DAY 18"SEE YOU AT THE OFFICE. TAKE YOUR TIME."Mabilis na tinungo ni Yeonna ang isang nakabukas na bintana at saka sumilip sa labas nang makatanggap na naman siya ng parehong mensahe kay Khal.Wala roon si Amira. Kahapon ay hindi na siya nakapunta ng Golden Royals dahil kung saan-saan siya dinala ng dalaga. They went shopping, dine again, went to museum, dine again, went to a beauty parlour, and dine again. Naubos ang buong araw niya sa kabubuntot dito.Ang nakakapagtaka, hindi man lang siya nasermunan ni Khal. Hindi katulad noon na ma-late lang siya ng limang segundo, uulanin na siya ng katakot-takot na litanya na dinaig pa ang pari na may whole day mass."Teka. Iniiwasan niya ba ako?"Nagpalakad-lakad siya at napaisip. Saka niya naalala ang proposal ni Khal noong mag-almusal sila sa bahay nito."Inisahan niya lang ba ako? Ang totoo, wala naman talaga. Gusto niya lang na makahalik at maakbay sa akin!"Napatigil si Yeonna sa pagpalakad-lakad at napatitig sa kawalan na parang may real
"WHAT are you doing?"Biglang natauhan si Yeonna sa ilang segundong pagkakatulala nang narinig ang malagom na tinig ni Khal. At saka rin lamang niya nakita ang posisyon mula sa pagkakabuwal sa kama.Nakahawak sa hubad na dibdib ang isa niyang kamay habang ang kabila naman ay nasa ibaba. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang matigas na 'bagay' na kahit may nakatakip na puting kumot ay nakahulma pa rin doon ang umbok na animo'y nililok ng isang bihasang iskultor dahil halos perpekto iyon sa paningin ng tulad niyang anak ni Eba. "Darn!" pagmumura ng dalaga.Mabilis siyang tumayo. Pero natataranta siya kaya muli rin siyang nabuwal pabalik sa posisyon at muntikan pang sumubsob ang kanyang mukha sa 'umbok' na para nga yatang dumagdag ang laki sa ilang segundo pa lang na pagkakalingat niya ng tingin dito."What a sight!"Napatingin ang dalawa sa direksyon ng pinto. At inipon na ni Yeonna ang natitira na lakas upang makatayo nang makita si Amira na abot-tainga ang pagkakangiti."Wala
"TEKA!'Hindi man lang sinulyapan ni Yeonna ang pagpigil ni Khal. Deretso lang ang tingin niya sa tinatahak ng sasakyan."Bakit ka lumiko? Hindi rito ang daan papuntang Royals.""Alam ko.""Where will you take me?""Natatakot ka bang kasama ako?""Hey! I'm serious. Marami akong trabaho, so stop playing around.""Marami kang trabaho, pero tulog na tulog ka nang datnan ko.""Well, nagising na ako. Nakatulog lang ulit. But, anyway. Get back to the right track and head straight to Royals.""I'll be bringing you somewhere.""Saan?'"Sa lugar na puwede kitang ma-solo."Mula sa pagkakaupo ni Khal sa unahan ay sinundan nito ng tingin ang pagsulyap ni Yeonna sa maselang bahagi ng katawan. Bigla nitong itinakip ang kamay roon. "No way! These are my precious babies!""At ayokong maging ina nila!""They will not pick you, either.""As if!" asik ni Yeonna na pinukol pa ng matalim na tingin ang binata. "Idagdag mo na lang sa pagiging biktima mo ang gagawin ko. Kailangan mo ba na i-video ang mangyay
"SA susunod, tatama na ito sa mukha mo..."Dahan-dahang napadilat si Khal. Malapit na sa tungki ng ilong nito ang nakaangat na kamao."At sisiguraduhin kong kapag dumantay ito sa pagmumukha mo, kinabukasan ka na magigising!"Pareho lamang sila ng taas. Pero kahit mas malaki ang pangangatawan ni Khal, hindi maikakaila ang kakaibang lakas ng dalaga. At napatunayan na nito iyon sa unang araw ng kanilang pagtatagpo."Ang mahalaga, magigising pa rin ako. You will face dilemma if I don't wake up ever again."Napabuga ng hangin sa bibig si Yeonna dahil sa pagiging pilosopo ni Khal."Teka nga." Pinatigas nito ang tono at itinuwid ang katawan. "Bakit nagiging informal na yata ang pananalita't kilos mo? I'm still your boss."Biglang napipilan si Yeonna. These past few days, napapansin niya na madalas na siyang at ease sa presensiya ni Khal."Aren't you too comfortable with me? As you know, I can pick random or any girls para magpanggap na gf ko. I just choose you dahil kailangan mo ako. Pinapas
