DAY 31 PALAKAD-LAKAD sa silid si Yeonna habang maya't maya ang sulyap sa hawak na marriage agreement. "Hindi ko na gusto ang nangyayari. Hindi ito ang resultang inaasahan ko. I want to end our contract nang walang anumang problema. Pero inilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan." Napahinto siya sa paghakbang at ikinuyom sa ere ang isang kamao. "That jerk! Sinasamantala talaga niya ang bawat pagkakataon para maisahan ako!" Natuon ang tingin ni Yeonna sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Khal. "You're still here." Napasulyap ito sa mga papel ng hawak ng dalaga, "It seems you are not satisfied with your conditions in our marriage agreement. May gusto ka pa bang idagdag sa mga naibigay mo na?" Napabuga muna ng hangin sa bibig si Yeonna. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nabasa niya. At kailangan niyang klaruhin iyon sa binata. "Alin ba riyan ang favourite lines mo? You can read it aloud para naman makuha mo ang opinyon ko." "Are you mocking me?" Itinaas ulit niya ang mga
DAY 32SINIPAT ni Yeonna ang sarili sa rearview mirror. Nakahinto na siya sa parking lot ng Golden Royals, pero pinili muna niya ang manatili sa loob ng sasakyan. She keeps thinking for some reroute plans.Khal is slowing the count of the days. At halata rin na umiiwas ito sa kanya. Alam niyang may iba itong binabalak. So, she needs diversion para mas mapabilis ang usad ng araw."Haist! Ano bang nasa isip niya? Hindi kaya ayaw niya lang na matapos agad ang kontrata namin?"Umiling-iling si Yeonna bilang pagsaway sa sarili. Hindi siya dapat maapektuhan. It burdens her and makes her feel guilty. Ayaw niyang ma-disappoint sa kanya si Yessa.For some reason, naaalala na lang kasi niya ang mga romantic moments nilang dalawa ni Khal na nagiging dahilan kaya nagkakaroon ng confusion sa parte niya lalo na sa kanyang puso na patuloy ang abnormalidad tuwing kasama niya ito."Get hold of yourself. Marami namang paraan para maging obedient."Khal is using the marriage agreement para lalo siyang m
DAY 34NAKANGISI na naiiling si Yeonna habang binabasa ang mensahe ni Tina. Hindi ito makakarating para samahan siya dahil overtime raw ito sa trabaho."As expected."Pabuntong-hininga niyang ibinalik sa bag ang cellphone at kinuha roon ang compact mirror. Matapos masipat ang repleksiyon at maayos ang sarili, saka siya bumaba ng sasakyan.Tinanggal ni Yeonna ang sunglasses at tiningala ang dalawahang-palapag na wedding boutique na nasa harapan. It was a famous one for the rich. At tama lang ang nakuhang iyon ni Khal upang mas perpekto ang cinematography ng gagawin niyang melodrama."Jeez! Sana pala nag-artista na lang ako. Siguradong makakarami ako ng award.""Sister-in-law!"Binalingan niya si Amira na kumindat at nakangiting kumaway habang patungo sa kanya."Mabuti naman at tinawagan mo ako.""Kailangan ko ng assistant.""Anytime. Alam mo namang malakas ka sa akin. Pero ano bang meron ngayong araw at mukhang kakaiba ang aura mo?""Ano ba ang aura ko?"Sinuyod naman ng baba-taas na t
"I WILL do everything para ako ang pakasalan ni Khal!""I think that's the difference between us..."Kalmado lamang si Yeonna, taliwas sa makikitang galit sa mukha ni Jacquin."Ako, walang ginagawa. Chill-chill lang. Pero ikaw, gagawin mo ang lahat? Jeez! You're so desperate."Napipilan si Jacquin na nakaramdam ng hiya. Pasimple pa nitong iginala ang mga mata sa paligid. Umiwas naman ng tingin ang mga staff dito."Maghanap ka ng lalaking walang sabit. At huwag kang maninira ng masayang relasyon.""Shut up. Hindi kayo magiging masaya hanggang nandito ako.""Tsk, tsk, tsk!" Napapailing si Yeonna. "Huwag mong puwersahin si Khal sa isang bagay na salungat sa kalooban niya? It's not love. But greed."Tumigas ang mukha ni Jacquin habang kuyom ang mga kamao. Nagpipigil ito ng emosyon."'True love should not hurt the person you love lalo na alisan sila ng kasiyahan at kalayaan na pumili ng mamahalin nila.""Spare me a lesson, b!tch. Kahit na ano pang gawin o sabihin mo, I'll make sure that Kh
