DAY 38INILAPAG ni Khal sa gilid ng lavatory ang cellphone matapos basahin ang pinadala na mensahe ni Max."Huh! This is going to be a brand new day!"Ipinagpatuloy niya ang pagsisipilyo at saka lumabas na ng banyo. Tahimik pa ang buong kabahayan. Sinadya niya na agahan talaga ang paggising. He knows that Jacquin is an early riser.Nagtimpla muna siya ng kape. Dinala niya iyon sa veranda. At nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang taong alam niya na kanina pa naghihintay sa kanya."Khal? Is that you?"Dumako ang tingin niya sa kabilang resthouse. It was his friend's property. And he made sure that it was available for that day."Oh," maikli niyang sambit na kunwari rin niyang ikinagulat."What are you doing here?""Well, this is my place."Mababang bakod lang ang pumapagitna sa dalawang bahay. Kaya malaya sila na nakakapag-usap."Look at that. Fate really brings us closer.""Oh. Really?""I mean napakalaki ng Coron. And here we are, meeting again. The other day is not good to us,
SINIPAT niya ang sariling repleksiyon sa salamin. It was not really her first time wearing 'bikinis', pero humanga pa rin siya sa nakikitang ganda ng hubog ng kanyang katawan.Kahit na madalas siya sa field o dumaan siya sa mga training ay hindi naman siya nagka-muscles. May ilang peklat siyang tinamo kapag napapasabak siya sa mga operasyon, but with the help of doctors and medicines, it fades away.Maputi rin siya. Kaya mas lumilitaw ang kinis ng kanyang kutis. During her old days, maingat talaga siya sa katawan.Matapos matitigan ang sarili, ipinatong ni Yeonna ang isang puting beach sheer na iniregalo sa kanya ni Yessa noong unang pumunta sila sa dagat nang magkasama. Hindi kasi nila iyon nagawa noong sila ay bata pa. Maaga silang naharap sa hamon at kahirapan ng buhay.Lumabas na siya ng silid. Abala si Khal sa harap ng kalan. Nakita niya na napahinto ito sa ginagawa at napatitig sa kanya."Bakit?""You just stunned me.""Haist! Masyado kang straightforward.""I don't like sugar-c
IBINABA ni Yeonna sa sidetable ang hawak na cellphone. Padapa niya na inilapag iyon upang hindi mapansin ni Jacquin ang pagbukas niya sa recording.Sandali muna niyang pinalipas ang ilang minuto. Nag-stretching siya ng braso at naghanap ng magandang tiyempo."Anyway," untag niya nang makitang inilalatag ni Jacquin ang dala nitong towel sa sun lounger nito. "Ano ang kasunduan niyo ng mga Cardoval?""What do you mean?""Anthony is obsessed with you, but he let his father marry you to his most hated half-brother.""Saan mo naman nakuha ang tsismis na iyan?""Hindi iyon basta tsismis. Ibinubuhos ni Anthony sa ibang babae ang galit niya't pagkadismaya dahil hindi niya makuha ang puso ng babaing minamahal niya.""That includes your sister, right?""Don't worry. I am paving my way para makuha ng kapatid ko ang hustisya.""How about I'll help you with that? I will help you get justice for her. I have a lot of connections. Magagawa ko iyon na walang kahirap-hirap."Napatititig si Yeonna kay Ja
DAY 40LAHAT nang posibleng paraan ay ginawa ni Yeonna upang makaiwas kay Khal. She is starting to hate and doubt herself after the intimate kissed they have shared.Hindi niya alam. Pero sa tagpong iyon ay nagawa niyang tumugon kahit wala sila sa stage para magpanggap. Jacquin is nowhere to be found nang maghiwalay ang mga labi nila. There is no audience, but they acted so well.So, it was clear that they had the kiss just because they've longed for it. Para ngang sabik sila sa isa't isa. And Yeonna found it very confusing dahil lahat nang pag-iingat upang hindi mahulog ang loob niya kay Khal ay bigla na lang nawalan nang saysay.She has to make another plan upang hindi na siya muling malinlang ng puso na lagi na lang nasusunod kapag naroon sa paligid si Khal, especially when he's so close to her."Hey!"Napahinto si Yeonna nang nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Bumalik na sila ng Maynila. Wala na ring nagawa ang binata nang magyaya na siya kahit gusto pa nitong manatili sa Coro
