NEO'S POV"Wala ka bang balak na sabihin kay Shin ang tungkol sa King Cobra Organization?" tanong ni Caleb sa akin habang nasa sasakyan ko.Patungo kami ngayon sa Baguio dahil gusto kong kausapin si Seann tungkol dito."Hindi ko alam bro. Ang balak ko ay kakausapin muna natin ang kuya nya para makapaghanda rin sila" sagot ko naman kay Caleb habang nagmamaneho.Nakasunod lamang sa amin si Drake at Ivan na sakay ng isa pang kotse."Magaling naman makipaglaban si Shin kaya sa tingin ko wala tayong dapat alalahanin." wika pa ni Caleb.Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.Sasabihin ko ba ito kay Shin o ilihim na lamang ito.Kapakanan ng mag-ina ko ang iniisip ko. Ayoko silang ilagay sa kapahamakan kaya minabuti kong kausapin na muna si Seann.Ilang oras pa ang lumipas nang makarating kami sa camp ng Black Gemini Organization.Agad naman kaming pinapasok at natanaw ko na si Seann na nakaabang sa amin."Sa conference room tayo" ani nya agad sa akin kay
SHIN'S POVIlang araw ng busy si Neo dahil sa problemang kinakaharap ng kompanya. Gusto ko syang tulungan ngunit tumanggi lamang sya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba sa kinikilos nilang apat.Napansin ko rin ang pagdagdag nya ng mga tauhan dito sa mansion."Hello my dear sister" bati ni Kuya Seann sa akin. Nagulat naman ako dahil bigla na lamang syang sumulpot."Oh kuya. Buti naisip mong bumisita dito? " himig ng may pagtatampo sa boses ko."Sus.. Alam mo naman ang kuya mo. Busy sa trabaho na iniwan mo" umiirap naman na wika nya.Natawa naman ako dahil sa tinuran nya."Shin para sayo" ani naman ni Zach at inabot nito ang isang basket ng strawberry."Wow, thank you. Ang dami naman nito" nakangiting wika ko sabay dampot ng isang piraso at kinagat iyo."Baka daw kasi naglilihi ka na " ani ni Zach kaya nasamid ako bigla."Sino nagsabi?" tanong ko habang patuloy na umuubo.Sa halip na sagutin ako ay pinagtawanan lamang nila ako.Nag-utos muna ako sa kasambahay na mag
NEO'S POVMaaga akong nagising ngayon pero wala talaga akong ganang magtrabaho.Napapagod na kasi ang katawang lupa ko.Masyadong natambak na kasi ang trabaho sa opisina at idagdag pa ang stress na binibigay ng King Cobra Organization.Naisipan ko ng maligo muna para ma-relax ako. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako kahit kagigising ko lang."Hi Love. Halika na. Kumain ka na" yaya ng mahal ko nang bumaba ako sa kusina.Ngumiti naman ako at naupo na.Pinaghanda ako ni Shin ng paborito kong almusal na tocino at daing na danggit na may sawsawang maanghang na suka. Mayroon din syang ginawang vegetable salad na pinaresan ng medium hard boiled egg."Hmm ang bango naman..." nakangiting wika ni Ivan.Napasapo naman ako ng palad dahil nandito na naman sya. Nagulat pa ako ng kasunod nya lang pala sina Drake at Seann."Wow, may naaamoy akong nakakagutom ah" pakli naman ni Zach habang pababa ng hagdan kasama si Seann. Dito ko na kasi sila pinatuloy para mabantayan nila ang mag-ina ko. Binigyan
NEO'S POVAko ang susundo ngayon kay Nico sa school nya dahil may importanteng meeting si Shin kasama ang kanyang kuya na si Seann ngayon sa isang investor.Hindi ko kasi pwedeng ipagkatiwala sa driver namin ngayon ang pagsundo sa anak ko. Nararamdaman ko kasi ang mga matang nagmamanman lamang sa paligid.Ilang minuto lamanh akong naghintay at natatanaw ko na ang anak ko.Lumabas naman ako mula sa sasakyan para makita nya ako."Daddyy!!" masayang wika ni Nico."Hey buddy. Kumusta ang pag-aaral mo?" nakangiting tanong ko sa anak ko."It's fun dad! Superrr funnnn!! Nag laro kami kanina" sagot naman ng anak ko.Isinakay ko na sa sasakyan ko at kinabitan ko na sya ng seatbelt .Sinimulan ko namang paandarin ang sasakyan ko para makauwi na.May mga tauhan ko na nakasunod lamang sa amin.Ilang saglit pa ay narinig kong nagring ang aking cellphone. "Si mommy tumatawag" nakangiting wika ko kay Nico at sinagot ko ito."Love, baka late akong makauwi. Madedelay daw kasi ang ka lunch meeting ko"
