Chapter: Kabanata 19Tinago ko siya dahil ayokong malaman ni Luke ang tungkol kay Klaus. Wala siyang karapatan sa anak ko, at hindi siya kailangan ni Klaus. Limang taon nabuhay si Klaus na walang kinikilalang ama, at alam niyang matagal nang wala ang kanyang ama dahil lagi kaming bumibisita sa kanyang puntod.1 Year AgoMuntik ko pang mabitawan ang tea cup na hawak ko dahil nagulat ako sa sinabi ni Klaus. This is the first time he asked about his stupid father kaya hindi ko alam ang isasagot ko.Alam kong darating ang araw na tatanungin niya kung nasaan ang dad niya, pero hindi ko inaasahan na ngayon siya magtatanong tungkol sa gago na 'yon.Malungkot akong ngumiti para magmukhang mahal ko ang bwesit na lalaki na 'yon."Baby... Masyado ka pang bata kaya hindi ko alam kung maiintindihan mo ang sasabihin ko." malumanay kong sabi."I'm a big boy, mami." Nakangiting sabi niya, at napangiti ako ng mag-pout siya."Pangako bukas, sasabihin ko sayo ang totoo at makikita mo ang dad mo, pero sa ngayon kailangan na n
Huling Na-update: 2023-04-11
Chapter: Kabanata 18"Che! Umalis ka na nga at baka masuntok pa kita." Pagtataboy niya sa akin kaya natawa ako. Nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong may nakatingin sa akin na may intensyong pagpatay, napatingin ako sa butler ni Isla na nakatingin sa akin ng masama. Kung nakakamatay ang tingin, paniguradong patay na ako dahil sa mga titig niya. Lumapit ako kay Isla at bumulong."Pagsabihan mo ang butler mo, at baka malaman mo na lang patay na siya." Malamig kong sabi at umalis na, sumunod naman sa akin yong apat. Inabot ko kay Lincoln yong paper bag na binigay ni Isla at siya ang pinabuhat ko. Pagpasok namin sa loob ng sasakyan nagkakulo sila Lincoln, Dylan, at Isaac dahil curious sila kung ano yong pinadala ni Isla sa amin. Si Axel ang magdadrive ngayon at nakaupo ako sa front seat, nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Hunter. Agad niyang sinagot ang tawag ko."Sundan mo ang asawa ko at siguraduhin mong hindi sila mawala sa paningin mo, kundi malalagot ka sa akin." Malamig kong sabi at ibinaba ang
Huling Na-update: 2023-01-05
Chapter: Kabanata 17"Niklaus?! Baby, ikaw ba yan?" Tanong ko kahit sigurado akong si Klaus iyon dahil kilalang-kilala ko ang boses ng anak ko. (Yes mommy it's me, miss na miss na po kita at gusto na kita makita.) "Ako din baby, gusto kitang makita. Miss na miss na kita pero masyado akong busy ngayon kaya matagal pa bago kita makita ulit." (Mommy... I'm sorry po dahil sinuway kita.) "Ano?! Ano ang ibig mong sabihin?" (Nandito po kami dahil pinilit ko sila.) "Nandito kayong lahat?" (Yes, Mommy.) Napahawak ako sa sentido ko at napabuntong hininga. Sinabi ko sa kanila na bantayan maigi ang anak ko at huwag nilang pababalikin ito sa Pilipinas dahil masyadong magulo pa ang lahat. "Baby, alam kong gusto mo akong makita, pero alam mo ang sitwasyon natin, hindi alam ng grandpa mo ang tungkol sayo. Nong sasabihin ko na sa kanya ang lahat, biglang nagkaroon ng problema, kaya hindi ko nasabi sa kan'ya ang totoo." (Mommy ikinahihiya mo ba ako?) "NO! Hindi kita ikinahihiya, natatakot lang ako na baka hindi k
Huling Na-update: 2023-01-05
Chapter: Kabanata 16Isla's POVNagising ako dahil sa ingay ng mga alarm clock ko, kahit ayoko pang bumangon dahil inaantok pa ako, pinilit kong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha at magtoothbrush. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko, bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng almusal. Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Theodore na gumagawa ng smoothie. Mahilig siya sa smoothies, hindi kumpleto ang araw niya kung hindi umiinom ng smoothie sa umaga. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya."Good morning Theodore." Nakangiting sabi ko, saka niya ako hinalikan sa noo."Good morning din Princess." nakangiti niyang sabi. "Bakit ang aga mong nagising ngayon? Hindi ka morning person Princess, hindi ka magigising kung walang gumising sayo," ani ni Theodore. Tama siya, hindi naman talaga ako morning person, ayokong ayoko ang gumigising ng maaga. Hindi ako magigising kung hindi ako naglagay ng 20 alarm clock sa kwarto ko. "M
Huling Na-update: 2022-12-24
Chapter: Kabanata 15"Hindi naman ako namatay, anong ikinagagalit mo?" bored niyang sabi."I am your husband, for god sake Isla! Pero umalis ka ng walang paalam at sumama ka sa butler mo. If something bad happens to you, I will be responsible because I am obliged to you as your husband."Tumawa siya na lalong ikinainis ko."Kailangan ka pa nagkaroon ng pakialam sa akin? Don't pretend that you care about me because I know na kahit mamatay ako ngayon wala kang pakialam." seryoso niyang sabi. Naikuyom ko ang mga kamao ko at lumabas ang mga ugat ko sa leeg at ulo dahil sa sobrang galit ko sa kanya ngayon."Tama ka, wala akong pakialam sayo, pero asawa mo ako, gustuhin ko man o hindi, obligado ako sayo. Nung umalis ka, maraming naapektuhan lalo na si Isaac. Halos hindi na siya kumakain o natutulog dahil sa paghahanap sa'yo Isla. Alam mo kung ano ang nakakatawa? Ako ang asawa mo, pero ang akala ng lahat si Isaac ang asawa mo."Nagulat siya sa sinabi ko kaya natawa ako, sinamaan naman niya ako ng tingin."Anong ib
Huling Na-update: 2022-12-21
Chapter: Kabanata 14"Pumpkin are you pregnant?" Seryosong sabi ni dad Wilson.Nasamid siya dahil sa sinabi ng dad niya tuloy inabutan ko siya ng tubig. "Dad! Hindi ako buntis." Nahihiyang sabi niya at namula ang kanyang mga pisngi.“Pasensya na pumpkin kung nabigla ka sa tanong ko, alam mo namang matanda na ako, at gusto kong makita ang paglaki ng mga apo ko habang malakas pa ako (tumingin sa akin ang dad niya) Kayden, sana babae ang panganay 'nyo dahil puro lalaki ang mga anak ni Ian." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng dad niya."Dad, you're still strong, so don't talk like that. Isla and I are still young at hindi kami nagmamadali dahil gusto naming makilala pa ang isa't isa." Nakangiting sabi ko."Tama si Kayden, hindi naman kami nagmamadali kasi gusto naming magkakilala ng husto ang isa't isa, pero napag-uusapan naman namin ang tungkol sa baby. Nagpatingin na rin kami sa doktor at sinabing, wala namang kaming problema dalawa. Huwag kayong mag-alala dahil makikita 'nyo rin ang apo 'nyo soon." Gusto ko
Huling Na-update: 2022-12-16