NEO'S POV"Why are you still here?" mataray na tanong ni Shin sa akin nang makabalik sya."Gusto kitang makausap, yung tayong dalawa lang" sagot ko sa kanya.Naglakad lang sya patungo sa training area kaya sinundan ko sya. Huminto sya sa ilalim ng puno at naupo sa upuang kahoy."Sabihin mo na ang dapat mong sabihin pagkatapos pwede na kayong umalis" malamig na tono ng pananalita nya.Bumuntong hininga ako at naupo sa tabi nya. Hindi siya umiimik pero hindi rin nya ako tinataboy."There was a girl na nasaktan ko a year ago. Namasukan sya bilang maid ko pero minahal ko sya. Mahal namin ang isa't isa pero tinapos ko ang relasyon namin dahil sa isang dahilan" kwento ko sa kanya.Nanatili lang syang nakatanaw sa malayo pero batid kong pinapakinggan nya ako."Nalaman ko na may anak sya at yung kaibigan ko ang ama ng anak nya. Galit na galit ako noon at tinapos ko ang relasyon namin nang hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag nya.Umalis ako ng bansa para makalimot pero kahit anong gawi
"Akala ko ba aalis na kayo?" tanong ni Seann sa amin."Bukas na lang. Gusto pa namin mag enjoy dito. Let's have a drink!" yaya ko sa kuya ng mahal ko."Game!" paunlak naman nito.Inakbayan ko pa ito na kala mo ay close na close kami at masaya kaming nagtatawanan palabas ng mansion."Close pala kayo?" kunot noong tanong ni Zach. Napataas naman ang kilay ko nang makita silang magkasama ni Shin."Nagkayayaan lang kaming uminom mamaya dahil bukas na kami uuwi, hindi ba bayaw?" sagot ko para asarin si Zach."Bayaw?" pag- ulit ng mahal ko."Siya nga pala mahal ko, I just decided na tutulong ang Dark Mercury sa inyo" ani ko sabay kindat. Nginisihan ko naman ang naiinis na si Zach."Oh ? Salamat kung ganon. Si kuya na lang ang magbibigay sayo ng mga detalye tungkol sa plano" sagot nito.Sobrang saya ng puso ko. Hindi nya kinontra ang pagtawag ko sa kanya ng mahal ko."Mahal ko?" pagpuna naman ni Zach.Tumawa ako ng malakas dahil alam kong naiinis na sya. Wala syang laban sa akin dahil kayang
"Hey hey hey! Mukhang masaya ka ngayon ah" bungad ni Ivan sa akin ng makapasok ang opisina ko. Kahapon lang kami bumalik dito sa Manila pero parang gusto ko na ulit bumalik sa Baguio para makita ang mahal ko."Mukhang may umentrada nung nalasing tayong lahat ah" pang-aasar naman ni Drake."Tigilan nyo nga ako. Naiinggit lang kayo" ani ko sa kanila at tumawa ng malakas."Lagot ka kay Seann pag may hindi ka magandang ginawa sa kapatid nya" pananakot naman ni Caleb."Wala akong gagawing hindi maganda sa mahal ko no" pagtatanggol ko sa sarili.Utak talaga ng mga kaibigan kong to napaka advance.Hindi naman ako katulad ng iba na playboy no. Complete package na ako kaya swerte ang mapapangasawa ko. Gwapo na, mabait at loyal pa kaya swerte talaga si Shin sa akin. Sisiguraduhin kong sya na ang huli.Isang katok ang nagpalingon sa amin kaya binuksan ito ni Caleb."Sir pasensya na po sa abala,may naghahanap po sa inyo" ani nang secretary ko.Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman akong app