DAY 20IT is supposed to be her 19th day working with CEO Khal Dee dahil nag-propose ito ng additional half day to speed up their 100 days contract.Pero sisiguraduhin niya na sa araw na iyon ay isang buong araw at hindi lang basta kalahati ang makukuha niya. She thought about it the whole night. Hindi na nga siya halos nakatulog."We're here," anunsiyo ni Khal.“Kailangan pa ba talagang gawin ito?”Tumigil sa paghakbang si Khal at nilingon si Yeonna na huminto sa paglalakad. She has looks of hesitation all over her face."Akala ko ba malinaw ang agreement natin? No complaints. No questions."“I'm not complaining or questioning, but suggesting. Hindi na siguro kailangan na baguhin pa ang istilo at pananamit ko.”Kasalukuyan kasing patungo sina Khal at Yeonna sa isang boutique, exclusive only for the rich and famous; the reason alone kaya nag-aalinlangan ang dalaga.Nakakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Mas sanay siya na bumibili ng mga gamit sa tiangge at ukay-ukay.She never had
ANG pagkakadikit na iyon ng kanilang mga labi ay tila magneto na ayaw nang humiwalay sa isa't isa. Ang nakamulagat nilang mga mata ang saksi sa lumipas na ilang mga segundo na hindi sila natinag sa kanilang posisyon.Natauhan lamang si Yeonna dahil sa tunog ng pitik ng mga camera. Gusto sana niyang sampalin si Khal dahil sa pananamantala nito sa pagkakataon, pero naalala niya ang isang araw na idadagdag sa kontrata. Sayang.Marahan na lang niyang itinulak ang binata at saka kunwaring nahihiyang ngumiti bago humarap sa mga tao na nakatuon sa kanila ang atensiyon.Ngumiti ka," utos ni Yeonna kay Khal na nakatulala pa rin."Uhm," tikhim nito na nakaramdam ng hiya.Hindi na masyadong pinagtuunan ng pansin ni Khal ang mga tao. He bought and paid the things they picked at saka nagmamadali nang umalis."Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Yeonna sa sarili habang nakasunod sa binata na nauuna na. "Babe!"Biglang napapreno sa paghakbang si Khal dahil sa katawagan na narinig. It sounds sweeter
“C'MON, cheers!”"Sandali ka lang. Isang shot. Umuwi ka na.""Kuya, cheers. Don't ruin the mood.""Puwede ba kahit isang araw, huwag kang iinom?""Made-dehydrate ako. Ouch!" Napasapo ito sa noo na pinitik ni Khal. "Kuya!""Nangako ka sa akin, 'di ba?" singit ni Yeonna sa bangayan ng magkapatid."Who?" pagmamaang-maangan ni Amira. "Ikaw."Itinuro pa nito ang sarili. "What? Ako? How? Why? When? Where?" Umiwas ito sa akto na naman sanang pagpitik dito ng kapatid. "Wala akong maalala. Baka lasing ako nang magkuwentuhan tayo.""Kuwentuhan?" Natawa si Yeonna. "You provoke me.""Wala talaga akong maalala. As in, ZERO.""Sinabi mo na kapag napatunayan kong hindi bakla ang kapatid mo, hindi ka na maglalasing.""Napatunayan mo na ba?"Biglang napipilan si Yeonna. Napasulyap pa siya kay Khal na nakatingin naman sa kanya. Mabilis din siyang umiwas. "O-Oo.""Paano?""Bakit ba ang dami mong tanong?""You just kissed," patuloy na pagsasalita ni Amira. Hindi pa ito nakakainom, pero madaldal na. "Wai
"DRINK."Tinungga naman muna ni Yeonna ang laman ng wine glass. At saka pabagsak na ibinaba iyon."Want more?""Dalhin mo rito lahat nang alak sa bahay na ito. Hindi ko iyon tatanggihan.""There are too many. Baka malasing ka.""I can take care of myself.""Sigurado ka?""101%!""Okay." Mismong si Khal na ang nagsalin ng alak sa wine glass ng dalaga. “Drink. Tingnan natin kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa standard mo sa pagpili ng mga lalaki.”Tinungga ulit niya ang inumin. “Kahit ilang bote pa ang ipainom mo sa akin, hindi mo mababago ang pamantayan ko.”Muling nagsalin ang binata. “Drink.”“Lasingin mo man ako, hindi pa rin ikaw ang pipiliin kong maging parte ng buhay ko.”“Drink,” utos nito kasabay ng pagsalin uli nang maibaba ng dalaga ang wine glass.“You’re nothing to me. Wala kang karisma.”Napansin na ni Khal ang pamumungay ng mga mata ni Yeonna. “Drink.”“Hindi ako katulad ng ibang babae na dumaan sa buhay mo na basta na lang maa-attract sa iyo. Bukod sa arogante ka na, h
