SHIN'S POVMabilis lang akong pumasa sa physical therapy ko at nanumbalik na sa dati ang sigla at lakas ko.Nagdito pa rin ako sa mansion ni Clyde dito sa Cavite.Napag-alaman ko rin na Zyesha pala ang pangalan ng dating asawa ni Clyde. Namatay kasi ang asawa nya pero hindi nya na binanggit kung ano ang dahilan.Kaya pala iyon din ang pangalan na binigay nya sa akin. Siguro ay namimiss nya na ito."Hi" masigla kong bati nang makababa sya sa kusina.Napakunot naman ang noo nya nang makita na nakasuot ako ng apron."Bakit ikaw ang nagluluto ng agahan?" pagtataka nya."Okay lang naman. Isa pa ikaw ang nagligtas sa akin kaya deserve mo ito" masayang wika ko.Gumuhit ang ngiti sa labi ni Clyde. Gwapo sya at matipuno. Sigurado akong maraming babae ang naghahabol sa kanya."Halika na, umupo ka na para makapag-almusal ka bago ka pumasok sa trabaho" paanyaya ko sa kanya.Pinaunlakan nya naman ito at naupo."Thank you" nakangiting wika nito."Thank you din" sagot ko naman.Pinasabay nya akong k
"Babaguhin natin ang plano. Lilipad tayo papuntang England. Doon na lang tayo magkita." ani ni Clyde sa kausap nito sa telepono.Nakatayo lang ako dito sa hallway papuntang study room nya. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig ko ang usapan nila."Alam kong sila ang nagtangka sa buhay ko. Pagkatapos nilang patayin ang asawa ko. Sigurado akong ako ang isusunod nila" ani pa nito.Kinabahan ako sa mga narinig ko. May mga taong nagbabanta sa buhay ni Clyde at ang asawa nya..... ?Hindi. Dapat ay may gawin ako. Kailangan kong protektahan si Clyde. Naging mabuti sya sa akin kaya dapat kong ibalik yun sa kanya.Tulungan ang mga mabubuti at pagbayarin ang masasama, yan ang bagong prinsipyo ko ngayon.Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla nyang pinukaw ang katauhan ko."Zyesha? Kanina ka pa ba dyan?" pagtataka nya. Makikita sa mukha nya na tinatantya nya kung may narinig ako o wala."Ah ,hindi kadarating ko lang din. Tatanungin ko sana kung gusto mo ng kape o kaya pagkain?" palusot ko
NEO'S POV"Hawak na natin si Silvestre" ani Caleb."Let's Go. hindi na ako makapaghintay na tapusin ang buhay ng gagong iyon" ani ni Abigail."Bakit Abbi? Naiinis ka ba na naisahan ka ng isang iyon sa Macau?" pang-aasar ni Ivan."Oo at i reserve nyo ang buhay nya sa akin" pikon nitong sagot.Lumulan na kami sa itim na sasakyan ko patungo sa warehouse.Pagkadating namin, natatanaw namin ang mga nakaitim na tauhan."Shitt! Napasok tayo ng kampo ni Silvestre at patay lahat ng tauhan natin." sigaw ni Drake."Maghanda kayo, susugod tayo sigurado akong nililigtas nila si Silvestre."utos ko sa kanila. Hinati ko ang lahat ng tao ko para sa labanang mangyayari. Nagbigay ako ng hudyat para simulan ang laban.Umpisa pa lang ay napapaatras na ang kalaban at hindi na nakipagpalitan ng putok."Ang lakas ng loob na kalabanin nila tayo pero mahihina naman pala. Sayang lang ang bala ng baril ko" nakangising wika ni Abbigail."lahat ng mga nahuli ninyo ay itali nyo! Panatilihin nyo silang buhay !" utos