NEO'S POVPagkatapos naming ihatid sina Shin at ang mga kaibigan nito napagpasyahan ko munang umuwi sa mansion."There you are sweetheart" bungad ni Kiara sa akin."Don't call me sweetheart. I am not your boyfriend. You are just my maid, remember?" sarkastiko kong sagot sa kanya."Nah ah" ani nito at winagayway pa ang hintuturo nito sa hangin."Malalaman mo mamaya pagdating ng mga magulang mo. A very big revelation honey" malanding wika nito at dahan dahang naglakad patungo sa likod ko.Hinaplos nya ang magkabilang braso ko bago ako hinagkan."Get away from me Kiara! " ani ko at hinarap sya."Wala kang mapapala sa akin naiintindihan mo! " galit na wika ko.Minabuti kong umalis na sa harap nya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."Mag-enjoy ka na lang muna sa ngayon dahil pag nalaman mo ang surpresa sayo mamaya. Kahit si Shin ay walang magagawa" ani ni Kiara na kinatigil ko. Tumingin ako sa kanya ng matalim at isang ngisi ang iniwan nya bago lumabas ng mansion.Ano bang pinagsa
SHIN's POVIsang linggo na rin ang lumipas mula ng makabalik ako dito sa camp. Hindi na rin nagparamdam si Neo sa akin. Ang sabi lang nya sa akin ay tambak sila ng trabaho. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot dahil hindi naman sya ganito. Natitiis nya akong hindi kontakin."Are you okay?" tanong ni Kuya nang makita nya akong bumuntong hininga."Ang sabi ni Neo pupunta sya dito para pag-usapan ang plano pero isang linggo ng hindi sya nagpaparamdam" malungkot na wika ko."Shin, businessman si Mr. Dela Fuente. Isa pa marami syang company na hinahawakan. " ani ni kuya."Naiintindihan ko naman kuya pero nangako syang pupunta sya dito.Hanggang ngayon hindi pa rin natin nababawi ang Blood Moon" stress na wika ko."Huwag ka ngang masyadong ma-stress. Nahahawa tuloy ako sayo" ani ni Kuya habang nagkakamot ng kilay."Kuya alam mo bang may babaeng lumapit kay Neo, at kilala nya ako" ani ko na kinatigil nya.Kunot noo nya akong hinarap."Sino naman ?Anong pangalan?" sunod sunod na tanong ni Kuya Se
Neo's POVPapunta kami nila Ivan, Caleb at Drake sa Camp Andromeda. Nasa isang sasakyan lang kami at nakasunod sa amin ang Tauhan ko."Malapit na tayo" ani ni Caleb sa amin.Hindi ko alam ang mararamdaman ko at magiging reaksyon ko pag nakaharap kong muli si Shin at ang kuya nya.Dinilat ko ang isang mata ko para tignan ang tumatawag. Sinagot ko naman ang tawag ni Kiara at pinindot ang speaker phone dahil tinatamad akong ilagay sa tainga ko."Hayop ka! Papatayin kita Kiara, Wala akong ititira sa inyo at kukunin ko ang Blood Moon sa inyo!!!!" Boses ni Shin na nagpabalikwas sa akin.Bigla namang napaapak sa Brake si Caleb ng marinig nya rin ito.Lahat kami ay nagulat sa narinig namin. Ibig bang sabihin totoo ang sinabi ni Daddy sa akin."What the fuckk Shinnn!!!" sigaw ko dahil nanginginig na ako sa galit.Isang putok ng baril ang umalingawngaw bago tuluyang nawala ang call. Sinubukan kong tawagan si Kiara pero hindi ko na sya makontak.Fuckkkk!!! Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.Na
"No, no , no!" sigaw ni Neo.Unti unting syang napaluhod, maging ang kanyang luha ay hindi na nagpapigil pa.Maging sina Ivan, Caleb at Drake at hindi na rin napigilan ang pag-iyak.Si Seann naman ay napahinto sa kanyang nasaksihan. Nakatulala lamang sya sa yateng sumabog."Shin? Kapatid ko?" bulong ni Seann sa sarili. Agad naman syang nagising sa katotohanan."Magmadali kayo! Hanapin nyo ang kapatid ko!!!" utos nito sa kanyang tauhan.Sinunod naman sya ng mga ito at kanya kanyang kuha ng mga speedboat at jetski para simulan ang paghahanap kay Shin.Tumayo si Neo at nag-utos rin sa mga tauhan na tumulong.Nagbabakasakali silang maliligtas pa si Shin sa kabila ng malakas na pagsabog.Marami na rin ang mga naki-usyuso sa paligid.Mababakas sa mukha ni Seann ang galit sa halip na pagdurusa.Gigil nyang hinaklit ang kwelyo ni Neo."This is all your fault asshole! Kung hindi mo na sana nilapitan ang kapatid ko, hindi na sana nangyari to!!" pinagdidiinang salita ni Seann kay Neo."Hindi ito