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil
"BAKIT ba ang tagal mong magbukas ng pinto?"Sa halip na sumagot ay pinagala muna ni Hardhie ang tingin. Lumabas pa ito saka sinuyod ang paligid."May inaasahan ka bang bisita ngayon?""Hindi mo ba siya kasama?"Napakunot ng noo si Yeonna. "Sino?""Si Amira.""Si Amira? Bakit mo siya hinahanap? Wait. Lalaki ka na ba? Gusto mo na ba siya?""Haller!" Pumasok na ito sa bahay na sinundan naman ni Yeonna. "I've been this way since magpatuli ako. So, hindi mangyayari ang sinasabi mo.""Kailan ka nagpatuli?"Nilingon nito ang kaibigan nang nasa mukha ang pagtataka. "At bakit bigla kang nagkainteres sa pagpapatuli ko?""Basta sagutin mo na lang ako. Kailan ka nagpatuli?"Naupo ito sa sofa na tinabihan naman ni Yeonna. "Well, nakakahiya mang aminin, pero fifteen na ako nang tuliin.""Ibig mong sabihin, mula nang tinubuan ka ng ngipin hanggang bago ka tuliin ay lalaki ka?"Muli itong napakunot ng noo, nagtataka sa kakaibang iginagawi ni Yeonna. "Wala pa akong ngipin hanggang mabungi ako, sumus
"S-SINO?""Si Anthony, Kuya!" patuloy si Amira sa paghagulhol. "He r*ped me."Tila biglang umikot ang paningin ni Khal. The revelation he heard sends too much pressure to his brain. At parang gustong sumabog niyon."Kuya -"Galit siyang napasuntok sa kinauupuan na sofa habang si Yeonna na kanina pa palihim na nakikinig sa dalawa ay tahimik na napaluha. She remembers how Yessa suffered."Kailan 'yon nangyari? KAILAN?" sigaw niya."W-When I was thirteen.""Kaya ba ginawa mo ang lahat para tumira sa akin at lumayo sa kanila?"Humahagulhol na tumango si Amira."Why didn't you tell me? Why?""Sorry, Kuya. Natakot ako na baka layuan mo ako o hindi mo ako paniwalaan."Ibinuhos ni Khal ang galit sa nakakuyom na mga kamao. "That maniac! He's really an evil!" ngitngit niyang bulalas. "Alam ba ito ng mga magulang niyo?""Inatake sa puso si Mama nang malaman ang nangyari. But my dad threatened me na sa oras daw na ikalat ko ang ginawa ni Anthony ay mawawala sa akin ang lahat.""Natakot kang mawal
"KUYA?"Natuon ang tingin ni Khal sa pagdating ni Amira. Naidlip siya sa kinauupuan kaya hindi niya ito naulinigan na pumasok ng bahay."Bakit gising ka pa rin?"Napasulyap muna siya sa relo. Halos madaling-araw na. Pero wala siyang balak na sitahin o pagalitan si Amira. "Hinintay talaga kita."Dumiretso ang dalaga sa sala at saka pabagsak na naupo paharap sa kapatid. "I told you not to wait. Ayokong mapuyat ka. At hindi ba dapat nasa tabi ka ngayon ni Ate Yeonna? She'll get easily annoyed to you kapag lagi kang ganyan. Treat her well, okay? She's my second favourite person.""Huh? And who's number one?""Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre, ikaw. At ikatlo si Hardhie."Pinigil ni Khal ang mapangiti. Minsan ay pinipigilan talaga niya ang sarili na ipakita kay Amira ang totoong nararamdaman. It's his way to distance himself to her. Baka kasi katulad ng kanyang ama, talikuran at saktan din siya nito. But then he realise na mali ang ginawa niya. He is the one leaving and hurting
