Bon Appetit
Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal.
Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna.
Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna.
Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man.
Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito.
Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman?
Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak?
At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan?
Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
1042 viewsOngoing