It's been a year since Shin left. We had gathered some evidence that proves Shin is no longer with us.It's hard in the beginning but we need to move forward.It takes a long time to be fully healed.Seann and I decided to combine our organization to make us stronger.Nandito kami ngayon sa isang private island para mag celebrate. Matagumpay kasi ang sinagawa naming misyon.Napatingala kami ng naulinigan namin ang tunog ng paparating na helicopter.Napakunot ang noo ko dahil hindi naman kami nag-invite ng mga bisita.Pagbaba ng helicopter, isa isang bumaba ang mga tao mula dito at naglakad sa amin."Wooh, look who's here" manghang wika ni Caleb."Abigail?" tawag ko sa pangalan nito.Isa sya sa mga assassin ko na naka-assign sa ibang bansa."Buti naman, naaalala mo pa ako. Akala ko hindi na kami makakauwi ng Pilipinas eh" natatawang wika nito"Ano bang ginagawa nyo dito? Hindi naman ako nagpatawag ng meeting." naiirita kong tanong."Ano bang gusto mo? Bad news o Good news?" ani ni Abig
SHIN'S POV Abalang abala si Ram na nakamasid sa isang hide out sa Rizal. Nakakubli lamang sya sa itaas ng puno. Hawak nya ang kanyang sniper rifle. Medyo malayo ang distansya nito sa hide out na pag-aari ni Azhi. Kung tutuusin, hindi lang ito basta hide out. Mayroon pa itong ikalawang palapag. Ilang minuto lamang ang nilagi ni Ram sa taas ng puno at tumalon na ito upang makababa. "Positive?" tanong ko agad sa kanya. Nakasandal lamang ako sa puno habang naka cross arms. "Ay! T*ngn*!" gulat na wika ni Ram sabay tutok sa akin ng kanyang rifle. "Go ahead. Pull the trigger" paghamon ko sa kanya habang tinitignan ko ang aking mga kuko. "Shin, ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" reklamo nito sabay baba ng kanyang armas. "Hindi ba napaka walang kwenta naman ng cause of death mo pag ganon?" natatawang wika ko sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Kala ko ba misyon ko to?" atungal nya sa akin habang hinihimas nya pa rin ang kanyang dibdib. "As if namang hahayaan kita ng ganoo
NEO'S POV "Sir?" tawag ni Maynard kay Seann ng makarating ito sa mansion ko. Magkakasama pa rin kasi kami dahil mukhang mahihirapan kaming ma-trace kung sino ang leader ng King Cobra Organization. "Maynard? Halika. Tuloy ka? Pinapunta ka ba ng kapatid ko dito?" usisa naman ni Seann kaya naman napatango si Maynard. "Pinapaabot po ni Lady Shin ito" magalang na wika ni Maynard sabay abot ang dokumento na kinuha naman ni Seann. Tahimik lamang kaming nakamasid sa kanilang dalawa dahil mukhang seryoso ang dahilan kung bakit inutusan ni Shin si Maynard na papuntahin dito. Binaling ko ang tingin ko kay Seann nang basahin nya ang dokumento. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay na halos lukutin na ang papel na hawak nya. Mukhang hindi nya nagustuhan ang nilalaman ng dokumento. "ano ang nilagay mo sa dokumento Shin?" tanong ko sa isip ko. Diretso akong tinignan ni Seann kaya napakunot ako ng aking noo. "Pakihanda ang mga tauhan mo Neo. Alam na ng kapatid ko kung sin
