THE WEIGHT OF THE VEIL
Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili.
Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso.
At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama.
Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
13 viewsOngoing