Manang at Pikon ( Filipino )
Red Auza
Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully.
Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin.
Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan.
Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya.
Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang.
Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa?
Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito?
Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
108.1K viewsCompleted