NEO'S POVNakabalik na kami ng Pilipinas at dumiretso muna kami sa Black Gemini Camp,dating Blood moon Organization at dating Andromeda camp.Nauna kami ng bahagya dahil may bibilhin pa daw sila Shin na mga gamit at damit ni Clyde."Mabuti naman at naalala nyo pa ako" may himig na pagtampo ni Seann.Dire diretso lang ako sa paglakad at naupo sa living room ng mansion niya.Napakunot ang noo ni Seann sa inasal ko at binaling ang paningin sa mga kaibigan kong kapapasok lamang."Anong problema noon?" pagtataka ni Seann.Natawa naman ng mahina si Drake."Nagseselos lang yan" pang-aasar ni Caleb."Saan nagseselos???" tanong naman ni Zach na biglang sumulpot.Lumapit na sila sa kinaroroonan ko at naupo na rin."Akalain mo yun, hindi lang ikaw Zach ang karibal. May dumagdag pa" ani ni Ivan at tumawa ng malakas.Napipikon na ako sa mga ito ah."Teka nga! Ano bang pinagsasasabi nyo na karibal na yan?" tanong ni Seann at salubong na ang mga kilay nito."Just wait and you will see" wika naman ni
SHIN'S POV"Hindi ba nakakahiya na nandito ako?" tanong ni Clyde sa akin."Sus, ano ka ba? okay lang iyon. Isa pa kampante ako na nasa poder kita" nakangiting wika ko."hmm. Hindi kasi ako sanay. Parang nabaliktad ang sitwasyon natin"ani nito habang kinakamot ang kilay."Huwag mo nang isipin yon. Pwede mo naman gawin ang mga gusto mo. Ipasunod mo na lang ang lahat ng tauhan mo." sagot kong muli sa kanya at tumalikod na."Sino ka ba talaga? Bakit malaki ang respeto ng mga tao saiyo dito? Magaling ka ring makipaglaban" tanong nya na nagpahinto sa akin.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako ulit humarap sa kanya."Ako sana ang mamumuno ng Blood Moon Organization pero pinasa ko sa kapatid ko bago ko pinasabog ang yate" malamig na wika ko."Pi-pinasabog mo ang yate?? Suicide bombing?" gulat nyang tanong."It seems like that. Kasama ko ang mga kalaban sa yate that's why I decided to sacrifice myself" sagot ko pang muli."Pero bakit???" ..... tanong nya at natigilan sya."Teka? N
"Welcome to Harisson Breeze Resort" pagbati ni Drake nang makarating sya sa kanyang private resort sa Zambales."Wow ang ganda naman dito! Pwede bang dito na lang ako Neo? Ayaw ko ng bumalik sa Macau" bulalas naman ni Abbi."At paano naman ang mga assignments mo dun? aber?" supladong tanong naman ni Caleb.Sumimangot naman si Abbi at pabalagbag na binato ang kanyang bag sa sofa na nasa loob ng Villa."Pabalikin mo na yan sa Macau, sumasama kasi ang ihip ng hangin pag nandito yan" singit naman ni Clyde."Kung ikaw kaya ang bumalik ng Cavite. Sa tuwing nakikita kasi kita natatae ako" mataray na wika ni Abbi.Natawa naman ng malakas sina Seann, Ivan at Drake sa pagiging aso at pusa ng dalawa."Kasama mo ba si Jaleel?" tanong naman ni Shin kay Drake."Naiwan muna sya kay Manang, pumapasok na kasi sya sa school. Next time dadalhin ko sya para makita mo sya" sagot naman ni Drake."Bibisita na lang din ako doon pag may oras ako. May lead ka na ba kung nasaan si ate?" tanong ulit ni Shin pero
SHIN'S POV"Ay kabayo!" sigaw ko paglabas ng banyo."Bakit ka nandito? Lumabas ka at magbibihis ako!" pagtataboy ko kay Neo.Ngumisi naman sya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Magbihis ka na, hihintayin kita" ani nyang muli."Hoy Janvir, sinasabi ko sa iyo ha. Lumabas ka na! Paano ka ba nakapasok dito?" pikon kong sigaw sa kanya.Nakatapis lang ako ng tuwalya kaya nilalamig na ako. Nakakainis naman itong lalaking ito. Mukhang may pagka manyak ito ah.Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama at dahan dahang lumapit sa akin. Napapaatras naman ako sa ginagawa nya hanggang lumapat ang likod ko sa dingding. Naiilang ako dahil boxer lamang ang kanyang suot at nakalantad ang matipuno nyang katawan. "Sige, subukan mong may gawing hindi maganda sa akin. Babasagin ko ang itlog mo!" banta ko sa kanya.Napangisi naman sya at nilapit nya ng ang mukha nya sa mukha ko.Oh my God! Tulungan ninyo ako. Pinikit ko ang mata ko dahil sa pag-aakala kong hahalikan nya ako.Tumayo sya ng
