The Billionaire's Playdate
sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama.
Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson.
Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan.
Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya.
Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.