DAY 42NAPABALIKWAS nang bangon si Yeonna dahil sa kanyang panaginip. Ipinakulong daw siya ni Khal dahil nagtapat siya rito ng totoo niyang nararamdaman.Ipinataw sa kanya ng korte ang life sentence for breaching the contract. "That jerk! Hanggang sa panaginip, hindi niya talaga ako pinatatahimik!"Babalik sana siya sa paghiga nang makita niya ang oras sa alarm clock."Darn!"Mabilis siyang bumaba ng kama at tinakbo ang direksiyon ng bintana. Hinawi niya roon ang nakatabing na makapal na kurtina.Sumalubong sa kanya ang mataas nang sikat ng araw. Alas onse na ng tanghali. Hindi alas onse ng gabi. Ibig sabihin ay dere-deretso ang kanyang pagtulog at walang umistorbo sa kanya."Mukhang nakatulog na rin siya," tukoy niya kay Khal. "Mabuti naman."Agad na siyang tumungo sa banyo at nag-ayos ng sarili para sa pagpasok sa trabaho. Hindi puwedeng may maudlot na araw dahil kailangan na talaga niya ang makaalis sa poder ng binata. Baka hindi lang bangungot ang abutin niya kapag nagtagal pa s
DAY 44"MAUNA ka na sa bahay."Napalingon si Khal. Nasa harap na sila ng elevator ni Yeonna. It was past seven at night. Katatapos lang ng board meeting nito kaya pauwi pa lamang sila. "Where are you going?""Gusto ko munang mapag-isa.""Hindi ba dahil gusto mo lang akong iwasan?""Hindi kita iiwasan!" asik niya. "And don't ever think na love confession ang ginawa ko kagabi."Wala nang mga tao sa paligid. Ang ilan sa mga security personnel ay rumuronda sa loob at labas. Maliban sa kinaroroonan ng dalawa.Malaya silang makapag-usap nang hindi nagbubulungan katulad nang madalas nilang gawin kapag naroon sa Golden Royals."May hidden message sa sinabi ko. Kung matalino ka, mage-gets mo ang iyon."Natawa si Khal. "So, it isn't a love confession?""Oo. Ano bang inaasahan mo?""Nothing much. Pero disappointed ako. Ano ba ang mensahe ang nasa likod ng mga sinabi mo kagabi?""Homework iyan. Isipin mong mabuti pag-uwi mo.""Jeez! Maghapon na akong nag-iisip sa trabaho tapos pababaunan mo pa ak
MABIBILIS ang mga hakbang ni Yeonna habang patungo sa isa sa mga elevator ng Mantie Oasis kung saan naroon ang condo ni Khal.They had been living together for a few weeks. At wala pa namang nangyayaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa kahit na minsan ay mayroon silang mga asaran o bangayan. Though they shared kiss a few times lalo na kapag nalalasing siya, hindi pa naman sila humahantong nang higit doon.Inabutan ni Yeonna sa sala ang binata. Akala niya ay tulog na ito kasi sabi nito kanina ay pagod ito. Pero nadatnan niya na abala ito sa harap na laptop na nasa ibabaw ng mga binti nitong nakaunat naman at nakapatong sa center table."Maaga ka pa. Usually, lumalagpas ka ng midnight bago ka umuwi." Nag-angat ng tingin si Khal. "Are you drunk?""Sinabi ko na sa 'yong hindi na ako iinom pa.""I see. Kaya pala hindi ka gumagapang.""Hindi ako ganyan malasing!' asik ni Yeonna."So, paano ka ba malasing?"Nappipilan si Yeonna at umiwas agad ng tingin."Ilang araw mo nang tinitiis an
