Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire
She's still getting married but not with her groom-to-be because she's marrying a stranger!
“Do you want to change the groom? Then... Why don’t you consider me, Miss? Marry me.”
Umawang ang bibig ni Serena sa tinuran ng lalaking kaharap. Ngayon niya pa lang ito nakilala, hindi ba? Kasal kaagad ang inalok nito sa kaniya? Ngunit kung iisipin, ay kailangan niya ng groom…
“P–Pakakasal na ako sa 'yo!” kaagad niyang tugon.
Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ng lalaking kaharap niya na siyang nagpalunok kay Serena.
“Good decision. Tomorrow, you’ll be my wife.”
*****
Bago pa dumating ang araw ng kasal ni Serena ay nahuli niya ang fiancé na si Alex at may ibang babae itong kasiping sa kasama. Ang hinayupak, talagang sa hotel room pa na kanyang binayaran ang mga ito gumawa ng kababuyan!
Imbes na humingi ng tawad ay nagawa pa ni Alex na sisihin sa kanya ang ginawa nitong kasalanan. Aminado si Serena na hindi niya pa kayang isuko ang sarili kay Alex, dahil gusto niyang mauna ang kanilang kasal. Ngunit, ito na rin yata ang senyales na tama lamang ang ginawa niya, dahil isa itong manloloko! She didn't give him a second chance, but broke up with him and found another man to marry!
Inalok siya ng isang estranghero, tanging alam niya lang sa pagkatao nito ay ex-boyfriend ito ng kalaguyo ni Alex. She agreed to marry the man named Kevin Xavier Sanchez, who turns out to be a billionaire and her big boss!
Asawa siya ng isang bilyonaryo? Hindi ba siya nananaginip lang?
“You're not dreaming, wife. Whatever I have is yours. My properties, money—everything, it belongs to you now. Do you like that, hmm?”
Kakapusin yata si Serena ng hininga! Help!
9.8104.3K viewsOngoing