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Malapit na magsimula ang bonfire" ani ni Shin kay Clyde.Nakaupo lamang si Clyde sa buhangin at pinagmamasdan ang karagatan na binabalot ng kadiliman."Gusto ko lang mapag-isa at makapag-isip ng maayos" malungkot na wika ni Clyde.Hindi pa rin nya tinitignan ang dalaga kaya naupo si Shin sa tabi nya."Bakit? May problema ba? Pwede ka naman mag-open sa akin baka matulungan kita" nakangiting wika ni Shin.Umiiling lamang si Clyde at isang pilit na ngiti ang ginawad nya kay Shin."Ano ba kasi talaga ang problema mo? Mas gagaan sa pakiramdam kung mailalabas mo lahat ng saloobin mo" panghihikayat ni Shin."Wala naman, tungkol lang sa asawa ko. Sa tunay na Zyesha ha" pagbibiro ni Clyde."Namimiss mo na ba sya?" tanong na lamang ni Shin."Oo naman, walang araw na hindi ko sya naiisip." sagot naman ni Clyde."Alam mo sa buhay natin, may nawawala pero may dumarating. Lahat naman ng bagay may rason kung bakit nangyayari. Nasasaktan tayo minsan
SHIN'S POV Abalang abala si Ram na nakamasid sa isang hide out sa Rizal. Nakakubli lamang sya sa itaas ng puno. Hawak nya ang kanyang sniper rifle. Medyo malayo ang distansya nito sa hide out na pag-aari ni Azhi. Kung tutuusin, hindi lang ito basta hide out. Mayroon pa itong ikalawang palapag. Ilang minuto lamang ang nilagi ni Ram sa taas ng puno at tumalon na ito upang makababa. "Positive?" tanong ko agad sa kanya. Nakasandal lamang ako sa puno habang naka cross arms. "Ay! T*ngn*!" gulat na wika ni Ram sabay tutok sa akin ng kanyang rifle. "Go ahead. Pull the trigger" paghamon ko sa kanya habang tinitignan ko ang aking mga kuko. "Shin, ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" reklamo nito sabay baba ng kanyang armas. "Hindi ba napaka walang kwenta naman ng cause of death mo pag ganon?" natatawang wika ko sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Kala ko ba misyon ko to?" atungal nya sa akin habang hinihimas nya pa rin ang kanyang dibdib. "As if namang hahayaan kita ng ganoo
NEO'S POV "Sir?" tawag ni Maynard kay Seann ng makarating ito sa mansion ko. Magkakasama pa rin kasi kami dahil mukhang mahihirapan kaming ma-trace kung sino ang leader ng King Cobra Organization. "Maynard? Halika. Tuloy ka? Pinapunta ka ba ng kapatid ko dito?" usisa naman ni Seann kaya naman napatango si Maynard. "Pinapaabot po ni Lady Shin ito" magalang na wika ni Maynard sabay abot ang dokumento na kinuha naman ni Seann. Tahimik lamang kaming nakamasid sa kanilang dalawa dahil mukhang seryoso ang dahilan kung bakit inutusan ni Shin si Maynard na papuntahin dito. Binaling ko ang tingin ko kay Seann nang basahin nya ang dokumento. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay na halos lukutin na ang papel na hawak nya. Mukhang hindi nya nagustuhan ang nilalaman ng dokumento. "ano ang nilagay mo sa dokumento Shin?" tanong ko sa isip ko. Diretso akong tinignan ni Seann kaya napakunot ako ng aking noo. "Pakihanda ang mga tauhan mo Neo. Alam na ng kapatid ko kung sin
