"WHAT did you just say?""A DNA test.""What for?""It's a police instinct. Your father -""Wait." Natatawa si Khal. "Are you trying to say na hindi kami magkadugo ng papa ko?"Naupo uli si Yeonna paharap sa binata. "Just do what I say. Walang mawawala kung susubukan natin. I really have this doubt na may hindi tama relasyon niyo.""He's my father. Marami kaming photos mula nang isilang ako.""As I have said, walang mawawala kung susubukan natin.""No. That's not a good idea.""May gumugulo talaga sa isip ko..."Inilapag ni Khal sa tabi ang laptop at seryosong nakipagtitigan kay Yeonna. "Were you thinking na ang ama ko ay posibleng si Melvin Aponcillo?""Lahat nang portrait dito ay iisa lang ang pinagmulan. Kung ako ang collector, I can say that the artist is important to me.""Puwede rin na humahanga ka sa kanyang galing at talento sa pagpipinta.""Kahit minsan ba ay hindi ka man lang nagduda kung bakit mas malapit ang papa mo sa bastardo mong kapatid?""Why would I care kung wala na
DAY 46"AYYY!"Maagap ang naging paghatak ni Amira sa necktie ng isang lalaki na nakabanggaan niya sa parking area. And as they locked their eyes, she felt a tingling behind her ears. Ganoon ang nararamdaman niya kapag nakukuha ang kanyang kilig. This man's aura is so masculine. Even his scent gives her the taste of heaven. Ang sarap niyon sa kanyang ilong na parang pinapawi ang lahat nang mga problema sa buhay."Gotcha!" wika niya habang malapad na nakangiti."Gosh! My betcha golly!"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Amira at napataas ng kilay. Mukhang tama ang narinig niyang tili kanina na akala niya ay ingay lang sa paligid."Okay ka lang?"Tumayo ng tuwid si Hardhie at marahas na inilayo ang sarili matapos hatakin ang necktie sa pagkakahawak ni Amira. "Ano sa tingin mo, ha? Ikaw kayang sakalin ko kung maging okay ka lang?""Haist! Ganyan ka ba magpasalamat sa taong sumaklolo sa 'yo, ha? Kung hindi kita nahawakan, baka nabungi ka na."Napalitan ng inis ang kanina lang na paghang
"SHE'S my bestie!""Ako lang naman ang sister-in-law niya!""Matagal na kaming magkaibigan!""Wala akong pakialam!"Naghihilahan sina Hardhie at Amira sa magkabilang braso ni Yeonna."We lived together for a long time!""And we'll be living together forever after they got married!" tugon uli ni Amira sa pagbibida ni Hardhie."What? You're an excess baggage? At anong trabaho mo?""Wala."Natawa si Hardhie. "Gosh! You're a total burden!""You're a total psycho naman!""Mas mukha kang baliw!" asik ni Hardhie."Sandali nga!"Natigil sa paghihilahan ang dalawa sa pagsinghal ni Yeonna."Bahay ito ng Diyos. So please, mind your manners.""Ang mukhang hipon na 'yan ang nauna!""Muntikan na ako kaninang mawalan ng hininga dahil sa pagiging careless nang katulad mong octopus!""Ang OA mo, ha? Nailigtas kita dahil sa necktie na iyan!"Napatingin naman si Hardhie sa itinuro ni Amira. Nagusot iyon kaya plinantsa nito iyon ng palad."Ano bang nangyari?" tanong ni Yeonna."Itanong mo sa kanya," turo
NAUNANG umalis sa reception sina Khal at Yeonna. Isinama nila si Chief Bragaise. Dumiretso sila sa condo para ipakita ang mga paintings ni Melvin Aponcillo."It was indeed his works," wika ng opisyal habang nakatunghay sa palibot ng mga dingding kung saan nakasabit doon ang hilera ng mga portrait. "I knew him well."Muli lang nagpalitan ng tingin sina Khal at Yeonna. The revelation is surprising. Hindi nila iyon napaghandaan. Though there was a hint, but it's still something that is not easy to sink in."And these are his best obra. Ilang ulit ko rin na narinig sa kanya na iaalay niya ang mga ito sa babaing tanging minamahal." Binalingan nito si Khal, "Napakaliit nga talaga ng mundo."Tinungo ng dalawang lalaki ang sala habang naghanda si Yeonna ng tsaa."Sinasabi mo bang mayroong espesyal na relasyon si Melvin sa mama ko?""Bago noon ipinagkasundo si Marites sa iyong ama, they are old sweethearts."Napahilot sa sintido si Khal. He already pictured the ending of that story in his mind
