Marriage Deal with the Sexy Billionaire
"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?"
Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to."
_____
Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya.
Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae.
Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito.
At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon.
Sino ang pipiliin niya?