"THAT man will marry me today!""Hija -""Father," pinutol na ni Jacquin ang muli sanang pagsalungat ng pari. "We are in love with each other. Ikasal mo na kami.""Kailangan ko ring marinig ang sasabihin ng groom-to-be.""He's not in the right mind today. Dahil ginamitan siya ng gayuma ng babaing iyan!"Napataas ng kilay si Yeonna. "Kanina lang sinabi mo na ginagamitan ko ng puwersa si Khal. Ngayon naman, gayuma. Anong susunod? Black magic?""Yes. Because you're an evil."Napaismid na lang na natatawa si Yeonna nang biglang takbuhin ni Jacquin si Khal at yakapin. "Jeez!""We're really in love. Ikasal mo na kami ngayon, Father.""Gusto mo bang kasuhan kita ng concubinage?" asik ni Yeonna."What?""Inaari mo kasi ang asawa ko.""Sinong asawa mo?"Sa halip na sumagot ay kinuha ni Yeonna sa bag ang kanilang marriage certificate at ibinigay iyon sa pari. "Please check the authenticity of that document, Father."Lahat nang mata ay natuon sa papel. Halos isang linggo pa lamang na kasal ang d
"AFTER today, makakahinga na tayo nang maluwang and just wait for the result."Marahan na tumango at tipid lang na ngumiti si Yeonna. She's been a little nervous since last night. Kailangan na magawa niya ang plano nila nang hindi magdudulot ng pagdududa kina Felix at Anthony.Though it was her idea to do the DNA test, she's not very sure if it goes out according to their plans. Pareho pang tuso ang mag-ama. Baka mahalata ng mga ito ang totoo nilang motibo."Don't worry too much," dagdag pa ni Khal sa pagpakawala uli ng asawa ng malalim na buntong-hininga."Okay lang ako.""What's really bothering you? Alam kong hindi ka takot na makaharap sila. May iba ka pa bang ipinag-aalala?""Kung sakali man na maging positibo ang resulta ng DNA, alam kong unang-unang masasaktan si Amira. You know what she really wants, right? She always hopes na maituturing mo siyang tunay na kapatid.""We can't do anything about it. She has to choose between me or go against her own family.""Tatanggapin mo ba
"IKAW naman ang taya. Ang laki ng binigay sa 'yong bonus.""Marami akong gastusin!" asik ni Hardhie sa panunudyo ng mga kaibigan.Magkakasama sila sa isang team bilang makeup artist ng kilalang anchor. Galing sila sa café at pabalik na sila sa trabaho nila."Bakit? Ilan ba ang lalaki mo?""Haist! Wala akong lalaki!"Natuon ang tingin ng grupo sa isang big bike na humarang sa kanilang daraanan."Wow! Ang gara!" bulalas na paghanga ng isa sa mga kasama ni Hardhie."Siguradong guwapo iyan!""Kaninong jowa iyan?"Kanya-kanya ng tanggi ang apat na kasamang bakla ni Hardhie."Ikaw.""Hindi ba't sinabi ko na sainyo na wala akong lalaki?" asik niya matapos siyang ituro ng mga kaibigan. "Wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Period. No more arguments. No more questions. Okay?""Kung walang aangkin, akin na lang!" wika ng isa na humakbang sa unahan.Halos hindi kumurap ang magkakaibigan habang dahan-dahan na tinatanggal ng nakasakay sa motor ang helmet nito."Ang guwapo!" bulalas ng lahat ma
"CAN we just cancel the plan today?"Sinulyapan lang ni Yeonna si Khal. "Hindi puwede. Napag-usapan na natin ito.""Limang araw pa lang mula nang ikasal tayo. Nasa honeymoon-stage pa tayo.""Alam ko ang nasa isip mo."Nakangiting kumapit sa braso ni Yeonna si Khal, "Let's just stay in bed.""Hindi pa ba sumasakit ang katawan mo?"Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Hindi.""Kailangan ko nang pahinga.""Mamasahehin ko ang buong katawan mo.""At alam ko kung saan lang mauuwi iyon.""Magpapakita lang tayo sa Royals, then uuwi na agad tayo. Okay?""Magtatrabaho ka.""I owned the company -"Pinutol na agad niya ang pagdadahilan ni Khal. "Kailangan nating maghanda. Alam mo ang mangyayari sa oras na malaman ng mga kalaban na ikinasal na tayo.""Fine. But you have to promise me na akin ang buong gabi mamaya.""Haist! Oo na!"Parehong napahinto ang mag-asawa na palabas na sana ng bahay nang may tila ipo-ipong dumaan sa kanila na muntikan pa silang banggain."Sorry, sorry!"Nagmamadali si Am