SHIN'S POVMarahas ang pagbuga ko ng hangin kaya napatingin lamang sa akin si Ram.Sumasakit na ang ulo ko dahil sa patong patong na problema. Idagdag pa ang hindi namin pagkakaayos ni Neo.Sumobra na yata ako sa kanya? "Mukhang stressed na stressed ka ha" puna ni Ram sa akin. Sabay kuha nito sa ice coffee na inorder nya at ininom ito."Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula." matamlay na wika ko sa kanya."Sa King Cobra ba yan? o kay Neo?" tanong ni Ram sa akin kaya tumingin ako sa kanya."Kahit hindi mo sagutin ang tanong ko Shin alam kong si Neo ang gumugulo ng isip mo. Bakit hindi na lang kayo magtulungan na kunin ang hustisya para sa anak nyo? Ganoon din naman ang gusto nya hindi ba? Ang makapaghiganti sa King Cobra Organization." mahabang wika nito at sumandal sa upuan.Hindi pa rin inaalis ni Ram ang tingin nya sa akin na tila ba hinihintay lamang nya kung ano ang maaari kong isagot sa kanya. "Pero nilihim nila sa akin ang tungkol dito....." ani ko na pinutol
NEO'S POVAlas dose na ng mapagpasyahan kong magtungo sa restaurant. Nagugutom na kasi ako dahil hindi ako nag-almusal kanina.Maaga akong umalis para hindi na ako makita ni Shin. Alam kong namumuhi sya sa akin at nararamdaman ko ang panlalamig nya.Hindi ko rin sya tinatabihan sa pagtulog para kahit paano ay hindi ako makadagdag ng pasanin sa kanya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating ako sa isang japanese restaurant.Pinagbuksan ako ng guard upang makatuloy na sa loob.Nilinga ko ang paligid upang maghanap ng bakanteng mesa pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.Nandito si Shin at may kasama syang isang lalaki. Maputi, reddish brown ang buhok na bahagyang mahaba. Malaki rin ang kanyang pangangatawan na hindi nalalayo sa akin. Hindi sya pamilyar sa akin pero sa mga kinikilos nila parang matagal na silang magkakilala.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mabuti pa ang lalaking iyon at nagagawa nyang pangitiin ang mahal ko.Napataas naman ang kilay ko ng biglang punasan ng lalak
"Hello? Ano??!! Anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang turan ni Seann sa kausap nya sa telepono."Sige, sige. Babalik kami ngayon ni Zach dyan" sagot nyang muli bago pinatay ang telepono."Bakit? May problema ba sa camp?" tanong naman ni Zach sa kanya pero umiling sya.Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi nya alam kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin."Anong problema Seann?" usisa ni Ivan sa kanya."Kailangan naming bumalik sa camp ni Zach ngayon din" malamig na sagot nito.Nakatitig lang sya kay Neo na nakayuko na tila ba malalim ang iniisip nito."Ano ba kasi yun? Bakit hindi mo na lang kami diretsuhin?" naiiritang tanong naman ni Caleb.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Seann. Isa- isa rin nyang tinignan ang bawat isa na kasama nya ngayon."Si Shin nasa camp" ani ni Seann na nagpaangat ng mukha ni Neo."Anong sabi mo?!" tanong ni Neo sa kanya. "Si Shin nasa camp. Mukhang may balak syang gumawa ng sarili nyang plano para makaganti" sagot muli ni
SHIN'S POV"Ano nakuha mo ba?" tanong ko kay Ram.Si Ram ang isa sa pinagkakatiwalaan kong assassin.Walang nakakaalam na nagtatrabaho sya para sa akin maliban sa aming dalawa."Yeah. Napaka- easy naman ng pinapagawa mo. Wala na bang mas hihirap dyan" pagyayabang nya sa akin habang nilalaro nya pa ang kanyang bangs na kulay reddish brown.Napangisi naman ako sa kanya. Tunay ngang isa sya sa pinakamahusay na assassin ng grupo. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng death threat at ang resulta ng finger print test.Nanlaki ang mata ko ng makita ito."Wala? walang nakitang finger print?" dismayado kong wika kay Ram."Mukhang nagsayang lang tayo ng oras dyan sa bagay na yan" naiiling na sagot ni Ram sa akin.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko."Ano ba kasi ang mayroon dyan.?" tanong ni Ram at tinuro ang papel na hawak ko gamit ang kanyang nguso."Narinig ko lang si Janvir at ang mga kaibigan nya. Nagpaplano silang maghiganti dahil sa nangyari sa anak namin" sagot ko kay