"UMAYOS ka nga!"Paika-ika si Amira habang naaalalayan ni Hardhie nang makababa sila ng sasakyan at tumungo sa direksiyon ng elevator ng parking area sa basement."Bakit? Nakahubad ba ako?""Ha?""I mean, maayos naman ang hitsura ko. Ano pa bang dapat kong ayusin? Tell me and I'll do it right away!""Jeez! Ayusin mo paglakad mo!""Oh," maikling tugon ni Amira sa pagsinghal ni Hardie."Haist! Ang bigat mo pa!""Ayaw mo ba sa chubby? Then, starting tomorrow, magda-diet na ako.""As if I care."Namumungay ang mga matang tiningala ni Amira si Hardhie. Ngumiti siya rito. "Oh, who's this handsome man?""Puwede ba sa susunod, huwag kang maglasing kung hindi mo kaya. Inabala mo ang oras ko na dapat nakauwi na ako at nagpapahinga.""Excuse me? Are you a celebrity, Mr. Handsome?""So, this is your double personality. Kanina lang nang hindi ka pa lasing, tinawag mo akong mukhang hipon.""Who's that lunatic para mapagkamalan kang hipon?"Napatirik ng mga mata si Hardhie."Oh, I like it. You're ev
"WHAT? You're really his boyfriend?""And I found her in this place. Pero dahil sinabi ng chocobunch ko na ibenta ko na ang anim na unit ko rito, I'd better do it. I don't want to meet my catastrophe here, especially of losing her. She's my beloved gem."Natawa si Matt. "No way! I know how much Amira loves me!""Seriously?" Tumawa rin si Hardhie. "You must be full of yourself. Tsk! Isang araw pa nga lang, nakapag-move on na siya. At dahil iyon sa tulong ko. As the saying goes, a broken heart can only be healed and mended by another love."Nabaling ang tingin ni Matt kay Amira. "Nakapag-move on ka na?""Y-Yes." Naumid pa siya. Pero hindi iyon nahalata ng dating nobyo. "Bakit? Akala mo ba magiging useless ang buhay ko?""Oo. Halos araw-araw kang naglalasing para makalimutan ako, hindi ba?"Naramdaman ni Hardhie ang paghigpit ng kamay ni Amira sa braso nito."Masaya na rin ako.""Masaya ka na after a day of our breakup? Then, why?"Bahagyang napapitlag ang dalaga nang sumigaw si Matt. Na
HALOS nangangalahati na ang isang bote mula sa dalawang alak na bitbit ni Amira nang makalabas ng convenience store."Hey!"Nilagpasan niya si Hardhie at naupo sa wooden bench na nasa unahan lang ng tindahan. Pero sumunod ito."Akala ko naman sa pharmacy ka pupunta. Gamot ba iyan, ha?""Oo. At effective ito sa akin.""Marami ka nang nainom kanina.""Stop grumbling. Para kang si Kuya Khal. Jist leave. Gusto mo nang magpahinga, 'di ba? Umuwi ka na."Sinundan ni Hardhie si Amira nang lumipat ng ibang upuan."You have to take care of yourself. Dahil babae ka. Paano kung wala kang kasama at lasing ka? Pinapahamak mo ang sarili mo.""Jeez! Boyfriend ba kita, ha?""Lalaki ang gusto ko kaya hinding-hindi mo ako magiging boyfriend kahit kailan."Umismid lang si Amira."Go home. It's almost midnight -""Well, hatinggabi na o madaling-araw ang lamay.""What?"Tiningala niya si Hardhie na nakatayo sa kanyang harapan. "Kapag wala pa ako sa bahay, alam ni Kuya na nasa lamay ako.""Anong lamay?""Ev
