The Billionaire's Tender Bargain
Si Dolores Roman, 22, ay pasan ang bigat ng mundo. Siya ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid na may malubhang sakit, at dahil sa hospital bills at utang, halos hindi na siya makahinga. Pagod ‘man siya, pero hindi sumagi sa isip ang pagsuko. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid—kahit pa napakahirap.
Devon Valderama—mayaman, tahimik, at matagal nang may lihim na pagtingin kay Dolores. Lihim niyang sinusuportahan ang pag-aaral ni Dolores, at nang humiling ang kanyang lola na makita siyang masaya at may asawa bago ito mamaalam, naisip niyang ito na ang pagkakataong mapalapit kay Dolores.
Inalok niya si Dolores ng isang contract marriage: isang taon silang magpapanggap bilang mag-asawa para mapasaya ang kanyang lola. Kapalit nito, sasagutin niya ang lahat ng utang ni Dolores at gastusin sa gamutan ng kapatid. Nag-alinlangan si Dolores, pero pumayag para sa kapatid. Ang usapan: walang feelings, walang komplikasyon.
Pero habang magkasama sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Si Dolores, naantig sa kabutihan ni Devon. Si Devon, lalong minahal si Dolores. Hanggang sa bumalik ang ex-fiancée ni Devon, gustong bawiin siya. At si Dolores, nalaman ang totoo—na matagal na pala siyang mahal ni Devon, at ang kasal ay paraan para mailapit siya rito.
Nasaktan si Dolores sa katotohanang itinago ni Devon, kaya siya ay lumayo. Pero inamin ni Devon ang lahat—na totoo ang lahat ng ginawa niya dahil mahal niya si Dolores.
Sa huli, si Dolores ang bumalik—hindi dahil kailangan niya ng tagapagligtas, kundi dahil natutunan niyang tanggapin ang pagmamahal ng taong handang lumaban kasama niya. No contract and secrets - just love.