LAHAT ng staff maging ng ilang mga kostumer sa shop ay kakikitaan nang labis na paghanga sa kakisigan ni Khal. Pero balewala iyon kay Yeonna na alam na alam nang ganoon ang magiging entrada ng mayabang na amo. She pictured it in her mind a thousand times bago pa man ito sumulpot. At hindi nga siya nagkamali."Ang guwapo niya, hindi ba?"Binalingan ni Yeonna si Amira. "Natural kapatid mo iyan.""Look at the people around. They were amazed and attracted to him.""Magsasawa rin ang mga iyan na tumingin sa kanya."Napabaling si Amira kay Yeonna. "Walang effect sa 'yo?""Wala.""Kahit katiting?""Kahit pulgas.""Eww! Bakit naman pulgas pa?""Dahil mukha siyang aso sa paningin ko.""No way. 'Yang hate mo sa kapatid ko, sigurado akong love na. Hindi mo lang maamin sa sarili mo na nahulog na ang loob mo sa kanya."Nagbubulungan ang dalawa upang hindi marinig ang kanilang usapan ng mga tao sa paligid."Never.""Hindi nga? But you shared a bed with him.""Naniwala ka naman. I really hate your b
NANGHIHINA at hindi na halos makalakad si Yeonna nang makalabas ng shop. Ang gusto niyang gawin sa mga oras na iyon ay ilapat ang pagod na katawan niya sa higaan."Okay ka lang?" pag-aalala ni Amira."Parang hindi na ako makakauwi."Lumingon si Khal. "But I'm planning to find more shops."Lalong nakaramdam ng panghihina si Yeonna. Out of 1 thousand plus, halos isang daan lamang ang nasukat niya. Pero inubos niyon ang kanyang lakas."What?" puna ni Khal sa nakita nitong reaksiyon sa mukha ng dalaga. "This is your idea. You even said na halos gusto mo nang hilahin ang araw. At nagbanta ka ring hindi ko puwedeng i-decline ang request mo. My memory is still sharp. ""Wala ka nga lang puso."Binalewala nito ang patutsada ng dalaga. "Marami pa tayong oras. Let's go."Hinatak ni Yeonna si Amira palapit mula sa pag-alalay nito sa kanya at bumulong, "Save me.""Akala ko ba kasi may usapan kayo sa mangyayari rito? You told me that he's our spectator. Ginalingan ko pa naman kanina. Pa'no na ang
DAY 36MAINGAT na dinampot ni Yeonna ang sapatos at binitbit iyon. Patingkayad siyang humakbang; siniguro na hindi lilikha ng anumang ingay ang kanyang mga yabag.Hindi muna siya lumabas ng kuwarto. Nakiramdam siya. Wala naman siyang naririnig na komosyon."Baka nakaalis na." Sinipat niya ang relo. "Pero maaga pa. Tulog pa yata. Good."Sandali muna siyang nanatili sa loob bago marahang pinihit ang seradura."Darn!" pagmumura ni Yeonna nang mabungaran sa mismong bukana ng pinto si Khal. "Ano ba?""Where are you going?""Sa trabaho?" patanong din niyang tugon."Bakit parang hindi ka sigurado? And you're going to work with that attire? Well, it's not even an attire."Bumaba naman ang tingin ni Yeonna sa suot na t-shirt at baggy shorts. Bitbit pa rin niya ang sapatos. She has no plans to work. Gusto niyang iwasan si Khal. "Para kang pupunta lang ng palengke. Ang girls aren't wearing that nowadays.""Pupunta nga ako ng palengke. Bye."Mabilis na hinatak ni Khal sa kuwelyo si Yeonna at ibi