SHIN'S POVMarahas ang pagbuga ko ng hangin kaya napatingin lamang sa akin si Ram.Sumasakit na ang ulo ko dahil sa patong patong na problema. Idagdag pa ang hindi namin pagkakaayos ni Neo.Sumobra na yata ako sa kanya? "Mukhang stressed na stressed ka ha" puna ni Ram sa akin. Sabay kuha nito sa ice coffee na inorder nya at ininom ito."Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula." matamlay na wika ko sa kanya."Sa King Cobra ba yan? o kay Neo?" tanong ni Ram sa akin kaya tumingin ako sa kanya."Kahit hindi mo sagutin ang tanong ko Shin alam kong si Neo ang gumugulo ng isip mo. Bakit hindi na lang kayo magtulungan na kunin ang hustisya para sa anak nyo? Ganoon din naman ang gusto nya hindi ba? Ang makapaghiganti sa King Cobra Organization." mahabang wika nito at sumandal sa upuan.Hindi pa rin inaalis ni Ram ang tingin nya sa akin na tila ba hinihintay lamang nya kung ano ang maaari kong isagot sa kanya. "Pero nilihim nila sa akin ang tungkol dito....." ani ko na pinutol
NEO'S POVAlas dose na ng mapagpasyahan kong magtungo sa restaurant. Nagugutom na kasi ako dahil hindi ako nag-almusal kanina.Maaga akong umalis para hindi na ako makita ni Shin. Alam kong namumuhi sya sa akin at nararamdaman ko ang panlalamig nya.Hindi ko rin sya tinatabihan sa pagtulog para kahit paano ay hindi ako makadagdag ng pasanin sa kanya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating ako sa isang japanese restaurant.Pinagbuksan ako ng guard upang makatuloy na sa loob.Nilinga ko ang paligid upang maghanap ng bakanteng mesa pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.Nandito si Shin at may kasama syang isang lalaki. Maputi, reddish brown ang buhok na bahagyang mahaba. Malaki rin ang kanyang pangangatawan na hindi nalalayo sa akin. Hindi sya pamilyar sa akin pero sa mga kinikilos nila parang matagal na silang magkakilala.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mabuti pa ang lalaking iyon at nagagawa nyang pangitiin ang mahal ko.Napataas naman ang kilay ko ng biglang punasan ng lalak
"Hello? Ano??!! Anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang turan ni Seann sa kausap nya sa telepono."Sige, sige. Babalik kami ngayon ni Zach dyan" sagot nyang muli bago pinatay ang telepono."Bakit? May problema ba sa camp?" tanong naman ni Zach sa kanya pero umiling sya.Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi nya alam kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin."Anong problema Seann?" usisa ni Ivan sa kanya."Kailangan naming bumalik sa camp ni Zach ngayon din" malamig na sagot nito.Nakatitig lang sya kay Neo na nakayuko na tila ba malalim ang iniisip nito."Ano ba kasi yun? Bakit hindi mo na lang kami diretsuhin?" naiiritang tanong naman ni Caleb.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Seann. Isa- isa rin nyang tinignan ang bawat isa na kasama nya ngayon."Si Shin nasa camp" ani ni Seann na nagpaangat ng mukha ni Neo."Anong sabi mo?!" tanong ni Neo sa kanya. "Si Shin nasa camp. Mukhang may balak syang gumawa ng sarili nyang plano para makaganti" sagot muli ni
SHIN'S POV"Ano nakuha mo ba?" tanong ko kay Ram.Si Ram ang isa sa pinagkakatiwalaan kong assassin.Walang nakakaalam na nagtatrabaho sya para sa akin maliban sa aming dalawa."Yeah. Napaka- easy naman ng pinapagawa mo. Wala na bang mas hihirap dyan" pagyayabang nya sa akin habang nilalaro nya pa ang kanyang bangs na kulay reddish brown.Napangisi naman ako sa kanya. Tunay ngang isa sya sa pinakamahusay na assassin ng grupo. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng death threat at ang resulta ng finger print test.Nanlaki ang mata ko ng makita ito."Wala? walang nakitang finger print?" dismayado kong wika kay Ram."Mukhang nagsayang lang tayo ng oras dyan sa bagay na yan" naiiling na sagot ni Ram sa akin.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko."Ano ba kasi ang mayroon dyan.?" tanong ni Ram at tinuro ang papel na hawak ko gamit ang kanyang nguso."Narinig ko lang si Janvir at ang mga kaibigan nya. Nagpaplano silang maghiganti dahil sa nangyari sa anak namin" sagot ko kay
