THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE
Jade Tattoo
THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE
Promdi pero palaban.
Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema.
Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat.
She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan.
May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal?
*******
Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer:
Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga.
Nawalan ng saysay ang personal niyang dahilan kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya.
Malupit ang karmang dumapo sa kaniya.
Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang.
Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya?
****
AUTHOR'S NOTE:
Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'.
Please, bear with me.
Salamat po. 😍❤️🩹🔥
330 viewsOngoing