Take #2: Para sa Forever
Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito.
Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya,
Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid?
Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran.
Magiging maligaya na nga ba siya?
102.0K DibacaOngoing