"Neo, may malaki tayong problema. Nawawala ang Death threat....." humahangos na wika ni Zach.Bigla nyang itinikom ang ang bibig ng makita si Shin na kasama pala si Neo.Kumunot naman ang noo ni Shin at salitan na tinignan si Zach at si Neo."Anong nawawala? Death threat?" tanong ni Shin sa dalawa.Nagkatinginan naman si Neo at si Zach."Ano? Sagutin nyo ako?" naiiritang wika ni Shin.Naka cross arms pa sya ng tanungin ang dalawa dahil mukhang may tinatago sila."Ah. Hindi Death threat Shin. Ahm yung ano" utal utal na wika ni Zach. Hindi nya alam kung paano nya lulusutan si Shin. Wala ring pumapasok sa isip nya na pwedeng idahilan gayundin naman si Neo na akala mo ay naputulan ng dila. Nagsimula ring mamuo ang mga butil butil na pawis nila. "Death cert sis hindi death threat. Namatay kasi ang isang tauhan ni Neo pero nawala ni Zach ang death certificate. Burara kasi ang lalaking yan. Alam nyang importanteng dokumento iyon pero hindi nya iniingatan" singit naman ni Seann.Naglakad sya
"Zach wala pa bang result doon sa finger print? Ang tagal naman yata iyon? Kailangan ko na ang resulta sa lalong madaling oanahon" naiinip na wika ni Neo.Hindi na sya makapaghintay dahil nangangati na ang kanyang mga kamay na maghiganti sa kalaban. "Mamayang hapon pa nila irerelease. Pupuntahan ko na lang mamaya bago kami bumalik ni Seann sa Baguio" sagot naman ni Zach.Nandito sila sa opisina ngayon ni Neo para pag-usapan ang kani-kanilang mga impormasyon na nakalap ngunit mas nahihirapan sila ngayon."Yung kapatid ko? Hindi ba sya nakakahalata sa iyo? Buti hindi ka nya kinukulit na tumulong?" tanong naman ni Seann.Umiling naman si Neo."Hindi sya nangungulit ngayon pero masyado nyang dinidibdib ang pagkawala ng anak namin. Lagi na lang syang nagkukulong sa kwarto at ayaw kumain. Lagi rin syang umiiyak. Nauunawaan ko naman sya dahil masakit naman talagang mawalan ng anak" malungkot na wika ni Neo. Muling nagbalik sa alaala nya ang nangyari sa anak nya. Sinisisi nya ang kanyang s
"CODE BLUE, private ICU" sigaw ng isang nurse.Natataranta na ang lahat kaya nagmamadali silang kumilos patungo sa ICU."Anong nangyayare??!!" tarantang sigaw ni Shin.Kitang kita ni Shin ang pagbilis ng tunog ng machine na nakakabit kay Nico."Ma'am maghintay muna po kayo sa labas" ani ng isang nurse at giniya si Shin palabas ng pinto. "Anak please, lumaban ka please!!!" umiiyak na wika ni Shin. "Sige na po maam, maghintay na lang po kayo." ani ng nurse at tuluyang inilabas si Shin."Love what happened?!!" tanong ani ni Neo nang makalapit sya kay Shin.Napayakap na lang si Shin kay Neo at tuluyang humagulgol.Palinga linga si Neo sa may glass window subalit nahaharangan ito ng kurtina."One, two, three CLEAR!" wika ng doktor na nasa loob.Tila natigilan na lamang si Neo sa kanyang naririnig mula sa loob."Hindi . Hindi !!! Please anak lumaban ka" naiiyak na wika ni Neo habang mahigpit na yakap si Shin. Napatingala na lamang sya upang pigilan sana ang kanyang luha pero hindi nya ma