"WHAT did you just say?""A DNA test.""What for?""It's a police instinct. Your father -""Wait." Natatawa si Khal. "Are you trying to say na hindi kami magkadugo ng papa ko?"Naupo uli si Yeonna paharap sa binata. "Just do what I say. Walang mawawala kung susubukan natin. I really have this doubt na may hindi tama relasyon niyo.""He's my father. Marami kaming photos mula nang isilang ako.""As I have said, walang mawawala kung susubukan natin.""No. That's not a good idea.""May gumugulo talaga sa isip ko..."Inilapag ni Khal sa tabi ang laptop at seryosong nakipagtitigan kay Yeonna. "Were you thinking na ang ama ko ay posibleng si Melvin Aponcillo?""Lahat nang portrait dito ay iisa lang ang pinagmulan. Kung ako ang collector, I can say that the artist is important to me.""Puwede rin na humahanga ka sa kanyang galing at talento sa pagpipinta.""Kahit minsan ba ay hindi ka man lang nagduda kung bakit mas malapit ang papa mo sa bastardo mong kapatid?""Why would I care kung wala na
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil
"BAKIT ba ang tagal mong magbukas ng pinto?"Sa halip na sumagot ay pinagala muna ni Hardhie ang tingin. Lumabas pa ito saka sinuyod ang paligid."May inaasahan ka bang bisita ngayon?""Hindi mo ba siya kasama?"Napakunot ng noo si Yeonna. "Sino?""Si Amira.""Si Amira? Bakit mo siya hinahanap? Wait. Lalaki ka na ba? Gusto mo na ba siya?""Haller!" Pumasok na ito sa bahay na sinundan naman ni Yeonna. "I've been this way since magpatuli ako. So, hindi mangyayari ang sinasabi mo.""Kailan ka nagpatuli?"Nilingon nito ang kaibigan nang nasa mukha ang pagtataka. "At bakit bigla kang nagkainteres sa pagpapatuli ko?""Basta sagutin mo na lang ako. Kailan ka nagpatuli?"Naupo ito sa sofa na tinabihan naman ni Yeonna. "Well, nakakahiya mang aminin, pero fifteen na ako nang tuliin.""Ibig mong sabihin, mula nang tinubuan ka ng ngipin hanggang bago ka tuliin ay lalaki ka?"Muli itong napakunot ng noo, nagtataka sa kakaibang iginagawi ni Yeonna. "Wala pa akong ngipin hanggang mabungi ako, sumus
"S-SINO?""Si Anthony, Kuya!" patuloy si Amira sa paghagulhol. "He r*ped me."Tila biglang umikot ang paningin ni Khal. The revelation he heard sends too much pressure to his brain. At parang gustong sumabog niyon."Kuya -"Galit siyang napasuntok sa kinauupuan na sofa habang si Yeonna na kanina pa palihim na nakikinig sa dalawa ay tahimik na napaluha. She remembers how Yessa suffered."Kailan 'yon nangyari? KAILAN?" sigaw niya."W-When I was thirteen.""Kaya ba ginawa mo ang lahat para tumira sa akin at lumayo sa kanila?"Humahagulhol na tumango si Amira."Why didn't you tell me? Why?""Sorry, Kuya. Natakot ako na baka layuan mo ako o hindi mo ako paniwalaan."Ibinuhos ni Khal ang galit sa nakakuyom na mga kamao. "That maniac! He's really an evil!" ngitngit niyang bulalas. "Alam ba ito ng mga magulang niyo?""Inatake sa puso si Mama nang malaman ang nangyari. But my dad threatened me na sa oras daw na ikalat ko ang ginawa ni Anthony ay mawawala sa akin ang lahat.""Natakot kang mawal
"KUYA?"Natuon ang tingin ni Khal sa pagdating ni Amira. Naidlip siya sa kinauupuan kaya hindi niya ito naulinigan na pumasok ng bahay."Bakit gising ka pa rin?"Napasulyap muna siya sa relo. Halos madaling-araw na. Pero wala siyang balak na sitahin o pagalitan si Amira. "Hinintay talaga kita."Dumiretso ang dalaga sa sala at saka pabagsak na naupo paharap sa kapatid. "I told you not to wait. Ayokong mapuyat ka. At hindi ba dapat nasa tabi ka ngayon ni Ate Yeonna? She'll get easily annoyed to you kapag lagi kang ganyan. Treat her well, okay? She's my second favourite person.""Huh? And who's number one?""Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre, ikaw. At ikatlo si Hardhie."Pinigil ni Khal ang mapangiti. Minsan ay pinipigilan talaga niya ang sarili na ipakita kay Amira ang totoong nararamdaman. It's his way to distance himself to her. Baka kasi katulad ng kanyang ama, talikuran at saktan din siya nito. But then he realise na mali ang ginawa niya. He is the one leaving and hurting