NEO'S POV"Bilisan nyo ! Magsikilos kayo!!!" sigaw na utos ko sa mga tauhan ko.Agad naman silang nagsikilos para sundan ang ang armadong lalaki."Anak, please.. Lumaban ka" naiiyak na wika ko sa anak ko.Kalong ko sya sa aking bisig.Binuhat ko agad sya patungo sa sasakyan ko. "Bro anong nangyari?!" humahangos na wika ni Ivan."Dalhin natin ang anak ko sa ospital. Magmadali kayo" ani ko sa kanila."Kaming ng bahala sa kanila" ani naman ni Drake at Caleb.Papunta na rin dito sina Seann at Zach kasama ang ilang sa mga tauhan.Si Ivan na ang nagdrive ng sasakyan ko at mabilis na pinasibad ito. Panay ang kanyang malalakas na busina sa mga taong nakikiusyuso ."Damn! Magsitabi kayo !!!!" sigaw ni Ivan sa kanila."Anak, nandito na si Daddy.. Please wake up" umiiyak na wika ko.Hawak ko ang kamay ng anak ko at hinahalikan ang ito.Pagkarating namin sa ospital agad namang nagsipagkilos ang mga doktor at mga nurses.Dinala agad nila sa operating room ang anak ko upang maoperahan na agad."Pl
"CODE BLUE, private ICU" sigaw ng isang nurse.Natataranta na ang lahat kaya nagmamadali silang kumilos patungo sa ICU."Anong nangyayare??!!" tarantang sigaw ni Shin.Kitang kita ni Shin ang pagbilis ng tunog ng machine na nakakabit kay Nico."Ma'am maghintay muna po kayo sa labas" ani ng isang nurse at giniya si Shin palabas ng pinto. "Anak please, lumaban ka please!!!" umiiyak na wika ni Shin. "Sige na po maam, maghintay na lang po kayo." ani ng nurse at tuluyang inilabas si Shin."Love what happened?!!" tanong ani ni Neo nang makalapit sya kay Shin.Napayakap na lang si Shin kay Neo at tuluyang humagulgol.Palinga linga si Neo sa may glass window subalit nahaharangan ito ng kurtina."One, two, three CLEAR!" wika ng doktor na nasa loob.Tila natigilan na lamang si Neo sa kanyang naririnig mula sa loob."Hindi . Hindi !!! Please anak lumaban ka" naiiyak na wika ni Neo habang mahigpit na yakap si Shin. Napatingala na lamang sya upang pigilan sana ang kanyang luha pero hindi nya ma
"Zach wala pa bang result doon sa finger print? Ang tagal naman yata iyon? Kailangan ko na ang resulta sa lalong madaling oanahon" naiinip na wika ni Neo.Hindi na sya makapaghintay dahil nangangati na ang kanyang mga kamay na maghiganti sa kalaban. "Mamayang hapon pa nila irerelease. Pupuntahan ko na lang mamaya bago kami bumalik ni Seann sa Baguio" sagot naman ni Zach.Nandito sila sa opisina ngayon ni Neo para pag-usapan ang kani-kanilang mga impormasyon na nakalap ngunit mas nahihirapan sila ngayon."Yung kapatid ko? Hindi ba sya nakakahalata sa iyo? Buti hindi ka nya kinukulit na tumulong?" tanong naman ni Seann.Umiling naman si Neo."Hindi sya nangungulit ngayon pero masyado nyang dinidibdib ang pagkawala ng anak namin. Lagi na lang syang nagkukulong sa kwarto at ayaw kumain. Lagi rin syang umiiyak. Nauunawaan ko naman sya dahil masakit naman talagang mawalan ng anak" malungkot na wika ni Neo. Muling nagbalik sa alaala nya ang nangyari sa anak nya. Sinisisi nya ang kanyang s
"Neo, may malaki tayong problema. Nawawala ang Death threat....." humahangos na wika ni Zach.Bigla nyang itinikom ang ang bibig ng makita si Shin na kasama pala si Neo.Kumunot naman ang noo ni Shin at salitan na tinignan si Zach at si Neo."Anong nawawala? Death threat?" tanong ni Shin sa dalawa.Nagkatinginan naman si Neo at si Zach."Ano? Sagutin nyo ako?" naiiritang wika ni Shin.Naka cross arms pa sya ng tanungin ang dalawa dahil mukhang may tinatago sila."Ah. Hindi Death threat Shin. Ahm yung ano" utal utal na wika ni Zach. Hindi nya alam kung paano nya lulusutan si Shin. Wala ring pumapasok sa isip nya na pwedeng idahilan gayundin naman si Neo na akala mo ay naputulan ng dila. Nagsimula ring mamuo ang mga butil butil na pawis nila. "Death cert sis hindi death threat. Namatay kasi ang isang tauhan ni Neo pero nawala ni Zach ang death certificate. Burara kasi ang lalaking yan. Alam nyang importanteng dokumento iyon pero hindi nya iniingatan" singit naman ni Seann.Naglakad sya