My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town
Mature Content!
"Do you want to divorce your useless husband and be with me instead?"
Ang baritonong boses na iyon mula sa kaniyang likuran ay nagpatinding ng kaniyang balahibo. Tila muling nabuhay ang katawang lupa ni Adeline nang marinig muli ang boses na iyon. Pumikit siya, dinama ang init ng hininga ng estranghero hanggang sa nahagip ng kaniyang tingin sa pamilyar na tattoo sa ilalim ng pulsuhan nito.
Takot ang lumukob sa kaniyang pagkatao, natabunan ang init na nararamdaman. Mabilis siyang humiwalay sa lalaki habang tinatambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa itim na mga mata ng lalaking tila lalamunin siya ng buhay.
"I-Ikaw?"
Ngumisi ang mapula nitong mga labi, "Hello, my beautiful wife. Fancy seeing you here."
***
Sa ngalan ng paghihiganti, nagpakasal si Adeline sa isang lalaking nakaratay. Ang tanging gusto niya lamang ay mabigyan ng hustisya ang dinanas niya sa kamay ng dating asawa at stepsister.
Maayos sana ang lahat kung hindi lamang siya ginugulo ng isang misteryosong lalaki na nakasiping niya sa gabi ng kaniyang kasal. Dumagdag pa ang gulo nang biglang magising ang kaniyang asawa.
Adeline was so confused but she knew she would choose the right path. Ang tama ang pipiliin niya pero isang sikreto ang biglang sumabog sa kaniyang harapan na nagpagulantang sa kaniyang buong pagkatao.
1063.2K viewsOngoing