito sa mansion."Hello my dear sister" bati ni Kuya Seann sa akin. Nagulat naman ako dahil bigla na lamang syang sumulpot."Oh kuya. Buti naisip mong bumisita dito? " himig ng may pagtatampo sa boses ko."Sus.. Alam mo naman ang kuya mo. Busy sa trabaho na iniwan mo" umiirap naman na wika nya.Natawa naman ako dahil sa tinuran nya."Shin para sayo" ani naman ni Zach at inabot nito ang isang basket ng strawberry."Wow, thank you. Ang dami naman nito" nakangiting wika ko sabay dampot ng isang piraso at kinagat iyo."Baka daw kasi naglilihi ka na " ani ni Zach kaya nasamid ako bigla."Sino nagsabi?" tanong ko habang patuloy na umuubo.Sa halip na sagutin ako ay pinagtawanan lamang nila ako.Nag-utos muna ako sa kasambahay na mag
NEO'S POVMaaga akong nagising ngayon pero wala talaga akong ganang magtrabaho.Napapagod na kasi ang katawang lupa ko.Masyadong natambak na kasi ang trabaho sa opisina at idagdag pa ang stress na binibigay ng King Cobra Organization.Naisipan ko ng maligo muna para ma-relax ako. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako kahit kagigising ko lang."Hi Love. Halika na. Kumain ka na" yaya ng mahal ko nang bumaba ako sa kusina.Ngumiti naman ako at naupo na.Pinaghanda ako ni Shin ng paborito kong almusal na tocino at daing na danggit na may sawsawang maanghang na suka. Mayroon din syang ginawang vegetable salad na pinaresan ng medium hard boiled egg."Hmm ang bango naman..." nakangiting wika ni Ivan.Napasapo naman ako ng palad dahil nandito na naman sya. Nagulat pa ako ng kasunod nya lang pala sina Drake at Seann."Wow, may naaamoy akong nakakagutom ah" pakli naman ni Zach habang pababa ng hagdan kasama si Seann. Dito ko na kasi sila pinatuloy para mabantayan nila ang mag-ina ko. Binigyan
NEO'S POVAko ang susundo ngayon kay Nico sa school nya dahil may importanteng meeting si Shin kasama ang kanyang kuya na si Seann ngayon sa isang investor.Hindi ko kasi pwedeng ipagkatiwala sa driver namin ngayon ang pagsundo sa anak ko. Nararamdaman ko kasi ang mga matang nagmamanman lamang sa paligid.Ilang minuto lamanh akong naghintay at natatanaw ko na ang anak ko.Lumabas naman ako mula sa sasakyan para makita nya ako."Daddyy!!" masayang wika ni Nico."Hey buddy. Kumusta ang pag-aaral mo?" nakangiting tanong ko sa anak ko."It's fun dad! Superrr funnnn!! Nag laro kami kanina" sagot naman ng anak ko.Isinakay ko na sa sasakyan ko at kinabitan ko na sya ng seatbelt .Sinimulan ko namang paandarin ang sasakyan ko para makauwi na.May mga tauhan ko na nakasunod lamang sa amin.Ilang saglit pa ay narinig kong nagring ang aking cellphone. "Si mommy tumatawag" nakangiting wika ko kay Nico at sinagot ko ito."Love, baka late akong makauwi. Madedelay daw kasi ang ka lunch meeting ko"