Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Your Embrace, My Sanctuary

Your Embrace, My Sanctuary

Ada Rose Cruz
Siguro nga ay na kay Amber Villacosta na ang lahat— maganda, mayaman at hinahangaan ng marami pero nagtatago ang lungkot sa kanyang pagkatao. Isang araw, nakidnap siya. Pero paano na lamang kung ang kalungkutan na iyon ay ang abductor niya pala ang papawi?Fall in love with the sweetest abductor in Town— Raiden Sta. Ana.
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vision of Death

The Vision of Death

MATECA
Hi, I'm Lauren Agustin. Seventeen years old and I lived by myself. My parents were killed right in front of me. Pero hindi ko nakita kung sino ang taong pumatay sa kanila dahil bulag ako. After my parents' death, my eyes miraculously healed. However, I started to have a vision of people's death. And then I met Luke. A guy whose death was also seen in my vision. I told him about my vision of his death but he didn't believe me. Although Luke mistook me as a crazy girl, I still tried every possible way to help him to avoid his death. Luke didn't die because of me, and later on, we developed a special feeling for each other although we sometimes bickered because he doesn't believe in me. Ginamit ko ang kakayahang ito para bigyan ng babala at mailigtas ang taong makikita ko sa aking pangitain na siyang susunod na mamamatay. Ngunit sino nga bang tao ang maniniwala sa aking mga sinasabi na hindi ako pag-iisipang nababaliw? How did I have this mysterious ability? And will I be able to find my parents' real murderer?
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love At First Night

Love At First Night

Jane_Writes
“Unang beses pa lang tayong nagkatagpo, mahal na agad kita, Terrence Anderson.” - Gillian Gomez. Matapos niyang makipag hiwalay sa kaniyang kasintahan. Pumunta si Gillian sa bar para kalimutan ang lahat. Pero ng paalis na siya sa bar ay hinaras siya ng grupo ng kalalakihan. Nang biglang sumulpot ang isang maskuladong lalaki para tulungan siya sa mga lalaking humaharas sa kaniya. Nakaramdam kaagad si Gillian ng kakaibang pakiramdam at nasabi niya sa sarili na “I like this man” . Dahil sa kalasingan at pagkahumaling sa estranghero ay ibinigay niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking iyon.Isangg umuusok na gabi na nangyayari. Pinagsaluhan nila ang isang romantikong gabi sa pagitan ni Gillian at ng estranghero. Ano ang mangyayari kay Gillian, kapag napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya? Pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakilala? O isang temptation lamang dahil sa matinding kalasingan?
8.75.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me One More Time

Love Me One More Time

SweetyRai88
Walang choice si Darine kundi tumakas. Dahil sa ipapakasal siya ng kanyang Lolo sa apo ng kanyang matalik na kaibigan. Handa niyang iwan ang lahat, pagod na rin siya lagi siyang kinokontrol ng kanyang Lolo. Ang mahalaga ay hindi siya makasal sa taong hindi niya kilala. Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa mula ng niloko siya ng unang babaeng minahal. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Dahil labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang magulang kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi siya papayag kung ano gusto ng kanyang Lolo ay masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo. Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagtagpo ang landas ni Jasper at Darine. Naglakas loob si Darine na kausapin ang binata kung pwede siya nitong tulungan. Hindi naman nagddalawang isip ang binata tinulungan niya si Darine. "Be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko," sabi niya kay Darine. Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? Paano kung ang darating ang isang araw na ang lalaking pinakamamahal ni Darine ay bigla siya nitong hindi maalala. Kung sino ba si Darine sa buhay niya? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Lalo na ibang-iba na sa dati ang pakikitungo ni Jasper sa kanya.
6.43.5K viewsOngoing
Read
Add to library
GARETT: The Lost Alpha

GARETT: The Lost Alpha

Hiraya Neith
Nang mawala ang lahat kay Garett Godfrey ay nawalan din siya ng deriksiyon sa buhay. Napasok sa madilim at magulong mundo ng underground arena kung saan buhay ang kapalit sa bawat laban. Ilang taon niyang niyakap ang kadiliman bago siya tuluyang natauhan. Muli niyang sinubukang ayusin ang sariling buhay kasabay ng pangakong hahanapin ang nawawalang kakambal. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Iris Archer. Ang kauna-unahang babae na hinayaan ni Garett na mapalapit sa kanya. Kung kailan natutunan na niyang mahalin ang babae ay saka naman niya natuklasan kung sino talaga ito. Ano ang pipiliin niya? Ang pagmamahal na gumamot sa sugat na gawa ng nakaraan o ang paghihiganti na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya si Iris?
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Trystan Lerwin Wuizon

Trystan Lerwin Wuizon

breathe.shaiy
Trystan Lerwin Wuizon is known for being a young, handsome billionaire and woman hater. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina sa ama niya. He hated her because she chose her boyfriend over him. Si Ashanti Ruiz Salazar ay anak ng isang doktor at abogado. Ang gusto ng mga magulang niya ang maging isa siyang doktor, abogado o enhinyero. Pero ang gusto niya ay ang maging isang flight attendant. Hinayaan siya ng mga magulang niya dahil akala nila ay magbabago pa ang isip ni Ashanti. Butthey found out that Ashanti enrolled in a different school just to be a flight attendant. Due to disappointment, pinalayas nila ang anak at sinabing bahala na siyang buhayin ang sarili niya. Walang kaso ito kay Ashanti dahil matagal niya na itong pinagplanuhan. She had different part time jobs para madagdagan ang savings niya. So, she'll survive. Years after, she graduated and finally reached her dream. Her batch celebrated their success at a newly opened bar. It was the grand opening kaya discounted lahat. Pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ashanti. Saya dahil natupad na ang pangarap niya at lungkot dahil hindi pa din siya kinakausap ng mga magulang niya. Uminom siya hanggang sa tuluyan na siyang malasing. Pagkagising niya kinabukasan ay wala siyang matandaan at nasa isang hindi pamilyar na kuwarto na siya habang nakahiga sa tabi ng isang lalaki nang walang kahit na isang saplot sa katawan. Dahil sa takot at kaba, agad na nagbihis si Ashanti at umalis. Hindi na siya nagpakita pa kahit kailan sa lalaking iyon. Lumipas ang ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya at ang ama ay isang estranghero para sa kaniya! Magkikita pa kaya silang muli? O mananatili na lamang isang sikreto ang naging bunga ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila?
5.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status