"DARN! Go inside!""Ayoko pang umuwi. Let's stay together." Sa halip na pumasok sa kotse, yumakap si Amira kay Hardhie. "Like this.""Ewww!" Itinulak nito ang dalaga nang kumawala rito, "Kapag lalo mo talagang pinainit ang ulo ko, iiwan na kita. Bahala ka sa buhay mo!"Ngumiti siya nang tiningala si Hardhie. "Saang ulo? Sa taas o baba?"Bigla nitong tinakpan ang maselan na bahagi ng katawan nang tumingin doon si Amira nang tila may pagnanasa. "Hey!""I'm a nurse. Puwede ko iyang kunan ng temperature para malaman natin kung kailangan mo ng gamot.""Lasing ka na!"Pinuwersa na nito ang dalaga papasok ng kotse at saka isinara ang pinto bago inukupa ang driver's seat "You're worse than Yeonna! Women!""You are one of us. So, don't curse us. But if you could be my boyfriend..." Nakangiti si Amira habang namumungay ang mga mata nang tumingin kay Hardhie. "Hindi kita pipigilan kahit ipakulam mo pa ang lahat ng babae sa buong mundo!""What a brat!" Pinaandar na nito ang sasakyan. "Fasten you
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil
"BAKIT ba ang tagal mong magbukas ng pinto?"Sa halip na sumagot ay pinagala muna ni Hardhie ang tingin. Lumabas pa ito saka sinuyod ang paligid."May inaasahan ka bang bisita ngayon?""Hindi mo ba siya kasama?"Napakunot ng noo si Yeonna. "Sino?""Si Amira.""Si Amira? Bakit mo siya hinahanap? Wait. Lalaki ka na ba? Gusto mo na ba siya?""Haller!" Pumasok na ito sa bahay na sinundan naman ni Yeonna. "I've been this way since magpatuli ako. So, hindi mangyayari ang sinasabi mo.""Kailan ka nagpatuli?"Nilingon nito ang kaibigan nang nasa mukha ang pagtataka. "At bakit bigla kang nagkainteres sa pagpapatuli ko?""Basta sagutin mo na lang ako. Kailan ka nagpatuli?"Naupo ito sa sofa na tinabihan naman ni Yeonna. "Well, nakakahiya mang aminin, pero fifteen na ako nang tuliin.""Ibig mong sabihin, mula nang tinubuan ka ng ngipin hanggang bago ka tuliin ay lalaki ka?"Muli itong napakunot ng noo, nagtataka sa kakaibang iginagawi ni Yeonna. "Wala pa akong ngipin hanggang mabungi ako, sumus
"S-SINO?""Si Anthony, Kuya!" patuloy si Amira sa paghagulhol. "He r*ped me."Tila biglang umikot ang paningin ni Khal. The revelation he heard sends too much pressure to his brain. At parang gustong sumabog niyon."Kuya -"Galit siyang napasuntok sa kinauupuan na sofa habang si Yeonna na kanina pa palihim na nakikinig sa dalawa ay tahimik na napaluha. She remembers how Yessa suffered."Kailan 'yon nangyari? KAILAN?" sigaw niya."W-When I was thirteen.""Kaya ba ginawa mo ang lahat para tumira sa akin at lumayo sa kanila?"Humahagulhol na tumango si Amira."Why didn't you tell me? Why?""Sorry, Kuya. Natakot ako na baka layuan mo ako o hindi mo ako paniwalaan."Ibinuhos ni Khal ang galit sa nakakuyom na mga kamao. "That maniac! He's really an evil!" ngitngit niyang bulalas. "Alam ba ito ng mga magulang niyo?""Inatake sa puso si Mama nang malaman ang nangyari. But my dad threatened me na sa oras daw na ikalat ko ang ginawa ni Anthony ay mawawala sa akin ang lahat.""Natakot kang mawal
"KUYA?"Natuon ang tingin ni Khal sa pagdating ni Amira. Naidlip siya sa kinauupuan kaya hindi niya ito naulinigan na pumasok ng bahay."Bakit gising ka pa rin?"Napasulyap muna siya sa relo. Halos madaling-araw na. Pero wala siyang balak na sitahin o pagalitan si Amira. "Hinintay talaga kita."Dumiretso ang dalaga sa sala at saka pabagsak na naupo paharap sa kapatid. "I told you not to wait. Ayokong mapuyat ka. At hindi ba dapat nasa tabi ka ngayon ni Ate Yeonna? She'll get easily annoyed to you kapag lagi kang ganyan. Treat her well, okay? She's my second favourite person.""Huh? And who's number one?""Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre, ikaw. At ikatlo si Hardhie."Pinigil ni Khal ang mapangiti. Minsan ay pinipigilan talaga niya ang sarili na ipakita kay Amira ang totoong nararamdaman. It's his way to distance himself to her. Baka kasi katulad ng kanyang ama, talikuran at saktan din siya nito. But then he realise na mali ang ginawa niya. He is the one leaving and hurting