HALOS maggagabi na nang nakarating sa resort sa Coron sina Khal at Yeonna. They had a smooth trip. Pinagod lang sila dahil sa matinding trapiko. Nagkaroon kasi ng car accident along the way.Gusto pa nga sana nilang dumaan sa department store, pero pinili muna nila na magpahinga.Sa Busuanga Airport sila lumapag. At mula roon ay sinundo sila ng asawa ng caretaker ng resort. Nang dumating sila sa lugar ay nakapagluto na ang katiwala na medyo may edad na."Manang..." Niyakap ni Khal ang babaing sumalubong sa kanila, "Kumusta po kayo rito?""Maayos naman. Ikaw?""Guwapo pa rin."Napansin ng matanda ang pagtirik ng mga mata ni Yeonna. "Mukhang hindi kumbinsido sa sinabi mo ang kasama mo," wika nito nang natatawa."Magandang gabi po," bati ng dalaga."Mas maganda ka pa sa gabi, iha."Nakangiti niyang inilahad ang palad, "Yeonna po.""Ginalyn." Tinanggap nito ang kamay ng dalaga, "Manang Gina na lang.""Nice meeting you, Manang Gina."Napansin ni Khal ang nagtatanong na tingin ng matanda. "
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil
"BAKIT ba ang tagal mong magbukas ng pinto?"Sa halip na sumagot ay pinagala muna ni Hardhie ang tingin. Lumabas pa ito saka sinuyod ang paligid."May inaasahan ka bang bisita ngayon?""Hindi mo ba siya kasama?"Napakunot ng noo si Yeonna. "Sino?""Si Amira.""Si Amira? Bakit mo siya hinahanap? Wait. Lalaki ka na ba? Gusto mo na ba siya?""Haller!" Pumasok na ito sa bahay na sinundan naman ni Yeonna. "I've been this way since magpatuli ako. So, hindi mangyayari ang sinasabi mo.""Kailan ka nagpatuli?"Nilingon nito ang kaibigan nang nasa mukha ang pagtataka. "At bakit bigla kang nagkainteres sa pagpapatuli ko?""Basta sagutin mo na lang ako. Kailan ka nagpatuli?"Naupo ito sa sofa na tinabihan naman ni Yeonna. "Well, nakakahiya mang aminin, pero fifteen na ako nang tuliin.""Ibig mong sabihin, mula nang tinubuan ka ng ngipin hanggang bago ka tuliin ay lalaki ka?"Muli itong napakunot ng noo, nagtataka sa kakaibang iginagawi ni Yeonna. "Wala pa akong ngipin hanggang mabungi ako, sumus
"S-SINO?""Si Anthony, Kuya!" patuloy si Amira sa paghagulhol. "He r*ped me."Tila biglang umikot ang paningin ni Khal. The revelation he heard sends too much pressure to his brain. At parang gustong sumabog niyon."Kuya -"Galit siyang napasuntok sa kinauupuan na sofa habang si Yeonna na kanina pa palihim na nakikinig sa dalawa ay tahimik na napaluha. She remembers how Yessa suffered."Kailan 'yon nangyari? KAILAN?" sigaw niya."W-When I was thirteen.""Kaya ba ginawa mo ang lahat para tumira sa akin at lumayo sa kanila?"Humahagulhol na tumango si Amira."Why didn't you tell me? Why?""Sorry, Kuya. Natakot ako na baka layuan mo ako o hindi mo ako paniwalaan."Ibinuhos ni Khal ang galit sa nakakuyom na mga kamao. "That maniac! He's really an evil!" ngitngit niyang bulalas. "Alam ba ito ng mga magulang niyo?""Inatake sa puso si Mama nang malaman ang nangyari. But my dad threatened me na sa oras daw na ikalat ko ang ginawa ni Anthony ay mawawala sa akin ang lahat.""Natakot kang mawal
"KUYA?"Natuon ang tingin ni Khal sa pagdating ni Amira. Naidlip siya sa kinauupuan kaya hindi niya ito naulinigan na pumasok ng bahay."Bakit gising ka pa rin?"Napasulyap muna siya sa relo. Halos madaling-araw na. Pero wala siyang balak na sitahin o pagalitan si Amira. "Hinintay talaga kita."Dumiretso ang dalaga sa sala at saka pabagsak na naupo paharap sa kapatid. "I told you not to wait. Ayokong mapuyat ka. At hindi ba dapat nasa tabi ka ngayon ni Ate Yeonna? She'll get easily annoyed to you kapag lagi kang ganyan. Treat her well, okay? She's my second favourite person.""Huh? And who's number one?""Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre, ikaw. At ikatlo si Hardhie."Pinigil ni Khal ang mapangiti. Minsan ay pinipigilan talaga niya ang sarili na ipakita kay Amira ang totoong nararamdaman. It's his way to distance himself to her. Baka kasi katulad ng kanyang ama, talikuran at saktan din siya nito. But then he realise na mali ang ginawa niya. He is the one leaving and hurting