"Neo, may malaki tayong problema. Nawawala ang Death threat....." humahangos na wika ni Zach.Bigla nyang itinikom ang ang bibig ng makita si Shin na kasama pala si Neo.Kumunot naman ang noo ni Shin at salitan na tinignan si Zach at si Neo."Anong nawawala? Death threat?" tanong ni Shin sa dalawa.Nagkatinginan naman si Neo at si Zach."Ano? Sagutin nyo ako?" naiiritang wika ni Shin.Naka cross arms pa sya ng tanungin ang dalawa dahil mukhang may tinatago sila."Ah. Hindi Death threat Shin. Ahm yung ano" utal utal na wika ni Zach. Hindi nya alam kung paano nya lulusutan si Shin. Wala ring pumapasok sa isip nya na pwedeng idahilan gayundin naman si Neo na akala mo ay naputulan ng dila. Nagsimula ring mamuo ang mga butil butil na pawis nila. "Death cert sis hindi death threat. Namatay kasi ang isang tauhan ni Neo pero nawala ni Zach ang death certificate. Burara kasi ang lalaking yan. Alam nyang importanteng dokumento iyon pero hindi nya iniingatan" singit naman ni Seann.Naglakad sya
"Zach wala pa bang result doon sa finger print? Ang tagal naman yata iyon? Kailangan ko na ang resulta sa lalong madaling oanahon" naiinip na wika ni Neo.Hindi na sya makapaghintay dahil nangangati na ang kanyang mga kamay na maghiganti sa kalaban. "Mamayang hapon pa nila irerelease. Pupuntahan ko na lang mamaya bago kami bumalik ni Seann sa Baguio" sagot naman ni Zach.Nandito sila sa opisina ngayon ni Neo para pag-usapan ang kani-kanilang mga impormasyon na nakalap ngunit mas nahihirapan sila ngayon."Yung kapatid ko? Hindi ba sya nakakahalata sa iyo? Buti hindi ka nya kinukulit na tumulong?" tanong naman ni Seann.Umiling naman si Neo."Hindi sya nangungulit ngayon pero masyado nyang dinidibdib ang pagkawala ng anak namin. Lagi na lang syang nagkukulong sa kwarto at ayaw kumain. Lagi rin syang umiiyak. Nauunawaan ko naman sya dahil masakit naman talagang mawalan ng anak" malungkot na wika ni Neo. Muling nagbalik sa alaala nya ang nangyari sa anak nya. Sinisisi nya ang kanyang s
"CODE BLUE, private ICU" sigaw ng isang nurse.Natataranta na ang lahat kaya nagmamadali silang kumilos patungo sa ICU."Anong nangyayare??!!" tarantang sigaw ni Shin.Kitang kita ni Shin ang pagbilis ng tunog ng machine na nakakabit kay Nico."Ma'am maghintay muna po kayo sa labas" ani ng isang nurse at giniya si Shin palabas ng pinto. "Anak please, lumaban ka please!!!" umiiyak na wika ni Shin. "Sige na po maam, maghintay na lang po kayo." ani ng nurse at tuluyang inilabas si Shin."Love what happened?!!" tanong ani ni Neo nang makalapit sya kay Shin.Napayakap na lang si Shin kay Neo at tuluyang humagulgol.Palinga linga si Neo sa may glass window subalit nahaharangan ito ng kurtina."One, two, three CLEAR!" wika ng doktor na nasa loob.Tila natigilan na lamang si Neo sa kanyang naririnig mula sa loob."Hindi . Hindi !!! Please anak lumaban ka" naiiyak na wika ni Neo habang mahigpit na yakap si Shin. Napatingala na lamang sya upang pigilan sana ang kanyang luha pero hindi nya ma